Chapter 32- Edited

Aidan

At first, what I found out from Geneva almost shook the cheese out of me. Okay, don't misunderstand me. Aight? Goodness, nakakagulantang!

And why am I feeling like I just want to shout? This is so overwhelming! I mean, what if it's true? What if it's her?

Paano na ako? Si Reese? Si Vhon?

"Pwede ba, umayos ka! Malilintikan ka talaga sa akin kapag nakarating kay Boss na sinabihan kita! Abah, mahal ko ang buhay ko kesa sa koleksyon mo ng mga babae kaya please lang! For once Aidan, bear with me!"

"And who says I'll spoil that freaking news? I'm still shocked so I can't think straight!"

"Eh bakit mo ako sinisigawan?! Isumbong kaya kita kay Mama?!"

"Oh, shut up. 'Know what insan? Huwag ka na lang munang magpapakita sa best friend ko at baka gawin niyang target point 'yang malapad mong noo." Natatawa ko siyang tinalikuran na namumula na sa galit. She was​ yelling at me, she did it first. So, bumawi lang ako. Haha!

What am I going to do? Should I call for some help?

And what for?

This whole chicken thing is frustrating. Kelan ba magiging tama ang mali? Sino'ng pipiliin ko kapag nagkabukingan na? Sino? Anong gagawin ko? Hays.

"Kahit kelan ay hindi magiging tama ang mali. Tandaan mo 'yan, gets? Mukha kang asong ulol. Please lang, huwag kang gagawa ng ikasisira ng pamilya natin!"

Natatawa ako kapag naiisip ko si Geneva na nagtatalak at daig pa si Mama kapag pinagsasabihan ako.

"Aww!" Nakaiwas na ako sa pangalawa niyang suntok, umilag ako at pinatamaan siya ng kamao sa panga. Ilang beses siyang tinamaan pero mukhang matibay talaga ang pundasyon niya.

Ang sakit ng panga ko! Sinira niya lang naman ang gwapo kong mukha.

Aphrodite's men are skilled, they're strong enough. Halos walang pinagkaiba sa mga reaper namin. I rarely say an honest judgment but he is good, but ehem, I'm just getting started here. I haven't shown him my real moves yet.

Umilag lang ako ng ilang beses para mabasa ko ang susunod niyang galaw. Malas lang at wala akong photographic memory. I'm not my dearest Reese but unlike her, I have my own signature moves.

Sa huling suntok niya ay yumuko ako at ni-target ang sikmura niya. Sapo ang tiyan na napaatras siya kaya kinuha ko ang tyempong iyon upang maisahan siya. Tinawid ko ang distansya namin sa pamamagitan ng pagtakbo at sinakal ko siya gamit ang kanang braso. Nilagyan ko ng pwersa ang nakapulupot sa leeg niya upang maibagsak ko siya sa lupa. Pumwesto ako sa likod niya at hinigpitan ko ang pagkakasakal.

"Haha! Magpupumilit ka pang makawala? You got nothin' to do now. It's either you die, or die." Napangisi ako dahil kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatakas.

Napasinghap siya upang makakuha ng hangin ngunit hindi iyon sapat. Hanggang sa unti-unti na siyang nanghina at tumigil sa pagsubok na tanggalin ang braso ko sa leeg niya. After 30 seconds, his hands fell on the ground and he stops moving. He is dead.

"Piece of carrot cake!" Masigla na naman akong tumayo at pinagpag ang maong pants ko sa pwetan. Papagalitan na naman ako ng labandera ko nito. Mukha ng basahan ang damit ko pero okay lang, mukha ko naman ulam na. Dagdag pa ang katawan ko na siguradong masarap.

Ang bait ko, pure gentleman na, genius pa.

"Geneva?!" Tawag ko kay pandak, nasa likuran ko lang siya kanina nang may sumugod sa amin kaya nagkahiwalay kami.

Kumakaluskos sa likuran ko kaya nilingon ko iyon.

"Umuwi na kaya tayo? Tutal naman ikaw lang ang responsibilidad ko dito." Nakapameywang niyang bungad.

"We have to find Reese first."

"Insan naman! Di ka nun mamahalin!" Reklamo niya.

I don't care. I just hate seeing Vhon suffering from pain and longing. He's been having a hard time for years and I don't want him to think that he's so unlucky. At isa pa, gustong gusto ko ang makita kung paano niya ako pagselosan. Haha! May maikukwento na ako sa inaanak ko.

Ngumiti ako ng simple at nilapitan ko siya. Ang pandak niya talaga, siya yata ang una sa lahi namin na maliit.

"I don't give a potato about it. Maraming isda sa dagat."

"Ang galing mong artista! Halika na nga." Hinatak niya ako sa braso at nagpatangay naman ako.

We used to call each other 'insan', nakakatawa mang isipin pero sa lahat ng kapamilya namin ay dalawa kami ang magkasangga simula pagkabata. She knows what and who I really am and so do I, to her. Pinangarap ko kasi ang maging artista noon, dream job. And yet, naging artista nga ako, sa totoong buhay. Haha!

Masochist, hypocrite, best actor. Ano pa ba?

"Alam mo insan, maghanap ka na nga ng boyfriend, di yung ako ang sinesermunan mo lagi." Nasaan na kaya sina Anita? I'm worried sick about the baby. Of course, Reese can take good care of her self. The baby is.. well, I think she's dead. But who knows, right? Baka mala-Reese din yun.

"You're my responsibility, kaya nga kina Boss ako sumali bilang reaper." Rason niya.

"Sabi ko naman sa'yo dati, sa Mafia ko na lang ikaw. Hmm. Gusto ko na ngang magtampo at pinili mo pa kina Vhon."

"Mas malakas sila! First sa buong mundo at pangalawa lang kayo. Mas marami akong malalaman kapag sa kanila ako."

"Oo na." Suko ko.

Mabilis kaming naghiwalay ng may dagger na lumipad pagitna sa aming dalawa. Sinundan ko lang ang punyal na iyon na muntik ng tumama sa braso ko at halos manlaki ang mata ko ng lumipad iyon pabalik sa kung sino man ang  naghagis nun.

"Shit!" Napaigik ang tinamaan at nakita naman namin na naglaglag ang dagger sa lupa. Lumabas siya sa dilim at babae? Na naman? Oh c'mon, I'm not a gentleman especially in bed!

Ang masasabi ko lang, sayang ang ganda at kaseksihan niya. Mapapatay lang siya dito.

"Sino yun?" Tukoy ni Geneva at nagpagpag na naman ng pantalon niya.

"You go, I'll handle her." Nakangisi kong utos sa kanya

"Don't use that demanding tone of yours." Angil pa niya sa akin pero umalis naman siya- yun ang akala ko, "Bwisit ka! Iisahan mo pa ako! Ikaw kaya ang umalis?! Iiskor ka pa?!" Halos dagukan niya na ako.

Alam niya pala ang nasa isip ko? Haha!

Nakakamot sa ulo na tinalikuran ko na lang siya at naramdaman ko ang pagsugod niya sa kalaban.

"Sabagay, I don't touch a damaged woman." Kausap ko sa sarili ko.

Palakad lakad ako mag-isa sa hindi ko alam kung nasaan na ba ako.

Masyado yatang tahimik sa parteng ito?

Tumakbo ako sa dulo ng may narinig akong kaluskos doon. Mabilis ko siyang nasundan.

"Sayang naman, baka chicks na yun. Nawala pa." Akala ko naman nagtagumpay na akong makita kung sino man 'yun. Hmm. Saan na kaya ako? Sana pala hindi na lang ako humiwalay kina Reed, mukha na tuloy akong baliw dito. Kausap lang ang sarili ko.

Tumakbo ako papunta sa kanan.

"Aits!" Napayakap ako sa puno na nasa kanan ko ng mabigla ako sa aking nakita.

Sayang naman! Kinis kinis pa eh.

Nakasabit sa mataas na puno ang isang lubid na nakatali sa leeg ng isang babae. I admit, nakakabakla talaga kapag nabibigla ako. At kahit saan, umaandar ang kalibugan ko. Abah, mas may thrill kapag naka-iskor ako habang nasa giyera kami. Haha!

"Ako na lang kaya ang yakapin mo. I missed you so much, babe." Halos kilabutan ako sa sinabi niyang iyon.

Dahan dahan ko siyang nilingon at nang matiyak ko na siya nga ang pinanggalingan ng boses ay umayos ako ng tayo at niluwagan ang aking necktie.

"I didn't miss you, not even a bit." I'll play a game with this bitch before I take her to Vhon. Siguradong papatawarin na ako ni best friend kapag nadala ko sa kanya si Aphrodite.

"Talaga? I'm wondering how did you find out about me." Lumapit siya ng ilang hakbang at napaatras naman ako. Kada hakbang niya ay tinutumbasan ko din paatras, "Oh, I remember. Because of this bitch." Itinuro niya ang nakabitin na babae, "A spy? I don't think so, iba din talaga kapag kumilos si Vhon."

"You know what babe, just stop this. Wala ka din namang mapapala. Vhon's Mafia if much powerful than MAL." Napasandig ako sa puno, dead end. Alangan namang tumakbo pa ako, palay na ang lumalapit sa manok. Haha!

Hell. Natatawa pa ako ni hindi ko nga alam kung anong gagawin sa akin ng bruhang ito.

"Admit it, you wanted to strangle my neck because I'm Aphrodite Medlar. The woman who threatened to kill your best friend and take away his wife, Reese." Sa malalaking hakbang ay nakalapit na siya sa harapan ko. Inilingkis ang isa niyang braso sa leeg ko habang hinahaplos ang mukha ko ng isa niya pang kamay.

Napapikit ako sa init ng balat niya na dumadampi sa pisngi ko.

"But how did you feel when Geneva told you who I really am, parang nawala ba ang galit mo sa akin. Ha? Babe? I am Aisha Buenaventura, your long lost fiance."

"Aisha is long dead."

"No, it's me."

Iniyuko niya ang mukha ko sa kanya at idinampi ng ilang segundo ang labi niya sa akin.

"The feelings, they're still inside this. Right?" Turo niya kung nasaan ang puso ko.

Hindi gumagana ng maayos ang utak ko! Susunggaban ko ba siya, o babalian na kaagad ng buto?

Ang lakas naman kasi ng appeal niya. Anak ka ng Nanay mo, Aisha!

"Aisha, stop it." Pigil ko ng unti-unti niyang kalasin ang necktie ko, "MAL leader ka at lumalabag ka sa batas ninyo." Pigilan niyo ako! At baka imbes na impyerno ang kalagyan ng bruhang ito ay madala ko pa siya sa langit.

"In every​ rule, there's always an exception and it's you, babe." Isa-isa niya namang tinanggal ang butones ng polo ko.

Holy cow, give me a sign. Pipigilan ko ba siya? O sige na lang?

"No, we are enemies." Halos paos na ang boses ko.

"I won't hurt you, I promise." Ginagamit niya sa akin ang technique niya. Hindi ako makakontra. At siya pa talaga ang nagsabi nun?

Papatayin niya si Vhon, papatayin niya si Reese. Papatayin niya lahat.

Pinigilan ko siya sa pagtanggal ng huling butones. Sa pag-angat niya ng kanyang mukha ay ako naman ang sumunggab sa labi niya.

Just this once, magpapakatotoo ako. Huli na 'to at pagkatapos nito ay hindi na ako uulit!

She's responding and I like what she's doing.

Hinayaan ko na haplusin niya ang katawan ko kahit saan. Bahala na siya, basta mawala lang itong uhaw ko.

"Ah. I really like how you kissed me, babe." She said while catching her breath, "Can you take me?"

Sumilay ang isang ngiti sa labi ko. Bago pa man siya makasunggab ulit ay binunot ko na ang baril sa likod ko at itinutok yun sa kanya. Nung una ay mukha pa siyang naguluhan pero ng makahuma ay ngumisi naman siya na parang demonyo.

"I really hate how that bitch changed you. Bakit? Mas magaling ba siyang humalik? Mas masarap ba siya?"

Uminit naman kaagad ang ulo ko sa sinabi niyang iyon. Pinaputukan ko siya malapit sa paanan niya pero hindi naman siya gumalaw o kumilos man lang para umilag.

"I respect Reese like my sister, cousin and Mom. I never kissed her. I never took advantage of her. Except nung pinilit ko siya na bigyan ako ng chance habang malayo si Vhon." Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa baril.

"So trip mo na pala ang mga dalagang Filipina ngayon? How disappointing! Alam ko lahat ng kahayupan mo, halos lahat ng babaeng kakakilala mo pa lang ay tinitira mo!" She didn't sound disgusted, more like, jealous.

"I'm trying to be a better person, Aisha."

"A beast will always be a beast!"

"You don't know me, you never did. Shut up and stop this immaturity of yours. Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit nagawa yun sa'yo ni Vhon."

"Because you never loved me! It's all your fault!"

"Then sorry! Hindi mo na kailangang mandamay pa ng iba!"

"Too late, babe. Nag-uumpisa pa lang ako." Tumawa pa siya ng malakas.

Nataranta ako ng sabay na lumabas ang dalawang tao sa magkabilang gilid ko. Hindi ko naharangan ang matigas na bagay na dumapo sa tiyan at ulo ko ng sabay nila iyong inihampas sa akin. Mabilis akong bumagsak at napahawak sa basa kong ulo dahil sa dugo.

"Aisha...." Ang sakit ng ulo ko!

Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko ng nasa harapan ko na siya. Nakaupo at walang emosyon ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

"Baby, I'm no angel. I'm no saint. And I will do everything just to take revenge."

Before I could close my eyes, sinikap kong panlisikan siya pero hindi ko na kinaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top