Chapter 19- Edited

Reese

Ang sabi ni Aidan, kung normal na tao lang ako ay baka daig ko pa ang na-culture shock dahil sa uri ng pamumuhay na meron ang mga tao rito. Pagkatapos naming magpakilala kagabi ay pinaghanda nila kami ng makakain at binigyan ng malinis na kwarto upang mapaghingahan. Humingi na din ako ng tawad sa nagawa ko sa dalawa nilang kasamahan at tinanggap naman nila iyon. Nangako akong hindi na mauulit pa ang manakit sa ni isa sa kanila.

Ang bar ay pagmamay-ari ni Tatay Tomas, siya din ang nagsisilbing pinuno sa maliit na bayan na ito. Dahil sa madugo at marahas na nakaraan ng kanilang lugar ay minabuti nilang maging mailap sa mga dayuhan. Swerte namin dahil nagustuhan ako ng anak niyang babae, dahil sa kanya ay may matutuluyan na kami.

Kaninang umaga sa paggising namin ay may naihanda na silang almusal para sa aming tatlo. Mabait naman pala si Tatay Tomas, palatawa at mahilig mambola. Mapagmahal at maalaga din siya sa kanyang nasasakupan. Naisip ko tuloy si Ashton, balang araw sana ay maging katulad siya ng matandang kaharap ko ngayon. Ngumingiti, pilyo at mapagkumbaba.

"Ilang taon ka na ba, hija? Napakabata mo pa para maging isang asawa at delikado dahil na din sa katayuan mo sa buhay." Magkatabi kaming nakaupo at nakatingin sa mga kabataang naghahabulan sa gitna ng malawak na damuhan.

"Labinsiyam ako ng magpakasal at dalawampu't lima na po ako ngayon. Sa panahon ngayon, mas malawak na ang pag-iisip ng mga kabataan."

"Ang ibig mong sabihin ay marupok, tama?"

Tumango ako at tumingala sa langit. Nakakaramdam ako ng kalungkutan sa aking puso, pangungulila at labis na pagmamahal para sa asawa ko. Mabigat sa loob ang iwan siya, paulit ulit ding pumapasok sa utak ko kung paano ko siya tinakasan ng mga sandaling iyon.

"Nangungulila ka." Turan niya.

"Nasanay po kasi ako na lagi ko siyang nakikita, nakakausap at inaalagaan." Sa kanya ko lang sinabi ang katotohanan kung sino at ano talaga ako.

"Bakit ka nga ba naglayas?"

Nakuha niya ang atensyon ko sa tanong niyang iyon.

"Malalim ang dahilan."

"Hmm. Ang asawa ko, ang ina ni Anita." Tukoy niya sa kanyang anak, "Nilayasan niya din ako noon dahil sa pagiging gago ko. Abot langit ang pasasalamat ko ng bumalik siya at may dalang malaking regalo sa akin. Kabuwanan niya na ng umuwi siya dito at iyon nga ay si Anita."

Sana ay may laman na din ang tiyan ko, pero hindi ako babalik kay Ashton. Kapag nabuntis ako ay makokontento na akong maging isang simpleng asawa niya. Katuparan ng isa kong pangarap ang maging ina kapag nabuntis ako.

"Ano ang nangyari sa kanya?"

"Pinatay siya isang taon pa lang ang nakalilipas. Kaya galit kami sa mga dayuhan ay dahil na din sa nawalan na kami ng tiwala sa inyo."

"Kung gayon ay mapipilitan kaming umalis ng mga kasamahan ko kapag hindi niyo kami nagustuhan."

"Oo at nasa ilalim pa din kayo ng obserbasyon, lalo ka na at mukhang matatagalan ka dito."

"Bakit siya pinatay?" Kailangan kong sirain ang paniniwala nila na lahat ng dayuhan ay masama ang balak sa kanila. Na wala akong intensyon na saktan pa ang mga tao dito.

"Sikat noon ang bayan namin dahil sa mga mineral na nakukuha dito. Mayaman at sagana din ang mga taniman namin. Isang araw, may mga grupo ng mga foreigner ang nagawi dito at kinausap kami, interesado sila sa lupain. Gusto nilang bumili ng lupang sakahan at nagbigay ng karampatang presyo. Hindi kami pumayag sapagkat sa ninuno pa ng mga pamilya namin ang lupa dito at utang namin kung ano man ang meron kami sa kanila. Tuso ang mga iyon, mahigit kalahati ng populasyon namin ang napatay nila ng ilang beses namin silang tanggihan sa kanilang alok."

"Tanda niyo ba ang mga pangalan nila? Mga mukha?"

"Wala kaming alam kung ano ang mga totoong pangalan nila. Mukhang mga gangster sila, hija. Ang pinuno nila ay isang Mafia Boss din at sadyang makasarili. Lahat sila ay babae."

Isang Mafia lang ang pumasok sa utak ko sa huli niyang sinabi. Wala talaga siyang puso.

"Naaalala mo pa ba ang hitsura niya?"

"Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng babaeng pumatay sa asawa ko, hija."

"Paano po kapag bumalik sila dito?" Walang kinakalimutan ang isang Mafia, lalo na ang isang Mafia boss. Kapag nagustuhan niya ang isang bagay ay hindi niya ito titigilan hangga't hindi napapasa kanya.

Paano pala kapag nalaman ng kalaban na nandito ako? Baka mas lumala pa ang mangyari sa bayan nila at sa mga taong kinasasakupan ni Tatay Tomas.

Demonyo pa sa salitang demonyo si Aphrodite. Paano niya nagawa ang ganung krimen sa bayan na ito?

"Baka maubos na kaming lahat, wala silang sinasanto kahit mga bata. Babae man o lalaki."

"Lumaban kayo." Hinawakan ko siya sa balikat at tumingin siya sa akin na parang naguguluhan.

"Kulang kami sa armas at hindi nahasa sa pakikipaglaban ang mga tao dito. Agrikuluta lang ang tanging maipagmamayabang namin. Matanda na rin ako, hindi na ako makakasabay sa bakbakan."

Napakaganda ng kanilang lugar, payapa at walang anumang masamang balak ang mga tao dito sa kapwa nila. Ngunit dumating si Aphrodite at sinira ang kinabukasan ng bayang ito. Nawalan sila ng mga taong minamahal at nanganganib na maubos silang lahat.

"Marunong kang makipaglaban, diba?" Kung pagbabasehan ang paghawak niya sa shotgun kagabi, ang pagtutok sa akin ay kalkulado at nasa tama ang lahat ng posisyon niya, may eksperyensya siya sa paghawak ng baril. Nasabi niya ding kilala niya ako at doon ko natiyak na may kakayahan siya. Pero matanda na siya at kulubot na ang kanyang balat.

"Isa akong dating assassin, walang alam ang mga tao dito kahit ang asawa ko. Dayuhan din ako at labinlimang taon pa lang ako dito ng maisipan kong magretiro at manatili sa tabi ng asawa at anak ko."

"Ibig sabihin ang asawa niyo ang tagarito."

Mahirap siguro ang pagsabayin ang pagiging asawa, ama at assassin niya. Madalas siyang malayo sa tabi ng kanyang mag-ina at hindi din siya nakakampante hangga't ganun ang trabaho niya.

"Oo. Nagkakakilala kami sa isang hotel dahil isa siyang receptionist. Madalas doon ako mag-stay in at lagi ko siyang binabantayan." Ngumiti siya ng may halong pait.

"Tutulungan ko kayo."

"Wala kang maitutulong, naglayas ka at kapag humingi ka ng tulong sa mga kakilala mo ay matutuntun ka dito ng iyong asawa. Ipapahamak mo ang mga nasasakupan ko."

"Wala man kayong tiwala sa akin, pagkatiwalaan niyo ang kakayahan ko." Sa kanya ko lang sinabi kung sino at ano talaga ako.

"Dayuhan ka pa din."

"Isa akong skilled killer." Base na din sa nagawa ko sa mga tauhan ng asawa ko dati at sa mga clone ko na napatay ko ng hindi ako masyadong napupuruhan, "Hindi man ako assassin o reaper, o sniper, over qualified naman ako para sa isang normal na tao." Kaya kong kumbinsihin ang lahat, nahuhumaling ang lahat sa akin. Mapipilit ko siya at tiyak ko na papayag siya.

"Huwag ka nang makisali sa gulo ng bayan namin, hija. Problema namin ito."

"Pero paano na ang mga nasasakupan niyo? Si Anita? Ang mga kabataan? Ang kinabukasan ng lahat?" Batid ko na bumabangon pa din ang kanilang bayan pero ang isang Mafia Boss ay Mafia Boss kahit sa anong paraan. Walang alinlangang papatay, kikitil ng buhay lalo na kapag ginusto niya ang isang bagay at hindi niya pa iyon nakukuha.

Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa kawalan at parang malalim ang iniisip.

"Hello po! Ano po ang inyong pangalan?" Napayuko ako at sinalubong ang nagliliwanag na pares ng mga mata. Isang batang lalaki na mukhang gusgusin dahil maraming dumi ang kanyang mukha at damit. Isa siya sa mga naghahabulan sa gitna ng damuhan kanina. Palubog na ang araw at mukhang tapos na sila sa paglalaro.

Gusto ko ang kainosentihan ng kanyang mga mata, kumikinang at walang bahid ng takot.

"Ako si Reese, ikaw? Ano ang iyong pangalan batang gusgusin?"

Mukha naman siyang nahiya sa tinawag ko sa kanya kaya napaatras siya ng konti at inayos ang kanyang magulong buhok. Saka lang uli siya lumapit ng nakontento na siya sa kanyang ayos.

"Ako si Wilfred, pagpasensyahan mo na at madumi ako. Masaya ka ba di-"

"Mrs. Boss, can we talk? This is important." Sulpot ni Geneva sa tabi ko

"Ipagpaliban mo muna ang sasabihin mo, may kausap ako ngayon."

"This is about MAL, does the name ring a bell to you?" Huminga ako ng malalim at ngitian ko si Wilfred.

"Wilfred, bukas na tayo mag-usap ha? Umuwi ka na at mag-gabi na din. Ingat ka sa pag-uwi." Hinalikan ko siya sa pisngi at ni-tap ng dalawang beses ang kanyang ulo.

"Oo! Sige! Sige!" Pataranta siyang tumakbo palayo sa akin. Si Tatay Tomas naman ay naiiling na nangingiti sa reaksyon ng pilyong bata.

Sumunod ako kay Geneva na nakatayo na sa gilid ng malaking puno.

"Alam ko na sila ang dahilan kung bakit galit sa mga dayuhan ang mga tao dito." Simula ko.

"We have to leave this place Reese, come with us." Napatingala ako kay Aidan na nasa ibabaw ng puno. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Aalis lang ako kapag sigurado na ang kaligtasan nila dito."

"You're not a superhero, Mrs. Boss. Atsaka, huwag na tayong makisali sa gulo ng bayan nila, problema na nila ito." Geneva

"Mas mapapahamak sila kapag nalaman ni Aphrodite na nandito ka." Aidan

"Alam ko pero kailangan natin silang tulungan, hindi ba kayo nakakaramdam ng konting awa sa kanila?"

"Wala ka nun, at immune na kami sa patayan. Ganito talaga ang tadhana ng bayan nila at wala na tayong magagawa doon." Aidan

"You talk like my husband, yet you act like you really care, Aidan. Umalis na kayo bukas na bukas din, ako na ang bahala dito."

Tinalikuran ko na sila at naglakad pabalik sa pwesto ni Tatay Tomas.

"Kahit ang mga kaibigan mo ay hindi sang-ayon sa iyong balak, hija. Hayaan mo na kami at reresolbahin namin ito."

"Paalisin niyo na po sila bukas, Tatay Tomas. Tutulungan ko po kayo at hindi niyo ako mapipigilan."

"Kaya siguro naglayas ka dahil hindi kayo nagkakaintindihan ng iyong asawa, matigas ang ulo mo."

"Siya po at hindi ako, obsessed​ siya sa akin."

"Ano'ng Mafia nga ba ang pinapatakbo niya?"

"Black Mafia po."

"Sino ang mga magulang niya?" Mukhang sinalakay siya ng kyuryusidad. Baka kilala niya ang mga magulang ni Ashton.

"Zander at Glorietta po."

"Ah! Kilalang kilala ko ang Mafia nila, hija. Maswerte ka at nakasal ka sa batang Black, ang panganay ba?"

"Oo po."

Tumango tango siya at hinawakan ako sa balikat.

"Matigas nga talaga ang ulo ng batang iyon, nagwawala pa kapag hindi nakuha ang gusto. Nakilala ko siya ngunit bata pa siya noon, isa ako sa mga naging tauhan ng namayapa niyang Lolo. Dati akong palaboy na assassin, tumatanggap ng utos kahit kanino kapalit ng salapi."

"Ano po pala ang hitsura ng pinuno ng mga kababaihan na nagpunta dito?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Matangkad at maputi din, malakas ang karisma at mahaba ang buhok na tuwid. Nakakakilabot ang ngiti niya at kapag nagsasalita o tumatawa siya ay may halong insulto at pananakot."

"Kilala ko siya Tatay Tomas. Dati siyang kaibigan ng asawa ko. Hindi ko gusto kung paano niya tratuhin ang asawa ko, may balak din siyang sirain ang pamilya namin." Pamilya ba kami kahit wala kaming anak?

Kailangan kong maging positibo. Mag-asawa kami at magkakaanak kami.

"Hindi ko makakalimutan ang kalapastangang ginawa niya sa aking asawa."

Mapait ang kanyang nakaraan at naiintindihan ko siya. Masakit sa parte niya ang mamatayan ng asawa. Maswerte sa kanya ang kanyang pamilya at mga nasasakupan.

Sa ngayon, pag-iisipan ko muna kung paano ko mapapabagsak si Aphrodite ng walang ibang taong madadamay.

Siya ang puno't dulo ng pighati ng mga tao dito, siya din ang dahilan kung bakit nasampal ko ang aking asawa.

Siya ang nagsimula, ako ang tatapos.

"Balang araw Tatay Tomas, makakamit niyo din ang hustisya sa pagkamatay ng inyong asawa at kababayan. Sana ay matulungan ko kayo at matupad ko iyon. Huwag din ho sana kayong mawalan ng pag-asa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top