Chapter 40- Edited

Vhon

"Because I'm already losing you!" Malakas kong sigaw sa kanya.

Mas masakit pa 'yung nararamdaman ko sa dibdib kesa sa mga pasa at sugat na natamo ko galing kay Aisha.

Hindi niya ako kinakausap katulad ng dati, hindi niya ako makuhang tignan katulad ng Reese na may pagmamahal sa akin. Hindi na siya malambing sa akin. Hindi niya na ako magawang pagsabihan katulad ng nakagawian niya. Nagbago na siya at sobrang sakit na sa pagiging tahimik at cold niya ay unti-unti niya na akong pinapatay!

She's killing me inside, torturing every tiny bits of me. Her silence is threatening me, for I know that she will do something that can break me totally. After everything that I have done, do I still deserve her? Will we make it till the end together?

Kasi kung pagbabasehan sa paraan ng pagtrato niya sa akin ay alam ko na ang sagot. Iiwan niya na ako, iiwan nila ako. Hindi ko kaya! Mababaliw ako!

Pinilit kong tumayo pero natumba na naman ako. Namamanhid ang dalawa kong binti. Nangangawit kakatayo ko ng matagal. Ang sakit pa din ng magkabila kong wrist at mas mahapdi kapag may lumalabas doon na dugo. I'm fucking dying!

Inalalayan niya ako at sinampay ang kaliwang braso ko sa kanyang balikat. Tahimik na naman kaming naglalakad ng isandig niya ako sa puno na nasa madalim na parte.

Pinagmasdan ko ang mukha niyang sobrang amo kahit blanko na naman iyon. Naglilikot ang kanyang mga mata at pinapakiramdam ang buong paligid. Pinulupot ko ang braso ko sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Ang lamig pa din ng katawan niya.

Bigla kong naalala ang ginawang pagnakaw ng halik sa kanya ng tauhan ni Aisha. Then... how that beast kissed her hard. Kung paano niya binastos ang asawa ko sa mismong harapan namin. Gustong-gusto ko siyang sugurin at patayin ng mga oras na yun... pero wala akong nagawa. Wala na talaga akong kwenta!

Pakiramdam ko, wala akong kwentang asawa. Hindi ko siya magawang protektahan o ipagtanggol man lang. Katulad noon, imbes na ako ang magligtas sa kanya ay ako pa ang nagawa niyang iligtas mula sa kamatayan. Ngayon, siya na ang gumawa ng paraan para makatakas kaming lahat ng mga kaibigan namin.

Huminga ako ng malalim. Ayokong mawala na naman sa katinuan.

"I am sorry for everything. Naging makasarili ako at inaamin ko na kasalanan ko ang lahat ng ito." Malumanay kong sabi. Inamoy ko ang buhok niya, "Nagpaputol ka ng buhok o pintulan mo 'to mismo?" Nagawa niyang putulin ang buhok niya ng ganun ganun lang, "I'll make this right. Not just for myself, but also for you. For our families and for our child." I believe her, our baby's not dead. She's just asleep.

Huminga siya ng malalim at niyakap din ako pabalik. This feels good. Naah, much better. Kahit hindi siya nagsasalita ay alam kong malapit niya na akong patawarin.

"I love you. I will never stop loving you." I whispered in her ear with all my heart. Pinakiramdaman ko siya pero nanatili lang siyang nakayakap sa akin.

Ilang segundo pa ng kumalas siya at bigla akong iniwan. Nanghihina akong napaupo sa lupa at nakaramdam ako ng panlalamig ng nagsimula na namang pumatak ang malakas na ulan. Nakikisabay pa ang lintik na ulan sa nararamdaman ko!

Hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin pero nagmumukha na talaga akong gago. Ayaw gumana ng utak ko, nakikisabay pa ang katawan ko na sobrang pagod. Pigil na pigil ko lang talaga ang huwag lang mapaigik kapag ginagalaw ko ang aking mga kamay. Ang sakit na sobrang hapdi ng wrists ko. Kapag talaga gumaling ako ay sisiguraduhin ko na hindi na ako nagkakaganito ulit!

Nakayuko ako ng napaangat ako ng tingin, "Wife..." Mabilis niya akong hinatak at palakad takbo kaming umalis doon.

Ang ingay ng buong paligid, humahalo na ang malakas sa ulan. Ang putukan ng mga baril at mga pampasabog. Medyo mabaha na din ang daan na tinatahak namin.

Napatingin ako sa katawan ng asawa ko na bakat na ang kanyang panloob. Fuck! Yung kagaguhan ko kahit sa ganitong alanganin ay hindi nagpapalagpas! Tsk!

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang loob ko.

"Nasa paligid lang si Aisha at tayo ang hinahanap niya. Sina Aidan at Geneva ay tiyak ng ligtas at papaalis na sila dito." Shit. Ang sakit ng wrist ko, mahigpit pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"How about our baby?" Wala pa din akong tiwala sa babaeng itinakbo ang anak namin, baka kung saan niya pa dalhin ang angel namin! O baka gamitin pa bilang blackmail sa amin at bumalik siya kay Aisha!

"Kasama na nila, nandoon si Tyron at Mimi."

Pinigilan ko siya at natigil kami pareho sa pagtakbo.

"Umalis ka para lang siguraduhin kung nakaalis na ba sila?" Huminga ako ng malalim, "You left me there awhile ago to check them?"

"Oo." Pinayuko niya ako at may hinuli siyang kung ano na dapat ay sa akin tatama. Tumabi ako sa kanya at tinignan kung ano iyon. A dagger? It's a Gerber Guardian Back Up Dagger!

Hinagis niya ito pataas at hinuli bago maliksing tinapon kung saan iyon nanggaling. Pinapunta niya ako sa kanyang likod at hinarang ang kanyang sarili upang protektahan ako. Nakakasakit na din siya minsan ng ego, yung tipong gusto niya pa din akong protektahan kahit alam namin pareho na magaling at matibay din naman ako sa combat.

"Magtago ka." Pautos niyang sabi at kaagad na sumugod sa isang babae.

Pabagsak akong sumandig sa malaking ugat ng puno. Mas lumalakas pa ang ulan, nakikisabay sa kaba na sumasalakay sa akin.

Nakasubaybay sa kanya ang mga mata ko. Kung paano siya makipagsabayan sa kalaban. Kung paano niya nagagawang salagin ang mga atake sa kanya at kung paano niya bigyan ng pwersa ang kanyang bawat suntok at sipa.

Pagkatapos niyang balibagin ang ulo ng babae ay lumapit na siya sa akin at tinulungan akong makatayo, "I should be the one who's protecting you, sweetheart." Nakasimangot na saad ko.

"Huwag mo nang isipin yun, I vowed for this." Maagap niyang sagot habang naglalakad kami sa ilalim ng malakas na ulan.

"Screw that vow of yours. Nakakababa din minsan na ikaw na lang lagi ang pumoprotekta sa akin." Hindi ako galit, tonong nagtatampo lang. "Aww. " Kung pwede ko lang sanang putulin ang wrist ko! Shit lang, ang sakit!

Tumigil kami saglit para makapagpahinga. Hinawakan niya ng mahigpit ang wrists ko, napaigik na naman ako sa hapdi.

"What are you doing?" Maang kong tanong ng hinubad niya ang polo at nagpunit ng dalawang pahaba na tela nun.

Nakatingin lang ako sa malulusog niyang dibdib na nakabandera sa harapan ko kahit may brassiere pa din naman siyang suot. Napalunok ako ng ilang beses habang siya naman ay nilapatan ng dahon ang magkabilang wrist ko at saka tinalian. Mabibilis ang galaw niya katulad ng kung gaano kabilis ko siyang kinabig at hinuli ang labi niya.

Damn it! I missed her so much!

Niyakap ko siya gamit ang kaliwang kamay ko habang ang kanan naman ay nasa batok niya.

She didn't respond at first, she felt stiff but later on, she willingly reciprocated it. I am kissing her with hunger. I want her to feel how I missed her. That I am longing for her, for her hugs and kisses. I tasted her sweetness once more. How she moves her lips with mine, how she played with it. She's giving me the same intensity that I am giving her.

I hugged her tighter while her arms are on my shoulders. I don't want this to end anymore. Those long months that felt like thousands of years are worth the wait now that she's back here in my arms.

Gusto ko sanang magprotesta ng humiwalay siya sa akin at humakbang na naman palayo. May sinalubong siyang dalawang babae. Sa isang iglap ay natumba naman ako ng may tumama sa aking panga.

Shit!

Bumangon ako at binigyan din siya ng suntok na nagpaatras lang sa kanya. Naipaypay ko ang aking kamay pagkatapos kong gawin iyon. Kelan pa ba ako gagaling ng tuluyan?! Fuck fuck fuck!

"Shit!" I cussed continuously. Dahil tatanga-tanga ako ay hindi ko na naman napansin ang kamao na lumapat sa kaliwang panga ko. Naibalanse ko naman ang katawan ko at hindi na muling natumba. Sinasalag ko ang bawat suntok niya at tumalon ng  sinubukan niya akong padulasin gamit ang kanyang paa. Umatras ako, "Fuck!" Malutong kong mura ng may tumusok sa kanang likod ko.

Mas napahiyaw ako sa sakit ng may bumunot nun at walang anong hinatak ako. Para akong binalya ng mabunggo ako sa puno. Sa lakas ng impact ay parang tumalbog ako, hindi pa ako tuluyang natutumba ng may sumipa na naman sa dibdib ko!

Napasandig ako pabalik sa puno at umilag ng may paa na namang papunta sa direksyon ko. Paatras ako ng paatras ng hulihin ko ang paa niya, tinignan ko ang mukha niya. It's Irene, Aisha's right hand. Pero mukhang higit pa dun ang tratuhan nila.

Tumalon siya upang gamitin ang isa pa niyang paa ng inunahan ko siyang sipain sa tiyan pabalik. Nalaglag siya sa lupa at tumalsik ang tubig pagbagsak niya ng hindi ko pa rin binibitawan ang paa niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak dun at binalibag na nagpasigaw sa kanya. Nilapitan ko siya at malakas na sinipa sa tiyan.

Nilingon ko ang asawa ko na pinagtutulungan ng dalawang kalaban. Ang isang naka-shorts at sandong itim ang nasa harapan niya. Nasa likod niya ang isang nakapantalon at long sleeves na itim din. I'm really amazed on how she manage to fight back when she's all alone and has more than two enemies, lalo na kaninang hapon na pinagtutulungan siya ng higit sa limang katao. To mention that they're all skilled and has abilities to kill without hesitation and fear.

I groaned in pain when I felt my wound at my upper right back. Nabigla naman ako ng nasa harapan ko na ang asawa ko at sinubsob niya lang naman ako. Sa lakas ng ginawa niya ay natumba ako patagilid. Muli niya akong sinipa at napaikot naman ako. Saka ko lang naintindihan kung ano'ng ginagawa niya sa akin. May kadenang hinahampas papunta sa kanya at maliksi ang paraan ng pag-iwas niya. Madadamay dapat ako kung hindi niya ako maagap na nailalayo.

Gumapang ako palayo sa kanila ng may pumulupot sa leeg ko at inangat iyon. Shit! Susubukan ko sanang tumayo ng tumukod ang tuhod niya sa likod ko.

"F-fuck." Mauubos na ang hininga ko ng bigla iyong lumuwag. Napaubo ako at habol ang hininga na nilingon ko si Reese. Napatay niya na ang dalawa. And for Pete's sake, she's only wearing her brassiere​! Bumangon ako at akmang huhubarin ang polo ko ng mapansin kong wasak na din pala ito. Napapalatak ko na lang siyang nilapitan at niyakap, "Let's just get the fuck out of here, sweetheart." Huminga ako ng malalim.

Kailangan kong mag-ipon ng lakas, hindi pwedeng mapabayaan ko siya. Sa katunayan ay umiikot na ang paningin ko. Bumibigat na din ang talukap ng mga mata ko. Para pa akong masusuka na ewan. Pati ang mga labi ko ay nanginginig na.

"Bilisan natin. Marami pa ang padating."

Yeah yeah. They will do whatever it takes to get the two of us.

Nakakainis lang na parang hindi nauubos ang mga tauhan ng hinayupak na lintik na babaeng higad na yun! Hindi naman kami pwedeng magtago at tumakbo na lang!

"Wife..." Napasapo ako sa aking tiyan ng parang may sumipa doon. Napatakip din ako ng aking bibig, nasusuka na talaga ako!

"Ashton, ano'ng nangyayari sa 'yo?" Lapit niya.

"I'm fine."

"Hindi ka mabilis gumaling." Puna niya.

"Yeah. Let's go." Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kamay ng may lumabas sa bibig ko. Napayuko na naman ako at tuluyan nang nagsusuka, "Argh." Nag-angat  ako ng tingin at nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya.

"Take a rest. I'll protect you." Pilit niya akong pinapaupo pero kumontra ako.

"Tss. I can still run, wife. At hindi pa ako mamamatay."

"You're being stubborn again." Sagot niya lang.

Naalerto kami ng may mga papatakbo na pigura papalapit sa amin, saka lang ako nakalma ng mga tauhan yun ni Daddy. Basa din silang lima at kasama dun si Aiko na naghubad ng t-shirt at inabot sa asawa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top