Chapter 48- No Proofread
*******
Sumikat ang araw kasabay ng pagsibol ng panibagong pag-asa sa puso ng bawat isa.
Umuusok pa ang kanyang likod nang tuluyan silang malapitan ng kanilang mga magulang. Lugmok ang mag-asawa sa buhangin at parehong walang malay.
"Prepare the chopper! Call the hospital! This is code red!" Sigaw ni Zander na nagpakilos sa lahat.
"Reese, anak?!" Nagkukumahog ang mag-asawa na mahawakan ang anak. Niyugyog siya ni Beth ngunit nanatili siyang walang malay.
Hinawakan siya sa leeg ni Hideo upang mapakinggan ang pulso, "Pahina ng pahina ang pulso niya, kailangan natin siyang madala sa ospital!" Hinawakan niya si Zander sa balikat, "Pakiusap, gusto naming maisama si Reed sa chopper."
Binuhat niya ang anak at si Vhon naman ay pinagtulungan ng mga elite na maisakay sa chopper.
Bago tuluyang makasakay si Zander ay hinarap niya si Aiko. Sa ingay ng chopper ay lumapit siya sa taenga nito, "I only have one last order for you, Aiko. I want you to give this order to all our men."
"Ano yun, Big Boss?" Magalang na tanong nito sa kanya.
"Burn the bodies. Cut their heads off. I don't care what method you'll do as long as there's no survivor left. Ayokong malaman-laman na may namatay dito at nabuhay na naman. Nakakasawa na ang paulit-ulit na cycle ng paghihiganti sa pamilya ko."
Tumango ito, "Masusunod, Big Boss."
"Isakay niyo na rin ang bangkay ni Reed sa chopper nina Hideo."
Sumakay si Zander sa chopper kasama ang anak habang ang pamilya nina Hideo ay nasa isa pang sasakyan. Kagaya ng kanyang utos ay naisakay si Reed na isinilid sa itim na bag.
Nang umangat ang chopper ay nakahinga siya ng maluwag. Sinipat niya ang pulso ni Vhon at napanatag na ligtas ang kanyang anak. Stable ang heartbeat nito at banayad ang paghinga.
Si Reese naman ay tuluyan nang bumalik sa normal ang mukha at balat. Kinumutan siya ni Hideo gamit ang isang tuwalya habang kandong ni Beth sa kanyang mga binti. Mangiyak-ngiyak ang kanyang ina dahil sa sinapit ng kaisa-isa nitong anak na babae.
"Hindi ko alam kung makakaabot pa siya-" Kausap ni Beth sa asawa na bakas din sa mukha ang pag-aalala.
Napailing ito, "Kaya niya. Malakas ang anak natin, makakaligtas siya." Hindi alam ni Hideo kung sino ang kinukumbinsi, ang kanyang asawa ba o ang sarili.
Nawalan na sila ng isang anak at hindi niya alam kung makakaya pa ba ng kanyang asawa na pati si Reese ay mawala. Ang kanilang bunso na si Joseo ay walang kamuwang-muwang sa sinapit ng mga kapatid nito. Tiyak na hindi niyo matatanggap ang balitang dala nila.
"Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na naging human test subject ang anak natin o magagalit uli kay Dimitrios. Sobra na ang pinagdaanan ng mga anak natin." Nilingon ni Beth ang itim na bag, "Si Reed, kahit hanggang ngayon ay hindi pa din matanggap ng utak at puso ko na patay na siya." Tuluyan na itong humagulgol na niyakap na rin ni Hideo upang bigyan siya nito ng lakas ng loob.
"May dahilan ang lahat ng bagay. Ang tanging magagawa na lang natin ay magdasal at magtiwala na mabubuhay si Reese." Pampalubag loob niya sa asawa, "Maybe it's best if we will keep the laser radiation gun for a while, it may get handy in the future." Nasabi niya.
Masyadong advance ang pag-iisip ni Hideo na nakikinitang baka magamit nilang muli ang baril sa oras ng pangangailangan. May iba pang kayang gawin ang baril na hindi pa nila sinusubukan.
"Kung pwede lang sanang mamatay si Reese at si Reed ang mabuhay." Pagitna ni Anne sa usapan na hindi binibitawan ang sanggol.
"Nangyari na ang nangyari, Anne. Masakit man ito para sa atin ngunit kailangan nating tanggapin ang naging kapalaran ni Reed." Nanlulumong sagot sa kanya ni Hideo, "Pwede ko bang mabuhat ang apo ko?"
Ilang segundo na nagtitigan silang tatlo bago binasag ni Anne ang katahimikan, "Narinig niyo sila kanina, diba? Buhay ang tyanak na ito. Iniluwa ng katawan niya ang bala katulad ng nangyari kanina sa bruha niyang ina. It needs something to pull her back to life totally."
Maingat na kinuha ni Hideo kay Anne ang sanggol. Hindi binigyang-pansin ng mag-asawa ang pagtawag niya sa sanggol na tyanak.
"Tama ka, Anne." Inilapit ni Hideo ang kanang taenga sa maliit na dibdib ng sanggol, "Thank God she has her mother's special ability."
*******
"The baby is premature? Are you sure?" Kunot-noong tanong kay Hideo ng doktor.
Tumango-tango siya ng ilang beses, "Mahina rin ang pulso niya."
Pagdating nila sa ospital ay siya ang nagdala sa apo na pagkasalubong nila sa doktor ay ipinagpilitan niyang ilagay sa incubator. Si Beth ang sumama kay Reese, si Anne naman kay Reed at si Zander sa anak nito. Parehong nasa ICU ang mag-asawa ngunit mas kritikal ang kondisyon ni Reese.
"Mukha lang siyang malaki at malusog pero hindi ako nagkakamali. Kilala mo ako, Gerard." Kausap niya dito, "And she was shot. Sakto daw sa puso ang tama niya."
Sinuot nito ang stethoscope at itinapat sa dibdib ng sanggol. Napakunot noo ito, "Nabaril? Hmm. Ang sabi mo ay mahina ang heartbeat niya. Ngayon naman ay doble ang tibok ng kanyang puso."
"Ano?!"
*******
"Papa... Baka hindi niya kayanin." Nag-aalalang wika ni Pierre kay Hideo.
Ilang oras na silang naghihintay na matapos ang pagsusuri kay Reese. Buong pamilya nila ang nasa ospital na nagbabantay. Samantalang si Vhon ay tuluyan ng ligtas ngunit dahil sa nangyari ay ilang araw din itong makakatulog. Kailangan nitong bumawi ng lakas. Sinubukan na rin itong salinan ng dugo na kinuha kay Zander.
"Tumahimik ka na, Pierre." Mahinang sita niya dito.
Sinalubong nila ang doktor na kakalabas lang ng silid ni Reese. Hinanda nila ang kanilang mga sarili sa sasabihin nito.
"To be honest Hideo, nasa kritikal na ang kondisyon ng anak mo. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niyo o nangyari sa kanya at halos 60 percent ng dugo niya ang nawala." Napasinghap sila sa narinig, "Nakuha naman na namin ang blood type niya at swerte tayo na meron kaming stock dito ng Type AB."
Hindi sila nakahinga ng maluwag dahil sa unang sinabi ng doktor, "Is it because she lost a lot of blood that's why she's in a critical state?"
"No. The problem is in her heart. Masyadong mahina ang kanyang pulso. Gusto kong i-conclude na nasa coma ang anak niyo pero nalaman ko na hindi iyon dahil nawalan siya ng maraming dugo o dahil halos masunog ang kanyang likod sa labis na radiation na tinamo niya."
"Then what do you mean, doc? May sakit ba siya sa puso? Malusog ang anak namin." Nag-aalalang tanong ni Beth.
Umiling ito bago sumagot, "I'm sorry to say this but I think... Your daughter is giving up."
"No!" Hysterical na sigaw ni Beth, "Hindi niya kami iiwan! Hindi pwede!"
"Tulog siya at hindi natin alam kung ano ang nangyayari sa kanyang utak. I'm really sorry." Sincere na wika ng doktor sa kanila.
"Pwede na ba namin siyang makita?" Tanong ni Hideo.
"Kapag nakalabas na ang dalawang nurse ay sila ang magbibigay ng hospital gowns at mask sa inyo. I strongly suggest na kausapin niyo siya at kumbinsihin na lumaban."
"We will. Maraming salamat, dok." Namumula ang mga mata ni Pierre na nagpipigil umiyak.
*******
"He's just asleep. Thankfully, the radiation he suffered is not that much. Konting dugo ang nawala sa kanya at hihintayin na lang natin kung kelan siya magigising. For now, dito muna siya sa ICU for a day." Wika ng doktor na umasikaso kay Vhon, kausap nito ang pamilya niya.
"Wala ba tayong iba pa na dapat ipag-alala, dok? How about his head injury? Baka magkaproblema o may side effects ang nangyari sa kanya." Nakahinga sila ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.
"Ah no, isang taon lang naman ang itinagal bago naghilom ang sugat niya sa ulo, ni konting bakas doon ay wala kaming nakita. Wala na din kayong dapat ipag-alala pa, Zander. Rest assured na walang magiging problema sa kaligtasan niya."
"Thank you so much, doctor!" Ilang beses pa silang nagpasalamat bago iniwan ng doktor.
"How about ate Reese, ate Pierre? Is she okay?" Lapit ni Vhien kay Pierre na tulala.
"Ang sabi ng doktor ay mahina ang puso ng kapatid ko. Gusto niya na daw sumuko." Niyakap ito ni Alejandro at pilit na pinapakalma, "Letseng buhay 'to! Kapag talaga iniwan tayo ni Reese ay kakalbuhin ko talaga siya! Iniwan na nga tayo ni Reed ay balak niya pang sumama!"
"I'm so sorry for your loss, ate. Ahm kuya Al, maiwan ko muna kayo." Tinanguan siya ng huli.
"I can't really believe this! My sister Reese is a brave woman. Sa dinami-dami ng pinagdaanan nila ay ngayon pa talaga siya susuko? My gosh, Kuya." Niyakap siya ng bunsong kapatid.
"Wala tayong magagawa, Cindy. Let's just pray na hindi niya iwan si Kuya."
*******
"Insan..." Tawag ni Axel sa tahimik na si Anne. Nakaupo ito sa bangko at nakasandig sa dingding. Kakalabas niya lang sa morgue at tinakot niya ang mga tao doon upang makasama niya si Reed ng mas matagal pa sa isang oras.
"Iwan mo muna ako, Axel." Napayuko siya. Pilit niyang ikinubli ang pinagdadaanang sakit sa mukha. Nilalabanan din niya ang sariling maiyak. Ilang oras na din siyang umiiyak simula ng mabaril si Reed sa mismong harapan niya.
"Nandito ako, kami. Pamilya tayo, insan." Hinawakan siya nito sa balikat ng balibagin niya ang braso nito. Napatayo siya at ibinangga ang pinsan sa dingding na namimilipit sa sakit, "Aww! Insan!"
"Ang sabi ko iwan mo ako! Lintek ka! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Bwesit!" Binitiwan niya ito at sinipa ang inupuan. Malalaki ang hakbang na umalis siya at dumiretso sa exit ng ospital.
Wasak na wasak na ang kanyang puso sa nangyari. Hindi kanyang tanggapin ng kanyang puso at utak ang sinapit ng kasintahan. Ni sa hinagap ay hindi niya inasahang mapapatay ito ni Aisha.
"Bwesit ka, Reed." May tumulong luha sa kanyang mata na mabilis niyang pinahid ng palad, "Ang dami pa nating plano, lintik ka."
Huminga siya ng malalim at inayos ang mukha. Bumalik siya sa hallway at naglakad papunta sa ICU kung nasaan si Reese.
Pagbukas niya ng pinto ay kinuha niya ang baril na nakaipit sa kanyang likod at itinutok iyon sa nahihimbing na pasyente.
"Anne- Ano 'yan?!" Iniumang niya kay Hideo ang hawak na baril nang subukan nitong humarang sa target niya.
"You lost your son! Pero ni isa sa inyo ay walang sumama kay Reed, mga putangina kayo!" Nanggagalaiti niyang sigaw. Itinapat niya ang baril sa noo ni Hideo, "Sana ang tyanak na lang ang namatay o di kaya ang bruha niyong anak!"
"T-teka, Anne." Lapit ni Beth na hilam sa luha ang mukha, "Akala mo ba ay hindi kami nagdaramdam sa pagkawala ni Reed? Hindi mo alam ang pinagdadaanan namin kaya huwag mo kaming huhusgahan."
Napatawa siya ng pagak, "Kaya pala simula ng mabaril si Reed ay hindi niyo magawang hawakan man lang siya?! Tapos ano? Nandito kayong lahat samantalang ang bangkay niya ay nasa morgue!"
Bumukas ang pinto at iniluwa noon sina Zander at Vhien na nabigla sa sitwasyon.
"Anne Louise, what is the meaning of this?" Nanlalaki ang mga matang tanong sa kanya ng Big Boss.
"Your son's wife deserve to die, Big Boss. Hindi naman sana mawawala sa akin si Reed kung hindi dahil sa lintik na babaeng ito!" Inilihis niya ang baril at pinaputukan ang kanang bahagi ng unan ni Reese.
Nanlisik ang kanyang mga mata ng may malamig na bagay ang dumikit sa kanyang leeg.
"Alam natin pareho kung gaano mo kamahal ang buhay mo, Anne. If I were you, I wouldn't dare. Baka kulang pa ang buhay mo para pagbayaran ang iyong kasalanan."
Aiko saved the day. Mabuti na lamang at mabilis nitong naintindihan ang nangyayari kung kaya ay natutukan niya kaagad ng baril ang babaeng planong patayin si Reese.
"Fuck you to the nth power." Sumusukong balik nito sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top