Chapter 28- Edited

Reese

"Magandang umaga, Aidan." Bungad ko sa kanya.

Kakagising ko lang at siya kaagad ang nakita ko na nakatayo sa gilid ng pinto. Ngumiti siya ng tipid at sumenyas na aalis na siya.

Ilang segundo akong nakahiga, pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Himas himas ang tiyan na dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama.

His suffering will start when my parents arrives here. Hindi ako makokonsensya pero malulungkot ako para sa kanya. He deserve someone who can love him back, someone better.

"Gising ka na pala." Napalingon ako kay Reed na naglalakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at kaagad ko siyang niyakap, "We can never feel guilt but we can sympathize in their sorrow and pain."

Nag-usap kami kagabi at bago dumating sina Papa ay kailangan niya na akong iwasan. Si Reed mismo ang nagbukas ng usapan tungkol doon at hindi na ako kumontra pa. Nakita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Aidan, kung gaano kasakit sa parte niya ang desisyong iyon.

Nasa sala kami at nag-uusap ni Aidan ng lumapit si Reed. Bukas ng gabi ang dating nina Mama. Naatras ng dalawang araw ang uwi nila dahil magdadala sila ng mga gamit para sa ultrasound at mga gamot na kakailanganin namin ng anak ko.

"This needs to stop, huwag ka nang masyadong makipag-usap sa kapatid ko. Strikto sa pampamilyang paniniwala ang mga magulang namin at ayaw ko na mapagalitan si Reese."

Yet, he chose to stay. Aalis daw siya kapag nagkasama na ulit kami ni Ashton.

"I will stay as long as Vhon's not here, Reed. I'm keeping my words, trust me." Hinawakan ko siya sa balikat ngunit napangisi na lang siya pabalik.

"Ako ang may kasalanan, Reed."

"Wala kang kasalanan, kung hindi niya ipinagpalitan ang sarili niya sa iyo ay baka wala siya dito ngayon."

"Kapag nalaman ito ni Ashton, baka kung ano ang gawin niya sa aming dalawa."

"Hindi ka niya sasaktan, hindi niya iyon magagawa sa iyo."

"Labis ang pagseselos niya kay Aidan at siya pa ang pinaglihian ko. Kasama ko siya dito mahigit anim na buwan, Reed." Matatanggap niya pa kaya ako?

"Isipin mo na lang ang bata, siya ang magpapalambot sa kanya."

Hindi ako sigurado kung mapapalagpas niya ang ginawa ko. Sa halos anim na buwan ay magkasama kami ni Aidan dito.

"Ikaw ba Reed, hindi ka ba galit sa akin?"

"Bakit naman? Wala akong rason para magalit sa iyo."

"Maraming salamat."

"Walang anuman. Nagugutom ka na ba? Bumaba na tayo at ipinaghanda kita ng paborito mong gulay."

Ampalaya? Halos araw araw iyon ang ulam namin pero wala akong kasawa sawa sa gulay na iyon.

Bago kami bumaba ay inayos ko muna ang aking sarili.

"Tatay Tomas, magandang umaga. Mabuti po at makakasabay kayo ngayon sa amin."

"Magandang umaga din hija, oo at baka ito na ang huling almusal na magkakasama tayo." Nakangiti niyang sagot.

Napasulyap ako kay Aidan sa tabi niya na tahimik na nakaupo. Nakayuko lang siya at hindi man lang inabalang mag-angat ng tingin.

"Kumain na tayo at baka lumamig na ang pagkain. Anita, tabi kayo ni Reese." Tatay Tomas

Magkaharap kami sa mesa. Nakakapanibago, hindi na siya nagsasalita o nagkukwento. Walang madaldal na Aidan.

"Am I late?" Anne

Pasalampak siyang naupo sa tabi ni Reed habang sina Deanna at Dina ay magkasunod na umupo sa pagitan niya at ni Tatay Tomas, si Geneva ay pinapagitnaan nilang dalawa ni Aidan at Tatay.

"Nasaan na nga pala yung bata?" Dina

"Pedophile. Yuck." Anne

"Shut the fuck up, you bitch!" Pasaring na sita sa kanya ni Deanna, "Eh mas matanda ka naman kay Reed ng limang taon ah!"

"Yeah. I'm the bitch myself, want some? Hindi naman siya bata."

"Tumigil na kayo, nasa hapag tayo mga bata." Mahinang suway ni Tatay Tomas.

"Siya ang pagsabihan mo tanda, kitang wala hahanapin." Anne

Bakit ba hindi siya kayang pagalitan ni Reed? Kahit si Aidan at Geneva ay pinababayaan lang siya. Parang wala silang pakialam at nagsimula na silang kumaing tatlo ni Anita.

"Pakialam mo ba?" Dina

"Wala. I just hate being surrounded with ugly bitches." Anne

"Tama na." Tatay Tomas

"Oh shut up, old man." Nilingon ko si Anne na itinirik pa ang mga mata kay Tatay Tomas.

Kapag hindi pa siya pinigilan ni Reed ay ako na mismo ang kikilos.

"Wala ka talagang pinag-aralan na bwesit ka." Deanna

"You don't know a single thing about me so might as well shut up also, bitch. Mga baguhan lang kayo, akala niyo? Tsk." Bakit nga ba ganito ang pananalita niya?

Kahit si Tatay Tomas ay napapailing na lang sa mga naririnig niya.

"Isa pang salita, Anne." Ayaw ko sa lahat ay ang pang-aapak sa ibang tao. Masasabi ngang malayo na ang narating niya bilang isang reaper na kayang gawin ang lahat at baguhan lang ang dalawa. Ngunit nakakababa ang pang-iinsulto niya. Natitiis ko ang matabil niyang dila pero ayaw ko sa paraan ng pagtrato niya sa kanyang kapwa reaper.

"Pwede ba? Hindi kita kinakausap kaya tumahimik ka na lang-" Tumayo ako at tinabig si Reed pahiga at kaagad ko siyang hinuli sa leeg upang masakal. Napatayo ang lahat at natuon sa amin ang atensyon.

"Fuck. You." Malutong niyang mura sa mukha ko.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa leeg niya hanggang sa napapaigik na siya. Tumayo ng maayos si Reed at hinawakan ako sa braso na nakahawak kay Anne.

"Tama na, Reese." Pigil niya.

"Buntis lang ako pero alam mo ang kakayahan ko, walang wala ang sitwasyon ko sa kaya kong gawin sa iyo. Kapag sinabi kong tama na, tumigil ka na."

"Kill me then and you'll make your brother hate you for the rest of your life." Napangisi pa siya kahit nahihirapan na siyang magsalita at huminga.

"Hindi ako kakalabin ng kakambal ko."

"Why don't you try?" Nakangisi niya pa ding sagot.

Confident enough?

Naalala ko tuloy ang mga babaeng nagtatangka na agawin sa akin ang asawa ko.

Una si Leonora, sunod si Aphrodite.

"Hija, tama na yan." Tatay Tomas

"I can kill you right here, right now if I want to. Want to know the truth? You will always be my brother's second priority and I will forever remain on top." Patulak ko siyang binitiwan at sapo ang tiyan na umupo ako pabalik, "Kalimutan niyo na ang nangyari at kumain na tayo. Patawad, Tatay Tomas."

Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Tanging mga kubyertos ang nag-iingay, wala ni isang nagtangka na basagin ang katahamikan na namamayani sa hapag.

Sana naman ay nahismasan at nagising na siya sa katotohanan na laging ako ang uunahin ni Reed. Pangalawa lang siya.

Pamilya ang mauuna.

Kaming dalawa na lang ang natitira at ni minsan ay hindi pa kami nagkasalungat sa mga paniniwala at desisyon.

*******

Pagkababa nila ng Van ay kaagad ko silang sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Papa, Mama."

"Anak, namiss ka namin ng sobra." Mama

"Ako din po, pasensya na kayo at biglaan ang pagtawag nila sa inyo upang papuntahin kayo dito."

"Halika ka nga, ang laki na nga ng tiyan mo. Nasaan na nga pala ang Tatay Tomas na sinasabi ng kapatid mo? Gusto namin siyang makilala." Niyakap ko ulit si Papa na nakangiti ng malapad sa akin.

"Doon po tayo sa bahay." Hinagis niya ang susi kay Reed na kaagad naman nitong nasalo.

Habang nasa daan ay marami na kaming napag-usapan. Mga tungkol sa naganap sa tagal na pamamalagi ko dito, sa kanila. Kay Joseo at sa mga kalokohan niya.

"Dapat ay nagsuot ka ng sombrero, anak. Gabi pa naman at baka sipunin ka nito." Mama

"Okay lang po, hindi naman ako tinatablan ng sakit."

"Gagawin kaagad natin ang mga tests pagkatapos naming makausap si Tomas. Kinakabahan ako sa umbok ng tiyan mo." Mama

"Kahit ako man po Mama ay nababahala." Napayuko ako.

Kinakabahan na ako. Malakas ang kutob ko na may hindi tama sa pagbubuntis ko.

Nakarating kami sa bahay at kumain ng hapunan, masaya kaming lahat. Nagtatawanan sila habang pinapalibutan ako.

Nagpapatunaw lang kami ng kinain at sina Reed at Aidan ang naghanda ng mga apparatus. Si Anne ay hindi na nagsasalita pa, nagising na siguro sa katotohanan​.

Si Geneva na nasa likod ni Aidan sa lahat ng oras, buong araw silang magkadikit kahit hindi nag-uusap.

Si Deanna at Dina na kakabalik lang galing sa kabilang bayan, ipinasyal nila si Wilfred at binilhan ng mga laruan at damit. Kukunin ko siya, isasama ko siya sa pagbalik ko kay Ashton. Hindi namin siya aampunin, magsisilbi siyang nakakatandang kapatid ng anak namin hindi sa pangalan o dugo. Siya ang magsisilbing gabay ng anak namin kapag wala kami upang bantayan o alagaan siya. Iyon ang plano ko ngunit naunahan na ako ni Dina, siya na daw ang bahala sa bata. Baog ang kanyang asawa at plano naman nilang mag-ampon.

Gusto kong maranasan ng anak ko ang mga bagay na ipinagkait sa amin ni Reed. Ang maging malaya, ang maging bata, ang makapaglaro sa putikan, ang mabilad sa init ng araw. Ang magalusan sa tuhod, ang umiyak dahil nasira ang paborito niyang laruan. Ang mabigyan ng pagkakataon na mabuhay ng normal, malayo sa kapahamakan. Gusto kong makita ang ngiti niya. Ang marinig ang unang tawa niya at masaksihan ang unang paghakbang niya.

At higit sa lahat, ang marinig na tawagin niya akong Inay.

"Tapos na po kami sa pag-aayos ng gamit, Papa." Lapit ni Reed sa amin.

Tumayo kaming tatlo nina Mama at Papa. Umakyat kami sa kwartong tinutulugan ko at nasa ayos na nga ang lahat ng gamit.

"Anak, handa ka na ba?" Mama

"Opo."

"Humiga ka na, anak. Mga bata, doon na muna kayo sa labas." Tinulak-tulak sila ni Papa palabas ng kwarto at saka isinara ang pinto. Kaming apat ni Reed ang natira sa loob.

Nang nakahiga na ako ay itinaas ko ang aking blouse at lumantad ang malaki kong tiyan. Sobrang laki nga kung anim na buwan pa lang ito, hindi talaga normal.

Pinahiran ni Mama ng mineral-oil-based na ultrasound gel ang tiyan ko. Napangiti ako sa lamig na dulot nun. Kapagkuwan ay lumapit si Papa sa kanang gawi ko at inilapat ang ultrasonic device o transducer probe sa tiyan ko. Napatingin kaming apat sa malaking monitor ng may nalabas doon.

Ang anak ko. Ang anak namin ni Ashton.

Malaki siya at napakagandang pagmasdan. Naramdaman ko ang muli niyang pagsipa at nakikita din namin iyon sa monitor.

Natatawa sina Mama pero nawala din iyon ng inilipat ni Papa sa kabilang parte ng tiyan ko ang device.

"Papa, may problema po ba?"

"Beth, hawakan mo muna 'to." Tumayo siya at lumapit pa sa monitor.

"Bakit po?"

"Ibaba mo ng konti." Papa

Sinunod naman siya ni Mama.

"Papa, may mali ba?" Reed

"Akala ko kambal ang dinadala mo dahil sa laki, nagkamali ako." Papa

"Kukuha kami ng ilang litrato anak, bibigyan ka namin ng kopya. Ang kasarian ng bata ay babae." Mama

"Babae​? Nakakatuwa naman po, maraming salamat."

Ilang ulit pinasadahan ni Mama ang tiyan ko ng ultrasonic device hanggang sa nakunan nila ng ilang importanteng anggulo ang bata sa sinapupunan ko.

They're bothered, kitang kita ko iyon sa kanila.

"Aalis kami bukas mga anak, at babalik kami dito unang linggo sa ikapitong buwan ng tiyan mo, Reese." Papa

"Kakarating niyo lang po, Papa." Reed

"Marami kaming pagsusuri na gagawin, anak. Kukunan namin kayong dalawa ng dugo mamaya. Walang alam ang mga tao dito tungkol sa inyo, tama?" Papa

"Wala po." Sagot ko.

"Nakakabahala nga talaga ang kondisyon mo Reese anak, tama ang mga kaibigan mo." Mama

"Kailangan ko pa po ba ng mga vitamins para sa pagbubuntis ko?"

"Hindi na kailangan, you're both healthy. Baka nakakalimutan mo kung sino ka?" Niyakap ko si Mama na nangingiti.

I'm a superhuman, a human weapon. I can regenerate when wounded, I don't​ get sick.

"Balitaan niyo po ako kaagad kung ano man ang malalaman niyo, Mama."

"Oo naman, anak. Reed, ikaw na ang bahala sa kambal at pamangkin mo ha?" Mama

Pinaalalahanan nila kami na mag-iingat sa lahat ng oras at huwag basta basta makakampante sa kahit anong sitwasyon.

Kinaumagahan ay umalis nga sila at katulad din ng nasabi nila ay babalik sila sa unang linggo ng pitong buwan ng aking pagbubuntis.

Ipinagdarasal ko na sana ay magandang balita ang dala nila sa kanilang pagbabalik. Hindi ako mawawalan ng pag-asa hangga't alam ko na nasa maayos na kalagayan ang anak namin ni Ashton kahit hindi normal ang laki ng tiyan ko. Tatawagan ko siya sa oras na masiguro ko na ang kondisyon namin ng bata.

Sana lang ay matanggap niya pa ako matapos ng mga kasalanang nagawa ko sa mga panahong hindi kami magkasama.

Babawi ako.

Babalikan ko siya kasama ng magiging anghel namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top