Chapter 25- Edited

Vhon

Napabangon ako ng pabagsak na bumukas ang pinto ng kwarto namin. Sapo ang ulo na dumilat ako at napatingin sa mga gago na nasa dulo ng kama ko.

"What time is it? And why are you here? I can't remember na may usapang iinom tayo ngayong gabi." Pupungas pungas akong umupo sa gilid ng kama.

"It's just 12 noon, Vhon. Mag-ayos ka na at aalis tayo." Ford

"Saan?"

"Date? Haha!" Asstiel

"Mga gago, pinatunayan niyo lang talaga na bakla kayo at pagkakaisahan niyo pa ako. Ano to, gangbang?" Napuno ng samo't saring reaksyon ang buong kwarto habang napangisi na lang ako sa kanila.

Tumayo na ako at nagpunta sa banyo.

"Hintayin niyo ako sa baba, hayaan niyo muna akong makapaghanda."

"Ulol! Bilisan mo at malayo ang pupuntahan natin!" Edu

Wala si Jomarie, he's been gone for a month now. Chasing the love of his life.

I don't know why but I feel so good today. Maybe because of my friends? Parang wala akong problema when the fact is, sandamakmak ang inaalala ko. Lalo na sa nawawala kong asawa at sa negosyo.

Nakatulong ang iniwan niyang sulat sa akin. It makes me energized and motivated enough.

*******

"Where are we exactly going?" Ilang oras na kaming nasa daan sakay ng van na si Ford ang nagmamaneho. Nasa front seat ako at nasa usual seats ang mga kaibigan namin sa likod.

"Napag-usapan naming lahat na mag out of town, tayong pito lang. Walang asawa o anak, walang negosyo o Mafia at mas lalong walang mga kabit, pokpok lang." Natawa sila sa sagot ni Edu

Damn it.

"Wala si Jomarie."

"Kagabi pa yun naghihintay sa atin, nasa kabilang isla." Ford

"So he's back, that's good."

"Okay na sila ni Candy, binuntis niya para wala nang kawala. Haha!" Asstiel

Ford was a womanizer before he met Charry, while Jomarie is the real pervert. Manyak talaga ang isang yun, hindi lang halata. He likes to play around with his woman, no strings attached. Pasimple at patago dahil iniingatan niya ang pangalan ng pamilya niya. His parents are great, really. At walang history ang pamilya nila sa pambabae o mga third party.

Tumigil si Ford sa pagmamaneho ng umabot kami sa pyer, hindi man lang sila nagsabi na ilang araw pala kami sa kabilang isla. Luckily, naihanda na nila ang mga gamit ko. Nasa harap na kami ng high class yacht na pagmamay-ari ni Jomarie, he like boats more than cars.

"Sino magdadala ng yate?" Alejandro

"Ako." Mario

Bitbit ang mga handbag namin ay isa isa kaming bumaba ng van at naglakad palapit sa yate.

"The yacht is quite big para sa ating.... Anim.." Alejandro

Shit.

Isa isa kaming sinalubong ng mga bayarang babae at kumapit pa talaga sila sa braso namin. Halos hubo't hubad na sila dahil sa ikli at nipis ng mga saplot nila sa katawan.

Ah. I'm missing my wife more, baka kanina pa ako nag-init kung siya ang nasa tabi ko ngayon. Baka sinunggaban ko na siya kahit dito pa sa mismong harapan ng mga kaibigan namin.

"Get. Your. Fucking. Hands. Off. Me. Bitch." Kaagad siyang lumayo at nauna na akong umakyat sa yate.

Kung sino mang gago ang may pakana para sa mga bayarang iyon ay masasapak ko talaga. Pinakaayaw ko sa lahat yung makakita ng mga bayaran, nakakapang-init ng ulo. Tsk.

Pumasok ako sa unang kwarto ng makaakyat na ako sa yate. Nag-lock ako at pabagsak na nahiga sa kama. Pumikit ako at niyakap ang unan sa kanan ko.

I miss my wife so damn much, hindi ko na matitiis pa ang pangungulila ko sa kanya. It's been five fucking months, no news, no clue, no nothing! Hindi ko na kakayanin kapag tumagal pa na magkalayo kami at hindi ko siya nakakasama. Gustong gusto ko na siyang mayakap, mahagkan, makasamang kumain sa hapag. Matulog at ang magising sa umaga na siya ang bumubungad sa akin. Kahit saan, kahit anong ginagawa ko walang oras na hindi ko siya naiisip.

Nasa akin na ang lahat, pero walang wala kung ano ang meron ako dahil wala sa akin ang asawa ko! Tangina!

Bumangon ako at tinapon ang unan sa taong walang modo na pumasok ng kwarto ko. Istorbo!

"Damn it! Haha! Nagugutom ka ba? May pagkain sa labas." It's Asstiel.

"Get the fuck out of my room, Asstiel. Huwag niyo na ulit akong iistorbohin." Humiga ako patalikod sa kanya.

"Sige. Pero may tanong ako, pare."

"What?"

"Okay lang naman sa'yo na may mga sisiw sa labas kasama natin, diba? Haha! We respect your feelings bro, but Reese is not here."

"Just get the fuck out of my room and don't you dare disturb me again. You can bang all of them, I don't give a damn."

"Woah! Haha! Hindi natin sila ikakama, pampasaya at pampainit lang sila pero kung gusto mo-" I raised my hand, pointing my middle finger at him without looking at his direction. "Haha! Oo na! Aalis na nga! Lumabas ka na lang mamaya kung gusto mong kumain, marami sa labas!" Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto at naramdaman ko ang pag-andar ng yate.

My head hurts, may hangover ako. Uminom kami kagabi ni Vhien sa bahay. The very first time na siya mismo ang nag-aya, I never thought that he will ask me to join him. Hindi siya yung tipo na nagsasabi sa akin ng mga bagay bagay, lalo na ang tungkol sa personal niyang buhay. He's been keeping things for himself, privately. Except for the business and our family matters, nagkukwento siya. Just that. That brother of mine, he's still a kid in my eyes.

Tsk.

Kanina good mood ako, ngayon naman bad trip na.

Wife, I can't promise this. But I will control myself. I love you so damn much at baka makalimot ako mamaya. Sana talaga, bumalik ka na. Hindi ko na kayang magtiis!

*******

"Woah! Take it off! Take it off! Take it off!"

Natatawa na napapailing ako sa kalokohan nilang lahat. Nakatayo lang ako sa railing ng yate habang nagkakasiyahan sila. Naglalaro sila ng Q and A at kapag mali ang sagot ay maghuhubad ang nagkamali.

"Woah! Ang sexy! Hahaha!" Patuloy lang ang kasiyahan nila, ayaw kong makisali.

Napatingala ako sa langit, ang daming bituin ngayon. This could have been the perfect timing for my wife and I to be together, watching the stars. Looking and searching for constellations while hugging each other at our rooftop. Stargazing with the one you love is one of the happiest moments you will treasure your whole life.

Perfect timing with my wife, huh?

Sinabunutan ko ang sarili ko at humarap sa malawak na karagatan.

Reese Elizabeth Cohlsin-Black, paano mo naatim ang malayo sa akin ng ganito katagal? Mabait na ako, di na ako naninigaw o nananakit. I can now control my temper, I have my patience. Sweet? Hanggang kelan ba tayo ganito? Bumalik ka na, please lang!

Hindi ko pinansin ang umakbay sa akin at nanatili akong nakatitig sa repleksyon ng buwan sa karagatan. Nakakalunod ang katahimikan at kapayapaan na meron ang dagat. Dagdag pa yung kalungkutan at pangungulila ko sa asawa ko.

"Miss mo na?"

"That word is not enough, Mario." Sagot ko bago ininom ang alak na hawak ko. Miss? Kahit anong pampalubag ang sabihin nila upang mapagaan ang loob ko ay hindi iyon tatalab. Asawa ko lang talaga ang makakabuo at makakapuno sa puso ko.

He taps my shoulder two times while nodding.

"Sometimes, we need to set them free. It's not just for your own benefit but also for her. Pansin naman namin na nagbago ka na talaga at hindi ka na agresibo ngayon." What can I say more about this guy? Siya ang pinaka-mature sa aming pito. I even admire him for being the perfect example of what a real man should be. Mario Camaro is one of the best guy I have ever known my whole life.

"Yeah. I've been visiting Mama Beth for some counseling at para na din makamusta ko sila." I want to change and so I am on my way to it. Hindi lang naman mga baliw o mga depressed​ ang pwedeng magpa-counsel. Kailangan ko ng makakausap lalo na sa sitwasyon ko ngayon.

And besides, I want to be the perfect husband my wife deserves. That she will never regret he chose me and will choose me still no matter what. If she come back, she will never hear a word from leaving me. I'll just hug her tight and utter all the words she has to know.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan at siguradong ikatutuwa ni Reese ang improvement at development mo."

"May plano na ba kayong magka-anak?" Tukoy ko sa kanila ni Maria.

Alam ko din naman na pressured ang asawa ko, lalo pa at hindi madali sa kanya ang mabuntis. The experiment saved her and yet, isa sa mga disadvantages nun ang possibility na baka hindi na kami magkaanak. But I'm not losing hope, kung hindi ko siya mabuntis sa santong dasalan ay dadaanin ko siya sa santong paspasan. Gagawin ko ang gabi na umaga, mabuntis ko lang siya.

"Baka sa susunod na taon ay pwede na. Marami kaming ginagawa ngayon, busy din ako sa hospital." He's a doctor, working in his very own hospital and has some medical missions all over the country.

My wife doesn't need a doctor, she can heal herself. I know she never gets sick but I still want to take care of her.

Bakit ba nire-relate ko sa kanya ang usapan? Ah, simply because she's my wife and I miss her like hell.

"Dude! Halina kayo dito, huwag kj! Single tayong lahat ngayon kaya makisali kayo!" Pumagitna sa amin si Edu at inakbayan kami ni Mario. Iginiya niya kami sa mga kasamahan namin.

Nagsasayawan ang mga bayaran sa pumapailanlang na musika, kaming anim ay mag-uusap. Nakakainis pa yung tumutugtog.

They know how much I hate it when I'm surrounded by whores. Tsk.

"Sino ba may pakana nito?" Pikon kong tanong na wala ni isang sumagot sa kanila. Inilihis lang nila ang usapan at dahil wala akong gana na magpumilit ay sinakyan ko na lang

"I heard may transaction ka next week?" Ford

"Yeah. I'm taking Vhien with me and maybe, baka magpahinga muna ako saglit kapag sanay na talaga siya."

"He was just 15 when you took him with you in a one time big time meet up, hasang hasa na ang kapatid mo diyan." Alejandro

"I want him to plan and perceive things the way I do, ayaw ko nang mag-alala pa na baka masalisihan o maloko kami ng katransakyon namin." Seryoso kong sagot.

Aphrodite. Matagal tagal na din siyang hindi nagpaparamdam, wala na din akong balita sa kanya. Mas kinakabahan ako dahil doon, hindi ko malalaman ang mga galaw o plano niya. Alam ko na siya ang sumasabotahi sa mga delivery ng armas, pag-atras ng business partners ko at ang mga sablay na operasyon ng mga tauhan ko.

Mom and Dad flew to the States last two months ago. It's very satisfying and relieving to my part dahil wala na sila, masusunod na ulit ang lahat ng gusto ko.

"Sabi sa akin si Aphrodite ang may pakana? Totoo ba?" Mario

"Sino'ng nagsabi sa'yo? Oo."

"Parang hindi kapani-paniwala nung una pero kumbinsido na ako ngayon. Matagal na din siguro siyang hindi nagpaparamdam." Mario

"We will help you find your wife, pare. Kawawa ka naman at mukhang tigang na tigang ka na. Hahaha!" Edu

Halos ibato ko sa kanya ang hawak kong bote. Nakisabay na lang ako sa tawanan nila at gumaan naman kahit konti ang pakiramdam ko.

Oo, tigang ako pero hindi ako papatol sa kung sino'ng babae lang diyan. I'm loyal to my wife, I will keep my vow the way she do. I know, somewhere out there whenever she is, pinanghahawakan niya kung ano ang meron kami. Nangako siya at hindi niya iyon babaliin.

Wife, if you want to go home. I'm just here sweetheart, naghihintay sa'yo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top