Chapter 46- No Proofread

*******

She is not normal anymore. She's much stronger. She has gone outrageous. More physically, mentally and emotionally numb. Her velocity has leveled up, and flexibility maximized. She lost her heart, her emotions upon witnessing the death of her twin brother and only child. She is not the Reese everyone has ever known. She isn't her already.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya at nung oras na tumama iyon sa tiyan ni Aisha ay tumalsik ito ng ilang metro palayo sa kanya.

Alam na ng kalaban na wala itong panalo kahit ano'ng gawin nito. Madalas ay umiilag ito o di kaya ay napapasangga na lamang ngunit dahil sa likas na liksi ni Reese ay kaagad itong nakakapag-atake ng sunod-sunod kahit ano'ng gawin niyang pagdepensa sa sarili.

Hindi pa man siya nakakabangon ay nasa harap niya na ulit si Reese at nasakal siya nito sa leeg. Isang kamay lamang at nagawa siya nitong iangat sa ere. Inilapit nito ang mukha sa kanya at iniuntog ng malakas ang kanilang mga noo. Binitawan siya nito at nilingon ang sumubok na tamaan siya ng bala sa kaliwang braso at dalawang binti.

"Bitch!" Hiyaw ni Aisha. Sa impact ng pagkakabunggo ng mga noo nila at dala ng pagod ay bigla itong bumagsak.

Nanlaki ang mga mata nila ng makitang kusang lumalabas ang mga bala sa parte ng kanyang katawan na tinamaan. Umano'y ipinilig niya ang ulo ng makita ang sarili sa kusang paglabas ng mga bala at sa ikling panahon na paghilom ng kanyang mga sugat.

Isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang dalawang babae at segundo ang pagitan nang mabilis niyang nabali ang leeg ng nasa kanang gawi niya. Ang nasa kaliwa naman ay sinipa niya sa batok at bumaliktad ito bago bumagsak sa lupa. Isang tama dito ay binawian kaagad ito ng buhay.

Napansin niyang may mali sa kanyang katawan at iyon ay nang maramdaman niya ang nakapulupot sa kanya. Isang hatak lang sa kadena ay nakalas kaagad ang pagkakagapos nito. Tinakbo niya ang distansya ng gumawa nun sa kanya na kasing bilis ng kidlat ang pagsuntok niya dito na napasuka ito ng dugo. Hindi siya nakuntento sa simpleng suka kaya hinuli niya ang leeg nito at hinampas sa naka squat na kanang tuhod. Pagkatapos ay parang walang nangyari na tumalikod siya at naghanap ng bagong papatayin.

Saktong nakabalik siya sa pwesto ni Aisha ay kaagad silang naglaban sa ikalawang pagkakataon.

Gigil ang dalaga na mapabagsak si Reese. Nang sandaling makalayo siya dito ay may dinukot siyang hiringgilya sa magkabilang gilid ng kanyang boots. Desperada na siya kung kaya ay itinurok niya ang lahat ng laman nun sa kanyang hita.

Nahatak siya ni Reese sa buhok at binigyan ng malakas na sampal na nagpatilapon sa kanya. Napabaluktot siya nang maglandas ang likido sa kanyang katawan. Ramdam niya sa buong kalamnan ang naging epekto ng gamot sa kanya. Bumakat ang litid sa mukha na sumentro din sa kanyang mga mata. Namumula ang mga iyon at halos magdugo sa sobrang droga.

Bago siya tuluyang nalapitan ni Reese ay may ilan pang pumagitna. Sapat na oras upang tuluyang makabawi ang kanyang katawan.

Napako ang atensyon ng ilan sa mga nakasaksi ng pagbabago ni Aisha. Napangisi ito na sinalubong ang mga titig ni Reese. Napalayo siya dito nang may ilang sinubukan itong labanan ngunit mukhang kay Aisha lamang napako ang kanyang atensyon.

*******

Naibagsak na sa wakas ang mga clone ng dalaga at siya na lang ang nananatiling malakas at buhay. Iniutos ni Zander na patayin na ang kanyang mga clone upang unti-unting mapigilan ang pagdami ng mga napapatay ng mga ito. Sinang-ayunan iyon nina Beth at Hideo dahil wala na rin silang maisip na ibang paraan upang mapabagal si Reese.

Halata sa mukha ni Zander na hindi na ito nasisiyahan sa mga nangyayari. Ubos na din ang pasensya nito. Sobra-sobra na ang problemang naidulot ng sigalot sa pagitan nina Aisha at pamilya ni Vhon.

Halos maubos na ang mga tauhan ni Aisha. Ang mga natitirang buhay ay may katapat na tig-isang assassin.

Inaasikaso ng ilan sa mga tauhan nina Zander ang mga kasamahan nilang sugatan o kailangan ng paunang lunas.

Nakatutok ang kanilang atensyon sa magkaharap na babae na napakuyom ang magkabilang palad. Napunta na sa kanila ang pansin ng mga taong nakapaligid sa kanila, mapakalaban man o kasamahan. Ngayon na masusubukan ang kakayahan ng isang human test subject kontra sa super drug na naimbento.

"Let them be! Si Reese mismo ang magbibigay ng hustisya sa mga namatay nating kasamahan!" Sigaw ni Zander sa lahat.

"No, Dad! Stop this!" Lapit niya sa ama na nagsuot ng dark blue shades at isinilid ang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon nito.

Nilingon siya nito saglit at muling ibinalik ang atensyon sa sentro ng kaguluhan, "It's you who needs to stop, son." Sinenyasan nito ang ilan sa elite na ilabas na ang electric steels. Sa pamamagitan nito ay hindi na makakalayo o makakatakas ang isa sa dalawang babae na nakikipaglaban sa isa't-isa.

"But Dad! It's my wife in there! How could you!"

"You shut up, Vhon Ashton Black!" Naiinis nang asik ng ama sa kanya, "Rinding rindi na ako sa 'yo." Huminga ito ng malalim upang kalmahin ang sarili, "We have lost almost everything when we allowed you to marry a human test subject years ago. Isipin mo din naman ang mga taong nagsakripisyo mailayo lang tayo sa kapahamakan. And for once, trust your wife, Aisha has no match with her."

Hinatak siya palayo ni Hideo kay Zander. Tumabi sila kay Beth na okupado sa pagkabit ng iba't-ibang bahagi ng malaking baril na hinanda nilang mag-asawa sa pagdating ng oras na kakailanganin na ito.

Dahil wala siyang maintindihan ay pinanood niya na lang ang asawa na kaharap ang sentro sa kaguluhan. Tumakbo papunta sa direksyon ng isa't-isa sina Reese at Aisha. Binigyan ng suntok ni Aisha ang kanyang asawa na sinalag nito gamit ang kaliwang braso. Nakatalikod ito sa kalaban na sinubukang patamaan ang mukha nito ngunit maliksing nakaiwas si Aisha.

"Sire, napatay na ang lahat ng clone. Malapit na din maubos ang mga tauhan ng kalaban." Rinig niyang kausap ni Aiko sa ama, "May ipag-uutos pa ba kayo?"

"Make sure na walang mabubuhay ni isa sa mga kalaban. Kahit patay na ay barilin niyo ulit."

"Matagal pa ba, mahal?" Untag ni Hideo sa asawa.

"Sandali na lang." Seryosong sagot nito at tumingin kay Vhon, "Masasaktan tayong lahat pero hindi nun mapapantayan ang sakit na idudulot nito sa asawa mo."

"Mama? What kind of gun is that?" Nasa 4 feet ang haba nun at sa tantiya niya ay naglalaro sa 20 kilograms ang bigat base sa kalidad ng mga metal na parte nito.

"Hawakan mo." Inabot nito sa kanya at ramdam niya ang bigat niyon. Sunod na pinaandar nito ang laptop na may nakapaskil na mga datos sa screen. Mukhang konektado ang laptop sa magiging kakayahan at kapasidad ng baril.

Napalingon siya ng matumba ang asawa malapit sa kanilang gawi. Balak niya sanang lapitan ito kung hindi lang siya nahalata ng kanyang ama. Nadagdagan ang init ng kanyang ulo nang makitang ngumisi si Aisha habang nakatitig sa katawan ni Reese.

Nilapitan niya si Beth, "Ma, I need that medicine you gave me. Meron pa ba?"

"Bakit? Masakit pa ba ang mga sugat mo?" Nagtatakang tanong nito, "Nasa bag, may tatlo pa doon. Ingatan mo ang baril, 'yan na lang ang tanging pag-asa natin na maibalik ang asawa mo."

Inabot niya kay Mario ang armas at hinalungkat ang bag ni Beth. Hinayaan naman siya nito sa pakay. Nang makita ang mga hiringgilya ay walang paalam na itinurok niya ang lahat ng iyon sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo?" Mahinang bulalas ni Beth sa kanya na nginitian niya lang.

Naghintay siya ng ilang segundo hanggang sa maramdaman niya na ang bisa ng gamot, "I'm helping my wife. Thanks, Ma." Ramdam niya pa rin ang pamamanhid ng mga naghilom niyang sugat.

Nilagpasan niya ang mag-asawa at kanyang ama na nakatutok pa rin sa nagkakagitgitan. Nasa ilang metro ang layo niya sa asawa ng sumalubong sa kanya si Allen na akma siyang pigilan nang maagap niya itong naiwasan.

Nakalapit siya kina Reese at napaliyad nang maglandas ang paa ng asawa papunta sa kanyang pisngi. Nilingon niya si Zander at dismayado man ang mukha ay wala na itong magagawa sa kanyang ginawa.

Sa kadahilanang hindi siya maalala ng asawa ay maging siya ay inaatake na rin nito. Napapaiwas siya sa atake ni Reese ngunit si Aisha naman ang nakakatama sa kanya. Mayroong sinikap niyang hulihin ang kamao ng asawa at nagtagumpay siya, ngunit sinipa naman ng kalaban ang kanyang tuhod dahilan upang mapaluhod siya at mabitawan si Reese.

Kapag napapatamaan niya si Aisha ay si Reese ang nagpapatama sa kanya. Hindi niya ito magawang kalabanin o saktan kung kaya ay kahit na hirap siya ay sinisikap niyang iwasan ang mga atake nito.

"Fuck." Mahinang mura niya sa sarili bago sinikap na makatayo at bigyan ng isang flying kick ang kalaban.

Natumba si Aisha kaya sa kanya ulit natuon ang pansin ng asawa. Maliksi ang kilos nito ng sapuhin ang kanyang magkabilang balikat at iuntog ang kanilang mga ulo. Sa lakas ng pagkakabunggo nila ay nasugatan siya sa noo. Sandali ring nagdilim ang kanyang paningin.

"Mamamatay kayong dalawa!" Mala-demonyong sigaw ni Aisha bago tinakbo ang direksyon ni Reese.

Nakahanda ang kanyang asawa sa pagsugod ng kalaban nang tumakbo din siya papasalubong dito. Bago pa man tuluyang dumapo ang kamao ni Aisha kay Reese at ang kamao ng asawa papunta sa kalaban ay pumagitna na siya at sinuntok ito ng natitira niyang lakas.

Nagdulot iyon ng labis na sakit at hapdi sa kanyang kamao. Nanghihina siyang napaupo sa lupa, "What?" Mahina niyang bulalas ng ilang segundo lang ay nakabangon na ulit si Aisha, "I'm doomed."

Hindi lumapit sa kanya ang kalaban kundi ang kanyang asawa. Kinwelyuhan siya nito patayo at binigyan ng dalawang suntok saka sinipa sa tiyan. Napaubo siya ng dugo na sapo ang nasaktang bahagi ng katawan. Muli na naman siyang babagsak sa buhangin ng saluhin siya ni Aisha ng isang sipa mula sa kanyang likod.

"Fuck." Napaigik pa siya bago dumura ng dugo.

Sinalo na naman siya ni Reese at pinagsusuntok sa gilid ng tiyan at mukha. Nang huli ay binigyan siya nito ng uppercut na nagpaliyad sa kanya at saka tinapos ni Aisha na magkasiklop ang kamao. Tumama iyon sa kanyang dibdib na nagpalugmok sa kanya sa buhangin.

Si Aisha naman ang inatake ni Reese.

Habol ang hininga ay sinikap niyang makabangon, "I can't quit. Not now."

"Son! If Aisha dies, the electric steels will eventually turn on and you have to stay away from your wife! You knew what will happen next!" Malakas na sigaw ni Zander.

Alam niyang babarilin nila ng laser radiation gun ang kanyang asawa. At alam niya kung ano ang magagawa nito kapag nangyari iyon.

Napakuyom siya ng magkabilang palad. Tinapunan ng tingin ang asawang walang kapaguran sa pakikipaglaban at ang taong pinagmulan ng lahat.

"One last time. One last try. The bitch will die."

Tumayo siya at tinungo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top