Chapter 43- Edited

*******

Huling tumalon ng dagat si Reese at mabilis na lumangoy papalayo sa bangka. Tumigil siya kung saan hanggang leeg niya na ang tubig at pinagmasdan ang buong paligid ng maliit na isla. Nakapalibot pa din sa bawat sulok ng dalampasigan ang mga bantay. Hinanap niya ang kanyang pakay at nakita niya naman ito na nakikipaglampungan sa isang babae. Tawang-tawa ang nakakandong dito habang hinahalikan nito sa leeg.

Nakuha pa niyang magpakasaya kahit sa ganitong sitwasyon. Huling beses niya na ito.

Nakita niyang umahon na ang kanyang mga kasamahan at isa-isang sinugod ang mga bantay ni Aisha. Nanatali siya sa kanyang pwesto at binantayan ang tatlong clone na magkasamang nakikipambuno sa mga kalaban ng mga ito. Kagaya ng mga galaw nito ang kay Pierre ngunit mas maliksi lang ang kanyang kinikilalang kapatid.

Samantalang ang utak ng sigalot na si Aisha ay prenteng prente pa din sa kanyang pagkakaupo at nakikipagharutan sa isa niyang tauhan. Hindi niya alintana ang nangyayari sa kanyang paligid. Kampante siyang kayang kaya na ng kanyang mga babae ang mga kalaban. Ang tanging hinihintay niya lang naman ay ang dalawang katao. Si Scarlet na nagtaksil at itinakbo ang walang buhay na anak ng mag-asawang kinamumuhian niya at si Reese mismo.

Unang kita niya pa lang sa asawa ni Vhon ay nakuha na nito kaagad ang kanyang interes. Naakit siya ng kainosentihan na nakita niya sa mata at galaw nito, kung paanong tumitig ng blanko ngunit mapag-obserba ang mga kayumangging iyon. Hindi na siya nasorpresa ng masaksihan na nag-iba ang kulay ng mga ito. Hinalungkat niya ang tungkol sa nakaraan nito at nalaman niya ang lahat. Alam niya din kung bakit muntikan nang mamatay ang childhood best friend ng kanyang paternal twin na si Aphrodite.

Si Aphrodite Medlar na tanging meron siya. Ang kanyang nakatatandang kambal na binawian ng buhay dahil sa malubhang sakit. Ito ang sumalo sa lahat ng responsibilidad na dapat ay kanya dahil na din sa kahilingan nito. All she did was to obey her and before she died, sinabi nitong malaya na siyang gawin ang lahat ng kagustuhan niya. Isa na doon ang paghihiganti sa lahat ng umagrabyado sa kanilang magkapatid.

Si Reese na inagaw ang childhood sweetheart ng kambal niya-- si Vhon. Si Reese na inagaw si Aidan sa kanya. Si Reese na kinuha sa kanya ang karapatan na dapat ay sa kanya dahil dapat ay siya ang minahal ni Vhon na kinikilalang siya ang tunay na Aphrodite. At si Vhon na kulang na lang ay pugutan siya ng ulo sampong taon na ang nakalilipas dahil sa ginawa niya sa kanilang magkaibigan. She wanted to get even to Vhon and so she planned of seducing Aidan na simula't sapul ay alam na ang pakay niya dito.

Ah, Reese. She almost had her earlier ngunit bigla na lang itong sumigaw ng pagkalakas lakas at halos mabasag ang kanyang mga tainga dahil sa mismong mukha niya ito ginawa iyon. Mas lalo tuloy siyang humanga dito, mas lalong nakakaakit sa kanyang paningin.

But her obsession of the woman Vhon loves so much must be stopped, and so she will kill her tonight. No doubts nor hesitations. She made up her mind for she knows that Reese won't let her live as well. Unahan na lang sila.

*******

Sina Reed at Anne ay magkasama ding nakikipambuno ng mano-mano sa mga sumusugod sa kanilang dalawa. Hindi mapuknat ang ngiti ng dalaga dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na kasama niya si Reed sa pakikipaglaban. Kahit kabado siya ay panatag ang kanyang loob na ligtas silang pareho sa kahit ano dahil nandiyan ang kanyang kasintahan. They got each other's back.

Kasalukuyan siyang umaatras ng aksidenteng napaapak siya sa isang bato at natumba. Bumagsak siya sa buhanginan ng nakataob at napasigaw siya sa sakit ng maglandas sa kanyang likod ang katana ng kalaban. Pinilit niyang lumayo ng bigla namang sumakit ang paa niyang natapilok. Maagap siyang nilapitan ni Reed at sinalo ang katana na itutusok na dapat sa kanya. Hindi na siya nasorpresa ng walang anong sinalo nito ang armas at iwinaksi. Tumulo ang dugo sa kamay nito at sa isang maliksi na kilos ay nasakal na ni Reed ang babae at binalibag ang leeg nito.

"Malalim ba ang sugat mo? Kaya mo ba ang tumayo?" Tanong ni Reed sa kanya.

"Kaya ko, medyo mahapdi lang yung sugat ko sa likod. Bitawan mo nga ako." Suway niya dito ng akma siya nitong bubuhatin.

"I won't be-" Natigil sa pagsasalita si Reed ng may humampas sa braso nito na kung ano. Binalingan niya ito ng kaagad namang sugurin iyon ni Reese kaya muli niyang binalikan ang kasintahan. "I won't be able to do this again so let me." Seryosong sabi nito sa kanya.

Niyakap niya ang kasintahan at hindi niya maintindihan ng biglang pumatak ang luha niya. May kung ano sa loob niya na hindi niya masabi.

"Just remember that I love you, honey. We will get through this together, alright? Subukan mo lang na iwan ako at malilintikan ka talaga sa akin." Mahinang banta niya dito saka humalik sa pisngi nito. Napangiti naman si Reed at hinalikan din siya sa noo.

Madalas niya man itong pagsalitaan ng masasakit na salita ay wala itong ginawa para saktan siya pabalik. Ngingiti lang ito at saka siya hahalikan sa noo.

"Reed, ialis mo na siya dito." Balik sa kanila ni Reese.

"Paano ka?" Tanong niya dito. Umaabot sa apat ang kinakalaban nito at nagagawa naman nitong pabagalin ang kilos ng mga kalaban. Nakatulong din ang mga clones nito na may ibubuga din sa bakbakan.

"Nandito na sila." Tinakbo nito ang direksyon papunta kay Aisha na napatayo naman.

Napalingon silang dalawa sa dalampasigan at sunod sunod na dumaong ang mga speed boat at bangka na de motor.

"We're not going anywhere, we will fight with them. Ito ang una at huling beses na magkasama tayo sa digmaan bago tayo magpakasal kaya lubusin na natin."

*******

Mabilis niyang nailagan ang ilang bala na papunta sa kanyang direksyon​. Malalaki ang hakbang na naisara niya ang agwat ng pagitan nila ng isang reaper at yumuko siya upang matamaan niya ito sa sikmura. Napayuko ang kanyang kalaban sa kanyang ginawa na hindi pa man nakakahuma ay mabilis niya namang sinipa. Halos tumalsik na ito sa lakas ng pwersa na binigay niya.

Nakahiga siya sa buhanginan at napausod pababa sa kalaban ng sinubukan siya nitong saksakin gamit ang katana. Napalingon pa siya kay Aphrodite na nakatitig sa kanya at may pagkaaliw na mababanaag sa mga mata nito. Ipinulupot niya ang kanyang mga binti sa babae at ibinagsak din ito. Nabitawan nito ang hawak na armas. Hinawakan niya ang paa nito habang ang isa ay pinipilit siyang sipain. Inilagay niya ang kanyang kanang paa sa baba nito at pilit iyong inilalayo. Dahil nagmamadali na siyang makalapit kay Aisha ay diniinan niya ang pagkakahawak sa paa at binalibag iyon. Rinig niya ang tunog ng na-dislocate na buto nito sa tuhod. Namimilipit ito sa sakit nang bitawan niya at tumayo.

Hindi pa man siya tuluyan nakakahakbang ay may naglandas na namang katana sa kanya kaya maagap din siyang nakaliyad upang iwasan iyon.

"Why don't you use your full force?" Rinig niyang tanong ni Aisha.

Hindi niya ito kinibo at pinagtuunan ng pansin ang kanyang kaharap.

Nakita niya ang pagdagsa ng mga tauhan ng asawa niya ngunit matibay ang pangdepensa ni Aisha, napapalibutan ito ng special class assassins. Ang mga babaeng naturukan ng super drug.

Napayuko siya ng maglandas malapit sa kanyang tiyan ang katana at pumaikot ng sunod nitong pinabalik ang sandata papunta sa kanya. Muli siya napaliyad at sinalo ang katana. Nanlalaki ang mga mata ng nakahawak ng espada dahil nagawa niya itong salagin, hindi bihira ang talim nito ngunit nagawa niya itong saluhin.

"It can slice a human body." Nagtatakang bigkas nito na nakatingin sa dumudugo niyang kamay. Dumadaloy ang pulang likido mula sa kanyang palad na nakahawak sa katana papunta sa kanyang braso.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak dito, "Sorry to disappoint you then, pero alam mo ba na ang calcium ay metal? And because I'm a human weapon, I possess more than 50% of metal bones in my skeletal system."

Nanlaki ang mga mata ng babae sa kanyang sinabi. Maliksi ang kilos na lumapit siya dito at iniuntog ang ulo sa noo nito. Napaatras ang kanyang kalaban ngunit marahas nitong hinatak ang katana na nabitawan niya.

"Yaaah!" Pinaglandas nito mula sa itaas pababa sa kanya ang espada ngunit ang ginawa niya ay sinipa niya ito sa gilid ng kanang tuhod. Natumba ito na sapo ang nalinsad na buto sa tuhod. Nilapitan niya ito at walang mababakas sa kanyang mukha ng inapakan niya ng buong pwersa ang tuhod nito. Mas lalong lumakas ang sigaw nito.

"I guess your super drug can make you numb and flexible a little... but it can't help you kung naka-dislocate naman ang mga buto niyo." Sinipa niya ito sa tiyan para tumilapon naman ito sa mga kasamahan niya. Hindi siya nakontento at muli niya itong nilapitan para balibagin sa leeg. Dilat ang mga mata nito na bumagsak ng tuluyan sa buhanginan at walang buhay.

Hinarap niya si Aisha ngunit hindi niya ito mahagilap. Natatabunan pa din ito ng mga babae.

"Mrs. Boss." Hapong tawag sa kanya ni Deanna. Humahangos ito ng biglang matumba at may nakabaon na punyal sa kaliwang binti nito. Mabilis nitong nalapitan at inalalayan ng kanyang kapareha na si Dina.

Hinanap niya ang salarin at kinuyom ang kanang kamay na unti-unting humihilom sa sugat mula sa katana. Tinakbo niya ang pagitan nila ng isang reaper. Kilala niya ito, namumukhaan niya ang isang ito. Si Irene. Akala niya ay napatay na ito ni Vhon sa kagubatan. Mukhang naturukan din ito ng super drug. Nakangisi ito at mukhang nasobrahan sa droga kung kaya ay namumula na ang mga mata nito, lumalabas na din ang litid na nakapalibot doon.

Sinalubong niya ito ng suntok na nailagan naman ni Irene. Mukhang wala ito sa tamang huwisyo. Muli niya itong sinuntok ng naunahan siya nitong patamaan sa kanyang sikmura. Binigyan niya ito ng upper cut ngunit walang ano lang itong nailagan ulit ng babae. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at inuntog ang ulo nito sa kanya ng ilang beses. Paatras siya ng paatras ng hinawakan niya ito sa mga braso at pilit na tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanya. Ayaw nitong patinag ng itinaas niya ang kanyang mga kamay at ibinunggo iyon sa mga braso nito. Doon siya nagtagumpay at mabilis na hinampas ng dalawang palad ang dibdib nito ng nakataas naman ang mga kamay ni Irene sa ere. Hinuli niya ang kanang kamay nito at isinakay sa kanyang likod ang babae upang itumba ito sa buhanginan. Sumakay siya dito at pinaulanan niya ng suntok sa mukha ng matumba siya sapagkat may sumipa sa gilid ng kanyang tiyan.

Hindi pa siya nakakabangon ng binagsakan siya ng siko sa tiyan ng sumipa sa kanya, animo ay nasa isang wrestling tournament sila. Ngunit wala iyong epekto sa kanya kaya kinuha niya itong​ tyempo para sakalin ito sa leeg gamit ang kanang braso na ni-lock ng kaliwa niya.

"Nanonood ako ng wrestling tournament kapag wala ang asawa ko sa bahay, and I got a photographic memory." Hihigpitan niya na dapat ang pagkakasakal dito ng tinuhod naman siya nito sa ulo. Ngunit hindi niya ito binitawan.

Ilang beses pa na inulit ng babaeng sinasakal niya ang pagtuhod nito sa kanyang ulo ng napunta si Irene sa kanyang likod at sinakal din siya. Nakatukod ang tuhod nito sa kanyang likod at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang ulo na parang gusto nitong putulin ang kanyang leeg. Nasa ganoong sitwasyon sila ng lumapit si Jomarie.

Sinapak ng malakas ng binata si Irene na napabitaw sa kanya at napaatras ng ilang hakbang habang ipinagpatuloy niya ang pagkakasakal sa babae. Niyakap niya ang dalawang binti dito at napahiga silang dalawa sa lupa. Pilit kumawala ng babae sa pagkakagapos niya dito pero hindi niya na ito mabibigyan ng pagkakataon na mabuhay. Hanggang sa unti unti ng lumawag ang pagkakahawak nito sa kanya at napapikit ng mga mata. Nalaglag ang mga braso nito at binawian ng buhay na nakadilat.

Bumangon siya at hinanap ulit ang pakay. Nakatingin pa din ito sa kanya at mukhang siya na lang ang hinihintay.

Humakbang siya ng ilang beses ng may naramdaman siyang tumama sa kaliwang dibdib niya, malapit​ sa kanyang puso. Napayuko siya at tinignan kung ano iyon. Kumabog ang puso niya ng malakas kasabay ng pagkakaluhod sa buhangin. Napahawak siya sa manipis na electric wire na kumukonekta sa nakabaon sa kanya at sa nagpatama nun.

"Haahhh." Ramdam niya ang pagsikip ng kanyang dibdib at paghirap niya sa paghinga.

Not again...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top