Chapter 6- Edited
Vhon
When it comes to her. I don't care if I sound like a pervert or a total maniac, a slut or manwhore because of the way I talk. Just to her.
I know her very well. Haha!
Alam ko naman na sobrang lakas ng epekto ko sa kanya. She loves me too much. Na kahit alam ko naman sa sarili ko minsan na ako ang may kasalanan ay siya pa din ang mahinahon.
She's always calm, and peaceful. Well, the fact that she's not as normal as I am. And that she can't raise her voice is a factor why she needs to control her emotions.
"Hey. Affected much?" Tawag ko sa kanya. Mas sineksihan ko pa ang boses ko sa pagbulong ko ulit sa kanyang taenga. The usual her, kapag may nasabi akong kakaiba ay iiwas lang siya ng tingin at tatahimik.
She never blushes. She's always as pale as ever. She doesn't wear any make-ups or lipstick. Her simplicity is so attractive than any other woman I use to interact with in the office.
She really is a perfect figure for a wife. Plain and simple, but never boring.
"Hindi. Tapusin na natin ang pagkain at umakyat sa taas."
"What do you mean, sweetheart? Gusto mo kaagad ng sample? Naah. I still need time to upgrade. Don't I?" I really love teasing her.
"It's.. it's not what I mean, okay? Maghahanda tayo-"
"We will make a baby? We can do that every night, sweetheart." Hinalikan ko ang gilid ng taenga niya at doon siya natigil sa pagsubo.
"Hindi tayo matatapos dito kung ipagpapatuloy mo ang iyong ginagawa."
"Wala naman akong ginagawa ah." Deny ko.
"You are seducing me, Ashton."
Honestly. I'm full. Nabusog ako pagkakita ko pa lang sa kanya na suot pa din ang white polo shirt ko. Gustong gusto ko ang makita siyang suot ang mga damit ko. She's so sexy and captivating. It's like my senses are getting tripled kapag ganito siya.
How her pale skin praises her fine, thin lips move when she's talking. How her body is screaming for me. I'm in control. I respect her too much. That's how I love her.
"I'm not, sweetheart."
"Okay." Kapagkuwan ay uminom siya ng tubig, "Nasabi sa akin ni Aiko ang dress code sa mga babaeng employees sa floor ng main office mo."
"Oh that?"
"Bakit mo 'yon ginawa?"
"Kahit alam na nilang lahat na mag-asawa tayo, they keep on revealing themselves too much. Hindi ko na sana papansinin pero may mga desperada na nagpaparamdam minsan. No worries, sweetheart. One bad move, and they're fired." Nag-wink ako sa kanya at tinapos na ang pagkain ko, "Why don't we hire a maid?"
Inaasikaso niya na nga ako, dagdag pa ang gawaing bahay sa mga trabaho niya. Call me selfish but sometimes, I'm jealous of our house. Inuuna niya pa ang almusal ko, ang paglinis ng bahay, paglalaba, pag-aayos ng mga gamit at ang kusina.
I want her attention, her full attention. Hindi 'yong pati ang mga gawain dito sa bahay ay inaasikaso pa niya.
She cleans the whole house every Saturdays. Every Sundays, nasa garden naman siya. Lahat ng mga bulaklak na siya din mismo ang pumili at bumili inaalagaan niya. Next is the pool.
Can't I have her time for the whole weekends and weekdays? Like 24/7? I'm his husband! Tss.
But it's okay. Sobrang independent niya at nakaka-proud 'yon. My perfect wife.
"Ayaw mo ba ang magselos ako? O hindi pa ako appealing masyado sa paningin mo?"
Halos maibuga ko ang tubig na kakainom ko pa lang.
What the fuck?
Her jealousy is so damn lovable! Okay. Corny.
Naalala niya ang sinabi ni Aiko pero hindi niya inalala ang sinabi ko na mag-hire kami ng katulong.
"No. I just want them to respect themselves, sweetheart. It has nothing to do with you, okay?"
Kung sa karisma at kaseksihan, wala pa sila sa kuko pa lang ng asawa ko. Tumangkad pa siya lalo ngayon, nasa 5'8 or 5'9 na siya. Mas mahaba ang sobrang itim na buhok niya na hindi niya kayang ipusod. Ako pa ang gumagawa nun sa kanya. Her body is incomparable, walang wala ang katawan ng mga babae sa FHM at mahihiya ang mga supermodels na tumabi sa kanya.
I never allowed her to wear a swimsuit or bikini, kailangan may suot siyang malaking size ng damit dahil ayaw ko na may makakitang iba sa katawan niya. Her body is very exclusive for my eyes only. Pumapayag lang ako na magsuot siya ng revealing na damit kapag nandito sa bahay.
I don't even allow the guards here to look at her kapag naliligo siya sa pool.
"Okay." She plainly replied.
"You're not jealous about it, right?"
"Hindi naman. Saan ba sila kompara sa akin?" She's not confident. She's saying it like she's stating a fact, a statement.
"They're no one. Nothing compared to you, sweetheart." Natapos na din siya sa pagkain at iniligpit na namin ang aming pinagkainan. Tinulungan ko siyang maghugas ng plato.
Nagpahinga lang kami saglit at naghanda na.
This day is called a date. We deserve this!
*******
Reese
Busangot ang mukha niya kaninang pagpasok pa lang namin ng sinehan kahit hanggang ngayong nakalabas na kami ay mas lukot na ang mukha niya.
"Ashton, umuwi na lang tayo." Nakakapit ako sa braso niya sa kanan.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang kami sa paglalakad.
Maraming tao ngayon ang nandito sa Mall dahil kabila't kanan ang sales and promos na pakulo ng mga shops dito.
Lahat ng nakakasalubong namin ay napapangiti at impit na napapatili habang nakatingin sa kanya. Ang iba naman ay napapailag. Galit siya at kailangan niyang makalma.
"You don't have a phone yet, right?" Tumigil kami sa harapan ng isang glass wall. It's a phone and accessories shop.
"Oo. Pero binigay ko kay Aiko ang nasira ko kahapon. Sorry."
"You don't have to say sorry, kasalanan ko din naman. At kasalanan ko din ngayon kung bakit ka nilapitan ng mga gunggong na 'yon." The Mafia boss himself is being jealous and possessive again.
"Okay lang, huwag mo na silang isipin."
Pumasok kami sa shop at nagtingin tingin ng cellphone na nakadisplay doon.
"Tss. Binastos ka nila. I'm your husband and I think, kahit sino naman ang nakakita ng ginawa nila ay magagalit. They can abuse or harras any woman, but they should know that I don't allow you to be treated that way. I just want to strangle their necks and kill them when I saw what they did to you, sweetheart."
Hinapit niya ako sa bewang at naglibot libot pa kami sa loob.
Habang pumipila siya para sa ticket naming dalawa, ako ay nasa gilid ng entrance. Madami kasi ang nakapila kanina at ayaw niyang pati ako ay makisabay pa sa kanya kaya napagpasyahan namin na hihintayin ko na lang siya na matapos.
Three men came in front of me. Parang mga taong kalye. Gusto nilang tanungin ang pangalan ko pero hindi ko sila inimik o pinansin man lang. Then the guy from my right held my wrist, hinatak niya ako pero pinigilan ko siya hanggang sa dalawa na sila sa kabila ko ang humahatak sa akin.
Ang lalaki naman sa gitna ay nagsasalita at pinipilit akong sumama sa kanila. Later on, nilapitan niya kami at sinita ang mga lalaki.
Namumula na siya sa galit pero kinalma ko siya. Nakakuyom na ang mga palad niya nun. Nanlilisik pa ang mga mata niyang nakatingin sa mga kamay ng lalaking nakahawak sa akin.
"Next time, I won't let you stay in the side. Tsk. They really made me, almost, go insane. Masyado bang maikli ang suot mo? Remind me next time to not allow you wear that one." Tukoy niya sa dress na suot ko. Body hugged na sleeveless at above the knee. Stripes na blue and white.
"Sakto lang naman 'to sa akin."
"Kung bakit ba naman kasi ang lakas ng appeal mo, tapos yung dibdib mo pa. To add your perfect body. Tss. My jealousy can kill anytime, wife."
Ano ang magagawa ko? Ganito na talaga ang pangangatawan ko kahit hindi ako nag-eehersisyo o umiinom ng slimming pills.
"Kumalma ka lang."
"Okay. Lumabas na lang tayo dito, wala akong makita ng katulad sa dati mong cellphone."
Magkahawak kamay kaming umalis ng shop at sunod naman kaming pumasok sa isang boutiqe? Clothing store.
"Ano ang gagawin natin dito, Ashton?"
"This is a famous shop. Alejandro's Mom owns this. Maghahanap tayo ng susuotin mo sa pupuntahan nating party the night before my flight to Hawaii, sweetheart."
"Ano'ng party?"
"Mario's parents are inviting us. It's their 25th wedding anniversary, sweet."
"Ganun ba."
"Hmm. Miss, find her a decent dress. Huwag yung masyadong revealing, okay?" Tawag niya sa isang sales attendant.
"Yes, Sir. Dito po tayo, Ma'am." Magiliw niyang sagot at giniya ako papunta sa mga damit na nakasabit sa hanger.
Lahat ay maganda sa aking paningin.
"Asawa niyo po ba si Sir, ma'am?" Tanong niya sa akin.
Nilingon ko ang asawa ko at nakangiti niya akong tiningnan pabalik.
"Oo."
"Ang swerte niyo po. Hihi. Alam niyo bang sobrang ilap 'yan dati sa kababaihan? Ni hindi nga nagsasalita eh." She giggles with what she said.
"Kilala mo siya?"
"Oo naman po, kapatid niya ang nagpapasok sa akin dito. Pasalamat nga ako at tinanggap ako nina Sir Mario eh."
"Ilang taon ka na?" Vhien took her in. Baka girlfriend niya ang babaeng ito?
"Nineteen po, undergraduate student ng accountancy."
"Bata ka pa para magtrabaho."
"Nag-iipon po ako upang makabalik ako sa pag-aaral."
She looks smart.
"Kaya kang paaralin ni Vhien kung gugustuhin niya."
Bigla namang lumukot ang mukha niya sa pagbanggit ko ng pangalan ng kapatid ng asawa ko.
"Nakakahiya po. Hehe. Atsaka, sobra na ang naitulong niya sa akin. Vhien Aries is the kind of guy every woman looks up to. Pero wala akong tiwala dun eh."
"Bakit naman? Mabait siya at maaasahan."
"Loko kaya 'yon, wala pang modo. Hindi man lang namana ang kabaitan at pagiging seryoso ng asawa niyo. Nakakainis ang mga katulad niya! Ah. Hehe. Huwag niyo akong isusumbong sa asawa niyo ha?" Humagikgik na naman siya.
Bitbit ang mga napili kong damit ay nagsukat ako ng damit sa dressing room.
Laging lukot ang mukha ng asawa ko kaya in the end, wala kaming nabili.
Lumabas na naman kami ng shop ng walang bitbit. Para lang kaming nag-window shopping.
Mukha pa din siyang galit.
"Ashton?"
"Hmm?"
"Galit ka pa din ba?"
"Hindi."
"Okay."
"Let's just go home, shall we?" bigla niyang yaya
"Sige. Pero ano naman ang gagawin natin sa bahay?"
Day off niya kaya dapat ay mamasyal kami. Hindi pa din yata nawawaglit sa utak niya ang nangyari kanina.
"Massage me, wife. And, if you know what I want."
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Iba na naman ang ngisi niya. Hmm.
"Pagod ka ba?" Masakit siguro ang ulo niya, kanina pa siya panay hawak sa kanyang sentido.
"A bit. At ikaw lang ang makakapagtanggal nito." Hinalikan niya ako sa pisngi habang nasa gitna ng daan at papunta sa kotse.
Umuwi kami ng bahay at dumiretso sa kwarto. Minasahe ko siya hanggang sa nakatulog na.
Habang himbing siya sa pagtulog ay pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Wala na talagang makakapantay sa kanyang kakisigan. Para siyang anghel habang natutulog.
Araw araw ay pinapasaya niya ako, kahit minsan ay sumasama ang loob ko at hindi kami masyadong nag-uusap. Hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kanya sa tuwing nagkakasamaan kami o nagkakatampuham.
Sa iba ako magtatanim ng galit, lalo na kay Aphrodite.
Gagawin ko ang lahat, mailayo lang siya sa babaeng 'yon.
Hindi ako makapapayag na maagaw sa akin ang asawa ko.
"Hey. Come here, sweetheart." antok niyang tawag
"Bakit, Ashton?"
"I missed you, wife. Sleep here beside me, please?"
"Maghahanda pa ako ng hapunan natin." Tinabihan ko siya at agad niya akong niyakap.
"You can eat me if you're hungry, wife. I won't mind at all."
"Ayaw ko."
"Hmm. Maya na tayo maghanda, hapon pa lang naman."
"Sige."
Mas dumikit pa siya sa akin.
"I want to tell you something, wife." Bulong niya.
"Ano?"
"Lagi mo akong ginigising. Haha." Mahinang niyang tawa.
Tumalikod ako sa kanya at nangingiting ipinikit ang aking mga mata.
He's waking up my senses too, if only he knew.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top