Chapter 10- Edited
Reese
Sampong araw na kaming hindi nagkakasama. Malapit na siyang umuwi at hindi ko maitago ang kagalakan sa puso ko. Magkakasama na kaming muli.
Araw araw siyang tumatawag, video call, text at walang katapusang paalala sa mga dapat at hindi ko dapat gawin.
Katulad na lang ngayon, kahit nandito sina Vhien at Cindy Love ay tinatadtad niya pa din ako ng chain messages. Binilinan niya ang dalawa na samahan ako dito sa bahay dahil baka daw may pumunta dito bigla at kunin ako. Praning na din siya. Pero napapangiti ako dahil sa ginagawa niya.
"You know what, sis. Kuya is so over reacting." Cindy
"Ate, may stock pa ba dito ng gulay?" Vhien
"Ganun lang talaga siya, kayo ba ni Joseo? Hindi ba siya ganito sa 'yo? Wala na, Vhien. Magpabili ka na lang."
-Hey! Don't eat late, okay? I miss you so much, wife :(
From: asawa ko
-ako din, Ashton :) ingat ka. Nandito lang naman ako sa bahay.
Sent to: asawa ko
Magkatext kami kahit mahal ang charge dahil nasa labas siya ng bansa. Sabi ko pa nga na sana ay sa Facebook messenger na lang kami mag-chat pero ayaw niya dahil wala siyang tiwala sa mga ganung sites. Though, pareho naman kaming wala pang account dun. Gagawa lang kami ng fake account at i-deactivate lang kaagad kapag nakauwi na siya ngunit tumanggi pa din siya.
"Ako na lang ang bibili. Cindy, may ipapabili ka ba?" Vhien
"None. Just don't forget to remind me to stab your head if you don't repay me when you get back! Kapal mo ha, isusumbong kita kay Mommy." Napakamot ng ulo si Vhien at napilitang um-oo sa sinabi ng bunso nila.
Cindy is such a very beautiful kid, she's fifteen now. While Vhein is twenty-two.
Kung titignan sa umpisa ay mukha na siyang ganap na dalaga dahil sa kanyang tindig, may hubog na din ang katawan niya at mas mature nang mag-isip at magsalita. Ang kapatid ko namang si Joseo ay labinwalong taong gulang na at nag-aaral bilang first year college sa isang kolehiyo.
Wala silang relasyon dahil pinagbawalan namin sila pareho, masyado pang bata si Cindy at kaya naman siyang hintayin ni Joseo.
"Sis, do you think your baby bro can wait for me 'til I graduated in Black Academy? Alam mo kasi, mas matanda siya sa akin at maraming magaganda sa college. Geez." Biglang tanong niya ng makaalis na si Vhien.
"Oo naman, nagdududa ka ba sa kanya?"
Sumandig siya sa couch at napatingin sa kisame, "Nope. I just don't feel confident enough kasi we don't have a status. That official status."
"Huwag kayong magmadali."
"Tsk. Kung bakit ba kasi ang gwapo nung kapatid mo. Nga pala, si kuya Reed? Bakit hindi pa siya binabalik dito ni Anne?"
"Nasa probinsya sila."
"Sarap sabunutan nung si Anne ha, sobra pa kay kuya kung maging territorial. Pity, kuya Reed." Umiling pa siya, "Are you pregnant?"
"Hindi."
"Eh? You're all set, hindi ba magaling si kuya?" Umayos siya ng upo at napaisip bigla, "Wala namang baog sa lahi namin. Pangit ba performance niya?" Napaiwas ako ng tingin sa klase ng tanong niya sa akin. Masyado pa siyang bata para sa mga ganitong usapin.
At walang deperensya ang asawa ko kundi sa akin mismo, ako ang may problema sa aming dalawa.
"Haha! Masyado kang mahiyain, sister-in-law. Anyway, can we go out tonight? Alam mo yun, girls night out!" Masiglang yaya niya.
Girls night out? Ni minsan ay hindi ko naranasan ang magpunta sa mga club o bars. Kahit restobars ay wala pa dahil ayaw ng asawa ko.
Masaya din kaya doon?
"Pag-iisipan ko."
"Ano ka ba, you don't have to ask for permission to kuya. I'll handle it. Kapag naman ikaw, siguradong hindi siya papayag. Knowing him?" Umirap pa siya at winagayway ang kamay sa ere.
"Sa susunod na lang, kapag nakauwi na ang kuya mo."
"Eh?! Tomorrow night, pwede?"
"Ano ba ang meron bukas?"
"Wala lang! You know, quality time together natin since ilang araw na lang uuwi na si kuya at mas magiging mahigpit na yun. Sige na? At don't worry because he can't say no to his beautiful baby sister, pleaaase?" Pamimilit niya.
Napaisip ako. Tama ba ang lumabas kami bukas ng gabi? Sabi niya ay siya naman ang magpapaalam kay Ashton. Masama naman yata kung aalis kami ng hindi ako nakakapagpaalam mismo sa asawa ko.
"Ako na lang ang magpapaalam sa kanya, Cindy."
"Naah. I'll do it, okay?" Halos pandilatan niya na din ako ng mga mata kaya napatango na lang ako, "Cool! Tomorrow night it is!"
*******
"Vhien, saan ka pupunta?" Kakabalik niya lang dala ang mga groceries na pinamili niya, naligo uli siya at bihis na naman.
"Susunduin ko lang si Gemma, ate. Dito siya maghahapunan, pwede ba?" Sagot niya habang inaayos ang buhok sa harapan ng salamin.
"Oo naman, pero sino si Gemma?"
"That sales lady who works in kuya Alejandro's Mom, in a boutique." Singit ni Cindy na nagbabasa ng magazine.
Napangiti naman si Vhien. Naaalala niya siguro ang babaeng iyon.
"Pedophile." Dagdag ni Cindy.
"Pedophile ka diyan! Hindi na 'yon bata! Baka mamaya sabihin mo child abuse na. Tsk." Angal niya dito pabalik.
"She's only 19, kuya! Duh. And you're already 22." Noong mga bata pa sila, madalas malambing sila at bati sa lahat ng mga bagay. Ngayong nagkaisip na, madalas na silang magbangayan.
"So? Age doesn't matter! Ate, pagsabihan mo nga 'yan." Tawag niya sa akin.
"Sumbong kita kay kuya Vhon, inuutusan mo si sister-in-law." Cindy
"Hell? Ano ka? Sumbongera!" Vhien
"Sooo? It's not as if ako lang ang mahilig magsumbong dito." Cindy
"Makaalis na nga! Ayusin mo lang talaga ang pakikitungo sa future sister-in-law mo, kundi! Sasabihin ko kina Mommy na nakitulog ka sa condo ni Joseo!" Bago siya umalis ay tumawa pa siya ng malakas at halatang pinariringgan ang kapatid niya.
Napasapo ng mukha niya si Cindy at kapagkuwan ay napa-peace sign siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya ng lumapit siya sa akin.
"Please, please, please, don't tell kuya about it. I swear, walang nangyari!" Magkadikit ang dalawang kamay niya at halos isiksik niya na din ang kanyang sarili sa akin.
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at halos maluha-luha na din siya dahil hindi ko siya iniimik. These days, teenagers are getting more aggressive and intimate than before. Ano ba ang dapat kong isipin sa nalaman ko? Magalit?
When my husband and I were just 17, nagtabi na din kami. Pero walang nangyari, we had our first make love during our wedding night.
"Sister, please? I promise, I swear! Mamatay man ang lahat ng pigsa ng classmate ko, wala talagang nangyari." Pagmamakaawa pa niya.
"You knew that I can't feel any pity towards others." Kay Ashton lang lumalabas ang mga emosyon ko.
"Just say yes, that kuya won't know anything about it."
"Mas mahalaga pa ba ang magiging reaksyon ng kuya Ashton mo sa sasabihin ng mga magulang niyo?"
Tumango siya ng ilang beses. My husband has the control over everything, kahit noon pa man. He's a good leader, instructor and moderator.
"Alam mo namang walang kaso kina Mommy kahit ano ang gawin naming magkakapatid. But with kuya? He may punish me, sis! At pati na din si Joseo."
"Kasalanan niyo din naman." Sagot ko na nagpawala sa kanya. Niyakap niya ako at niyugyog ng ilang beses at nagmakaawa uli siya.
I know my brother, he respects this lady too much. Kakausapin ko siya tungkol sa ganitong isyu.
"Sis, please? Promise me, baka parusahan ako ni kuya! Alam mo naman 'yon kapag nagalit. Huhu."
"Si Vhien ang kausapin mo."
"So does that mean, you won't spill it to kuya?" Paniniyak niya.
"Kung hindi makakaabot sa kanya."
"Aww. Thank you so much, sis! Promise, I won't do it again!" Masigla siyang bumalik sa pwesto niya kanina at nagbuklat ulit ng magazine
*******
Tumahimik ang buong bahay dahil hindi pa nakakabalik si Vhien, si Cindy naman ay lumabas saglit at may pupuntahan lang daw.
Ano ba ang gagawin ko? Hmm.
Bumangon ako at inabot ang cellphone sa bedside table.
Asawa ko calling...
Napangiti ako bago ko sinagot ang tawag.
"Sweetheart." Bungad niya sa kabilang linya.
Napahiga ulit ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Iniisip ko na nasa tabi ko lang siya ngayon.
"Hey, still there?"
"Oo."
"I miss you so damn much." Ako din, sobra.
"Miss na din kita. Kumain ka na ba?"
"Not yet, I want to hear your voice before it. Where are you?"
"Nasa kwarto, nakahiga. Ikaw?"
"Likewise, sweetheart. Sina Cindy at Vhien, pinapasakit ba nila ang ulo mo?" Natawa siya sa tanong niya dahil alam niya namang hindi sumasakit ang ulo ko kahit kanino o sa kung ano. Just my heart, longing for him and when he's mad at me.
"Madalas away-bati sila, pero okay naman. Wala akong problema sa kanila." Biglang tumahimik sa kabila, "Nandiyan ka pa ba?"
"I'm closing my eyes, thinking you are beside me now." Bigla niyang sabi.
"Ako din, Ashton."
"Do you know how hard it is in my part missing every single thing about you, wife? Sana talaga, pinilit na lang kitang sumama dito." Siguradong nakasimangot na siya ngayon.
"Baka matagalan lang tayo kapag sumama pa ako, medyo busy din kasi ako dito." Busy sa paghahanap ng baho ni Aphrodite.
Once I've planned about something, I won't stop in doing it. Kailangan ko siyang mapabagsak.
"Sa office? Diba ayaw ko na lumabas kang mag-isa ng bahay?"
"Hindi ako lumalabas, tumatawag lang ako dun. Inaasikaso ko din ang bahay."
Huminga siya ng malalim.
"I've told you once, it will be better if we hire a maid. Nawawalan ka na ng oras sa akin dahil pati bahay natin inaalagaan mo pa. You know how selfish I am when it comes to you, sweetheart."
Tumagilid ako at hinaplos ang parte ng kama kung saan siya laging nakahiga.
"Makasarili din naman ako kapag ikaw na ang pinag-uusapan, Ashton. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay dedepende ka na lang sa akin."
Paano kung bigla na lang akong mawala? Paano na lang siya kapag nangyari yun?
"Are you over thinking again, wife?" Malalim niyang tanong.
"Hindi, nagiging totoo lang."
"I can't live without you, so please? Don't ever leave me, sweetheart. I don't want to live like a zombie again."
Kumakabog na naman ng malakas ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Dependency ang pinag-uusapan natin dito, Ashton."
"It's still the same, wife. I'll die if I lose you."
Napatingin ako sa kisame at napaisip.
He won't die, not literally.
"Paano na lang pala kapag bigla akong nawala? O kapag namat-"
"Tsk. Stop talking like that, will you?" Suway niya.
"Okay." Huminga ako ng malalim at nagtalukbong ng kumot, "Inaantok ako, Ashton."
"Close your eyes then, I'll sing you something."
"Ano naman?"
Biglang tumahimik sa kabila at naghintay pa ako ng ilang segundo bago ko narinig ulit ang kanyang boses.
"Open your phone's camera, sweetheart." Sinunod ko ang sinabi niya at napabangon ako ng nakita ko siyang nakaupo, may hawak siyang gitara.
Ginulo niya ang kanyang buhok at umupo ng maayos sa gilid ng kama. Handsome and perfect as ever. I really love seeing him mess his hair, kahit na ni minsan ay hindi ko siya nakitang humawak ng suklay.
Tandang tanda ko pa ang ayos niya nung gabi na ikinasal kami.
Magulong buhok, medyo payat pa siya noon. Puting barong, makisig na tindig, maamong mukha lalo na kapag ngumingiti.
I'll die too if I lose him.
"Lie down now, sweet. I'll sing you your favorite song." Ngumiti siya ng malapad at nag-wink pa.
Sinunod ko kaagad siya at nagtalukbong ulit. Nakaharap pa din ako sa camera.
"You're making me miss you too much, Ashton."
"Don't worry, wife. The wait will be worth it."
Huminga siya ng malalim.
"Close your eyes and sleep. But before that, I want to tell you something." Bigla na naman siyang naging seryoso, "I love you, always." Masuyo niyang hinalikan ang kanyang palad at idinikit iyon sa screen ng kanyang cellphone.
He's such... A very sweet man. A loving husband.
Ano pa ba ang mahihiling ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top