Chapter 42- Edited

Reese

Patakbo akong umiiwas sa wrecking ball at sinusubukang lumapit sa kanila. Patuloy sila sa pag-atake at panay salag pa lang ang nagagawa ko. Binabasa ko na din ang mga galaw nila. Mas binilisan ko ang pagtakbo at inilagan ang wrecking ball ng hindi ko namataan ang punyal na papunta sa direksyon ko. Walang anong binunot ko iyon at tinapon pabalik sabay takbo ulit. Nailagan niya iyon ngunit hindi niya naman naiwasan ang suntok ko na tumama sa kaliwang panga niya. Halos tumilapon siya sa lakas nun.

Nasangga ko naman ang isang kamao at hinawakan sa siko ang may-ari nito. Inaambahan ko siya ng kabilang siko ko ng paikot ko siyang inatake pero nailagan niya iyon. Mabilis siyang yumuko at hinawakan sa magkabilang kamay ang kadena ng wrecking ball. Nagpapalitan kami ng suntok at panay sangga ng hindi ko siya binibitawan. Napabitiw lang ako sa kanya ng may bumaon sa likod ko. Napaatras ako habang naiwas sa katana na papunta sa direksyon ko, sinusubukan niya akong sugatan pero hindi niya ako magawang daplisan man lang. Binunot ko ang punyal at ginawa iyong panangga ng ilang beses niya pa akong sinugod.

Natigil siya at umatras. Huli na nang napatingala ako.

"Yaahhhhh!" Napaluhod ang kanang tuhod ko sa putikan ng sinalag ko ang baseball bat ng nakakrus na mga braso ko sa harap. Nanggaling siya sa itaas ng puno. Itinulak ko siya at tumakbo sa katawan ng isang puno saka tumalon na pinatamaan ng kanang paa ko ang ulo niya. Bumagsak siya at inalalayan ng isa niyang kasama.

Muntik na din akong matumba ng tumama sa akin ang wrecking ball. Sumugod silang tatlo sa akin nang sabay ng may pumagitna sa aming apat.

"Sorry kung nahuli kami. Ikaw na ang bahala kay leader, kami na ang bahala sa tatlong ito." Isang lalaki at kasama niya ang dalawang clone ko. Hindi ko siya kilala dahil ngayon ko lang nakita ang maukha niya, "Ako si Landon. It's a pleasure to meet you, Reese."

"Can't you stop talking to her and get moving? Tsk. Huwag mo siyang lalapitan dahil akin ka na!" Sigaw ni Leonora habang nakikipagsabayan sa tatlong kalaban.

Sandali lang kaming nakatingin sa kanya ng umatake na din sina Landon at ang dalawa kong clone. Lumapit naman siya sa akin ng nakahalukipkip. Bagong dating lang sila.

"You're soaking wet. From sweat and rain." Inikot niya ang kanyang mga mata, "Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?" Leonora will always be Leonora.

"You have a good taste in men, Leonora."

"Ngayon mo lang 'yan nasabi gayong kulang na lang ay maghubad na ako sa harapan ng asawa mo? Pwede ba! Umalis na nga tayo at nangangati na akong mapatay ang ahas na talanding pinagmana kay satanas na babaeng yun!" Singhal niya at nagpatiunang maglakad palayo.

"May bata akong kasama."

"So what?! The kid has nothing to do with this so just fucking leave that here!" Naiinis niyang singhal ng hindi lumilingon.

Nilingon ko si Wilfred na nagtatago sa madilim na sulok. Lumabas siya doon at nakayuko.

"Okay lang ako Mama, magtatago na lang po ako dito. Balikan niyo ako ha?"

"Patawad."

"Okay lang po, naiintindihan kita." Nag-angat siya ng tingin at inilabas ang punyal na binigay ko sa kanya kanina, "Meron naman po ako nito oh."

"Mag-iingat ka. Pangako, babalikan kita."

Sinundan ko si Leonora. Hindi naman na siya nagsalita hanggang sa bigla na lang siyang tumigil at nilingon ako. Lalampasan ko lang sana siya ng pinigilan niya ako sa braso.

"I will never ever apologise over my dead body for what I did to you and your husband. Neither will I apologise that I made a partnership with that devil. Well, I just want to say thank you. Not because you're here but it's for saving my brother." Kunot noo niyang sabi ng hindi sinasalubong ang mga titig ko.

I can still see her clearly kahit sinag ng buwan lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Tuluyan ng tumila ang ulan kanina at maganda na ulit ang panahon. Kulay abo pa din ang mga mata ko upang makita ko ng malinaw​ ang nangyayari sa paligid ko.

Knowing Leonora, tiyak na nahihirapan siyang ibaba ang pride niya para lang magpasalamat sa akin.

"May utang ako kay Aidan at gusto kong suklian iyon sa abot ng aking makakaya." Nakataas ang kanang kilay niya at may mapaglarong ngiti na nakapaskil sa mapupula niyang labi.

"Your husband is one hell of a lucky selfish and dominant guy for having you. I'm just wondering​ kung may nangyari man lang ba sa inyo ng kuya ko."

"Wala. Maliit o malaking bagay man ang iniisip mo. Naging mabuting kaibigan sa akin si Aidan at hindi niya ako kailanman binastos."

"Whatever!" Winaksi niya ang braso ko at muling naglakad.

Nanatili akong nakasunod kahit saan man siya magpunta.

Ilang beses niya akong lingunin at titirikan ng mata. Galit pa din ba siya sa akin? O gusto niyang umalis na lang ako?

"She wants you dead." Walang gatol na sabi ko habang papunta kami sa dalampasigan.

Baguhan lang siya sa lugar na ito pero daig niya pa ang nakatira dito. Dirediretso lang kami sa dalampasigan na parang alam niya kung nasaan si Aphrodite, naghihintay sa aming pagdating.

"I know right! Ano sa tingin mo ang rason kung bakit binalikan namin kayo? Ha? Tsk. Just shut the fuck up! Inis na inis na ako sa 'yo, at baka magbago ang isip ko at ipain kita sa kanya." May kasamang irap na sabi niya.

Malapit na kami sa aming destinasyon ng tumigil na naman siya sa paglalakad at humalukipkip.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wala kang napapansin sa upper class na mga tauhan ng hayop na yun?"

"Mas magaling sila at matibay ang pangangatawan." Tanging naisagot ko. Pansin ko din na hindi sila basta-basta na nasasaktan. Nagtataka din ako kung paanong mas mabilis at maliksi ang kilos nila. May kakaiba nga sa kanila.

"That's because they're taking a super drug-- tawag nila dun sa gamot. It's a liquid in a syringe na kayang palakasin kung sino man ang naturukan nito. It will make their bodies numb and can make them more flexible. Tripled strength plus flexibility and their numbness." Paliwanag niya.

"Okay." Sagot ko at ako naman ang tumalikod sa kanya para magpatiunang maglakad.

"Ah, bitch!" Paanas niyang mura at humabol sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakakayang maabot ng mga mata ko pero wala talaga akong makita. Wala ni isa ang nandito sa dalampasigan.

"Wala sila dito." Baling ko sa kanya.

"May sinabi ba ako?" Paninita niya. Naiisip ko tuloy kung malayong kapamilya ba niya si Anne. Pareho silang galit kapag kinakausap ko sila, "See that boat?" Turo niya sa nakalutang na bangka na gawa sa kahoy, "It will take us to this small island. I don't know what kind of island it is since puro lupa lang naman ang nandoon."

"Bakit alam mo ang pasikot-sikot dito?" Ngayon ko lang nalaman na may isla pa pala dito katulad ng sinasabi niya.

"I was here for countless times. I was fucking stalking you!" Inis niyang sabi at naunang umakyat sa bangka. Pinaandar niya ang makina nito at pinandilatan ako, "Get the fuck in here!"

"Wala akong tiwala sa 'yo." Prangkang sabi ko na ikinatagis bagang niya.

"Bwesit ka din talaga! And do you really think I trust you too? In your fucking dreams, bitch! Now get in here before I fucking change my mind and leave you here!"

"Hindi mo sila kakayanin lahat."

"You haven't seen the real me fight, not yet! Get in here. Now!" Kulang na lang ay sumabog siya sa galit. Nakakainis ba talaga akong kausap? Wala naman akong ginagawa para magalit sila sa akin o mawalan ng pasensya.

"Bakit ba lagi na lang kayong galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa na masama sa inyo?"

"Dahil mang-aagaw ka!" Minura niya pa ako ng ilang beses at napahinga ng malalim, "What are you doing here?" Baling niya sa likod ko.

Nalingunan ko naman sina Anne at ang pinsan nitong si Axel. Si Reed at si Wilfred. May kasama pa silang tatlong clone at si Pierre na nakangisi.

"Sis! I missed you so much! Oh siya, let's go!" Niyakap niya ako at saka hinatak para lumapit​ sa de motor na bangka.

"Where's your manners, woman? I was fucking asking you why you're here." Sita sa kanya ni Leonora.

"Ah, bitch. Huwag kang mag-alala at kahit halos mamatay ka na ay hindi ka namin tutulungan! Nandito kami para ipaghiganti ang mga taong mahal namin!" Sagot sa kanya ni Pierre at tinawag niya pa ang mga kasama niya.

"Maiiwan dito ang bata." Saad ni Reed. Tumango lang sa amin si Wilfred bago naglakad palayo ng nakayuko.

"Mag-iingat ka." Tumigil lang siya pero hindi niya ako nilingon. Masama ang loob niya sa akin.

"It's not the right time for your dramas. We have to get moving." Bulalas na naman ni Leonora.

Tinulungan ako ni Reed na makasakay sa bangka. Si Axel ang humatak ulit sa makina ng bangka at saka gumalaw ang sasakyang pandagat. Maingay ang tunog na nagmumula sa makina.

This is the longest night of my life. Sa isang gabi lang ay sobrang dami na ng nangyari.

"Reed, dapat ay hindi ka na sumama pa." Umupo ako sa tabi niya. Magkabilaan ang pwesto namin upang mabalanse ang bigat sa bangka at hindi ito tumaob.

"Pagkatapos ng lahat-lahat? Alam mo na hindi kita hahayaang mag-isa sa mga ganitong bagay." Sasagot na sana ako ng sumabat naman si Anne na kaharap namin.

"This will be the last. Kakalas na ako sa Mafia at lalayo kami sa inyong lahat." Aniya.

Tanaw na namin ang kabilang Isla ng tumigil naman ang makina ng bangka. Kita ko na ang mangilan ngilan na naglalakad sa dalampasigan. Tama nga si Leonora, walang puno o kahoy sa islang ito. Nakapalibot ang mga bonfire sa buong paligid. May naaninag din akong armas na nakasukbit sa ilang tauhan ni Aisha.

"Bakit tayo tumigil? Atat na ako ha!" Sabi ni Pierre.

"Not my mistake! Lintik na bangka, naubusan tayo ng gasolina!" Sagot sa kanya ni Leonora sa mas mataas na tono.

"Sinisigawan mo ba ako?!" Balik sa kanya ni Pierre ng pagitnaan naman sila ni Axel. Mabilis na makikilala si Pierre dahil kami lang naman ang magkapareho ang haba ng buhok. Ang tatlong clone ay walang imik, ni isa sa kanila ay hindi ko narinig na magsalita.

"Tama na 'yan, wala na tayong magagawa kundi gawin ang plan B." Aniya at naghubad ng t-shirt. Nagpaalam siyang mauuna na at tinanguan ko lang siya.

"Fucking no way! I will not swim!" Malakas na kontra ni Leonora.

"You have no choice, bitch. It's either you swim or you will be left all alone here." Maghuhubad na din dapat si Anne ng pigilan siya ni Reed, "Babae pa din naman sila." Saad niya.

"Bisexuals and lesbians." Pagtatama nito.

"Damn." Mura ni Leonora bago siya tumalon.

"Pumwesto kayo ng 50 meters sa bawat isa. Uunti-untiin natin sila. Walang mag-iingay." Hinawakan ko si Pierre sa balikat upang kami ang mahuli na bumaba ng bangka, "Kailangan ko ng malinaw na sagot kung paanong may mga nabubuhay pa na clone."

"Later, sis! Ayaw kong mahuli tayo sa bakbakan!" Pakli niya pero hindi ko pa rin siya binibitawan.

"Hindi tayo aalis dito hangga't wala kang sinasabi."

"To make it short, ahm, sila ang huling henerasyon. Ang totoo niyan, I met them two months ago. Ay! Actually sila ang nakakita sa akin. Tumakas lang daw sila sa kung sino man yun dahil hindi nila gusto ang ginagawa sa kanila."

"Kung sila ang huling henerasyon ng mga clone ko, ibig sabihin ba ay mas marami pa sila? Paano nangyari ito? May hindi ka pa ba sinasabi sa akin?"

Napabuga siya ng hangin, "Nasa fifteen lang sila dahil mas marami ang mga minalas at hindi naka-survive na gumising. Hindi nga sila nakakapagsalita eh, that's because patapon na sila. Damaged projects. So instead na hintayin nila kung kelan ang deadline nila dito sa mundo ay hinikayat ko silang sumama sa akin."

"Hindi pa rin sapat ang mga sinabi mo."

"Oo na. Ang importante ay mas marami tayong espesyal na kasama. Mas doble ang tsansa na mananalo tayo. Believe me sis, they're also great just like me. Haha!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top