Chapter 24- Edited

Reese

Nangyayari ba talaga 'to? Hindi ba ako nananaginip? Baka tulog ako?

Tinampal ko ang aking magkabilang pisngi at napatingin sa salamin, balik naman sa hawak hawak kong maliit na bagay. Naghilamos ako ng malamig na tubig at hinawakan ko ulit ang bagay na nagpapatunay sa sinabi ni Anita kagabi.

Pangatlo na ang hawak kong pregnancy test kit at parehong dalawang guhit ang resulta.

"Bakit?" Tanong ko na hindi pinagbubuksan kung sino man ang kumatok sa pinto.

"Are you done? May problema ba, Reese?" Si Aidan pala.

Isinama ko na siya dito kagabi nang sinundo kami ni Anita. Sa labas siya natutulog kasama ni Tatay Tomas dahil na rin sa nahihiya siyang makitulog sa bakanteng kwarto. Hindi naman daw siya pihikan.

"Wala naman."

"What's the result?"

"Magpadala ka ng doktor, pwede ba?"

"Huh? So you mean?"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at inakbayan niya ako habang nakatingin sa repleksyon namin sa salamin.

"Positive? Really?" Kakikitaan ng kaligayahan​ ang mga mata niya.

"Oo."

"Congratul-! Tsk." Napayakap siya sa akin at nakataas na naman ang isa niyang paa sa ere.

Ganito na talaga siya, nerbyoso yata at mabilis gulatin.

"Lumayo ka sa kanya binata at wala akong tiwala sa pagmumukha mo." Banta sa kanya ni Tatay Tomas na may nakaambang shotgun sa direksyon ng katabi ko. Nasabi sa akin ni Anita na paborito ni Tatay ang baril na iyon.

"Oo na po! Para kayong si Vhon eh. Tsk. Ngayon lang nagka-tsansa eh." Pakamot kamot sa ulong lumayo siya sa akin at nauna nang lumabas ng banyo.

"Kamusta, hija? Buntis ka nga ba?" Lapit ni Tatay Tomas sa akin.

"Oo. Pakiramdam ko po ay nasa isa akong panaginip, Tatay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko." Sagot ko sa tanong niya.

Isang pangarap ang natupad na. Magiging ina na ako, magkakaroon na din ako ng anak. Sa wakas.

Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ang mga hindi at pwede? Kailangan ko bang magpatingin kaagad sa doktor? Paano ang mga gamot ko? Kabisado ko ang mga gatas at gamot na iniinom nina Charry at Terry sa kanilang pagbubuntis, alam ko din kung anong klaseng diet ang ginagawa nila. Alam ko ang kadalasang ginagawa nila, ngunit ngayong nangyayari na rin sa akin ay parang hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Si Ashton? Karapatan niyang malaman ang pagdadalang tao ko. Sigurado akong magiging masaya siya. Magiging tunay na kaming pamilya. Ang anak namin ang magsisilbing una at sentro sa prayoridad naming mag-asawa. Nakikinita ko na ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang magandang balita.

"Natutuwa ako para sa iyo, hija. Huwag kang mag-alala at hindi ka namin pababayaan dito."

"Maraming salamat, Tatay."

Biglag sumeryoso ang ekspresyon​ ng mukha niya.

"May tanong ako."

"Ano po iyon?"

"Bakit nga ba isinama mo pa ang binatang iyon dito, hija? Hindi maganda kapag nalaman ng asawa mo ang tungkol sa kanya, tiyak na magagalit iyon."

Kailangan ko si Aidan, mapapakinabangan ko siya kapag nagkataon.

At gusto ko siyang makita bawat oras, hindi ko alam kung bakit. Basta sa ngayon, dapat ay nandito lang siya. Nakikita sa bawat oras at nababantayan sa lahat ng pagkakataon.

"Maiintindihan niya ako, Tatay. Huwag kayong mag-alala at pansamantala lang naman siya. Kapag umuwi siya ay baka sumama na ako sa kanya."

"Huwag ka munang umalis dito, kailangan ka pa namin."

"Kung ganun po ay magtatagal din si Aidan dito, mas malaki ang maitutulong niya sa inyo. Kakailangan niyo ang kanyang koneksyon at kakayahan."

"May gusto ka ba sa kanya?" Napatda ako sa tanong niya.

Ako? May gusto kay Aidan?

Paano naman ako magkakagusto sa best friend ng asawa ko? Hindi ko siya magagawang lokohin, saktan o ipagpalit. Hindi ko kayang magmahal ng ibang lalaki, siya lang. Ngayon pa na magkakaanak na kami at magiging isang tunay na pamilya? Hindi maari, hindi ko iyon magagawa sa kanya.

"Wala po akong gusto ka sa kanya, Tatay. May kung ano sa loob ko na nagsasabing isama at pangitiin siya pero hindi ko siya gusto. Wala akong nararamdaman sa kanya."

"Baka naman mahal mo siya?"

Mahal? Ang layo ng nararamdaman ko sa kanya kompara sa asawa ko. Kakayanin kong mawala ang lahat, huwag lang si Ashton. Isusugal ko lahat para lang sa kanya. Isusuko ko lahat masiguro ko lang ang kaligtasan niya. Gagawin ko ang lahat, papatay ako para sa kanya.

Si Aidan? Napapangiti niya ako, pero hindi ko siya mahal. Pero bakit kumakabog ng malakas ang puso ko kapag ngumingiti siya?

Ano ba ang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Nawawala sa katinuan?

"Hindi ko siya mahal, Tatay."

Umiling siya bago niya ako tinalikuran. Dismayado ba siya sa sagot ko?

"Oh siya, ikaw ang bahala. Aalis lang kami sandali, lumabas ka na at hinahanap ka ni Wilfred."

"Susunod po ako."

Naghilamos ako at nagsipilyo. Sinubukan kong ipusod ang buhok ko pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko kasi nakikita kong paano magpusod si Anita kaya hindi ko makopya ang paraan niya.

Sa pagpusod lang talaga ako nakadepende.

"Mama! Ano po ang nangyari sa inyo?" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Wilfred pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay.

"May mahalaga akong sasabihin sa iyo, Wilfred."

"Doon po tayo sa paborito niyong pasyalan, Mama!" Hinatak niya ako at nagpaubaya na lang din ako sa kanya.

Lakad takbo ang ginawa naming dalawa hanggang sa makarating na din kami sa tuktok ng bukid na sinasakahan ng mga gulay.

Nagtataka ako kung bakit may picnic blanket sa ilalim ng puno at may isang basket din doon, mga prutas ang laman at may inumin din.

Nabigla si Wilfred ng tumalon si Aidan sa mismong harapan namin na may kagat kagat na mansanas sa kanyang bibig. Nilapitan niya kami at giniya sa picnic blanket upang umupo.

Pinagsilbihan niya kami, inabutan ng plato at kubyertos. Binigyan niya din ako ng tissue paper at pinaglagyan ng tubig sa baso. Ginawa niya din iyon kay Wilfred at sa sarili niya. Hindi ako nakapagtiis sa kinikilos niya kaya nagtanong na ako.

"Ano ang ginagawa mo, Aidan?"

"Pinagsisilbihan ka, masama ba?" kumagat uli siya sa panibagong mansanas at pasalampak na nahiga.

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Aidan."

"Aww. No malice, Reese. You're my best friend's wife and I don't see any wrong with it."

"Kapag nalaman niya ang tungkol dito ay baka sa ospital ang bagsak mo."

"Wala akong pakialam, he will thank me sooner or later because of this. Kumain ka na nga diyan."

"Paano ka naman?"

"What do you mean?"

"Sinasaktan mo lang ang sarili mo."

"Wala akong pakialam, dito ako sumasaya. Atsaka, wala siya dito kaya may tsansa ako sa'yo. Haha." akala ko talaga nagseryoso na siya, nagloloko pa din pala.

Kelan ko kaya siya makikitang seryoso at hindi puro biro ang alam?

"Mama, nililigawan ka ba ni Papa Aidan?" napalingon ako kay Wilfred na inosenteng nagpapabalik balik ng tingin sa aming dalawa.

"Hindi/Oo" Nagkatinginan kami hindi dahil sabay kaming nagsalita kundi dahil iba ang sagot niya sa isinagot ko.

"Ano ba ang sinasabi mo, Aidan? Wilfred, kumain ka na lang. Huwag mo siyang papansinin, pwede ba?"

"Opo."

"Maglaro ka muna sandali, bata." Bumangon siya at uminom ng tubig. Nakatingin siya sa akin ng seryoso na naman, ano ba ang iniisip niya?

Alam kong hindi siya nagloloko, totoo ang mga sinasabi niya. Seryoso na talaga siya.

"Sige po!" Tumayo si Wilfred at tumakbo sa mga batang naglalaro sa gitna ng malawak na taniman. Naghahabulan sila, malaya at masaya.

Tinabihan niya ako at sumandig siya sa malaking puno.

Nag-aksaya siya ng oras at panahon para lang dito, nagawan niya ito ng paraan kahit kagabi lang siya nakarating dito. Katulad kung paano kumilos ang asawa ko.

"I know it will take you a year or so bago mo isipang bumalik sa asawa mo at kahit desperado na ako kung titignan ay gagawin ko pa rin ito. Sa tingin ko ay mahal na kita, Reese." Nilingon ko siya at nagkasulubong ulit ang mga mata namin.

Ang sinseridad sa boses niya, may repleksyon iyon na makikita sa kanyang mga mata. Mabilis niya akong nayakap ng hindi ko man lang nababasa ang kilos niya. Hindi ko siya makontra.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya?

"I've kept this feeling for quite a long time now and this is the very day that I am confessing, Reese. I think I have loved you right before Vhon took you away from me."

Alam na niya na binura ko dati ang kanyang alaala, hindi siya nagalit nung ipagtapat ko sa kanya ang ginawa kong iyon. Bagkus nga ay tumawa pa siya ng malakas at na-amaze dahil nakagawa daw ako ng ganung bagay, isa daw iyon sa mga nagpapa-espesyal sa pagkatao ko.

"Alam mo bang kahit sobrang sakit na, hinayaan ko kayo? Kasi mahal kita at nawalan na ako ng pag-asa na ipaglaban ang nararamdaman ko para sa'yo kasi ikaw lang ang nagpaganun sa best friend ko. You changed him, you are his savior." Bakit niya sinasabi ang mga ganito kung masasaktan lang din siya? Napakatatag niya. Nakakahanga siya.

Ang magparaya sa taong mahal mo, ang siyang isa sa mga mahirap gawin. Dahil ganun ang ginawa ni Ashton noon sa akin, winasak ko ang puso niya sa malaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko.

"I made him worse, Aidan. Patawarin mo ako."

"Nagmana lang yun sa Lolo niya. Haha! Lahat naman ng lalaki territorial. Hays. Wala kang kasalanan, Reese. This is all my fault." Mabilis magbago ang mood niya.

"Patawad dahil hindi ko masuklian ang pagmamahal na meron ka para sa akin, patawad dahil hindi kita kayang mahalin." Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mas nahuli na ako kasi magkakaanak na kayo." Ngumiti siya ng tipid ngunit hindi nakaligtas ang sakit na naglandas sa kanyang mga mata sa mapanuri kong tingin.

"Makakahanap ka pa ng bago."

"I'm not getting any younger, Reese. Wala na akong gana na maghanap pa ng iba."

"Bata ka pa, Aidan."

Yumuko siya malapit sa mukha ko hanggang sa magsalubong at magkaharap na kami ng tuluyan.

"Vhon's not here. He can't keep you company, he can't make you safe and sound, he can't take care of you."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Let me be the one to do his duties while you're here, with me. This is my only wish, Reese." Pumikit siya at palapit ng palapit ang mukha niya sa akin.

Umiwas ako at tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Nagugutom na ako. Kumain ka na rin."

Mukha naman siyang napahiya, huminga siya ng malalim at pinilit akong salubungin ko ang kanyang mga titig. Ayaw niyang tumigil.

"Look at me, Reese."

"Tumigil ka na Aidan, wala akong konsensya pero ayaw ko na saktan mo lang ang sarili mo." Isa siya sa mga matalik kong kaibigan, ayaw ko ng madagdagan pa ang kanyang pasakit.

"And don't you think I've sacrificed enough? For five fucking years, nagpakalayo layo ako. Ginawa ko ang lahat ng paraan para lang makalimutan ko ang nararamdaman ko sa'yo. I've been a womanizer, slept with every woman, flirts with any girl out there. Just to forget you, just to keep myself busy and occupied, huwag lang kitang maalala. But then here I am, still ended up with you. I'm stuck with you Reese, real hard." May pinahid siya sa pisngi ko at nagtaka ako kung basa iyon.

Umiiyak ako?

"I'm... sorry." Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

Ano ba ang dapat ko pang sabihin? Nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa nangyayari. Nasasaktan ko siya, tumatatak sa utak ko ang mga sinasabi niya. Parang... Ramdam ko ang sakit sa mga salita niya.

Si Ashton lang ang unang lalaki na iniyakan ko, pati pala si Aidan ay mapapaluha din ako. Baka nagkakaganito lang ako dahil sa sitwasyon ko. Tama, ganun ang mga buntis. Emosyonal, sensitibo.

"Hayaan mo akong iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko, Reese. And I promise, kapag bumalik ka na sa kanya ay magpapakalayo na ulit ako. Ito lang ang mahihiling ko, pagbigyan mo naman sana ako."

"Hindi ko alam ang sasabihin."

"Oo o hindi lang naman ang sagot."

"Mas masasaktan lang kita, Aidan."

"Wala akong pakialam. Ganito na lang, hindi ko na hihingin pa ang permiso mo. I'll do whatever I want and I'll reap the consequences sooner or later. I'll take all the blame and hatred from Vhon, wala akong pakialam kung patayin niya man ako. Mahal kita at hindi na ako magpapapigil pa."

Mas umagos ang luha ko at hindi ko napigilang yakapin siya. Hindi ko alam kung makakayanan niya ang maging maayos pagkatapos ng lahat ng ito.

Sa ngayon, kaligayahan niya ang tutuparin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top