[3] Jairus of Valentine


CHAPTER THREE

LUMAPIT AKO sa ref at uminom ng tubig. Nakakapanibago naman. Dapat ngayong gabi nagdi-dinner na kami ni Alwyn pero heto at wala nga siya sa tabi ko. It's been two weeks since he left. Kahit madalas naman kaming magpalitan ng text messages ay iba pa rin kung kasama ko talaga siya.

Hindi bale, Sofia. Maliit na sakripisyo lang 'to. Para naman sa future niyo 'to, eh, sabi ko na lang sa sarili ko.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking shorts. Isinara ko na ang ref. Binasa ko ang text habang palabas ako ng kusina.

I SENT SOME PICTURES IN YOUR FB ACCOUNT.

Whoa. So friends din pala kami sa Facebook, huh. Tingnan ko nga kung may malalaman ako sa identity niya.

Patakbo akong umakyat ng hagdan. Agad akong umupo sa harap ng computer ko. Good thing at hinayaan ko lang muna iyong naka-stand by. Ni-refresh ko lang ang FB account ko at may lumitaw ngang message notification. May message ako galing kay Anony Mous? Pambihira! Sinadya talaga niyang itago ang identity niya. Kung bakit kasi accept lang ako nang accept ng friends, eh.

Nang buksan ko ang message ay mga pictures nga. Napamaang ako nang makita ko ang picture nina Alwyn at Linus. Merong nakuhanan ang mga itong kumakain sa isang restaurant at kapwa nakangiti sa isa't-isa. Meron namang naglalakad ang mga ito sa kalsada habang nakahawak si Alwyn sa beywang ni Linus. Kung pagbabasehan ang background, parang wala sa Pilipinas ang dalawa.

May mga kuha silang magkaakbay, magkahawak-kamay, at magkayakap. Pero hindi pa rin ako kumbinsido. Posibleng nagkataon lang ang mga kuhang ito. Unless may picture silang magkahalikan. Wala naman akong nakita kaya hindi pa rin sapat.

I typed a message.

HINDI SAPAT ANG MGA PICTURES NA 'TO. SA TECHNOLOGY NGAYON, MADALI NA LANG ANG MANG-DOKTOR!

Dahil online siya ay kaagad siyang nag-reply.

ALAM KO. YOU CAN MAKE THE EXPERTS CHECK IT TO MAKE SURE. ALAM KO RIN NA HINDI KA AGAD MANINIWALA. GUESS WHAT, THIS FRIDAY UUWI DIYAN SI ALWYN AT WALA SIYANG BALAK IPAALAM AGAD IYON SAYO. SORPRESAHIN MO NA LANG SIYA SA CONDO NIYA PARA MALAMAN MONG NAGSASABI AKO NG TOTOO.

YOU ARE LYING, reply ko naman. Paano niya nalaman ang mga ginagawa ni Alwyn? Stalker ba siya?

THAT'S WHY MAS MABUTI KUNG IKAW MISMO ANG MAKAKITA.

Talaga namang ang lakas ng loob niya, ha.

FINE! PATUTUNAYAN KONG MALI KA!

Padaskol kung pinindot ang mouse para ma-send iyon. Nakakainit talaga ng ulo. Sana umpisa pa lang ay hindi ko na dapat siya pinatulan.

How I wish na nandito si Belle para makausap ko nang personal. During the last week of last month ay umuwi na rin siya ng Pilipinas upang pamahalaan ang hacienda nila. Pero nasa probinsiya pa iyon at may kalayuan. Gustuhin ko man siyang dalawin ay hindi ko naman maiwan nang basta-basta ang trabaho sa opisina. Lalo na ngayon na lumilipat na sa amin ang dating mga kliyente ng mga kakompetensiya namin.

Marahas akong nagbuntong-hininga. Wala akong mapapala dito. Mas mabuti pang matulog na 'ko.

PAULIT-ULIT KONG sinasabi sa sarili ko na hinding-hindi ako maniniwala sa mga pinagsasasabi ng hindi ko kilalang texter tungkol kina Alwyn at Linus. Pero heto ako ngayon, nasa parking lot ng condominium building niya at past seven na ng gabi.

"Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, Sofia. Tandaan mo na nandiyan ka lang para patunayan na mali ang mga pinagsasasabi ng babaeng 'yon kung sino man siya."

Hindi pa muna ako bumaba ng sasakyan dahil kausap ko pa si Belle sa phone. Ipinaalam ko sa kanya ang balak kong gawin ngayon.

"Tama," pabuntong-hininga kong sabi. "Gagawin ko lang 'to para tigilan na niya ang pangugulo sa relasyon namin. Dahil kung meron ngang nangyayari na kahina-hinala, dapat noon ko pa nahalata 'yon."

"Well, halimbawa lang naman itong akin, Sofia, pero paano nga kung tama siya?"

Hindi ako nakasagot agad. Ayokong isipin na tama siya. Hinding-hindi magagawa sa akin ni Alwyn 'to. Mahal niya ako at hindi niya ako kayang lokohin.

"B-basta hindi totoo ang mga sinasabi niya. Sinungaling siya. Imposible 'yong mangyari, Belle."

"Oo na, sige na. Good luck, Sofia."

"Thank you."

Ipinasok ko na sa purse ko ang cellphone. Dala-dala ko iyon nang bumaba ako ng kotse.

SIMULA NANG sumakay ako ng elevator ay nakaramdam na ako ng nerbiyos. Nanginginig pa nga ang kamay ko nang pindutin ko ang floor number ng unit niya which is nasa eighth.

Bakit ka ba kinakabahan, Sofia? Panigurado namang wala kang madadatnan do'n, eh!, sabi ko sa sarili ko.

Nang finally ay bumukas iyon, parang ayokong ihakbang ang mga paa ko. Ngayon pa ba ako matatakot?

Fine. Magsu-sorry na lang ako kay Alwyn sa panghihimasok ko ng condo niya kapag napatunayan ko nang nagsisinungaling nga 'yong babaeng matagal nang nanggugulo sa amin.

Nang nakatayo na ako sa harap ng unit niya ay pinagkiskis ko muna ang mga palad ko at nagbuntong-hininga. Parang tambol sa lakas ang tibok ng puso ko sa mga sandaling ito.

Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.

Ilang sandali pa ay tumuloy na rin ako matapos kung ma-type ang passcode. Kakaiba agad ang naramdaman ko na hindi ko naman maipaliwanag.

Binagalan ko lang ang paglalakad at nakiramdam. Napatigil ako nang may marinig akong ingay na parang...ungol? Kung gano'n may tao dito?

Naglakad ako sa sala at napagtanto kong nanggagaling ang ingay sa kwarto. Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahan akong naglakad papunta doon. Since kurtina lang ang harang niyon, walang kahirap-hirap ko iyong hinawi para lang magimbal sa eksenang nakita ko.

Linus and Alwyn are both naked. Alwyn was tied to the bed while Linus is between his thighs and giving him an intense blowjob. Base sa tumitirik niyang mga mata at nakaawang na mga labi, enjoy na enjoy siya.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hindi ako makapagsalita ni makagalaw. Ang alam ko lang, diring-diri at sukang-suka ako sa nakikita ko.

Natutop ko ang aking bibig kasabay ng pagbalong ng mga luha ko. Kailan pa nila ako niloloko?

Kung wala pang kumawalang hikbi mula sa lalamunan ko ay hindi pa nila ako mapapansin. Gaya ng inaasahan, daig pa nila ang nakakita ng multo nang makita ako.

"Sofia..." sabay nilang sabi habang nanlalaki ang mga mata.

Ang mga walang hiya.

Sa kabila ng mga luha ay nakuha ko silang bigyan ng nakakalokong ngiti.

"Surprise, guys?" sarkastikong tanong ko.

"S-sofia..." si Alwyn.

"O-oo, alam kong nakaistorbo ako sa inyo. Pero aalis din naman ako kaagad." Marahas kong hinubad ang singsing at inihagis sa kama. "Isasauli ko lang 'yan. Tapos na tayo, Alwyn. Wala akong fiancé na bakla at pinsang traidor!"

Mabilis akong tumalikod kasabay ng muling pagbuhos ng masaganang luha mula sa mga mata ko. Daig ko pa ang nasampal ng isang libong beses sa natuklasan ko. Bakit sa akin pa? Ano bang kasalanan ko? Hindi naman siguro ako masamang tao.

"Sofia, bumalik ka rito. Mag-usap tayo!"

Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga nakasabayan ko sa elevator. Sino ba naman ang hindi madi-distract kung puro paghikbi ko lang ang maririnig? Pero paki ko ba sa mga iniisip nila? Sa may pinagdadaanan 'yong tao, eh!

Pakiramdan ko pa nga ay ito na ang pinakamatagal kong biyahe sa elevator buong buhay ko. Idagdag pa na bumubukas ang elevator bawat palapag. Kung walang lumalabas, may pumapasok. Hindi na ako makapaghintay na makalayo sa lugar na 'to. Hanggang sa mga sandaling ito kasi ay paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang eksena nilang iyon. Sa sobrang pandidiri ko ay suklam na suklam ako sa kanila.

Nang sa wakas ay bumukas na sa ground floor, dali-dali akong naglakad papuntang lobby.

"Sofia, wait!"

Napahinto ako at napalingon. Nakita ko si Avril na papunta sa direksiyon ko. Mukhang kalalabas naman niya mula sa kabilang elevator.

"A-avril?"

"Mabuti at nahabol kita," pahangos pang sabi niya. "We need to talk."

"Oh, please, next time na lang, Avril," I said and waved my hand. Hindi ba niya nakikitang mukha na 'kong miserable sa itsura kong 'to?

"This can't wait. It's about Linus and Alwyn."

"Y-yeah. Alam ko na ang tungkol sa kanila."

"Marami ka pang hindi alam. Sumama ka muna sa 'kin at ipapaliwanag ko."

Lumabas kami ng building at nagpunta sa pinakamalapit na coffee shop. By this time ay tumahan na ako pero mugtong-mugto naman ang mga mata ko. Pumwesto kami sa pinakasulok upang walang makarinig sa amin.

"So ikaw ang nagti-text sa akin at nagpadala ng mga pictures nila?" matalim ang tinging kumpirma ko.

Marahan siyang tumango.

"At matagal ko nang alam, Sofia. Ngayon lang ako nagkalakas-loob gumawa ng hakbang nang malaman kong engaged ka na kay Alwyn."

"A-ano ang dahilan mo?"

"A-ang totoo, hindi lang dahil sa gusto kitang tulungan. College pa lang may gusto na 'ko kay Linus. Ginagawa ko na ang lahat para makuha ang atensiyon niya pero lagi na lang akong bigo. Sinubukan kong mangibang-bansa para makalimutan siya pero bigo ako. Nagdesisyon akong bumalik para subukan ulit. Pumasok ako sa kompanya niya at hindi naman ako nahirapan. Ang akala ko sumasang-ayon na sa akin ang tadhana pero mali ako. Hindi pa rin niya ako magustuhan. Then one time, pasimple akong pumasok ng opisina niya without knocking. Gusto ko siyang sorpresahin with a lunch invitation. Instead ako ang nasorpresa. Nakita ko silang magkahalikan ni Alwyn sa sulok ng opisina niya. Nawasak na naman ang puso ko sa hindi mabilang na pagkakataon.

Itinago ko lang ang nalalaman ko hanggang sa narinig ko silang magtalo sa isang restaurant nang pasimple ko silang sundan. Kababalik pa lang niya galing ng London n'on. Galit na galit si Linus. Wala raw sa plano na yayayain kang magpakasal ni Alwyn. Ang sabi ni Alwyn itigil na nila ang ginagawa nila dahil ikaw ang totoong mahal niya pero lalong nagalit si Linus. Sinabi nito na kung hindi dahil sa kanya, malamang na struggling pa rin si Alwyn hanggang ngayon. At kayang-kaya siyang patalsikin sa kompanya kung gugustuhin nito. Parang blackmail ang ginawa ni Linus sa kanya kaya wala siyang magawa, Sofia. Sa ginagawa nila ay nagkakasala na silang dalawa kaya naman gusto kong matigil na sana 'to. Mahal ko pa rin si Linus sa kabila ng mga nalaman ko."

Habang nakatingin ako sa mga mata ni Avril ay alam kong nagsasabi siya ng totoo. Ganunpaman ay hindi man lang nabawasan niyon ang sakit na nararamdaman ko. The fact still remains na niloko ako ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ko.

I shook my head. "Hindi ko na alam kung kung ano'ng paniniwalaan ko, Avril. Masakit na masakit lalo pa nang ako mismo ang nakahuli sa kanila sa akto." Nakuyom ko ang aking kamao na nasa kandungan ko. Gustong-gusto ko silang gantihan para man lang makabawi sa ginawa nila sa 'kin pero naisip kong wala na akong pinagkaiba sa kanila kapag ginawa ko 'yon.

I just want to forget what happened and move on.

"Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil sa ginawa ko, Sofia. And I'm so sorry. I believe ginawa ko lang ang tama."

"H-hindi mo kailangang mag-sorry. Mabuti na rin siguro 'yong nagising na ako sa katotohanan. Maybe I deserved someone better." Mapait akong ngumiti sa huli kong sinabi. Iyon ay kung makakaya ko pang magtiwalang muli.

Hindi na rin ako nagtagal at umuwi na agad ako. Habang nasa biyahe ay ipinaalam ko kay Belle ang mga natuklasan ko. Pagdating na pagdating ko sa bahay ay inempake ko ang ilan kong mga gamit. I need to leave. Kapag nagtagal pa ako sa lugar na ito ay tiyak na masisiraan na 'ko ng bait.

"WHAT? Gano'n ka na niya katagal na niloloko?" hindi makapaniwalang sabi ni Belle nang magkaharap na kami.

Madaling araw na nang marating ko ang mansiyon nila sa hacienda. Alwyn kept on calling me at sa ideyang baka puntahan niya ako sa bahay ay umalis agad ako and stayed in a hotel na malapit sa airport.

Ngayon ay dito kami sa kwarto niya nag-uusap dahil wala akong ganang lumabas.

"Oo, Belle. Kay Avril ko nalaman lahat. At maisip ko pa lang ang mga nakita ko, paulit-ulit na bumabaliktad ang sikmura ko."

"Ang kapal naman ng mga mukha nila! Pinagkatiwalaan mo pa naman silang dalawa!"

Mahigpit kong niyakap ang unan. When I told Belle I wanted to leave and find some place to be alone, inirekomenda agad niya ang ancestral house nila.

Ginagap naman niya ang kamay ko.

"You'll be okay, Sofia. Magtiwala ka lang."

Malungkot akong ngumiti.

"Alam ko 'yon, Belle. Masakit sa ngayon pero naniniwala akong mawawala rin 'to."

"'Wag ka nang umiyak, Sof. You'll be fine. I'm here for you," sabi ni Belle sabay pisil sa kamay ko. "Bawiin mo na muna ang lakas mo. Tiyak na okay ka na pag-alis natin mamayang hapon. Ako na lang ang bahalang magsabi sa mga magulang ko na masama ang pakiramdam mo."

"I know, Belle. Thanks for being a good friend to me since day one. Pakisabi rin kina Tita na salamat sa mainit na pagtanggap nila sa 'kin."

"Don't mention it," napakumpas sa hangin na sabi niya at tumayo ng kama. "Kita na lang tayo mamayang lunch."

"See you, Belle."

Nang sumara ang pinto ay napahiga muli ako sa kama. Napakaganda ng hacienda nila ni Belle. Siguro kung hindi pa ako na-brokenhearted, hindi ko maiisipang magpakalayo at magbakasyon. Ang tagal na nga pala nang huli akong magbakasyon. These past four years kasi ay halos umikot ang mundo ko sa trabaho lang at sa relasyon namin ni Alwyn.

Mabilis kong pinahid ang isang butil ng luhang pumatak. Ayoko talaga ng drama kahit kailan pero heto at ako na mismo ang nagda-drama.

NAKAKA-TOUCH na si Belle pa mismo ang personal na naghatid sa akin sa ancestral house nila na nasa kabilang bayan pa. Umaasa talaga ako na kapag natapos na ang bakasyong ito ay makakalimutan ko na ang masakit na nangyari sa akin.

"Hindi ko talaga kayang magtagal sa bahay na 'to but knowing you, mas kailangan mo 'to," sabi sa 'kin ni Belle habang papasok kami sa loob ng bahay at nakasunod sa amin ang mag- asawang caretaker bitbit ang mga gamit ko.

"It looks beautiful to me, Belle."

"Well, I found it creepy. But don't worry, nandito naman sila Manang para ibigay ang mga kailangan mo. Tawagin mo lang sila."

"For sure mawawala ang takot mo kapag may kasama kang hottie na magbabakasyon dito."

Her jaws dropped.

Napakumpas naman ako sa hangin. "Biro lang. Subukan mo kasing magka-love life nang hindi ka napagkamalang lesbian." nakatawa ko pang sabi.

"Now you're laughing," manghang sabi niya.

Pati ako ay namangha. "Oo nga, 'no? Well, isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi matatagalan at makaka- move on din ako."

Pagkatapos nagyakapan kaming dalawa.

"You have everything a man would kill for, Sofia. Alwyn's not a man, obviously."

Natawa ako. "Yeah, right. Gusto ko talaga ang sense of humor mo kahit kailan."

"O siya, sige na. Hindi na 'ko magtatagal. Marami rin akong dapat asikasuhin. Ipahihiram ko na sa'yo ang kotseng nandito para kung may kailangan kang puntahan, hindi ka na mahihirapan."

"Thank you so much again, Belle. Paano na lang ako kung wala ka?"

"Binola pa 'ko nito," kunwari ay pakli niya.

Hinatid ko pa siya sa kotse niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top