Chapter 4- Edited
Reese
"Magandang umaga, Mrs. Boss. Tumawag ho ang asawa niyo at kanina niya pa kayo gustong makausap. Ipapaalam ko po ba sa kanya na nandito ka na?" Salubong sa akin ni Kristen pagkalabas ko pa lang ng elevator.
"Don't bother, Kristen. If he wants to talk to me, puntahan niya ako ng personal."
Wala akong gagawin sa bahay kaya napagpasyahan ko na pumunta ng opisina at magtrabaho kahit hindi naman kailangan.
Umuwi siya ng madaling araw at lasing. Nakatulog siya sa living room dahil sa sobrang kalasingan. Gumising siya ng mga bandang alas dyes ng umaga at nag-ayos, bumalik kaagad ng opisina.
Hindi naman siya katulad ko na kaya ang sobra sobrang pagpupuyat, pagod at inom.
Wala kaming pansinan simula pa kaninang umaga at miss ko na siya. Pero ayaw ko na ako pa mismo ang unang kakausap sa kanya at magbubukas ng topic. Intindihin niya din ako, hindi 'yung siya na lang ang iniintindi ko.
"Mrs. Boss, nag-away po ba kayo?"
"Our relationship is private, please respect it. Ano'ng gagawin ko dito? May interview pa ba?"
"Wala na po. Bukas ang examination and two days after din nun ang final interview."
"Ganun ba. Aalis na lang ako."
"Saan po kayo pupunta?"
Huminga ako ng malalim. Tumingin sa labas at nag-isip sandali.
"I don't know. I need time alone."
Bitbit ang handbag ko ay lumabas ako ng opisina at nag-abang ng masasakyang taxi.
Hindi pa man ako nagtatagal sa paghihintay ay may tumigil na sports car sa harap ko. Bumukas ang pinto nun at nakangisi siyang nilingon ako.
"What's up, sister? Missed me?" It's Pierre.
"Ang yaman mo, kaninong kotse 'to?" Tanong ko ng hindi umaalis sa kinatatayuan ko.
"Nagsalita ang kayang bumili ng sobra sa sampo nito. Sakay na! Haha!" Excited niyang aya na pinaunlakan ko naman.
Tinanaw ko muna ang building at saka ako sumakay ng kotse. Pinatakbo niya ito kaagad ng mabilis.
"Baka mahuli ka sa bilis ng pagpapatakbo mo, Pierre."
"Hindi noh! Haha! Gusto ko ang ganito! Intense, sis!"
"Buntis ka ba?" Tanong ko na biglang nagpapreno sa kanya. Medyo tumaba siya at nagkalaman.
Kung wala lang kaming seatbelt ay baka sumubsob na kami sa harap ng kotse.
"Congratulations to me! Yes! Two months!" At binalik niya sa daan ang sasakyan.
Masaya ang mga buhay mag-asawa nila. Lahat sila, kung hindi nagdadalang tao ay may mga anak na.
Kompleto na ang pamilya nila, pero paano kami ni Ashton?
"Paano ba ako mabubuntis?" Tanong ko ulit. Kahit alam ko na ang sagot.
Baka kapag nabuntis na ako, mas maging open na siya sa akin.
"Gabi gabi kayong mag-stretching! Hahaha! Baliw! Bakit ganyan ang tanong mo ha? Pressured ka ba at hindi ka pa din nabubuntis? Vhon understands your situation, sister!" iniliko niya ang kotse at tumigil sa tapat ng isang bakeshop.
Naiintindihan nga ba?
Pero bakit parang lumalayo na siya sa akin?
"Twenty-five ka pa lang, huwag kang atat na magkaanak kaagad. Kita mo si Andy at Maria? Chill chill lang? Haha!"
Pumasok kami sa bakeshop at sinalubong kami ng dalawang babae na tinutukoy niya kasama si Clarice.
Umupo kami sa mesang may saktong bilang ng banko para sa amin.
"Hello, kamusta?" Clarice
"Okay lang. Kahapon lang tayo nagkita."
"Saan banda?" Maria
Clarice is a bit jolly while Maria is like Leonora. The way she talks and acts, but her character is way too far from that woman. Andy is Jomarie's long time girlfriend at wala pang plano mag settle down.
"Okay lang ako, Maria."
For six years, mas lumawak pa ang sakop ng pagiging magkaibigan namin. Dahil na din sa mga partners namin na solid ang samahan kahit may kanya kanyang negosyo na inaasikaso ngayon.
"Nga pala girl, pwede ba kitang maging model para sa tarpaulin namin? Magbubukas kasi kami ng bagong branch sa makati." Andy na nakapangalumbaba sa mesa.
"Sige. Kahit wala ng bayad."
"Really?! Damn! I'm sure na magiging grande ang opening namin! Thanks, girl!" Napapalakpak pa siya at pinisil pisil ang mga kamay ni Pierre.
"Teh, kamay ko 'yan." Natatawang suway niya dito na binelatan lang siya pabalik.
Um-order kami ng juice at sweets, "At aba mga babae! Itong beautiful sister ko ay nagtanong kung paano daw siya mabubuntis!" Pierre
"Eh? Gaga. Maghintay ka, huwag mong madaliin." Maria
"Hindi naman ako nagmamadali."
"Excited lang?" Clarice
"I'm already twenty-five, I'm not getting any younger."
Halos batukan na ako ni Pierre.
"Ewan ko sa 'yo! Bakit ba gustong gusto mo na ang magkaanak ha?" Pierre
"Naiinggit ako sa inyo."
Inggit nga ba?
O pressured na baka pagsawaan ako ni Ashton?
"Gaga! Inggit? Saan banda? Haha! Si Pierre? Kaiinggitan mo? Kapag lumobo na tiyan nito baka sabihin mong galing 'to sa dagat. Kita mo sina Charry at Terry?" Maria
Humagalpak ng tawa si Maria at Andy sa sinabi ng una. Napakamot naman ng ulo si Clarice.
"Masaya kaya ang magbuntis! Center of relationship niyo din 'yon ng asawa niyo, except sa Diyos! Mas lalakas pa ang bond niyo dahil sa anak niyo!" Pierre
"Oo nga, ikaw talaga." Clarice kay Maria.
"Whatever." Itinirik nito ang kanyang mga mata at sumipsip ng juice sa kanyang baso.
"May problema ba kayo ng asawa mo?" Andy, "Alam mo girl, normal lang 'yan. At isa pa, kung sakaling mabiyayaan kayo ay swerte niyo. Kung hindi pa ay mahaba pa naman ang oras."
"Marami pang time for stretching!" Dagdag ni Pierre.
"Does any of you heard an organization, MAL?" Tukoy ko sa organisasyon ni Aphrodite.
"Heard a gossip about it." Maria
"Iniilagan ang Mafia na 'yan, bakit mo natanong?" Clarice
"Girl? They're monsters!" Andy
"All girls Mafia 'yan, diba?" Pierre
"Oo. Nakita ko na din ang leader nila kagabi."
"Oh tapos?" Clarice
"I want to kill her."
"Bangag! Baka nag-aagaw buhay ka na bago mo siya makaharap." Maria
"You don't know me and what I'm capable of." Plain kong sagot
"Ano ba 'yan, ang lamig ng boses mo." Clarice
Napangisi na lang si Pierre. These women doesn't know my real identity.
"Alam nating mabagsik ka talaga, ano? Bilib kami at napaamo mo si Vhon. Pero Aphrodite? The most deadly and only one leader of a mafia na babae? Sobrang layo niya sa 'yo." Maria
"Ano ba ang meron sa kanya at parang may galit ka dun ha?" Pierre
"Ashton was with her last night, he came home late and drunk. Hindi man lang ako kinausap o nagkwento."
"Aphrodite is not a threat. They have a sacred rule to remain single, loyal to their Mafia, untouched and to not love a man. Boys are just their slaves." Maria
"I'm not contented about it. Parang kukunin niya si Ashton sa akin."
Sobrang saya pa kagabi ni Ashton habang kaharap niya ang babaeng iyon at tumatawa. His eyes were sparkling, too amused of that woman.
It's like my blood is boiling inside. Thinking that someone is making him happy the way I can.
"Baliw ka na talaga. Stop over thinking, will you? Parang wala kang tiwala sa asawa mo niyan." Pierre
"Wala siyang tiwala sa akin."
"He trusts you enough, asawa mo na nga eh." Clarice
"Kahapon ko lang nalaman ang tungkol sa kanila ni Aphrodite. He doesn't even want to tell me how he killed Aisha."
"That bitch deserved it. Just trust your husband, at kausapin mo na. Bring down your pride for the sake of your healthy relationship." Maria
Tama siya, kailangan ko ng kausapin ang asawa ko.
"Kaya go lang, girl! Walang malanding ahas sa kumukulong dugo ng asawang nagseselos!" Andy
At kailangan ko na ding mabuntis. Sa mabilisang paraan.
I'll get rid of that woman first. Tama. Wala na si Leonora, siya naman ang pumalit.
Bumalik ako ng opisina at umakyat papunta sa main office ng asawa ko.
*******
Umuwi din ako ng bahay at pagdating ko doon ay wala siya. Sinusubukan kong tawagan ang cellphone niya pero unattended.
Pumunta ako ng Academy, wala pa rin.
Dapat na ba akong kabahan?
Pumunta ako sa bahay nila, sa mansion but he's still not there.
Where is my husband? Is he with that woman again? That Aphrodite who's even in me just by her height?
Napatingin ako sa kamay ko ng narinig ko ang pag-crack ng cellphone ko.
Nabasag. Bibili na lang ako ng bago bukas.
Saan na ba ako pupunta?
Wala akong dalang kotse, I can drive but I use to commute rather. Gusto ko ang mamasyal o magpunta sa ibang lugar na walang kotseng dala o kailangan pang imaneho.
Nagpalakad lakad lang ako sa gilid ng kalsada. Madilim na, inabot ako ng dilim kakahanap sa kanya. Kahit ni isang text o tawag mula sa kanya ay wala akong natanggap.
Hindi niya ba ako naaalala? Galit ba siya sa akin?
Ano ba ang dapat kong gawin upang makuha ko ang tiwala niya?
Saan ba ako nagkulang? Is it because I'm not as showy or expressive everytime we're together?
Baka kailangan lang namin ng quality time ng magkasama?
O baka dahil hindi ko siya mabigyan ng anak?
"Woah! Watch where you're going, Reese."
Natigil ako sa paglalakad ng may nagsalita sa harap ko.
Umatras ako ng ilang hakbang at tinitigan ko lang siya.
"Still jealous of me, eh?" I don't like it when she's trying to piss me off. Hindi naman ako nagagalit, I'm just getting aggravated of her presence.
"Ano ang kailangan mo? Nasaan ang asawa ko?"
"Hoho! I just want to know you more since you are my best friend's wife. Pauwi na ang asawa mo and he is surely worried about you now."
"Halata naman na siguro kagabi pa lang na ayaw ko sa 'yo? Stay away from him." Diretsa kong sabi.
Humalukipkip siya at tumawa ng may kasamang pang-uuyam.
"Why would I? We are business partners aside from being best of friends during our childhood days. He needs me more than I need him."
Nilagpasan ko siya at hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya.
My husband needs him more than she needs him? Ano ang ibig niyang sabihin?
Hinabol niya ako at inayang sumakay sa sasakyan niya upang ihatid ako sa bahay ngunit tinaggihan ko ang alok. At sinabi sa kanya ni Ashton ang address namin?
Tiniis ko ang paglalakad ng mahigit isang oras makauwi lang sa bahay. Pagpasok ko ng gate ay kaagad akong sinalubong ng mga bantay.
"Ano'ng nangyari sa inyo?" Nagtataka ako ng may mga pasa silang lahat sa mukha. Ang iba naman ay may iniindang sakit sa parte ng katawan nila.
"Mrs. Boss, bakit ngayon lang ho kayo? Saan kayo nanggaling? Pumasok na kayo sa loob at kanina pa kayo hinahanap ni Boss." Patakbong lumapit sa akin si Aiko at hinatid niya ako papasok ng bahay.
Pagpasok ko naman ay nagkalat ang mga mwebles at wasak na ang iba.
"May bagyo ba?" Tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo at naiiling na tinuro ang hagdan.
"He's gone mad. Ilang oras at beses niya na kayong tawagan sa cellphone niyo."
"Nasira ang phone ko." Inilabas ko sa aking bulsa ang wasak kong cellphone at ibinigay sa kanya.
"Ibibili ko na lang ho kayo ng bago bukas. Sa ngayon, umakyat na muna kayo. Nagwala na 'yon kanina eh."
Tinahak ko ang hagdan at pagpasok ko sa unang pinto ay bumungad naman sa akin ang mga unan at kumot namin na nasa sahig, nakakalat at wala sa ayos.
"Ash-" Hindi ko natapos ang pagtawag sa pangalan niya ng sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap, "Amoy alak ka na naman." Wala akong kontra sa pag-inom niya pero hindi ko gusto na sa tuwing nagkakaproblema siya sa akin ay idinadaan niya kaagad sa inom. Ganito siya lagi, lalo na kapag sumasama ang loob niya sa akin o dahil sa sobrang pag-aalala.
Hinarap niya ako at isinara ang pinto. Hinawakan sa balikat at inalog alog ako.
"Where the fuck have you been?! Alam mo bang halos mamatay matay ako kakahanap at kakaisip kung saan ka nagpunta?!" Pigil ang boses niyang tanong sa akin. Halata ang galit doon.
Galit na naman siya sa akin.
"I left the office before lunch, met up with the four ladies. Pierre, Clarice, Andy and Maria. Bumalik ako ng opisina mo pero wala ka. Nagpunta ako ng Academy, later on I decided to check you sa bahay nina Dad but you weren't there. And when I was walking alone in the streets, sinalubong ako ni Aphrodite. Nalaman ko na lang na pauwi ka na at magkasama na naman pala kayo buong araw."
"But why weren't you answering my calls?" Medyo kumalma na siya matapos marinig ang paliwanag ko.
"I broke my phone. I tried calling you for so many times pero unattended, kasi busy ka sa babaeng 'yon."
"Wife? Ano ba ang pinagsasabi mo?" Tumalikod siya at napahawak sa batok niya.
"Gusto mo isa isahin ko lahat, Ashton? O huwag na? Kasi alam ko naman na bigla ka na lang aalis, o di kaya ay iiwas sa usapan at tatalikuran lang ako kaagad."
Umupo ako sa kama at hinayaan lang siya sa kinatatayuan niya.
"What's your problem?" Tumabi siya sa akin.
Hindi ko sinalubong ang mga mata niyang nag-uusisa. Nanatili akong nakatingin sa pintuan kung nasaan ang terrace.
"Ikaw? Ano ang problema mo sa akin?" Balik ko sa kanya.
Napahilamos siya ng mukha niya at kapagkuwan ay huminga ng malalim.
Wala sana kaming problema kung hindi lang dumating ang Aphrodite na iyon. Siya ang pag-uugatan ng lahat ng ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top