Chapter 26- Edited

Reese

"Teka, sandali lang." Hawak niya ako sa magkabilang balikat, siya ang umaalalay sa akin papunta sa likod ng bakuran. May piring ang mga mata ko at hindi ako komportable sa pagkakahawak niya sa akin. Ingat na ingat.

"Faster, Reese. Baka mapanis na yung niluto ni Anita." Natatawang binilisan niya ang paglalakad kaya napabilis din ako.

Napahawak ako sa tiyan kong maumbok, iba ang pakiramdam ko. Kumakabog ng malakas ang puso ko, may sorpresa daw siya para sa akin. Wala man lang siyang binigay na kahit konting hint kung ano iyon.

"Aidan? Nasaan ka?" Biglang tumahimik ang paligid at iniwan niya na lang ako.

"Take off your blindfold!" Sa sigaw niyang iyon ay tinanggal ko ang panyo sa pagkakapiring sa mga mata ko at hinagilap kung nasaan siya.

Medyo madilim na pala.

"Nasa-" Natigil ako sa pagtawag sa kanya ng iba ang makita ko sa aking gilid.

Tinakbo niya ang pagitan naming dalawa at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Gumanti naman ako at sinipat ko ang mukha niya. Masaya siya at kitang kita ko iyon sa ngiti niya.

"Maiipit mo ang tiyan ko." Inayos ko ang tumabon na hibla ng buhok niya at niyakap siya ulit.

"Kamusta ka naman dito? Limang buwan din tayong hindi nagkita."

"Okay lang ako, ikaw? Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Malaki na pala ang tiyan mo. Maayos ako, kaming lahat. Pinasalamatan ko na si Aidan dahil sa pagsundo niya sa akin sa bahay at pagdala sa akin dito."

"Sino'ng kasama mo?" Nakakatuwa na nag-effort si Aidan para lang makita ko ang kakambal ko, "Mag-anim na buwan na ang tiyan ko, Reed."

"Ang mga kaibigan mo at si Anne."

Napatingin ako sa likod niya ng isa isa silang naglabasan sa kakahuyan. Sina Deanna at Dina, si Anne, si Geneva.

"Bakit nandito kayong dalawa? Baka malaman ng asawa ko ang kalagayan ko dito."

"Nangako kami na hindi magsusumbong sa kanya kung hindi buhay at kamatayan ang sitwasyon." Deana

"Yeah, right. So? I'm hungry, wala man lang bang makakain dito?" Anne

"Tumigil ka nga." Angil sa kanya ni Geneva.

"Want to taste your own blood, bitch?" Balik sa kanya ni Anne.

"You better shut the hell up if you have nothing to say, Anne. Baka gusto mong maparusahan?" Aidan

Umirap lang si Anne at hinatak si Reed palayo sa amin.

Sunod kong niyakap si Deanna at Dina na nakangiti sa akin. Sinuklian ko naman iyon at hinawakan si Aidan sa balikat.

"Maraming salamat, sobra na ito."

"It's nothin-" Nakangisi niyang sagot na pinutol ng dalawang babae .

"Ehem. Ang kati ng iba dito, I mean, makati ang lalamunan ko." Dina

"Mas kumakati ang kamay ko, hinahanap yata yung baril ko." Deanna

"What the- are you serious? Masama bang maging proud dahil pinasalamatan ako ng asawa ng boss niyo?" Depensa ni Aidan sa sarili.

"Alam mo, ang landi mo ano? Lumayas ka nga sandali at marami kaming pag-uusapan ng babaeng ito. Shoo!" Tinulak-tulak pa siya ng dalawa at natatawa naman siyang nakataas ang mga kamay sa ere na lumayo sa amin. Tahimik lang si Geneva na sumunod sa likod niya.

Nginitian ko lang siya bago ako naglakad at lumapit sa kahoy na bangko. Umupo ako na sapo ang tiyan. Hindi naman ako nabibigatan pero iba ang nararamdaman ko. Nababahala ako sa sinabi sa akin ni Anita ng nagdaang araw.

"Iba ang laki at umbok ng tiyan mo, Reese. Ang mabuti siguro ay magpa-ultrasound ka nang makasiguro tayo."

Ipinagdarasal ko na sana ay walang komplikasyon ang pagdadalang tao ko, makakaya ko ang konsekwensya ng mga eksperimento sa katawan ko pero huwag lang sanang makuha iyon ng magiging anak namin ni Ashton. Paano na lang kung maging sakitin siya? Maging iba sa akin? Sa amin?

"Stop overthinking, your husband is getting better." Untag sa akin ni Deanna.

Sa mga taong lumipas ay pareho na silang nagmature ni Dina, hindi na padalos dalos at agresibo. Hindi na sila bully o basta basta na lang nananakit. They take orders from my husband and no one else, na kay Ashton ang loyalty nila.

"Ganun ba? Kamusta na nga pala siya? Pumayat ba siya? Masaya ba siya?"

"For the first month, he's gone wild. And because of it, pinarusahan na naman siya nina Big Boss." Tinutukoy niya ang pagkuha ng kapangyarihan na pamunuan ni Ashton ang Mafia, "For the past five months, hanggang ngayon? He's getting great, kalmado na siya at masiyahin. Hindi naman siya tumaba o nangayayat." Dina

"At kung naiisip mo na may mga babaeng umaaligid sa kanya ay wala, maliban kay Leonora na daig pa ang stalker. Gosh. She never changed, habol pa din ng habol kay Boss." Deanna

"But some things are strange." Nabaling ako kay Dina sa sinabi niyang iyon, mukhang malalim ang iniisip niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Simula nang umalis ka, hindi na nagparamdam si Aphrodite. Nawala siyang parang bula at isa isa ding nawawalan ng investors ang front ng business. Walang problema ang Mafia liban din sa mga nauunsyaming mga transakyon at pagkawala ng mga armas sa iilang bodega natin." Sagot niya.

Malalaman ko na ba ang tinatago sa akin ng asawa ko? Sasabihin ba nila sa akin?

"Alam niyo ba ang problema niya? Kung bakit siya naglilihim sa akin?"

"We're both using our contacts, just to let you know." Tukoy ni Deanna sa espesyal na abilidad ko, "Hindi niya kami inuutusan na mag-imbestiga tungkol kay Aphrodite kaya wala kaming alam."

"Bakit hindi si Aidan ang tanungin mo? Madalas niyang tinatawagan si Boss para mangulit." Dina

Kinakausap siya ni Aidan? Ibig bang sabihin nito ay alam niya ang lahat ng ginagawa ko at kung nasaan ako? Alam ba niyang buntis ako?

Naglilihim sa akin si Aidan, akala ko ay wala silang komunikasyon ng asawa ko. Masyado ba akong nakampante dahil nasanay na ako sa presensya niya? O nadala lang ako dahil pinaglihian ko siya? Oo, pinaglihian ko lang siya. Iyon ang isa pa sa ikinababahala ko dahil kapag nakarating ito kay Ashton ay baka mas lalo siyang magalit. Na habang magkalayo kami sa isa't isa ay isinama ko dito si Aidan.

"Si Anne kaya? May alam siya?"

"Kung si Reed na lang kaya ang tanungin mo? Wala kang mahihita sa babaeng yun--  bruhang bwesit. Kung hindi katulad mo ang kambal mo ay baka matagal na niyang iniwan si Anne." Deanna

Ni minsan ay hindi ko nakita o naalala na bumait si Anne, mas lumalala pa nga siya kung pagbabasehan ang pananalita niya ngayon. Nagkagusto siya noon sa asawa ko at akala ko ay hanggang ngayon, kung bakit ganun niya na lang ako tratuhin. Pero likas na pala talaga sa kanya ang matalas at matabil na dila.

"Hindi si Reed magsasabi, he will keep his promise with my husband."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at hinimas ulit ang tiyan ko. Nakakaramdam ako minsan ng pangangati.

"Ilang buwan na ba 'yan?" Deanna

"Anim." tipid kong sagot

"Six? Ang laki naman masyado, kambal din ba?" Dina

"Hindi ako nagpa-ultrasound."

"Baka healthy lang talaga siya o dahil isa siyang superhuman." Sagot sa kanya ni Deanna.

"You should visit a doctor para makasiguro. I've seen a lot of women with your situation and you're quite different from them. Parang siyam na buwan na 'yang dinadala mo." Dina

"Ganyan din ang sinabi sa akin ni Anita."

"Weird naman kasi talaga." Hinawakan pa niya ang tiyan ko at hinimas din ng dalawang beses. Pinisil pisil din niya.

"The kid just fucking kicked inside, right?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Lumapit din sa amin si Deanna at katulad ng ginagawa namin ay hinawakan niya din ang tiyan ko.

Halos lumundag silang dalawa ng sumipa na naman ang anak ko. Sumisipa siya, ang ibig sabihin nun ay malusog siya.

"Hindi mo maramdaman?" Deanna

Ano ang sinasabi niya?

"Ang?"

"Diba scientist ang foster father mo?" Dina

"Oo."

"Papuntahin mo kaya siya dito? Ako ang bahala sa pagsundo, you need to be examined lalo na ang anak niyo." Dina

Maraming alam si Dina sa mga ganitong bagay dahil registered nurse siya, ganun din si Geneva pero hindi niya pinapansin ang kalagayan ko. Ngayon lang din naman kami ulit nagkita noon pinaalis sila ni Tatay Tomas dito.

Hasang hasa si Dina at bagay sa kanya ang pagiging nurse.

"Sasabihan ko si Reed."

"Ladies, let's go? Nagugutom na ako at kung hindi niyo napapansin ay madilim na. Nagsimula na din ang sayawan, tara!" Lumapit si Aidan at tinulungan niya akong tumayo.

Naglakad kami ng ilang minuto hanggang sa nakarating kami sa mahabang mesa at may mga pagkain na doon. Katulad ng nakagawian ay may hapunan para sa lahat dito sa sentro ng bayan nila. Pumapailanlang sa buong paligid ang magandang musika na likha ng tunog na nagmumula sa mga kasangkapang kahoy na ang mga tao mismo ang gumawa.

Nakisali kami sa tumpok ng mga kaibigan namin at kasama nila si Wilfred. Nakita ko na lumayo sina Geneva at Dina, nag-usap sila ng seryoso sa madilim na gilid ng mesa sa dulo. Si Anne at Reed ay nasa tabi namin ni Aidan, si Deanna na nagpalinga linga. Ilang beses akong tinapunan ni Geneva ng tingin at may tinawagan siya.

"Sumayaw tayo?" Aya ni Aidan na inilingan ko lang.

"Wala akong gana, ikaw na lang. Isayaw mo ang mga kaibigan natin." Maraming magkasintahan at magkapareha ang sumasayaw sa gitna. Masaya ang lahat, mapabata man o matanda. Parang mga walang problema.

"Mama, ako na lang po ang pares niyo! Tayo ang sumayaw!" Hindi na ako nakakontra ng hinatak na ako ni Wilfred .

Napakamot pa ng ulo si Aidan, naisahan na naman siya ni Wilfred.

"Yohooo!" Kasabay ng mga palakpakan sa ere ay nagpaikot ikot naman kami ni Wilfred, siya ang nagpatiuna sa pagsayaw at sinusunod ko lang kung ano ginagawa niya.

"Mama, ang laki na po ng tiyan niyo!" Puna niya sa mataas na boses, hindi niya ako masyadong maririnig dahil malakas ang tugtog sa gawi namin.

Ngumiti lang ako at inabot ang dalawa niyang kamay na ibinigay niya naman. Umatras kami sa isa't isa ng hindi bumibitaw at saka nagpalit ng kapares ng umikot na kami pareho. Muntik ng masubsob ang tiyan ko kay Aidan na nakangisi sa akin, kaagad niya akong hinapit sa bewang kaya ikinawit ko na lang ang mga braso ko sa leeg niya.

"Alam mo, natatawa ako sa posisyon natin." Hindi mawala ang ngiti niya ng bumulong siya malapit sa tainga ko. Ang bilis niya talagang kumilos.

"Maiipit ang anak ko." Iyon na lang ang isinagot ko ng lumapit naman sa amin si Reed

"Haha! I know. What?" Bungad niya sa kambal ko

"Akin na siya kung hindi mo masasamain, tutal naman ay matagal na kayong nagsama dito." Reed

Patuloy sa pagsayaw ang pumapaliboy sa aming tatlo habang kami naman ay nakatayo lang. May sasabihin na ba siya sa akin?

"Oh, sige. Pero mamaya tabi kami kapag kumain na ha?" Tumalikod na siya na nakahawak sa batok, "Lagi na lang akong naagawan."

"Ano yun, Reed?"

"Nasabi na nila siguro sa iyo ang tungkol kay Aphrodite?" Niyakap niya ako at hinagod ang mahaba kong buhok. Masyado na nga talaga itong mahaba, nasa pwetan ko na at manipis na sobrang itim.

"Ang nalaman ko lang ay hindi na siya nagpapakita simula noong umalis ako at ang mga nawawalang armas."

"She want​ you, Reese." She want me? Ano'ng ako? Gusto niya akong makuha?

"Hindi kita maintindihan, Reed. Diretsahin mo ako."

"Kahit ako man. May alam ang asawa mo na hindi niya sinasabi sa lahat."

"Hindi naman ba siya pinagbabantaan ng babaeng iyon? Si Leonora?"

"Wala kang dapat ipag-alala kay Vhon, matino siya at hindi katulad ng mga kaibigan niya na maraming kalokohan. Sinabi sa akin ni Dina na kailangan mong ma-check up, bakit? May nararamdaman ka bang kakaiba?"

"Hindi lang siya ang nagsabi sa akin niyan. Kinakabahan ako na baka may mali sa bata, paano kung sa kanya lumabas ang mga epekto ng eksperimento sa atin noon?" Paano kung iba nga siya sa amin? Hindi normal? May sakit? O ano?

"Hindi ka namin iiwan kahit ano man ang mangyari, at lalo na ang bata. Tinawagan na nila sina Papa, baka sa susunod na araw ay nandito na sila. Kailangan niyong masuri."

"Salamat, ni minsan ay hindi mo ako pinabayaan." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Ikaw na lang ang meron ako."

Napangiti ako sa labis na kagalakan. May isa akong perpektong kapatid na lagi akong sinusuportahan sa lahat ng gusto ko.

He's spoiling me too much.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top