Chapter 7- Edited

Reese

Maaga akong nagising at parang gusto kong matulog ulit.

Bakit?

May unexpected visit kami sa hindi inaasahang tao.

"Diba sabi ko sa inyo, huwag kayong magpapapasok hangga't walang permiso mula sa akin o kay Ashton?" Kaharap ko ang mga naatasang gwardya sa gate.

Pinapasok niya ang babaeng minsan ko ng nakaagaw kay Ashton at ngayon ay prenteng prente na nakaupo sa living room ng bahay namin. Ang asawa ko naman ay tulog pa din hanggang ngayon, ayaw ko siyang gisingin at baka bigla siyang lapitan ni Leonora.

Ilang taon na din siyang hindi naligaw o nagparamdam sa amin. Bakit pa siya bumalik?

Business partners pa din naman ang mga magulang niya kina Daddy pero napagkasunduan na ng magkabilang panig na hindi na siya mangingialam o lalapit pa sa amin ng asawa ko.

"Sorry po, Mrs. Boss. Nagpupumilit po talaga siya. Ligtas naman po siyang papasukin dahil wala siyang dala na armas." Nakayuko niyang sagot.

Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok ng bahay.

Naabutan ko naman siyang umiinom ng tsaa habang naka de kwatro at seryoso ang kanyang mukha.

"I want to talk to your husband, Reese."

"Stop talking like you have the right to even see him."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"I admit, I still love your husband. But I came here to talk about a serious matter and you can't stop me. Just call him, will you?"

"Nasa pamamahay ka namin kaya huwag kang magsasalita na parang ikaw pa ang may kontrol sa sitwasyon."

"Bitch as ever huh? Why don't you show me the real you, it's not as if hindi kita papatulan."

Huling balita ko sa kanya ay pinatapon siya sa ibang bansa upang magtino.

"I am me, baka ikaw ang may tinatago pa?"

"Just call him! Tsk. Stop wasting my time, will you? Mas mahal pa sa buhay mo ang oras ko."

"Sigurado ka ba diyan? Balita ko wala ka ng karapatan na makita pa ang asawa ko." Gusto ko siyang suntukin pero nagpipigil ako.

"Fuck you! Pwede ba?! Hindi ako mag-aaksaya ng oras ko kung sa tingin mo ay lalandiin ko lang din ang asawa mo! Tumutupad ako sa usapan, okay?! Just call him and this nonsense conversation is done! It's not as if ikamamatay mo ang makitang kausap ko siya ng ilang minuto lang?!" Napatayo na siya at halos sugurin niya na ako.

Wala akong pinakitang ekspresyon sa mukha ko at bigla naman siyang kumalma.

"Alam mo? Bwesit ka! Kakausapin ko lang siya, okay? At walang modo ang asawa mo sa ibang babae kaya huwag ka ng mag-expect na tatratuhin niya ako ng maayos. Ngayon, pwede ko na ba siyang makausap?"

Walang modo sa iba? Pero paano kapag si Aphrodite ang kaharap niya?

Pinaalala pa niya sa akin ang isang 'yon.

"Ano ba ang kailangan mo sa kanya?" Usisa ko.

"The fuck do you care? It's just between me and your husband."

"Paano kung palayasin kita ngayon mismo?" Hamon ko.

Humalukipkip siya at tinaasan na naman ako ng kilay.

"Look, this is really a fucking important matter! Tatawagin mo siya, o sisigaw ako?"

Hindi ko siya sinagot o kinontra.

"Sumisigaw ka na, Leonora."

"Whatever." Itinirik pa niya ang kanyang  mga mata, "Now what?! Tititigan mo na lang ako?!"

Tinawag ko si Aiko at inutusang gisingin ang asawa ko na hanggang ngayon ay siguradong himbing pa din sa pagtulog.

Ilang minuto pa at bumaba naman siya na humihikab pa at parang nawala ang antok ng makita niya si Leonora.

Nagseryoso ulit ang babaeng kaharap ko at parang nagpipigil siya. May kung ano sa mga mata niya na tinatago ang mga iyon.

Umupo siya sa kaharap ng sofa na inuupuan ni Leonora.

"What are you doing here?" Ashton

"We need to talk." Binalingan niya ako, "Pwede ba? Umalis ka muna."

"Don't treat my wife like that, baka hindi ka na lubugan ng araw dito." Matigas na banta naman sa kanya ng asawa ko.

"Kasalanan niya din naman kung bakit natagalan pa ako dito. Nagmamadali din ako, okay? At wala siyang karapatan na marinig ang pag-uusapan natin." Bakit nga ba? Kanina pa siya galit. Ngunit lagi naman siyang bad mood kapag ako ang kaharap niya.

At inamin niya din kanina lang na mahal niya pa din ang asawa ko. Kahit kelan, hindi ko siya pinagkatiwalaan. Baka kung ano pa ang gawin niya kay Ashton.

"She will still know about it kaya sabihin mo na." Ashton

"Ano ba?! Ikaw lang ang kakausapin ko, okay? Ang aga sinira niyo na ang mood ko, gosh!" Siya pa ang nagrereklamo? Siya na nga ang sumugod dito ng biglaan kahit alam niyang lumabag siya sa usapan ay siya pa ang galit ngayon.

Ano ba ang inaasahan niyang pagtrato ang ipapakita namin sa kanya?

"Fuck you, bitch. You came here without even asking permission or informing us. And now you're expecting like we will treat you nice? Damn it! Huwag kang magsasalita na parang hindi pambabastos ang ginawa mong pagsugod dito!" Hinawakan ko si Ashton sa braso.

Mukhang masama ang gising niya at dinagdagan pa ito ni Leonora.

"Okay! Okay! Magsasalita ako ng maayos, basta huwag makikisali sa usapan ang asawa mo. Pwede?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Maghahanda lang ako ng almusal." Tumayo na ako at akmang aalis ng pigilan niya ako sa braso.

"Vhon, hindi ka naman mamamatay kung aalis saglit ang asawa mo." Leonora

"Tss. Whatever it is, siguraduhin mo lang na may kwenta ang sasabihin mo." Ashton

Lumabas sila ng bahay at doon sila sa pool nag-usap. Hindi ko sila masyadong marinig. Nung una ay sumisigaw pa si Leonora pero bigla naman siyang tumahimik.

Ano kaya ang ipinunta niya dito? Bakit hindi ko pwedeng malaman?

Nagluto ako ng almusal at pinabayaan ko sila doon.

"Mrs. Boss?" Tawag ni Aiko sa akin.

"Ano 'yon?"

"Baka po gusto niyo ng may kausap dito?" Nilingon ko siya at ngumiti ng pilit.

Pansin ko lagi na halatang pilit ang ngiti ko sa salamin, at kapag nakaharap ako sa ibang tao. Pero kapag si Ashton na, kusang gumaganda iyon. Totoo at walang halong pamimilit.

"Huwag na, okay lang naman ako."

Yumuko siya at umalis din.

Magiging problema pa kaya ulit namin si Leonora? Ano ba talaga ang pakay niya sa asawa ko?

Dapat ko na bang bantayan ang asawa ko? Bumalik ang babaeng iyon ng walang pasabi, baka agawin niya din sa akin si Ashton?

Pagkatapos kong magluto ay umakyat muna ako ng kwarto.

Napatingin ako sa salamin.

Sa ilang taon na din ang lumipas at marami ang pinagbago ni Leonora. Gumanda siya, pero mas sumama ang ugali niya. Tumangkad siya, tumangkad din ako. Mas balingkinitan​ na siya kesa sa akin at gumanda pa lalo ang boses niya.

Ako kaya? Maganda pa ba ako sa paningin ni Ashton? Paano kung akitin siya ng babaeng 'yon?

At si Aphrodite. Hindi pa din ako makampante hangga't hindi siya nawawala sa mga landas namin.

May tiwala ako sa asawa ko na hindi siya basta basta magpapaagaw. Pero ang sabi nina Mama, kahinaan ng lalaki ang babae.

Ako ang kahinaan ng asawa ko, pero paano kung makuha siya sa akin?

He's my strength, yet, he's also my greatest weakness.

Papatayin ko ang lahat ng susubok na agawin siya sa akin.

"Hey, sweetheart. Bakit nandito ka?" Nilingon ko siya at ngumingiti na siya sa akin.

"Pangit ba ako?"

"What's with your question, wife?" Lumapit siya sa akin at tinitigan namin pareho ang repleksyon ko sa salamin, "You are perfect, okay?"

Bakit hindi pa din gumagaan ang loob ko sa sinabi niya?

Kumunot ang kanyang noo at niyakap ako mula sa aking likod.

"You're not jealous again, right?" Ipinatong niya ang kanyang baba sa kanang balikat ko.

"Hindi ko alam. Gumanda si Leonora-"

"Shh. She's nothing, okay? Stop thinking too much, stop comparing yourself to others. Nagmumukha ka ng praning, alam mo 'yon?"

Praning? Ibig bang sabihin nun nagiging baliw ako?

"Mababaliw ba ako dahil dun?"

"Haha! Nope. Sa akin ka lang dapat baliw, okay? Just be confident that I'm your husband, sweetheart. Don't you trust me?"

"Tiwala ako sa 'yo."

"Good. Bumaba na tayo at mag-almusal. Gutom na ako at baka makain kita dito mismo." Napangisi na naman siya.

"Gusto ko lagi kang ganyan, Ashton. Mabait na... Na medyo manyak." Napayuko ako sa aking sinabi.

"Haha! Talaga? That's great, wife! A sample of my upgraded self version! And I love your honesty, sweetheart. So shall we?"

"Okay."

Bumaba kami at nag-almusal sa dining. Marami ang mga sinabi niya, lalo na ang tungkol sa mga negosyong pupuntahan niya sa ibang bansa.

"Ano ang pinag-usapan niyo ni Leonora?"

"Hmm. She wants me to help her."

"Ano'ng tulong?"

"Pinag-iisipan ko pa naman kung tatanggapin ko ba, sigurado naman akong hindi ka papayag."

"Bakit?"

"She's into someone."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya ng malapad.

"That brat is in love with someone else, wife. Finally, hindi niya na tayo bubulabugin. Kapag natulungan natin siya."

"Pero sinabi niya kanina lang na mahal ka pa niya."

"Sabi niya din sa akin. Hindi niya alam pero ayaw niyang mawala ang lalaking 'yon. She's confused."

"Pero bakit humihingi pa siya ng tulong sa 'yo?"

Huminga siya ng malalim at inilagay niya ang kanyang mga kubyertos sa plato.

"Her problem is not that easy, wife. The guy is Aphrodite's slave."

Si Aphrodite pa din?

Dapat ba talagang umabot sa punto na mapatay ko siya ng mawala na siya at hindi na siya mabanggit pa ng asawa ko?

"Then say no."

Madaling sabihin.

"Don't you feel pity for her?"

"Ano ba ang awa?" Is that the way how you make sympathy to others?

Empathy?

She's a threat, she doesn't deserve it.

"You're not as numb and heartless like you were eight years ago, sweetheart."

Manhid pa din ba ako?

Mahirap din ang pag-aralan ang ekspresyon ng isang normal na tao. Kaya hanggang ngiti lang ako, ni minsan kahit isang beses ay hindi pa ako nakakatawa.

Hindi ko pa naranasan ang tumawa sa kahit anong paraan, ni hindi nga ako marunong ngumisi.

I wanted to sound sarcastic whenever I want to. I want to mock those women that's trying to butt in to our relationship. I wanted to shout when I'm not in the mood but I just can't dahil hindi lang ako ang maaapektuhan.

"Oo, pero ayaw ko pa din sa kanya. Noon man o ngayon."

Nakatitig lang siya sa akin.

Ipingpatuloy ko ang pagkain ko habang siya naman ay napapaisip.

"I'll talk to Aphrodite, is that fine with you?"

"Bahala ka."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa kamay.

"Wife, just this once. I promise, kakausapin ko lang siya."

"Don't get home late and drunk. Kapag umuwi kang lasing, sa labas ka matutulog."

Hindi ako nagbibiro, at alam niya na gagawin ko kapag sinabi ko.

"Aye aye, captain!"

*******

"I'm leaving, wife. And again, I won't drink. I'll get home early." Inayos ko ang kwelyo ng blue polo shirt niya.

Ayos na ayos talaga siya.

Nakapantalon, polo shirt, sapatos at relos. Though it's his usual attire, ayaw ko pa din na nag-ayos siya ng ganito para lang sa babaeng 'yon.

"Party bukas, the next day will be my flight." Dagdag pa niya.

"Hindi naman ako makakalimutin, Ashton."

"I know, sweetheart. I have something important to tell you."

"Ano?" Tinignan ko ang kabuuan niya and he's ready to go.

Matipuno pa din at makisig.

"I love you."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mahal din kita. Mag-iingat ka ha."

"Sure."

Hinawakan niya ako sa mukha at ginawaran ng isang matamis na halik.

Ipinagdikit niya ang aming mga noo habang nakapikit pa din siya.

Nakangiti siya, isang malambing na ngiti.

"Sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo, nagseselos na ako minsan sa bahay natin. Haha! I know I sound immature but I just can't help it."

"Bahay natin 'to, Ashton. At hindi niya naman ako maaagaw sa 'yo."

"I know, sweetheart."

Bago siya umalis ay binilinan niya pa ako na huwag lalabas ng bahay at hintayin ko ang pag-uwi niya.

Nakakatuwang isipin na seloso talaga siya kahit sa maliliit na bagay.

Ang swerte ko sa aking asawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top