[1] Jairus of Valentine
JAIRUS OF VALENTINE
SOFIA
NAGLAKAD na ako papasok ng restaurant matapos kong bumaba ng kotse. This night is very special to me. Alwyn, my boyfriend for four years, is probably waiting inside. Tonight is our anniversary and I knew that he's going to propose to me. How exciting!
Hinaplos ko ang laylayan ng suot kong red dress kahit na hindi naman iyon nagusot. Pinaresan ko iyon ng red stilleto para kompleto na ang lady-in-red get up ko. Ganito ko pinaghandaan ang gabing ito. Sabi ko nga, espesyal ang gabing 'to. Kung hindi nga lang ako nag-aalalang madapa ay kanina ko pa tinakbo ang kinaroroonan niya. Gustong-gusto ko na siyang makita. Kahit na kaninang umaga lang kami naghiwalay ay na-miss ko na siya kaagad.
Hindi nakapagtatakang pagtinginan ako ng mga customers. Sila ba naman ang makakita ng gandang walang katulad, ewan ko na lang kung hindi pa sila matulala.
Sinalubong ako ng isang waiter at in-escort-an ako sa ikalawang palapag ng restaurant which is roofdeck na.
Nang makaakyat na kami ay nagulat ako na makitang hindi nag-iisa si Alwyn. Nandoon sa kani-kanilang mga tables ang mga malalapit naming kaibigan pati na ang ilang mga kamag-anak. Everything and everyone looked so perfect.
Wala namang nabanggit tungkol sa bagay na 'to si Alwyn, ah? Ang buong akala ko para sa aming dalawa lang ang gabing 'to?
"There she is!" bulalas ng kaibigan namin na si Ivy na napatayo pa.
I smiled and waved at her. Pinasalamatan ko ang waiter bago naglakad palapit sa kanila. Agad kaming nagyakapan at nag-beso-beso.
"As usual, Sof, you look so stunning!"
"Thank you! Honestly, I'm surprised to see all of you!"
At nasaan na nga ba ang magaling kong boyfriend? Bakit hindi siya ang sumalubong sa akin?
Binati rin ako ng lahat ng mga kaibigan namin. Si Belle na lang ang kulang. Nasa States pa iyon hanggang ngayon pero hindi bale na. Alam ko namang sa araw ng kasal ko present na siya.
"Nasaan ba si Alwyn? Ang akala ko kami lang ang magsi-celebrate?"
"Ay, nakaka-offend ka naman, Sof! Hindi mo ba kami friends at ayaw mong nakikita ang mga pagmumukha namin?" kunwari ay nagdaramdam na tanong ni Will. Pinsan naman ito ni Alwyn.
Natawa naman ako at marahan siyang hinampas sa balikat. Bukas ko na lang siya hahampasin sa mukha. Tama.
"Echosero ka! Of course, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Masaya akong makasama kayo, siyempre. Like hindi sa araw-araw magkakasama tayong lahat. Busy rin kayo sa mga buhay niyo, right? Kaya nakaka-touch na makita kayo ngayong gabi. Sa wakas nakumpleto rin tayo!"
Sabay-sabay naman silang napa-'aahh'.
"But of course, we couldn't miss this for you, Sofia," si Manilyn. "Lalo na ngayon at may magandang-magandang mangyayari ngayong gabi. As to your boyfriend, may hinahanda siya ro'n sa backstage kaya maupo na tayong lahat."
Kaya naman pala. Si Alwyn ang klase ng tao na mahilig sa mga sorpresa pero hindi pa rin talaga ako nasasanay sa kanya. Excited akong tumabi kay Manilyn sa pabilog na mesa na siyang pinakamalapit sa makeshift stage. Ngayon ko lang napansin ang naka-set up na mic stand sa gitna. May magpi-perform ba? Cool! Alam na alam ni Alwyn na mahilig akong manood ng isang song performance.
"Your boyfriend must be so in love with you," bulong pa sa Manilyn.
I giggled. "Okay lang 'yan. In love din naman ako sa kanya, eh." Then I winked at her. Siya naman ang humagikhik.
Pinaghugpong ko ang aking mga kamay habang hinihintay ko ang susunod na mga mangyayari. Ilang sandali pa ay pumagitna ang isang lalaking may sukbit na gitara. He looked familiar. Madalas ko siyang makita na kumakanta sa TV. He must be very popular. Only, hindi ko lang matandaan ang pangalan niya.
"Hi, good evening, everyone," bati nito sa microphone. "This song is for the most gorgeous lady here tonight. Her name is Sofia and I think this is her favorite song."
Bumaha ng tuksuhan sa paligid ko. Para akong teenager na kinikilig. Ano ba 'yan? Ngiting-ngiti tuloy ako.
"You and I cannot hide the love we feel inside, the words we need to say. I feel that I have finally found the one who will be there for me eternally, my everlasting sun..."
Yeah, I love that song so much! Lyrics pa lang bonggang-bongga na at idagdag pa 'yong melody.
"And suddenly our destiny has started to unfold. When you're next to me, I can see the greatest story love has ever told..."
Nang mag-chorus na siya ay sumabay na ang mga kaibigan namin sa pagkanta.
"Now my life is blessed with the love of an angel. How can it be true? Somebody to keep the dream alive. The dream I found in you..."
Hindi naman ako makapagsalita sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang gusto nitong tumalon mula sa dibdib ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko but I'm so overwhelmed I could cry.
"I always thought that love would be the strangest thing to me. But when we touch I realized that I found my place in heaven by your side..."
Natutop ko ang aking bibig nang makita ko si Alwyn na lumabas mula sa likuran ng stage. He looked so gorgeous in his three-piece suit while holding a bouquet of roses. Ngiting-ngiti siya habang titig na titig sa mga mata ko. Tumayo ang mga balahibo ko lalo na nang lumuhod siya sa harap ko.
I knew it!
"Hey, Sof," then he cleared his throat. "Sorry about that. I'm just nervous."
Natawa naman ako. "It's okay."
"Happy anniversary."
"Happy anniversary, too."
"Matagal na tayong magkasama at kilalang-kilala na natin ang isa't-isa. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na una tayong nagkakilala. Natapunan mo ng kape ang damit ko nang magkabanggan tayo sa coffee shop. Imbes na mag-sorry ay nag-demand ka na palitan ko 'yong order mo kasi uhaw at gutom ka na that time."
I bit my lower lip to hide my grin but I failed. Siyempre alam din niya na ginawa ko lang 'yon para makuha ang atensiyon niya. Unang kita ko pa lang kasi sa kanya sa coffee shop ay nagka-crush na ako sa kanya. Nagtagumpay naman ako. Heto na kami ngayon; happy and so much in love!
He continued. "Sobra akong nagandahan sa'yo no'n kaya hindi ako pumalag and even asked you to go out with me on a date." Nagkamot pa siya ng kilay. "Nagulat ako no'ng pumayag ka. Akala ko kasi susupladahan mo na naman ako, eh. Pero ngayon masayang-masaya na 'ko na umabot na tayo ng apat na taon at alam kong may itatagal pa tayo."
Dinig na dinig ko ang impit na pagtili ni Manilyn at ang iba pa naming mga kaibigan, tanda na hindi nga ako nananaginip.
At hayun na nga, mula sa bulsa ng pants niya ay may inilabas siyang kulay pulang box. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa akin ang isang glittering diamond ring kaya naman napaawang ang mga labi ko.
It was the same ring na nakita ko sa isang jewelry store last week nang mamasyal kami sa mall!
"Sofia Amores," he said without blinking, "will you be Mrs. Alwyn Lucero for the rest of your life?"
Nakakabingi ang hiyawan ng mga kaibigan namin pati na ang tibok ng puso ko. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay naluha na ako. I wished my parents are still around para man lang i-share ang happiness ko sila. Two years ago, my father died because of stroke. Ten months later, my mother followed because of heart attack. May edad na rin kasi sila nang magpakasal noon kaya hindi na ako nasundan pa. Okay, tama nang drama. Wrong timing. Ang romantic ng moment, eh.
I have always dreamt of this moment eversince naging kami. Ngayong nagkatotoo na nga, hindi na ako mag-iinarte.
"Of course, I'd love to!"
Napahiyaw pa siya bago isinuot sa akin ang singsing. Ang ganda ng fit niyon sa kamay ko at ang ganda talagang tingnan. Tumayo kami pareho. Hinapit niya ako sa beywang at siniil ng halik ang mga labi. Yumakap naman ako sa leeg niya at buong pusong tumugon.
Everyone clapped as they cheer for us. So this is really is it. Ikakasal na ako sa lalaking mahal na mahal ko. Pakiramdam ko talaga nakalutang ako.
"I love you, Sofia," sabi niya nang maghiwalay ang aming mga labi.
"I love you, too, Alwyn," nakangiti kong tugon.
Then we kissed again.
"Congratulations, guys!"
"HINDI KAYA liparin 'yang singsing kakatitig mo?"
I giggled as I glanced at him. Kanina pa tapos ang celebration namin. Nandito na kami ngayon sa loob ng condo niya at magkatabi sa sofa.
"I can't help it. Ang ganda-ganda kasi talaga!"
"Mas maganda ka, Sof. That ring is nothing compared to how precious you are."
I looked at him lovingly. "You, too, Alwyn. You're my everything."
"Same here, Sofia. Alam na alam mo 'yan."
Namumungay na ang mga mata niya dahil sa dami na ng wine na nainom niya. Dinampot ko naman ang bote at binuhusan ang baso niya. Bukod sa mga nainom namin sa restaurant ay uminom ulit kami.
"Inom ka pa," I said and handed the glass to him.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at inilapit sa akin ang baso. "Sof, tama na. Marami na 'kong nainom, o."
Napanguso ako. "Sige na, inom ka pa."
Nakangiting umiling siya. "Tama na, okay? Baka hindi ko na kayanin ang sarili ko."
"Last na 'to, promise," pamimilit ko naman. "Please, Alwyn. Mahal mo naman ako, 'di ba?"
Tinitigan pa muna niya ako bago sinimot ang laman ng baso. Napangisi ako. Sabi ko na hindi siya makakatanggi, eh.
Sapo niya ang ulo nang ibalik ang baso sa mesa.
"Tama na 'yon, ha? Nahihilo na 'ko. Magpahinga na tayo," sabi niya.
"Huwag muna," parang batang sabi ko.
"Sof, hindi ka pa ba inaantok?" amused niyang tanong.
"Hindi pa. Wala akong ibang maramdaman kundi saya lang."
Kumandong ako sa kanya at ikinawit ang mga kamay ko sa leeg niya.
"I love you."
I kissed him passionately at kaagad naman siyang tumugon. My hands reached for the buttons of his shirt at bigla na lang niyang pinutol ang halik.
"Sof, what are you trying to do?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.
"I want to love you, why?"
"N-not yet. Hindi pa tayo kasal."
Nalaglag naman ang mga balikat ko.
"Pero engaged naman na tayo, eh. Okay lang 'yon. Even strangers do it!"
"Hindi tayo, Sofia."
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinangkang ilayo sa kanya pero pumiksi ako.
"Alwyn, akala ko ba mahal mo 'ko?"
"Yes, I love you, Sofia. At hindi natin kailangang gawin 'to para lang patunayan 'yon. Sige na, matulog na tayo."
"But I want to! Sige na naman, Babe."
"Sofia, no."
Sinadya kong paramihin ang nainom niya para sa sandaling ito. Alam kong tatanggi siya sa umpisa pero dahil sa alak ay mawawala na iyon. Fighter yata ako.
I cupped his face and kissed him again. Sinigurado kong wala siyang choice kundi ang tumugon. Lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kanya upang ipitin siya sa pagitan ko at ng sofa.
Habang lumalalim ang halik na pinagsasaluhan namin ay itinuloy ko ang pagtanggal sa mga butones ng damit niya. Nang matanggal ko na iyon ay hinubad ko na ang kanyang pang-itaas at itinapon iyon sa likuran ng sofa.
Sa mga sandaling ito ay ang lakas ng kabog dibdib ko bunga ng pinaghalong kaba at excitement. I can do this. He'll be mine and I'll be his.
Napaungol siya nang dinama ko ang kanyang dibdib. I pinched and played with his nipples and he sucked a breath. I knew he wanted this, too. Ngayon pa lang ay binabati ko na ang sarili ko.
Now it's time for me to undress. Gamit ang isang kamay ay inabot ko ang zipper ng dress ko at ibinaba iyon.
"Sof, no," sabi niya sa namamaos na boses.
Hindi ko siya pinakinggan at itinuloy ko lang ang paghalik. Alam niya na matagal ko nang gustong may mangyari sa amin pero lagi siyang nakakagawa ng paraan para hindi matuloy. Ngayon sisiguraduhin ko nang wala na siyang magagawa. Bahagya akong lumayo sa kanya upang tuluyan kong mahubad ang damit ko. Itinapon ko iyon sa sahig saka muling umupo sa kandungan niya. Inabot ko naman ang hook ng bra ko at hinayaan iyong malaglag sa pagitan namin. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
"Sof, please..."
"Ano bang masama kung mahalin mo 'ko?"
Iniangat ko ang aking katawan at humawak sa mga balikat niya saka inilapit ang malulusog kong dibdib sa mukha niya.
"Please, Alwyn. Alam mo namang matagal ko nang gustong may mangyari sa 'tin. Pagbigyan mo naman ako. Hindi ba ikakasal na rin naman tayo?"
"B-but this is wrong..."
"I'll prove to you it's not."
Hinawakan ko siya sa buhok at isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
"Kiss me here, Alwyn. They're yours."
Matapos ang ilang sandaling pag-aatubili ay naramdaman ko ang isang braso niya sa beywang ko at hinapit ako. Sinakop ng bibig niya ang isang dibdib ko while his hand cupped the other.
Napasinghap ako at naiwang nakaawang ang mga labi ko. My nipples hardened instantly. Gano'n ako kabilis na-turn on, gosh.
Lumiyad ako to give him full access pero lalo lang niya akong hinapit palapit sa kanya. Halos maduling na ako kahit ganito pa lang ang ginawa niya.
"Oh, Alwyn," I moaned.
Halos kapusin na ako ng paghinga bago lumipat ang bibig niya sa kabila kong dibdib. He was licking and sucking hungrily. The muscles in my navel tightened and I knew I wanted more.
Lumayo ako sa kanya at inabot ang butones ng pants niya. Mabilis ang kanyang paghinga kagaya ko. Bahagya siyang nakatingala at nakapikit kaya malaya kong nahubad ang natitira pa niyang mga saplot.
Napalunok ako habang nakatitig sa pagkalalaki niya. It was fully aroused now. Nanginginig ang mga kamay na hinubad ko ang aking underwear hanggang sa pareho na kaming hubo't hubad.
Mabilis ang mga galaw na inalis ko ang lahat nang nakapatong sa center table at inilapag iyon sa sahig. Hinila ko siya patayo. Ako naman ang umupo sa center table and spread my legs wide. Down there I've been soaking wet already.
"Take me here," I said huskily.
Lumuhod naman siya upang magpantay ang aming mga mukha. Hinalikan ko siya nang mariin sa mga labi bago ako humiga. Nakahawak ako sa magkabilang side ng table at ang buhok ko ay sumasayad na sa sahig.
Iniangat niya ang kanyang katawan upang paimbabawan ako. Muli ay walang sawa niyang inangkin ang magkabila kong dibdib. Sa pagkabila ng pagkaliyo ay walang patid ang aking pag-ungol at pagtawag sa kanyang pangalan. Panay rin ang aking pagliyad sa kabila ng pagpigil ng mga kamay niya sa beywang ko. I almost squealed when his teeth tugged at my nipple.
Kinakapos na naman ako sa paghinga nang bumaba ang mga labi niya sa tiyan ko. Panay ang pagsinghap ko sa nakakakiliting sensasyon na bunga ng paglandas ng kanyang dila sa balat ko. Pabaling-baling na ako nang nasa puson ko na ang mga labi niya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang bigat niya sa tiyan ko. Hindi na rin siya gumagalaw. Nakasubsob lang ang mukha niya sa tiyan ko.
"Alwyn?"
Itinukod ko ang mga siko ko sa mesa at iniangat ang aking katawan para makita ko kung ano nang nangyari sa kanya.
Narinig ko siyang humilik. Para akong masisiraan ng bait. Tinulugan ako, walang hiya!
KUNG MERON mang mukhang hindi masaya sa pagiging engaged namin, si Linus iyon. Pinsan ko siya and he's just four years older than me. A couple of months ago he just turned twenty-nine. Kagaya ko ay only child din siya. Ang Daddy ko at ang Mommy niya ang magkapatid. Kahit madalas siya sa abroad ay hindi naman nababawasan ang closeness namin. Parang kapatid na ang turing namin sa isa't-isa since ayon nga, pareho kaming only child.
"Hindi kaya maaga pa para ma-engage ka sa kanya?" hindi maipinta ang mukhang tanong niya.
Nag-uusap kami sa sala ng bahay nila. Kagabi lang kasi siya umuwi galing London so he missed Alwyn's proposal to me. Kaya heto, binisita ko siya.
"Ano'ng maaga pa?" nakatawa kong sabi. "Four years na kaya kaming mag-on!"
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may plano siyang mag-propose sa'yo?"
"Dahil hindi ko naman alam na may plano siyang gano'n. You see, pati ako na-surprise nang bongga. Tsaka hindi naman kami magpapakasal agad-agad, eh. Matagal pa 'yon. Mga next year pa."
"Nagtatampo pa rin ako sa'yo."
Natatawang hinampas ko siya sa balikat.
"Linus, don't be like that! Ikaw na rin ang nagsabi na Alwyn's a nice guy. He'll make a good partner. Remember?"
"Yeah, sinabi ko nga 'yon," pabuntong-hiningang sagot niya.
"Ngumiti ka naman diyan, cous! Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend, eh. Palagi ka na lang nakabusangot!" pang-aasar ko pa.
"That's not true," nakasimangot na sagot niya.
Napahagikhik ako. Sa huli ay natawa na rin siya.
Linus is undeniably good-looking. Marami ngang mga babae sa paligid namin na nagsubok na kunin ang atensiyon niya pero wala isa man sa kanila ang nagtagumpay. Meron pa ngang pinagdududahan ang kasarian niya. Na baka bakla ang pinsan ko. Hindi ko naman sineseryoso ang mga 'yon kasi kilala ko ang pinsan ko.
"I'm sorry, cous. I should be happy for you pero heto at dinadramahan kita," sabi pa niya.
"Okay lang 'yon," sabi ko naman at hinawakan siya sa braso. "Sana mahanap mo na rin ang taong para sa'yo."
Saglit na nawala ang kinang sa mga mata niya. "Hindi na siguro."
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Kasi hindi na kami pupwede ng taong gusto ko. Nalaman ko na nakatali na siya sa iba."
"What? Sayang naman!"
"Ganyan talaga ang buhay, Sofia. Masakit pero kailangang tanggapin." Hinawakan niya ang kamay ko partikular ang palasingsingan ko. "Nice ring you got here."
"Thank you! Alam mo 'yong price nito hindi rin biro, ha."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top