CHAPTER 8

Chapter 8

Maganda ang naging gising ko kinabukasan. Pinatulog ako ni Sir Vincent sa kwarto niya habang siya naman ay hindi ko alam kung saan natulog.

Ayoko pa sanang bumangon dahil ang komportable sa higaan ni sir at sarap pang amuyin ng mga unan niya pero kailangan ko paring pumasok. Kaming dalawa ni Sir Vincent.

Lumabas na ako sa kwarto niya para mag handa ng almusal nang makita ko si Sir na natutulog sa sofa. Mahaba naman ang sofa pero lumalampas parin ang paa nito dito. Nakakunot noo itong matulog hindi tulad ng iba na payapa kapag natutulog. Si Sir Vincent parang pati sa pag tulog niya ay sinusundan siya ng problema pero kahit na ganon hindi parin kumukupas ang gandang lalaki nito. Inikot ko muna ang mata ko, kinakabahan na baka may nakatingin o may mga cctv sa paligid. Nung nasigurado kong wala naman ay dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya para mabigyan ang sarili ko ng mas maayos na tanawin. 

tanawin? Eh bahala na 

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa expression ng mukha niya. Sa pag tulog ko lang pala ito makikitang iritable. Lagi kasi itong may malokong ingisi sakin at parang laging nag bibiro. At kagabi ko lang rin itong nakitang nababahala at halos hindi na makangiti. Ano kayang iniisip nito kagabi at  ganoon nalang ang pag kabahala na makikita sa mukha niya. Ikaw na si Lea ngayon, Hera, hindi mo na malalaman lahat kung hindi siya kusang mag sasabi sayo.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa isang linggo na makakasama ko siya. May parte sakin na gusto pa siyang makilala. Mahina akong napatawa dahil sa mga naiisip ko. Ito ata yung unang pag kakataon na may gusto akong makilala na walang kinalaman sa pamilya ko o sa Empire. Huminga ako ng malamin at iniwas na ang tingin ko sa kanya. I could stare at him all day pero hindi ko naman mababasa ang isip niya kahit anong titig ko sa kanya. 

Tumayo na ako at pumunta sa kusina niya. May natira pang kanin sa sinaing ko kagabi kaya nag luto nalang ako ng fried rice at itlog. Binuksan ko ang pagkalaki laki niyang refrigerator at sa dinami-dami ng laman noon, walang hot dog dito. Gusto ko sanang iyon nalang ang lutuin para mas madali at anong oras narin.

"Looking for something?" napatigil ako sa pag hahanap at humarap sa lalaking nag tanong sakin. Gising na siya. Hindi rin nag tagal ang pag tingin ko sa kanya kasi nag bibihis siya sa harap ko.

"Hot dogs" sagot ko dito at nag kunwari nalang na nag hahanap parin ako.

"I don't like process foods" ang lamig ng pag kakasabi niya dito. Kumuha na ng siya ng plato at kutsara para saming dalawa 

"Hmm ok na ba yan?" tanong ko at tumingin sa pag kain na niluto ko. At dahil din kahit papano ay gusto ko siyang mag salita.

"Yeah" maikling sagot niya. Okay? hahayaan ko na muna siya. Siguro ay may hindi magandang nangyari kagabi.

Habang kumakain kami ay tahimik parin siya. I wonder what happen last night and he was so quite. Nagagalit siya pero hindi naman siya tumatahimik kaya nakakapagtaka. 

"Sa kwarto na ako ni Lourdes mag bibihis" sabi ko sa kanya bilang paalam. Tumigil siya sa pag bubukas ng pinto at nakita ko siyang bumuntong hininga muna.

"Mag kita tayo sa parking lot in 20 minutes" utos nito sakin at dumiretso na siya sa kwarto niya. Napailing nalang ako at lumabas sa condo niya. 

Habang nag aayos ako ng sarili hindi ko parin maalis siya maalis sa isip ko. Kailangan ko pang sanayin yung sarili ko na mawalan ng paki sa mga taong nasa paligid ko. Saglit akong napatigil sa pag iisip dahil nagulat rin ako sa pumasok sa isip ko. Parang biglang sumakit yung ulo ko. Kailan ba ako nagkaroon ng paki sa iba simula nung umalis ako sa Empire? Kahit kay Lourdes at Ella hindi naman ako nag karoon ng interest kahit na alam kong marami silang tinatago. 

Sa kanya lang ako nagkaroon ng interest at ang masama pa wala akong dahilan para mag karoon ng interest sa kanya.

Kakalabas ko lang ng elevator nang makita ko si Sir Vincent at Lourdes na nag uusap. Nandito pala si Lourdes. Hindi ito nag sabi sakin at wala rin siya sa condo niya kanina. Gusto ko malaman kung anong pinag uusapan nila kaso mashado akong malayo para marinig ang mga sinasabi nila pero base sa mukha ni Lourdes hindi maganda ang pinag uusapan nila at si Sir Vincent kagaya parin ng kanina. Nakauko lang ito at tila ba ay parang tinatanggap niya lang lahat ng sinasabi ni Lourdes. 

Onti onti akong lumapit sa kanila dahil hindi na ako mapakali kakatitig sa kanila mula sa malayo.

"Sabihin mo na kung anong pinaplano niyo--" galit ang boses ni Lourdes halos sumigaw na ito sa galit.

"Wala--" sasagot dapat si Sir Vincent pero nakita niya na akong papalapit kaya napahinto ito sa pag sasalita. Napansin rin iyon ni Lourdes at tumingin sa direksyon ko.

"Hindi mo sinabing nandito ka pala" sabi ko habang nakatingin kay Lourdes. Nakatingin ito sa malayo at pinapakalma ang sarili niya.

"Mamaya na tayo mag usap, Lea" sabi niya nang hindi parin tumingin sakin at umalis na. Naiwan kami ni Sir Vincent. Tinignan ko lang si Lourdes na nag lalakad papalayo samin

"Lea, Lets go" naagaw ni Sir Vincent ang attention ko. Nakangiti na ito na para bang walang siyang nakasagutan kanina. Tahimik nalang akong pumasok sa kotse niya kahit na marami akong gustong itanong. Marami ng gumugulo sa isip ko.

Simula nung narealize ko na sa kanya lang ako nag karoon ng pakielam at gusto siyang makilala pa, ang dami ng gumugulo sa isip ko. Akala ko nung una madali lang siyang makilala pero ngayon kahit  yung mga taong tinatawag kong kaibigan parang hindi ko narin kilala. 

Gusto kita makilala pero bakit ganon habang palapit ako ng palapit sayo, mas lalo kang lumalabo and the next thing I know, kumakapa na ako sa dilim.

"Lea" napatigil ako sa pag lalakad nang tawagin ako ni Sir Vincent. Tumakbo ito ng bahagya dahil nauuna ako sa kanyang mag lakad.

"I'm sorry for being cold this morning" paghingi niya ng tawad sakin. Napatigil ako sa lambot ng boses nito. Bumalik na siya sa pagiging Sir Vincent niya. Yung ugaling una niyang pinakita. Gusto ko itanong kung anong dahilan kung bakit bigla siyang umakto ng ganoon pero kung gusto mag kwento ng isang tao kahit naman hindi ka mag tanong mag sasabi yan.

"I promise you will never see that attitude again" lumapit siya sakin habang nakangiti. Ito nanaman tayo hindi ko nanaman maalis ang tingin ko sa mga mata niya. Natutulog nga siya hirap na hirap na akong alisin ang titig ko sa kanya ngayon pa kayang nakatingi ako mismo sa mga mata niya.

"Lets go? late na tayo" he said with a smile and slightly pinch my nose. Pagtapos ng ilang segundo nakita ko nalang siyang nauuna na sa pag lalakad. Sinundan ko ito papunta sa office niya pero nagulat nalang ako nang bigla itong tumakbo papunta sa hagdaan na papunta sa rooftop. 

Agad rin akong tumakbo dahil sa pag tataka pero napahinto ako nang makita ko si Toni na duguan habang buhat buhat ni Sir Vincent. Hindi ako maka-kilos sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko ang bawat pag patak ng dugo niya mula sa pulsuhan nito at leeg.

"Open the door, Lea" nag papanic na utos sakin ni Sir Vincent. Doon lang ako natauhan at agad na binuksan ang pinto ng office niya para sa kanya. Pag kabukas ko may nakita agad akong lalaki pero hindi ko na ito natignan pa ng maayos dahil agad na pumasok si Sir Vincent na buhat si Toni. Hindi ako pumasok, hanggang sa mag sarado na ang pinto.

Napaatras ako sa pinto kung saan ipinasok si Toni. Wala itong pinag kaiba sa nangyayari sa Empire. Halos lahat ng gusto kong kalimutan isa isang nag papakita sa isip ko. Tinignan ko ang hagdanan papuntang rooftop. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para pumunta sa rooftop.

Bawat hakbang ay makikita mo ang tulo ng dugo. Natatakot ako sa kung anong madadatnan ko sa rooftop pero hindi parin tumigil ang mga paa ko at tinahak ko ang daan papunta sa rooftop. Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero pinag sawalang bahala ko muna iyon. Patuloy lang akong nag lalakad hanggang sa marating ko ang pinto. Nung una ay nag alangan pa akong buksan ito dahil may dugo rin sa hawakan nito. 

Huminga ako ng malamin at inipon lahat ng lakas ng loob ko para buksan iyon. Akala ko wala ng makakagulat sakin sa makikita ko pero itong nakita ko ngayon, kahit kelan hindi ko maiisip na siya ang madadatnan ko dito...


"Lourdes"


--


Sorry, Ang tagal kong hindi nag update. Ang saya lang na nakapag update ako ngayon. Ang daming nangyari hahaha.

Btw stay safe and healthy. Stay at home kung wala namang gagawing importante sa labas. Sending virtual hugs 

Enjoy!!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top