Chapter 45- Edited

*******

"Pierre, ano ba ang nangyayari kay Reese?! Nak ka ng- guys nakita niyo 'yun?! Nakita niyo?!" Tarantang inumpisahan ni Castiel ang usapan.

Kompleto silang magkakaibigan kasama sin Pierre at Anne. Lahat sila ay puno ng galos at pasa sa parte ng kanilang katawan. Lahat ay pagod. Nagtatago sila sa kaguluhan, kailangan nilang bumawi ng sapat na lakas dahil hindi basta basta ang pipigilan nilang tao kapag natapos na ang laban.

Tiyak nilang sapat na ang mga tauhan nila Vhon at Aidan upang ubusin ang bawat isang kalaban.

"Aba malay ko! Hindi ako ang nag-experiment kina Reese!" Nanlalaki ang ilong na sagot ni Pierre.

"Pwede ba Asstiel, huwag mong masigaw-sigawan ang asawa ko. Kumalma muna tayong lahat, pwede?" Pagitna sa kanila ni Alejandro.

"She's still my wife. Nothing's changed. It's just that- damn." Napasandig si Vhon sa gilid ng bangka na sapo ang kaliwang dibdib, "I will save her."

"Dude, she's out of her mind. Hindi mo ba nakita kung paano siya lamunin ng halimaw sa loob ni-" Hinawakan niya sa kwelyo si Edu na hindi na nagulat pa sa kanyang reaksyon.

Kahit hinang-hina at tinakasan na ng kulay ang kanyang mukha ay biglang nag-init ang kanyang ulo sa lumabas sa bibig nito. Alam ng lahat na ayaw niyang hinuhusgahan ng masama ang asawa.

"I'm gonna fucking kill you once you say such thing against my wife again, Edu. I swear! Malilintikan ka talaga!" Bulyaw niya sa mukha nito.

"Vhon stop it, let's take things easy. Shall we?" Sa sinabing iyon ni Ford ay mas lalong nag-init ang kanyang ulo.

Bumaling siya dito, "How can you say that?! Paano mo 'yan nasasabi gayong marami na ang namamatay sa atin?! Sa tingin mo ba madali lang ang sitwasyon na 'to?!"

"Pare, hindi ganyan ang ibig niyang sabihin." Sabat ni Alejandro.

"It's you who don't fucking understand me!" May poot niyang sigaw sa lahat, "You are not in my position!"

"Tama na, pare. Katulad mo, hindi namin ginusto na mangyari ito sa 'yo o sa isa sa atin." Lapit sa kanya ni Mario, "Nadadala lang tayo sa sitwasyon, magkapatid tayo, hindi dapat tayo ang nag-aaway ngayon."

Huminga siya ng malalim at pilit na inabot ng tingin ang asawa sa di-kalayuan na walang tigil sa pagpatay. Nakita pa niya kung paano nito binali ang leeg ng isa nilang tauhan na gusto lang sana siyang pigilan.

Kahit saang sulok sila ng isla tumingin ay nagdanak ang dugo, nagkalat ang mga bangkay at armas. Mga pakikipaglaban na parang walang katapusan.

"Alam niyo ba kung gaano kasakit nang mapagtanto ko na ang lahat ng ito ay dahil sa kagaguhan ko noon?" Pumatak ng malaya ang luha sa kanang mata na pasimple niyang pinahid, "Bakit ba kasi ang gago ko kahit hanggang ngayon. My life is a mess. I'm a brat, an egoistic jerk, an asshole."

"Pare naman, mahal ka namin kahit ganyan ka." Ani Jomarie sa kanya.

"We lost the child." Iniabot ni Pierre sa kanya ang nanlalamig na bangkay ng sanggol, "My daughter, ilang buwan din kitang hinintay. Fate is so unfair, I didn't even get the chance to see you open your eyes or feel your heartbeat."

"Puta naman Vhon, pinapaiyak mo kami!" Naluluhang sita sa kanya ni Edu.

Tumawa siya ng pagak at hinalikan sa noo ang sanggol, "You exactly look like your Mom, don't you know that?" Kausap niya dito hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol, "Anak... I want you to know that I sincerely apologize... For everything... Ako ang pumatay sa 'yo..."

Akma siyang lalapitan ng mga kaibigan nang umiling si Pierre sa kanila. Pahiwatig na hayaan ito sa ginagawa.

"I'm so sorry for being a useless husband to your Mom... Sorry kasi pati ikaw, nadamay sa gulong ito... Sorry kasi hindi ko kayo naabutan. Sorry kasi.. gago ako'ng tao." Mas lalong lumakas ang kanyang hagulgol na pati ang mga kalalakihan ay nadala na din sa kanya, "I love you. Daddy loves you so much... so much. Okay?"

"Tama na 'yan pare, save your energy. Haharapin pa natin ang asawa mo." Hinawakan siya ni Alejandro sa balikat upang iparating na kaya niya ang lumaban para sa pamilya niya, na suportado siya nito.

"At isa pa bro, hindi pa naman end of the world. Nandito pa kaming mga pogi mong kaibigan para suportahan ka. Lalo na ako, waging wagi na tayo sa hitsura ko pa lang." Sabay taas baba ng kilay ni Edu sa kanya.

"Putcha, nagsinungaling ka na naman! Ako ang pogi sa ating lahat. Tignan niyo mga mukha niyo kompara sa akin!" Pagyayabang ni Jomarie.

"Asa! Ako ang lamang sa kapogian, kita niyo naman itong killer smile ko." Hindi magpapatalo na sabat ni Castiel.

"Pwe! Hindi ba kayo tinuruan ng mga nanay niyo na masama ang magsinungaling? Hanggang lips lang kayo ng honeybabe ko!" Pagyayabang ni Pierre sabay kapit sa braso ng asawa.

Magsasalita na sana si Vhon nang nagsidatingan na ang iba nilang kasamahan sakay ng bangka. May chopper din na lumapag ilang hakbang malapit sa kanila. Unang bumaba doon si Vhien kasunod ang piloto ngunit dumiretso ito papunta sa kaguluhan. Mabilis naman na pinalibutan ang kanyang ama at mga magulang nina Reese upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

"D-dad!" Nabuhayan siya ng loob sa pagdating ng kanilang mga magulang.

Nabigla man ay mabilis na nakahuma ang mga ito at kaagad siyang niyakap ng mahigpit.

"The child..." Anang ama niyang si Zander.

"I'm so sorry." Dismayado sa sariling hingi niya ng patawad sa mga ito.

"It's not your fault, Vhon." Bawi ni Hideo sa kanya, "Nasaan na ang mga anak namin?"

"Pa, si Re-"

"Jusko, mahal!" May takot na tawag ni Beth sa asawa. Nang malingon nila ang kinatatakutan nito ay nanlalaki ang mga mata ng dalawang lalaki sa nasasaksihan ng mga oras na iyon.

The brutality and fatality Reese is doing to anyone who comes her way. Daig pa nito ang may sanib.

"Is that your wife?" Hindi siguradong tanong sa kanya ni Zander.

"Yes, Dad. Nangyari lang 'yan nang mamatay si... Si..." Napalunok siya ng ilang beses, "Reed."

"Tama nga ang teorya natin, mahal." Nagtipon silang lahat sa senyas ni Hideo habang nanatiling nakapalibot sa kanila ang escorts nina Zander.

Pilit na tinapangan ng mag-asawa ang kanilang loob. Alam nila na dadating at dadating ang araw na mangyayari ang kinatatakutan nila, ngunit hindi sa ganitong paraan na pati ang apo nila ay madadamay.

"Tito tanong ko lang, paano?" Unang tanong ni Edu kay Hideo.

"Papa, she's lost her control because of what happened to Reed. I'm really sorry." Napatungong sabi niya.

"Zander, pwede bang utusan mo ang lahat na iwasan si Reese at mga clone niya hanggang sa abot ng kanilang makakaya?" Tumango naman ito at kaagad na inutusan si Allen na sabihan ang lahat.

Bumalik ito kaagad sa pwesto saka niya ipinagpatuloy ang sasabihin na ginawa ni Beth, "Reed and Reese are not simply just twins. They balance each other, especially their inner selves."

"Our theory states that if one of them dies, the other- kapag hindi niya natalo ang kanyang evil side hanggang sa matapos siya sa pagpatay ay-" Sagot ni Hideo, "Sa kasamaang palad, maliit ang tsansa na maibalik sa normal si Reese. It's either she will explode if the bad one is gone or she will stay like that forever."

"Does that mean... my wife will die later or sooner too? Dahil binabalanse nilang kambal ang buhay nila... Reed is dead and... Papa... May iba pa bang paraan? Mamamatay ako kapag nawala ang asawa ko." Mabilis na hinatak ni Beth ang braso ni Vhon at tinurukan siya ng kulay pulang likido. Napadaing ito sa sakit ngunit ang resulta nun ay pinapagaling ang kanyang mga sugat sa mas mabilis na paraan.

"Hindi niyo ito kailangan, kaya niyo pang lumaban." Litanya niya nang aapela pa sana ang iba na magpapaturok din. Kapagkuwan ay pumatak ang luha sa kanyang mga mata, "Patay na si Reed at si Reese naman, nag-ibang anyo na siya. Hindi ako papayag na mawala pa ang kaisa-isang babae namin." Mababanaag sa mukha ng mag-asawa ang kalungkutan at labis na pag-aalala sa sitwasyon nila ngayon.

Parang tumanda ang mga ito kakaisip sa samo't saring problema na kinakaharap ng kanilang pamilya.

"So we've come up to a plan." Singit ni Zander, "If one of them dies tonight and the other will become a monster, we only have two choices. It's plan A, stop your wife in any possible way." Baling sa kanya ng ama, "Masasaktan siya ng sobra o mauubos niya ang mga tauhan natin, son. Kaya gumawa kami ng mga armas na ipagdasal natin na umepekto sa kanya. And plan B, ikulong siya at pag-aaralan kung paano siya maibabalik sa normal. But only God knows kung kelan, baka mahuli na tayo."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kanyang ama, "So everything that's happening here is already in your plan, is that it?"

"It's not our intention t-"

Hindi makapaniwalang tinignan niya ang mga magulang, "Planado niyo na kung paano pipigilan o kung paano mamamatay ang kambal? Ganun ba? Hindi niyo man lang na inisip kung ano ang mangyayari oras na malaman nila ang tungkol sa bagay na 'to?"

"Son, listen-" Muli, hindi niya pinatapos ang ama sa sasabihin nito.

"No Dad, how can you do this to us?" Mas humigpit ang yakap niya sa sanggol, "If only you told me earlier kung nasaan ang asawa ko ay hindi sana mangyayari 'to!" Ibinigay niya kay Ford ang sanggol at humugot ng lakas para tumayo at maglakad patungo sa direksyon ng asawa na walang tigil sa pakikipaglaban.

"Listen to me, young man!" Sigaw ng ama niya.

"No! Not again!" I can save my wife with or without your help! Gusto niyang isigaw pabalik dito, "You're all heartless!"

"Son if it didn't happen to Reese it would have been you!" Natigil siya sa paglalakad at kunot noong nilingon niya ang ama.

"What do you mean?" Me? I'm already a monster myself!

"Reese's blood are toxic, they're real poison son." Lapit nito sa kanya, "Kapag nakain na ng buo ng dugo niya ang natitirang malinis na dugo mo ay saka tuluyang lalamunin ng sistema niya ang buo mong katawan at pag-iisip. You will be like her... Or much worse."

"What? How come?" Confused niyang tanong dito.

"Napapansin namin ilang buwan na ang nakakalipas ang mga sintomas. Una, madalas sumasakit ang ulo mo at pakiramdam mo ay mababaliktad ang sikmura mo." Umpisa nito.

"Nasabi na nina Mama Beth ang tungkol diyan."

"No son, it's not just because of that. Your temper, it's getting shorter than before. Now what? Ramdam mo na kung paano manghina ang katawan mo? That's because you're already in the final stage. The syringe Beth injected you will slow down the toxic blood inside you- for the meantime. You're confused why you are suffering for a long time? That's because each time you made love with your wife, your DNA's are trying to adapt with her blood type."

"But if it's adapting, why would I become a monster!" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Your organs are still adjusting! Just imagine the volume of blood you have inside you and Reese's just to keep you alive years ago. Sa tingin mo ba ay wala kaming ginagawa para maiwasan na mangyari ang bagay na ito?!"

"Si Reed..."

"Lagi ka niyang sinasabihan na ayaw niya sa 'yo para sa kambal niya. Iyon ay dahil mas tanggap niya sana kung hindi ka nalalason sa loob dahil sa dugo ni Reese. He doesn't want you to end up with Reese because he wants to protect the both of you. Kapag may nangyari sa 'yo, baka kung ano na naman ang magawa ng asawa mo katulad nang sa ama niya. He felt sorry for you."

"But Dad, we love each other. Makakaya namin 'to."

"That's why we're here, doing our best just to save our family. Hindi kayo nag-iisa."

Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ayaw sa kanya ni Reed, iniisip lang nito ang kapakanan nilang dalawa ng kambal niya.

Reed, we will get through this, brother. I swear, I will not give up kahit mapatay pa ako ng asawa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top