Chapter 37- Edited
Reese
Ayaw ng pumatak ng luha ko. Ramdam ko na ang pagod at bigat na bitbit ng aking kalooban. Gustuhin ko man ang manghina, wala naman akong maramdaman. Gusto ko nang isuko ang responsibilidad ko kay Ashton. Gusto ko nang mamuhay ng tahimik at matiwasay. Ayaw ko nang makita ang mga tao niya na nagsasakripisyo. Ayaw ko nang mag-isip ng sobra kung ano ang mangyayari bukas.
Pagod na ang utak ko pero manhid pa din ang katawan ko. Gusto ko nang makapagpahinga. Gusto kong makalayo sa mga peligro at gulo na nakaamba sa pamilya ko.
Nadamay ang kapatid ko at si Anne. Ang mga kaibigan namin na nalaman kong hindi man lang nakapagpaalam ng maayos sa mga asawa nila. Ang mga binawian ng buhay dahil kay Aisha. Ang pagkawasak ng mumunting bayan ni Tatay Tomas at ang kanyang pagkamatay. Kung paanong nasira ang kainosentihan ni Wilfred, sa ikalawang pagkakataon.
At kung paanong nawasak ng tuluyan ang pag-asa ko na magkaroon ng simple at kompletong pamilya.
Bakit sa akin pa nangyari ang ganito? Ano ba ang kasalanan ko para mangyari sa akin 'to? Sira na kami ng asawa ko, nawalan pa ako ng anak.
Tatapusin ko na ang lahat ng ito. Buo na ang desisyon ko. Ayoko ng may madamay sa pagiging makasarili ng asawa ko.
Pinagmasdan ko ang natutulog kong anghel na hindi pa din humihinga. Pinakiramdam ko ang buong paligid sa pamamagitan ng pagpikit ko ng aking mga mata. Pinakinggan ko ang kaluskos na nagmumula sa kung saan.
"I'm sorry." Ilang beses niya na iyong sinabi pero hindi ko pa din siya sinasagot. Ni isang salita ay ayaw mamutawi sa aking mga labi. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masampal ko siya kanina na halos ikawalan niya ng ulirat. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sumbatan.
Hindi ko man gusto ang isisi sa kanya ang lahat ay ganun ang pumapasok sa aking isipan. Pilit nagsusumiksik sa utak ko ang mga rason kung bakit masama ang loob ko sa kanya. Kung bakit nawala ang anak ko.
No. She can still live. You have to take risk, just your blood and maybe, just maybe, she will start to breathe. Or maybe, she need a little time to wake up.
Susubukan ko ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa. Ang patakan ng dugo ko ang aking anak sa labi at sana, gumana. Mukhang katangahan pero espesyal ako, kaya kong pagalingin ang sarili ko. Immune ako sa kahit anong sakit. At kahit doon man lang ay nakakaramdam ako ng pag-asa.
"Since family reunion niyo ito ay hahayaan kong manatili ka dito kasama ng kapatid mo." Sulpot ni Aisha, "And while waiting for your slutty sister, do yourself a favor. Don't make any move or else, I will blow your heads off. Lalo na ikaw, mukha mo pa lang ay wala ng gagawing mabuti." Turan niya sa akin. Nakagapos din ang kamay ko katulad kina Reed, katabi ko lang siya.
Umismid ako kung paano gawin iyon ni Pierre. Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka tumalikod.
Nilingon ko si Geneva na mataman ang pagkakatitig sa akin, mukhang naghihinala siya sa akin. Umiling iling na lang siya, ayaw niya namang magsalita. Nanibago ako kay Anne na kakatapos lang umiyak ng makalipat ako sa pwesto nila. She's the strongest woman I've ever met pero ngayon pa siya umiyak. Kung tutuusin ay kaya niya namang magtapang tapangan.
"I'm sorry... Wife." Naging malikot ang mga mata naming apat maliban kay Ashton pagkatapos niya iyong sabihin, "You can fool them but it won't work on me. I can feel it... I'm so sorry. For being stupid, a jerk, a useless husband. I'm sorry for breaking your heart. For being arrogant, selfish. I swear, pinagsisisihan ko na ang lahat." Nagsasalita siya ng mahina pero rinig na rinig ko iyon. Ang sensiridad sa boses niya. Kung paanong nahahaplos nun ang puso ko.
Ngunit nanatili akong walang kibo. Wala ni isa sa amin ang pinigilan siyang magsalita. Tapos na akong intindihin siya, sa ngayon ay kailangan kong tumayo sa aking sarili. Sa ngayon ay sarili ko na ang pakikinggan ko. Hindi ko na hahayaang diktahan niya pa ulit ako.
"I missed you so much. So much that when I saw your picture with Aidan, I almost hated you. I lost my sanity, my patience and self control. Inisip ko pa na pinagtutulungan niyo akong lahat. I lost you and our child. I lost everything." Biglang nabasag ang kanyang boses. Gustong gusto ko siyang yakapin pero ito ang tamang gawin sa ngayon, "Kung pwede lang na maibalik ko ang nakaraan, sana baka naging matino ako. Sana... hindi ako naging gago."
I missed him too, but it won't change the fact that he's the reason why this is happening now.
Sampong taon pagkatapos ng ginawa niya kay Aisha na si Aphrodite na ngayon. Sinisingil niya na kami at maraming inosenteng tao ang nadamay. Parang katulad lang dati kina Dimitrios at sa mga magulang niya.
Paghihiganti. Iyon ang naging motibasyon ng mga kalaban. Ang makapaghiganti at maningil.
"If giving up my life will save you, I will not hesitate since I deserve to die. Ako ang nag-umpisa nito kaya ako din ang tatapos. Can you forgive me?" Still, wala siyang nakuhang sagot mula sa akin.
"Tumahimik ka na lang." Pigil sa kanya ni Reed.
"Eleven-thirty." Sagot ni Geneva ng napansin niyang nakatingin ako sa kanyang relos, "Care to tell us what's running on your mind?" Tanong niya kapagkuwan.
Umiling lang ako, malalaman din nila ilang minuto na lang simula ngayon.
"Reed. Alam mo na ang gagawin kung sakali." Biglang sabi ko sa kanya na nakatingin lang sa akin.
Blanko lang din ang ekspresyon niya ng biglang lumamlam ang kanyang mga mata. Ngumiti ako ng tipid sa kanya upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang agam-agam. Kilala niya ako, nag-iisip ako bago kumilos. Alam niya ang gusto kong ipahiwatig.
"What do you want? Nangangati ka na naman ba?" Asiik ni Aidan kay Aisha. Pinakuha niya ang kaibigan namin sa kulungan kung nasaan ang ilan, nasa harapan namin sila. Hawak hawak si Aidan sa magkabilang braso ng dalawang babae habang ang isang nasa tabi ni Aphrodite ay tinututukan siya ng baril sa mukha.
"No honey, I just want to know where your good for nothing slash son of motherfucking little sister is. Alam niya bang mali ang traydorin ang isang Amazona leader?" Naiinis na saad ni Aisha.
Bumaliktad si Leonora? Ngayon ko lang napag-isip isip na may posibilidad pa pala na magbago ang isip niya. Baka gusto niyang bumawi kay Aidan at magbago ng landas.
"Why don't you look for her yourself? Best friends kayo, diba?" Walang modong sagot sa kanya ni Aidan.
"Huwag mong sagarin ang pasensya ko, babe. Baka gusto mong unahin kitang itumba?" Banta nito sa kanya. Ngumisi lang si Aidan at napatingin sa gawi namin, partikular na sinalubong niya ang mga titig ko.
"Oh c'mon, don't you remember those good old days? I was so sweet to you, babe. We used to cuddle and make love all day long. Don't you miss it?" Ano ba ang sinasabi ni Aidan? Nababaliw din ba siya? Sinusubukan niya bang linlangin si Aisha?
Hinaplos nito ang kanyang mukha at nakangisi ng diinan nito ang pagpisil doon. Napapangiwi ang kaibigan ko sa ginagawa niya.
"I have realized long time ago that you just used me to satisfy your cravings. I was once that naive, gullible and stupidly in love with you but that teenage girl learned her lesson. Hindi mo na ako maloloko sa mga matatamis mong salita kaya sabihin mo kung nasaan na ang lintik mong kapatid!" Bulyaw niya kay Aidan.
"But your actions last night proved you wrong, I felt it. Alam kong mahal mo pa din ako. Nagseselos ka pa nga kay Reese, diba?" May himig pang-aasar ang boses niya, "Di ko na kinakausap ang kapatid ko matapos kong malaman na nakipagsabwatan siya sa 'yo. Kapatid ko siya at mahal ko siya pero iyon ang parusa niya sa pagsama sa 'yo. Baka ngayon nga ay kasama niya na si Landon at nagtatago na sila sa malayong lugar."
"That bitch. I should have known from the start na pakay niya lang talaga ang pinuno ng mga alipin ko. Pwede ba Aidan, I tricked you and I proved to myself that you are a bastard." Winaksi niya ang mukha nito at humalukipkip, "But then, it's okay. Pagkatapos ko kayong patayin lahat dito at ma-take over, I mean, maagaw ang Black Mafia to be exact ay saka ko siya ipapa-hunting na parang hayop." Ngumisi siya ng nakakaloko na ikinainit ng ulo ni Aidan at pilit na kumawala sa mga nakahawak sa kanya.
"Subukan mo lang, sisiguraduhin ko din na kahit saang sulok ka pa magtago ay mahahanap kita." Matapang na balik niya dito.
"Aww. Now I'm scared, baby. I wanna pee on my pants right here. Ha-ha." Sarkastikong sagot nito, "Gusto mo bang sabihin ko sa 'yo kung paano ko siya papatayin ng dahan-dahan? First, I will satisy my slaves' cravings dahil alam ko namang tigang na tigang na sila at ang kapatid mo ang perfect na panghain. Second, sisirain ko ang buong pagkatao niya. Lalong lalo na ang pangit niyang pagmumukha at katawan. Third, I will slowly rip her body like she's a cat that needs to be dissected. Hmm. Ano pa nga ba? May suggestions ka ba, babe?" Pang-aasar niya kay Aidan.
Isa siyang anak ni satanas na sobrang halang ang kaluluwa.
"Hindi mo basta basta masasaktan o malalapitan ang kapatid ko. Kilala at alam mo kung ano ang kakayahan niya." Kompiyansang sagot niya.
Huling balita ko kay Leonora ay napasok siya sa top 5 na kinatatakutang Mafia Boss sa Underworld sa loob at labas ng bansa. Kahit nga sabihing malandi siya at parang walang pinag-aralan dahil sa ginagawa niya ay mabagsik siya.
"Try me babe, baka nakakalimutan mo din na ako ang currently na nasa rank 3. Rank 5 lang siya, ano'ng panama niya? I have skilled killers, sino naman ang magtatago sa kanya? Ikaw? Na papatayin ko na ano mang oras?" Tila nagpanting ang taenga ni Aidan. At mas lalo pa siyang nagwala.
"Huwag mong mahawakan ni gahibla ng buhok ng kapatid ko! I swear, Aisha! I fucking swear that I'll kill you with my bare hands!" Napakunot ang noo ko, hindi dahil sa pagwala niya kundi dahil ito ang kauna-unahang beses na nagmura siya. He cussed and his gaze are dangerously deadly now. Naging tensed din ang kanyang mga panga at nakakuyom ang kanyang mga kamay.
Ganito ba ang isang Aidan Addis magalit? Si Leonora ang kanyang kahinaan. Ang kapatid niya ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya. Kaya kahit ano'ng pang-aaway, pagpatay, pananakit at pilit na paninira ang gawin ng kapatid niya sa amin ay hindi ko siya narinig na nagalit dito. Parang si Reed sa akin, halos perpekto. Walang naipintas ni minsan sa akin, wala din siyang reklamo sa mga kagustuhan ko.
Tumawa ng nakakainsulto si Aisha, "How I love hearing you cuss babe, just like the good old days." Huminga siya ng malalim, "I am getting bored, why don't we start the show?" Pumalakpak siya at may ilan pang lumapit sa kanila. Humakbang paatras si Aisha at pinalibutan ng nasa anim na babae si Aidan sa gitna.
"You bitch! Ano'ng gagawin mo sa kanya?!" Malakas na sigaw ni Castiel.
"Siya ang una niyong laruan girls, you know what to do." Sa sinabi niyang iyon ay nagtawanan at nag-apiran ang mga babae. Kapagkuwan ay may isang lumapit at mabilis na sinikmuraan si Aidan. Sapo ang tiyan na napahiga siya sa lupa.
"Shit!" Malakas na mura ng asawa ko, "Damn you, Aisha! Stop it! You whore! Fuck you! Itigil mo 'yan! Pigilan mo sila!" Napamura siya ulit ng pinilit niyang kumawala sa pagkakatali. Nakita ko kaninang nagdudugo ang kanyang pulso.
Nang makatayo si Aidan ay kaagad namang may lumapit sa kanya at sinuntok siya sa kanang panga. Sinasadya nilang ipakita sa amin ang mga pangyayari.
Emotional, physical at psychological torture ang gusto nilang gawin. Pero hindi iyon gagana sa akin.
Kapit lang Aidan. Huwag kang bibitaw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top