Chapter 3- Edited
Reese
Umuwi ako ng hindi pa dumidilim. Walang paalam sa kanya na umalis ako ng opisina.
Nagtatampo ang asawa ko at papalamigin ko lang muna ang mainitin niyang ulo. Hindi din naman ako 'yung tipo na mamimilit kung ayaw niya akong kausapin kaya papabayaan ko na lang muna siya.
Pagdating ko ng bahay ay nagpahinga lang ako saglit at naligo. Naghanda ng hapunan at inayos ang table setting sa dining.
Pumasok ako sa guest room sa first floor at nag-lock. Matutulog na lang ako.
Hmm.
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahalik sa aking mukha.
"Hmm. Aalis ka na?" Pumupungay ang mga mata kong tanong sa kanya.
"Nope. I won't, unless sasama ka."
Umisod ako at binigyan siya ng espasyo. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.
"Ikaw na lang, Ashton. Inaantok pa ako."
Isiniksik pa niya ang kanyang mukha sa aking leeg at ramdam ko ang hininga niya doon.
"Come with me."
"Ayaw ko. Bawal ako dun, diba?"
Bumalikwas ako at tumalikod sa kanya.
"Huwag ka ng magtampo."
"Hindi naman ako nagtatampo."
"And how can you say you're not? Dito ka pa talaga natulog, umuwi ka pa nga ng hindi nagpapaalam at hindi ka pa kumakain." Puna niya.
"Ikaw ang nagtatampo." Pagtatama ko.
"Wife, Aidan is a big deal when it comes to you. He's trying to meddle between us."
"As if he can break us apart." Dugtong ko.
He sighed heavily and kissed my shoulder.
"I just hate his guts. I feel like he's a threat. Na kukunin ka niya sa akin kapalit ni Aisha."
"His fiance. Bakit mo nga ba siya pinatay?" Sobrang tagal na nun, "For what reason?"
"Manloloko siya, balak niyang paibigin ang kaibigan ko at iwan. Thats because Aidan took advantage of her older sister."
"How did you kill her?"
"Are we really talking about the past? Can't we just focus on our future?" Kumalas siya ng yakap at tumalikod din sa akin.
"Umalis ka na lang." Blanko kong sagot at bumangon.
Lumabas ako ng guest room at nagdiretso sa hardin.
"Mrs. Boss, hinahanap po pala kayo ni Boss." Tawag sa akin ng isang bantay.
"Nag-usap na kami." Yumuko siya at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid.
Lumapit ako sa pool at matagal na nakatitig lang doon.
Ayaw ko kapag naglilihim siya sa akin. Wala na akong tinatago sa kanya, alam niya ang lahat ng tungkol sa akin. Pero bakit pakiramdam ko ngayon parang hindi ko pa siya lubusang kilala? Sa halos walong taon na nakilala ko siya bilang Ashton, parang may iba na.
Wala ba siyang tiwala sa akin? Oh ganun lang talaga ang isang Vhon Ashton Black?
But I'm his wife, don't I have the right to know him more than other people do? I'm his partner. His WIFE. We are tied in a lifetime commitment. Doesn't it make sense at all?
"I'm leaving. I'll be home as early as possible, sweetheart." Humalik lang siya sa pisngi ko at umalis na.
Hindi ko siya nilingon at walang anong naghubad ako ng damit.
Tumalon ako sa pool at wala ding pumigil sa akin.
He left. Without even pursuing to talk about me, to talk about the matter, to talk about it.
"Mrs. Boss, medyo malamig na." Lapit ni Aiko na may dalang robe sa kanyang kanang braso.
"Hindi ka sasama kay Ashton?"
Narinig ko ang pag-andar ng makina ng kotse niya at ang pagbukas ng gate.
"Nope. Samahan daw kita dito."
"Pangit ba ako?" Bigla kong tanong. Lumangoy ako papunta sa dulo ng pool at bumalik sa kabilang dulo.
"Ha? Mas gumaganda pa po kayo, Mrs. Boss." Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ng pool.
"May babae ba si Ashton?"
Napakamot siya ng ulo niya at nangingiting umiling.
"Sa sobrang loyalty nun sa inyo, pinapasuot niya ng mga pang Manang na damit ang mga babae niyang employee sa floor ng office niya."
"So does that mean he doesn't want me to get jealous? Or he wants to say that I'm not appealing enough?" Tumigil ako sa dulo at nanatili akong nakatingin sa kanya.
When a person is good at lying, I'm an expert in calculating gestures. I can point out if someone is telling the truth or not.
"Mrs. Boss, ako yung nalalagay sa hot seat niyan eh. Mahal kayo ni Boss at wala kayong dapat pagdudahan sa kanya."
I know, and I can feel it. I never doubted his feelings for me.
"How long do you know my husband?"
"I was just sixteen when his parents took me and trained me to become an assassin. He's just 10 then, at madalas tahimik. Ilag siya sa mga babae dahil ayaw niyang mahulog, but then he met you."
"But he met that amazona girl before me."
Nabigla siya sa sinabi ko at biglang lumikot ang kanyang mga mata. May tinamaan akong bagay.
"Si Miss Aphrodite? Childhood friends lang sila at ni minsan ay hindi nagpakita ng interes sa kanya si Boss."
"Pero ano?"
"Pero ano ho?" Ulit niya sa tanong ko.
"Wala. Bakit ayaw akong isama ni Ashton sa meet up nila ng babaeng 'yon?"
"Ah. Hindi ko po alam eh. Ikukuha ko lang po kayo ng tsinelas." Akma siyang tatalikod ng sinabi kong huwag na at papasok na lang ako sa loob.
Bakit nga ba naligo ako ng pool? Ikatlong ligo ko na ngayong araw at hindi ko alam pero parang ayaw kong umalis doon hangga't wala akong nakukuhang maayos na sagot.
Una, tungkol kay Aisha. Pangalawa, si Aphrodite- his childhood sweetheart.
Kaya ba sweetheart ang tawag niya sa akin nung simula pa lang ay dahil miss niya na ang babaeng 'yon?
Hindi ako makakampante hangga't patuloy siya na maglilihim sa akin.
Hindi pa niya isinama si Aiko.
Nagbihis ako at piniling magsuot ng all black at ipinares ko sa black boots ko. Hinayaan ko na ang buhok ko dahil hindi pa rin naman ako magaling magpusod.
Bumaba ako at naghihintay si Aiko sa pinto.
"Aalis kayo?" Salubong niya sa akin.
"Oo, pupuntahan ko ang asawa ko."
Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto. Iginiya niya ako sa isang kotse na madalas ipagamit sa akin ni Ashton kapag hindi kami magkasama at may biglang lakad ako.
"Okay na ba ang ayos ko, Aiko?"
"Yes, Mrs. Boss. You look perfect and deadly."
"That woman will surely die kapag ginalaw niya ang asawa ko." Tukoy ko kay Aphrodite.
"Huwag po kayong magselos."
"Kelan ka pala aalis? Nagmamadali ba sina Dad?"
He's Ashton's personal assistant for six years and now, he's leaving. Daddy Zander assigned him to lead a business outside the country. Parang kuya na din siya ni Ashton kung iisipin dahil sa tagal niyang paglilingkod sa pamilya nila.
"Next month. But I will train the newly hired PA and EA before leaving."
Kalahating oras ang biyahe at nakarating din kami sa isang five star hotel.
Tiningala ko ang tuktok ng building at masyado itong mataas.
Late na at malamig na din ang ihip ng hangin dito.
"Mrs. Boss, tinawagan ko na si Boss at hinihintay niya kayo ngayon sa lobby." Lapit ni Aiko sa akin na kakapasok lang.
"Bakit mo pa sinabi sa kanya? Gusto ko sanang sorpresahin siya."
Naglakad na kami papasok at nagpalinga linga kami pareho pero wala pa siya. Pababa pa lang siya siguro.
"Wala s-"
"Good evening, Mrs. Black. I am Irene, from MAL. Come, your husband and our Leader is waiting for you." Sulpot ng babae na nakaitim at tinalikuran kami.
Bastos ang ginawa niya.
Sumunod na lang kami ng tahimik ni Aiko. Kahit walang imik ang kasama ko ay nakita ko ang pagkadismaya sa ginawang pagtalikod sa amin ng babae.
Sumakay kami ng elevator at lumabas sa 27th floor. Pinakadulong kwarto ang tinigilan namin at kumatok siya. Tatlong katok at bumukas kaagad ang pinto at bumungad sa amin ang grupo ng kababaihan na nakaitim din lahat.
Iba iba ang pwesto nila at sa gitna ay ang asawa ko kaharap ang isang babae na nakatalikod sa akin. Tumatawa siya at ganun din si Ashton.
Tama pa ba na pumunta ako dito?
"Oh, your wife has finally arrived." Wika niya ng hindi ako hinaharap
"Wife, sit here." Tawag ni Ashton at in-tap ang bakanteng pwesto sa tabi niya.
Nanatili si Aiko sa kanyang kinatatayuan at ako naman ay tumabi sa asawa ko.
Pagkaupo ko sa tabi niya ay kinuha niya kaagad ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Your wife is gorgeous, huh? Hello there, Reese. I'm Aphrodite, it's a great honor to meet you."
Tinapunan ko lang siya ng tingin at hindi ako nagsalita.
Kapagkuwan ay tumaas ang kilay niya, parang naghahamon.
Hindi ko siya uurungan.
"You didn't tell me that your wife is mute, Vhon."
Pinisil ng asawa ko ang kamay ko kaya siya naman ang nilingon ko.
"She's just shy." Panakip niya sa akin.
"Shy? She look like a tigress. I'm wondering if she has some combat skills." h
Hinahamon niya ba talaga ako?
O sadyang ayaw ko lang talaga sa kanya? Bakit pakiramdam ko ay ayaw niya sa akin at sa presensya ko?
"Just because I didn't reply back in your warmest greeting doesn't mean that I'm mute." Sagot ko sa kanya.
"Oh. I like your attitude."
"The feeling is mutual." I wish I sounded sarcastic again.
"Hmm. Are you jealous of me?" Nakangisi niyang tanong na nagpatawa kay Ashton.
"May kaselos selos ba sa 'yo?"
"Ah. Haha! My wife has the humor, Aphrodite. Kumain ka na ba? I'm kinda hungry, let's eat?" Aya ni Ashton
For six years, hindi ako sumisigaw o nagtataas ng boses kapag masama ang loob ko o galit ako. Six years of being his wife is a great accomplishment.
But what is wrong with him?
Bakit pakiramdam ko, hindi niya ako magawang ipagtanggol sa babaeng kaharap namin?
Nililihis pa niya ang usapan.
Mag-asawa ba talaga kami? Mahal niya ba talaga ako?
"Sure! Medyo late na din. Ladies! Prepare all the delicious and tasty food they have in this hotel!" Pumalakpak pa siya at tumayo. Tumalima kaagad at nagsikilos ang lahat ng kababaihan sa utos niya.
Hindi na ako nagpapigil at padabog akong tumayo.
"I am leaving now." Paalam ko at lumabas na ng kwartong iyon.
Narinig ko pa ang sigaw ni Ashton pero hindi ko na siya nilingon pa. Sige lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na ako ng elevator ay si Aiko lang ang nakabuntot sa likod ko.
Ano ba talaga ang problema niya? Kasi ramdam ko na nag-iiba na siya, iba na ang pakikitungo niya sa akin.
"Mrs. Boss, kailangan niyo 'to." Napayuko ako sa inaabot niya. A hanky.
"Para saan 'yan?"
"Para punasan ang luha niyo."
Napahawak ako sa pisngi ko sa sagot niya. Basa, umiiyak ako?
This is the third time that I cried. One is when I was taken by my husband's father and tortured me emotionally. Second, when I thought I almost lost my husband. And third, because of unexplained ideas and feelings that I have now.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina pa at parang nawawalan na ako ng kontrol doon.
"Saan tayo, Mrs. Boss?" Tanong ni Aiko ng makalabas na kami ng hotel at nakasakay na sa kotse.
"Dalhin mo ako sa lugar na malayo dito. Huwag sa bahay o mga pamilyar sa akin. Take me rather to a place where I can shout."
"Ho? Baka magkaproblema tayo diyan."
"Then take me where I can be me and forget what I'm feeling right now." Gusto kong kalimutan pansamantala ang mga bagay na tumatakbo sa utak ko.
"Gusto niyong uminom?"
"Hindi eepekto ang alcohol sa akin." I now have a high tolerance in alcoholic drinks.
"Dadalhin ko na lang kayo sa restaurant, hindi pa kayo naghahapunan eh."
"Okay." Sumandig ako sa bintana at napaisip kung masaya ba siya doon na kasama ang childhood sweetheart niya.
Parang gusto ko tuloy patayin ang Aphrodite na 'yon, pakiramdam ko ay inaagaw niya sa akin si Ashton.
What's mine is mine. And on top of the list is my husband. He is my property. At ayaw ko sa ideyang may ibang lumalapit sa kanya lalo na ang mga katulad ni Aphrodite.
She's sexy, pero lamang ako.
Maputi, maputla ako.
Matangkad, konti kesa sa akin.
Maganda, walang wala sa hitsura ko.
Mukhang matalino, I have a photographic memory.
Nirerespeto, ganun din ako at kinakatakutan pa ng mga nakakaalam kung anong klaseng tao ako.
I now hate her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top