Chapter 27- Edited

Vhon

I'm almost lost in the middle of nowhere in my mind, thinking too much about something. Tatlong katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan, inayos ko ang necktie ko at bumaba ng kotse.

Bumungad sa akin ang ilang reapers na nakakalat sa buong lugar. Nasa masukal kaming daan na hindi na masyadong pinapansin ng mga byahero, madilim dito at walang ibang nandito kundi ako kasama ang mga tauhan ko at ang kabilang organisasyon.

Sumalubong sa akin si Axel na seryoso ang mukha.

"How was it?" Tumango siya upang kompirmahin ang ibig kong sabihin.

Naglakad ako sa gitna ng kalsada at sinalubong naman ako ng lider sa kabilang panig.

"The deal is a deal, Mr. Black." Tinanggap ko ang inilahad niyang kamay saka kami naglakad papunta sa van nila.

Bukas ang likod ng sasakyan at nakalagay doon ang malaking briefcase na may laman na armas. Sample lang naman ito ng sniper rifles at pistols na bibilhin namin sa kanila.

Aphrodite is on her move and I can't just stay calm. We need more guns for defense and well-trained subordinates to defend my family as well. I can't​ let her get near my family, especially to my wife. I am preparing everyone as early as possible. We can't exactly predict when she will attack us, we need to be alert at any time.

I've asked everyone to locate Reese and her family also. I want her to be with me kapag kumilos na ang kalaban.

Hinawakan ko ang sniper rifle, this is my wife's favorite toy but she never used it that much though since nasa bahay lang naman siya madalas at minsanan ko lang siya isama sa mga transakyon simula nang umiral ang pagiging possessive ko. Just how obsession triggered the beast in me. Tsk.

"Ilang araw akong maghihintay?" Tukoy ko sa pagdating ng delivery.

"Tatlong araw ang pinakamabilis, nasa kabilang bahagi pa kasi ng planeta ang lokasyon ng pagawaan namin." Pinitik niya ang kanyang mga daliri at may nakasalamin na lalaki ang lumapit sa amin bitbit ang isang brown envelope.

"What's that?"

"Aphrodite-" Naputol ang sasabihin niya sa kasa ng mga baril na pumailanlang sa buong paligid, "Sandali, ipinabibigay niya lang ito." Nakataas ang isang kamay niya sa ere, senyales na wala siyang planong masama.

Nakaamba din ang mga armas ng tauhan niya sa amin.

"My people and I are not used in hearing her name these past few months."

Inabot niya sa akin ang envelope na kaagad ko namang tinanggap.

"Wala siyang sinabi basta huwag daw titignan ang laman hangga't hindi ka pa nakakauwi." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

What's that bitch planning to do? Tsk.

"What's inside this thing? Is this even safe for me to bring it home?"

"Oo. Sinigurado ko muna na walang pahamak ang dala niyan, mukha namang sulat lang yan o mga larawan. Files, maybe?"

Tumango ako at bago tumalikod ay inulit ko ang usapan at mga nakasaad sa kontrata bago ang araw na ito. Wala naman siyang sinabi na pagbabago kaya naglakad na ako pabalik sa kotse. Kaagad akong nilapitan ng mga tauhan ko at siniguro na walang nakaambang panganib sa paligid o sa kabilang panig.

Sumakay ako ng kotse at kaagad iyong pinaandar ni Isan palayo sa lugar.

"Sometimes, your worst nightmare can be the person you've trusted once." Hilot ang sentido na tinapon ko ang envelope sa gilid ng kotse.

"Boss, saan niyo gustong pumunta?"

"Office, please." Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at may ni-dial na numero, "Search for the bitch but don't get rid of her yet. Investigate, dig and find out everything about her and her plans." Tukoy ko kay Aphrodite

"Is it the Addis or MAL's leader Boss?"

"Don't think stupid, Leonora is just a piece of trash in the bitch's game." Hindi ko na siya pinasalita pa at pinatay ko na ang tawag, sunod ko namang tinawagan ang isa pang maasahan kong tauhan, "Find my in-laws and ask for some help looking for my wife. I want it within this week."

"Yes, Boss."

Halos itapon ko na din ang cellphone sa gilid ng kotse. Pagod na akong maghintay, pagod na pagod. Pagod na din akong mag-alala para sa kapakanan niya.

"Papuntahin mo si Vhien sa office. Tsk. Ni hindi niya man lang ipinaalam na hindi siya makakarating ngayon."

*******

Knock knock

"Come in."

Nakasandig lang ako sa swivel chair habang nakataas sa mesa ang dalawang paa ko na naka-krus. Nakapatong ang laptop sa binti ko. Medyo hectic ang schedule ko ngayon. I'm personally handling both business, the underground and the front.

I'm conducting a furom online.

Checking some of my investors.

I'm trying to recover all the loss, and gain my stockholders' trusts back.

"Boss, may tawag po kayo." Andi

"If it's not that important, decline or reject it."

"It's Miss Medlar, Boss."

Ibinaba ko ang aking eyeglasses at isinara ang laptop.

"Transfer the call." Tumango naman siya at lumabas na.

Umayos ako ng upo at inabot ang telepono. Bumalik ako sa pagkakasalampak hawak iyon na nakadikit sa kaliwang taenga ko.

"Got my gift already?" That envelope? I almost forgot. Kagabi pa yun at hindi ko pa nabubuksan.

"Whatever it is, I'm not interested." Blanko kong sagot sa kabilang linya

"Haha! I'm sure you will get excited, surprised, shocked and well, what else? Go crazy? Why don't you open it and then, we will talk again?" I hate how she laughs, mockingly. She's pissing me off.

"Quit playing games with me, bitch. Why don't you just show up so we can end this?"

"End what? Oh baby, do you miss me?"

"Why the fuck would I miss a beast like you?"

"Beast? Oh, hello there Satan. Haha! Alam mo, nababagot na din akong magtago pero gusto ko kasi masorpresa kayong lahat kaya nananahimik muna ako. Alam mo yun, partida na pinaghahandaan ko kung paano kita papatayin."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono.

Damn this creation of the devil!

"You can't kill me, bitch. Like what you called me, I'm Satan. I'll show no mercy when I start torturing you to death."

"Oh, really? Well, I love blood. I have lust for it my whole life, baby. And for your information, you can't kill me when I have your wife's life in my hands."

She can't easily get my wife, she can't touch her, she can't kill her. She knew nothing about my wife, she doesn't know what my wife is capable of. She has no fucking idea of exactly what and who my wife is.

"I forgot! I heard you have that very wonderful phobia, what is it? Hmm. Oh! You fear hurting women, you fear killing them. Bakit nga ba? Oh, was it because of that Aisha Buenaventura? Who is she again? Aidan's ex fiance? When did you kill her? Oh, 10 years ago? When you were just 15, right? That's when everybody started fearing you. Tss. Just remembering how wrathful you were that time? Wow, I want to see you that way again, baby."

Not this time, I'm over it. I'm so done with it.

I have learned that you can only choose the people who deserves to live again. Not all should be given a second chance.

"Welcome back that kid who has conquered his fear of touching a woman when we meet. I just can't wait to break your neck."

"Oh, let's see. Why don't you check my gift now? Para masimulan na ang totoong kasiyahan."

Napaangat ang tingin ko sa kakapasok lang, it's Vhien.

"Kuya, may ipinapabigay si Mimi. Kagabi pa daw ito sabi ni Alden, nakalimutan mo yata." He's waving his right hand with the envelope.

"Oh, exciting. Check it out now!" Hindi ko na siya sinagot at kaagad na ibinagsak ang telepono. Sana mabingi siya sa lagapak nun.

"Give me that."

"Kay Aphrodite daw galing?" Itinapon niya iyon sa mesa ko at naupo sa harap, "Hindi nga pala ako nakasama kagabi kasi alam mo na, sinuyo ko si Gemma."

Nang mahawakan ko na ang envelope ay nakaramdam ako ng kaba.

Damn. Should I open it? O ipasunog ko na lang?

But I'll never know what's inside this if I'll just throw it. Aphrodite is a good player, I can't just let her win.

"I'll open it for you, kuya."

"Don't bother." Suway ko at huminga ng malalim.

Pinunit ko na ito at dahan dahan na dinukot ang laman. Unang papel ang kinuha ko.

Binasa ko iyon at kaagad na nilamukos.

- Your best friend can be your worst nightmare, baby.

With all the love,
MAL

Tinapon ko iyon kay Vhien na nailagan niya naman.

Mas lumalakas ang pintig ng puso ko habang kinukuha ko ang susunod na papel. It's a photo, I guess.

Napangiti ako ng makita ko iyon at hinaplos ang babaeng nandoon.

Wife, it's been six month, almost.

"What's that, kuya?" Istorbo ni Vhien.

"Nothing."

Sunod kong dinukot ang ikalawang litrato at napakunot ang noo ko.

What the hell? Bakit nandito ang gagong to?

Pinunit ko ang litrato ni Aidan at tinapon yun sa gilid ko. Fuck that jerk!

Inilaglag ko ang laman ng envelope sa mesa and what I saw makes me stiff. Halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo, humapdi ang puso ko at nag-init ang buong sistema ko.

Five photos of her, with him.

What in the world is the meaning of these photos?!

"What.. the.. fuck?"

Iyon ang huling narinig ko na bulalas ni Vhien bago ko kinalampag ang office table. Winaksi ko ang lahat ng nandun at sinipa ko ang swivel chair. Tinapon ko ang laptop pati ang cellphone ko. Hindi ko pinalagpas kahit ang telepono pati ang vase. Kahit ano na makita at mahawakan ko ay tinatapon ko kaagad.

"Andi! Andi get your fucking ass in here!" Matigas kong sigaw sa ma-awtoridad at mabalasik na tono.

Napasuntok ako sa ere at napayuko.

"Kuya-"

"Get the fuck out of my sight, Vhien! Call Axel! Isan! Mimi! Call all the first class reapers and assassins! Wala akong pakialam kung nasa misyon sila o nasa mga pamilya nila! Siguraduhin mo lang na wala pa sa kalahating oras ay nandito na sila!" Dinuro duro ko siya bago makapasok si Andy.

"Bo-"

"Tell the bitch to get ready! I'll fucking hunt her down!"

"Yes, Boss!" Patakbo siyang lumabas ng opisina.

Naglakad ako pabalik sa office table at tinignan ko isa isa ang mga larawan doon.

"This is just a fucking dream, this is just a fucking nightmare!"

Halos mapunit ko na ang lahat pero hindi pa din ako nagigising.

Damn it. Totoo to!

If only looks can burn the hell of these photos, bullshit!

She's with Aidan?

She's hugging Aidan?! Aidan's hugging her?! They're hugging each other under a big tree! They're on a fucking picnic!

She's so happy! She's fucking happy with that animal!

Tangina! Ano ang ibig sabihin nito, Reese?! Kaya ka ba umalis para magkasama kayo ng walanghiyang hayop na ito?! Ipagpapalit mo ako sa kalahating demonyo na ito?!

Lumipad papunta sa pinto ang ballpen na nasalo nang unang pumasok.

I just want to fucking punch some faces! Gusto kong manakit! Gusto kong mambugbog! Gusto kong pumatay!

Sagad na sagad na ang pasensya ko! Tama nang pagkontrol ko sa sarili ko! Reese and Aidan pushed me to my limits!

I will not forgive that bastard!

"Shit!"

"Boss?" Mimi

They never show their fear in front of me, but I can feel it.

"Find my wife! But find her parents first! I'm giving you two days! Two fucking days! 48 hours! If you fail, you better hide! Got it?!" Bulyaw ko sa mukha niya.

"Boss, umuwi sina Big Boss-"

"Wala akong pakialam!" Putol ko sa sasabihin ni Isan.

Kinuha ko ang isang litrato kung saan nakapaskil doon ang apat na mukha ng mga traydor. Hindi nila alam ang kaya kong gawin sa kanila! Mga hayop! Pinagmukha nila akong gago!

"Iharap niyo silang apat sa akin kasama ng Addis na panganay. Ako ang papatay sa kanila! Maliwanag?!"

Tinapon ko sa harap nila ang litrato at pumasok sa banyo.

This will be the last time, I will not allow anyone to make me look stupid again!

No one dares to fool me like this!

Sa lahat ng mapagkakatiwalaan ko! Sila pa ang may malalakas ng loob na gaguhin ako?! Mga tangina nila! Lintik lang ang walang ganti!

Sinuntok ko ang salamin na sanhi ng pagkawasak nun sa maraming piraso. Naglaglagan ang bubog nun sa lababo kasabay ng pagtulo ng pulang likido doon.

Hindi ko ramdam ang hapdi at pait sa kamao ko. Mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko sa loob.

Napatingin ako sa repleksyon ko basag na salamin.

"Babalik ka pa ba talaga? O habang buhay na kayong magtatago ng lalaki mo? Kulang pa ba, Reese? Kasi kung oo mas hihigpitan pa kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top