Five
Hehe. Trivia lang.. Di ko alam kung bakit gawain ko to noon pa, pero bawat nagvovote, comment or nag-aadd ng stories ko sa reading list, iniistalk ko. Hahaha. I dunno why. Siguro nagtataka ang subconcious mind ko kung bakit nyo binabasa story ko e mukang shunga naman hahaha. Btw, u r free to msg me anytime u want guys. Lets be friends hihi. Enjoy reading too! (Si Eunwoo po pala sa taas)
Dahyun's POV
Natauhan ako sa pagkagulat nang may pumito bigla. Napatigil din ang sigawan ng crowd at ang pagsasabunutan nila Sana. Shet. Ang disciplinary commitee pala. Patay na.
"All of you here, get back to your classes! Except you five girls, come with me in my office." Dumadagundong ang boses niya kahit pa hindi siya sumisigaw. Kaya sobrang nakakatakot talaga si Mrs. Jeon, ang disciplinary committee ng school.
Lahat ng mga estudyante ay kaniya-kaniya nang bumalik sa classroom. Nakita ko pa si Taehyung na nakatingin sa akin. Argh. Tiyak na patay na talaga ako kila mama nito.
"Come with me." Sambit ni Mrs. Jeon. Nakayuko naman akong napasunod na lang.
Nakakahiya. Nakita ako ni Eunwoo na nakikipag-away. Nakita niya siguro na ang pangit ko. Huhuhu. Ang gulo-gulo ng buhok ko at mukha akong ewan panigurado. Badtrip talaga. Kasalanan 'to ni Taehyung e. Mga lintik na fangirls na naman niya ang kaaway ko kaya ako nadadawit sa gulo. Bwisit.
Hinawakan naman ni Sana ang kamay ko at saka ngumiti sa akin na para bang pinagagaan ang loob ko. Ngumiti na lang ako pabalik kahit na naiiyak ako sa inis.
"Kasalanan niyo 'to e. Mga malalandi kasi." Rinig kong pasaring ng isa sa kanila. Tsk. Inyong-inyo na si Taehyung. Lamunin ninyo. Saksak mo na rin sa baga mo.
"I don't want to hear any nonsense from all of you. Shut your mouth and just follow me in my office." Masungit na sabi ni Mam. Bleh. Buti nga napagalitan. Hmp.
Nang makarating kami sa office, katakot-takot na sermon ang inabot namin. Nakita rin sa CCTV ang lahat ng pangyayari kaya kahit anong paninisi or pambibintang nung tatlong payaso samin, walang epekto. Nahuli pa silang nagsinungaling kaya mas pinagalitan sila. At bilang kaparusahan, nasa detention kaming lima ng isang oras. Maglilinis kami sa school for a week. Pinagsama kami ni Sana at pinagsama naman yung tatlo para wala ng away na maganap pa.
Maglilinis silang tatlo sa mga restroom, classroom, auditorium, lobby at hallway ng school samantalang kami ni Sana ay sa gym lang every after class. Mas marami ang lilinisin nila kasi sila ang pasimuno ng away. At ang mabuting balita, hindi na nila ipinaalam pa sa mga magulang namin kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
--x x--
Taehyung's POV
"Hi. Excuse me po. Nasaan si po Minatozaki Sana?" Tanong ng isang lalaki sa akin. Nasa may pintuan lang siya at ako ang napagtanungan niya dahil malapit lang ako sa pinto. Sa pagkakaalam ko, ito ang boyfriend ni Sana.
"Ikaw ba yung boyfriend ni Sana? Kanina kasi nakita ko siya sa labas at nakikipag-away. Nahuli sila ni Mrs. Jeon at nasa office sila ngayon." Sabi ko na lang. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya alam? Eh halos lahat ng estudyante nandon at nakikiisyoso.
Hanggang ngayong lunch ay wala pa yung dalawa. Baka nasa detention sila. Anong oras na at di pa sila kumakain.
"Ganon ba? Kumain na kaya yun? Hay nako Sana." Narinig kong bulong niya.
Tumayo na lang ako at nilapitan siya. "Bibili ako ng pagkain para sa kaibigan kong nasa detention din, ikaw ba?"
Agad naman siyang tumango na lang at sabay kaming nagpunta ng cafeteria. Nagpresinta na lang din ako na ako na ang magbibigay ng pagkain ni Sana dahil kaklase ko naman siya. Pumayag naman siya agad at nagpasalamat.
--x x--
Dahyun's POV
Pagkatapos ng detention namin, pumunta na kaming dalawa sa next class. Hindi kami nakakain ng lunch. Kailangan na kasi namin pumasok at napa-absent na kami sa isang subject namin. Kung minamalas ka nga naman talaga oh.
Pagkarating namin sa classroom, maingay sila, wala pa pala ang teacher namin. Hay. Buti naman. Kaso gutom na ako huhuhu.
Nauna akong makaupo kay Sana dahil malapit lang naman sa pinto ang upuan ko, pero bago makalampas si Sana samin, may inabot si Taehyung sa kaniya.
"Pinabibigay ng boyfriend mo." Sabi ni Taehyung. Agad naman napangiti ng malaki si Sana. "Omg! Huhuhu I love you so much Markiepoop!" Nagtatalon pa si Sana na parang tanga. Ay gagita talaga.
"Dahyun! May pagkain na! Tara kumain ka na rin. Share tayo hihi." Pag-aaya ni Sana. Tatayo na sana ako sa pwesto ko para doon kami ni Sana kakain sa pwesto niya kaso hinarang ni Taehyung ang kamay niya sakin.
"'Wag na Sana. Meron din naman siya."
"Hm. Okay. Sige punta na ko sa upuan ko." Sana giggled at him at parang batang nagtatatalon habang naglalakad siya paalis.
"Oh. Pagkain mo." Sabay lagay ni Taehyung ng pagkain sa desk ko.
"Kanino naman to galing?" Tanong ko.
"Daming daldal. Kainin mo na lang." Binigyan ko lang siya ng tingin ng pagdududa.
"Ayaw mo ba? Sabihin mo lang, itatapon ko na."
"Sayo to galing? Nako. Baka naman nilagyan mo to ng gayuma ha?"
"Hahahaha. Kahit di ko lagyan ng gayuma yan, alam ko naman na patay na patay ka na sakin noon pa." Yabang ng unggoy na to. Asa naman siya duh. Inirapan ko na lang siya.
"Kthanks." Mabilis na sabi ko. Di ako makapaniwalang pinasasalamatan ko ang unggoy na 'to.
"Hindi uso thank you sakin. May bayad yan."
"Okay. Magkano ba?" Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko nang sabihin niyang..
"Hindi pera bayad niyan. Kiss mo ko dali. Bayad ka na hahaha." Pang aasar na naman niya. Ogag talaga.
"Bahala ka diyan." Sabi ko na lang at kumain na. Baka mamaya diyan dumating na teacher namin, di pa ako nakakakain.
--x x--
Cleaning duties hays. Uwian na kaya naman magkasama na kami ni Sana papunta sa Gym.
Inuna namin yung sa mga bleachers at nagpulot ng mga kalat. May hawak lang kaming tig isang sako ni Sana para magpulot.
Nasa right side siya at nasa left side naman ako na bleachers. Magkalayo kami ni Sana kaya walang kwentuhan na naganap. Pero shet, ang sakit sa likod magpulot ng kalat ha. Mga balahurang estudyante. Hindi marunong magtapon ng basura nila. Bakit pa nila kailangan iwan yung mga basura nila dito sa upuan e pwede naman pagkalabas nila ng gym, may tapunan don. Ang tatamad. Kung ayaw nila itapon ang basura nila, sana lunukin na lang din nila para wala ng kalat. Nag-aaral naman sila sa magandang paaralan. Tsk. Pinapahirapan nila yung mga taga-linis ng school e.
#notokalat
#lunukinangkalat
#cleangreen
#cleanyourownsht
Pagkatapos namin sa bleachers, inayos na lang namin yung mga bola at nilagay sa tamang lalagyan. Panay reklamo kami ni Sana dahil sa sakit ng likod namin pagkatapos namin maglinis.
"Magma-mop pa tayo Dahyun huhuhu. Ayoko naaa." Reklamo ni Sana. Parehas kami unupo muna sa ilan sa mga bleachers para magpahinga.
Naalala kong hindi ko pa naitetext sila mama na late ako uuwi, shet! Baka nag-aalala na 'yun. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at may messages pala ako galing kay Taehyung at dalawang missed call. Ang isa naman ay kay mama.
Una kong binasa ang kay mama.
From: Mama
3:50pm
Anak. Wala kami ng daddy mo sa bahay okay? Sabay ka muna kay Taehyung. Sunduin ka namin ni Daddy mo sa bahay nila after namin dito sa office. Take care anak. Ingat kayo.
5:27pm
Okay po ma. Love you ❤️
Kasabay ko na naman pala ang unggoy hay nako. Binuksan ko naman ang message ni Unggoy.
From: Unggoy
4:46pm
Hoy! Nasaan ka ba? Bigla-bigla ka na lang lumalayas.
4:59pm
Nasa classroom lang ako. Intayin kita dito.
5:04pm
Nvm. May mga abnormal na babae ditong patay na patay sakin. Hanapin kita. Saan ka ba?
Hoy. Magreply ka nga.
Yan na yung last text. Rereplyan ko na sana ng bigla na lang tumawag ang unggoy. Potek. Muntik ko na maihulog yung cellphone ko sa gulat.
["Hello?! Nasaan ka ba?! Kanina pa kita hinahanap!"]
"Chill. Nasa gym ako. Punishment sa pakikipag-away daw namin."
["Ge. Punta ko diyan."]
Sasagot palang sana ako nang pinatay niya ang tawag. Bastos neto. Sapakin ko 'to e.
Napatingin ako sa oras. 5:30 na pala. Ang ungas ay ang tagal na palang naghahanap sakin. Tangengot amp. Hahaha.
"Hoy. Bakit ka ngumingiti diyan?" Tanong bigla ni Sana. "Abnormal ka kasi. Tara at magtapos na. Pagod na ko. Gusto ko na talaga umuwi." Sabi ko na lang at tumayo na. Tumayo na rin siya.
"Papunta si Mark dito. Tulungan niya raw tayo maglinis. Kanina pa pala siya nga iintay sakin huhu. Ang cutie niya talaga." Sabi niya at speaking of the devil.. Dumating na rin si Mark.
"Sana babe!" Tawag ni Mark mula sa malayo at tumakbo na papunta samin.
"Edi ikaw na may boyfriend." Lakas magpainggit ng dalawang 'to. Sipain ko sila e.
"Hoy abnormal na babae!" Sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Takte ka Taehyung.
"Ayie. Dumating din ang boyfriend niya." Pang-aasar ni Sana. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Yuck Sana. Ew."
"Siya pala katawagan mo kanina ha~ kaya pala todo ngiti e."
"Manahimik ka nga. Asa ka naman no."
"Hahahahaha."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top