CHAPTER 4

Chapter 4

Nasa office niya kami. Hindi ko alam kung bakit abot langit ang kaba ko. Sa kanya lang talaga ako kinakaban ng ganito. I can't tell why.

"Vincent, ang tagal" reklamo ni Kara dito. Mukhang malapit ang dalawa dahil hindi niya ito tinatawag na sir. Nakaupo lang ako sa couch at silang dalawa lang ang nag uusap.

"Wait" mababang ang boses na sabi Sir Fortunato. I should call him sir, right? Dahil teacher naman talaga siya dito. I don't know why I hate that idea.

Umupo na ito sa single sofa sa harap namin at pinag cross ang mga hita nito

"Mag kakilala kayo?" Takang tanong nito kay Kara o saakin? Hindi ko alam kung bakit niya pa kailangan tanungin yun

"Hindi pa ba yun halata?" Mataray na sagot sa kanya ni Kara pero baliwala lang sa kanya ang pag tataray ni Kara sa kanya.

"Friends?" Pag tatanong ulit nito

"Oh Vincent, if you want to get to know Lea don't do it right now. I already miss my Galen" Kara said directly. Gulat akong napatingin kay Kara dahil sa sinabi niya pero ngumiti lang ito sakin. Nang tumingin naman ako kay sir Vincent parang gusto ko agad bawiin ang tingin ko dito. Nakatingin rin ito sakin at hindi man lang nito tinutulan ang sinabi ni Kara.

"You can leave your final project here. Kay Lea ko nalang ibibigay para ibigay niya sayo"  sabi nito habang hindi inaalis ang tingin niya sakin. Mas lalo atang nanlaki ang mata ko. Tututol na sana ako nang mag salita si Kara

"Just be sure na aabot yan bago mag pasahan ng requirements" pag payag ni Kara na parang baliwala lang sa kanila ang desisyon niya.

"I know the schedule, Kara" kahit kausap nito si Kara, saakin lang ang mga tingin nito. That makes me uneasy.

"Okay then. I'll go ahead" sabi nito at tumayo na. Tinignan muna niya ako at saka ngumiti "Take care always, Lea" yun ang huli niyang sinabi at umalis na.

Pag sara ng pinto lang ang naging ingay sa paligid at pag katapos nun wala ng nag salita samin. Ramdam na ramdam ko parin ang titig niya sakin. Nang hindi parin kami umiimik sa isa't isa ay tumayo na ako at akmang aalis.

"I did not allow you to leave yet" malamig na sabi nito sakin. Agad akong napatigil at umupo ulit. Katulad ng kanina mukhang wala nanaman itong balak mag salita kaya ako nalang ang nag tanong

"Hmm. Bakit kailangan pa saakin dumaan yung final project ni Kara?" Tanong ko dito nag babakasakaling mabawasan ang awkwardness na bumabalot samin.

"She's in a hurry and that's your punishment because of lying" his cold voice didn't change a bit but he's staring at me intensely.

"We're not that close, sir" pag galang ko dito. Tumaas ang sulok ng labi nito at para bang may nakakatawa sa sinabi ko

"That doesn't matter. I just want to know you more" nag salita ito na para bang hindi nakakagulat ang sinabi niya. Comfortable lang itong nakaupo at nakatingin sakin na para bang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya

"Why?" Kinakabahan kong tanong dito.

"I think I like you" straight to the point! So honest. Napakagat ako sa ibaba ng labi ko dahil sa kaba at hiya na nararamdaman ko.

"We just met, sir" mahina kong sabi pero sapat na iyon para marinig niya. Hindi rin ako makatingin sa kanya.

"It doesn't really matter" napatingin ako dito nang sabihin niya iyon. May mapag larong ngiti sa labi nito kaya. Para bang natutuwa siya sa mga nagiging reaksyon ko.

"You didn't mean it, do you?" Gulat kong sabi sa kanya pero mas lalo lang ata itong natuwa

"Sorry to disappoint you but I do mean it" those amusement in his eyes. Para akong pinag lalaruan nito pero hindi ko nakikita sa kanya na nag bibiro siya.

Hindi ako makasagot dito. Hindi parin ako makapaniwala. Alam kong nag kita kami sa coffee shop na pinag tatrabauhan ko pero hindi ako siguro kung naalala niya ako.

"3 days from now ang pasahan ni Kara ng requirements" napakurap ako nang mag salita ulit ito "As for your second punishment you need to be my assistant for 3 days" nakangisi nitong sabi

"W-What?" Gulat kong sabi dito. "May sakit talaga ako. Sinamahan ko lang talaga si Kara kasi may hinahanap daw siya, which is you" pag dadahilan ko dito. Ayoko siyang makasama. Ngayon pa nga lang ay di ko na ito matagalan lalo pa kaya kapag kasama ko lagi.

"May sakit ka talaga?" mahinahon nitong tanong pero ang mga mata nito ay hindi parin tumigil kakasuri sakin. Hindi ako sanay na nag sisinungaling ako pero sana hindi niya mahalata

"Yes" thank god hindi ako nautal nang sabihin ko iyon. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla itong tumayo at dahan dahang lumapit sakin.

Wala talaga akong sakit pero para akong bilang nag init. Totoo atang mag kakasakit na ako. Nabato ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang hawakan ang noo ko pag katapos ay ang leeg ko.

"Mainit ka pero tingin ko hindi yon dahil may sakit ka" nakangisi parin ito at hindi niya pa tinatanggal ang kamay niya na nasa leeg ko. Hindi ako makagalaw lalo na ngayong malapit siya sakin. Fudge sigurado akong nag blush ako. Bat sa harap niya pa?

Napatingin lang ako sa pinto ng office niya nang bigla itong nag bukas. Akala ko tatanggalin na niya ang kamay niya pero napunta lang ito sa balikat ko.

"Toni" tawag nito sa babaeng kakapasok lang. Naka cross ang mga braso nito at masama ang tingin sa kamay ni sir Vincent na nasa balikat ko. Susubukan ko sana itong tanggalin pero bago ko pa yun gawin naialis na niya ang kamay niya ar mas malala pa ang nangyari.

Kinuha nito ang kamay ko na para bang inaalalayan ako nitong tumayo. Parang akong tangang sumusunod lang sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.

"Who is she, Vincent?" mataray na tanong ng babaeng nag ngangalang Toni kay sir Vincent habang masama parin ang tingin sakin

"My student assistant for 3 days. She's Lea Lastemonte" pag papakilala sakin ni Vincent doon kay Toni. Tumaas ang kilay nito halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Sir Vincent

"I'm Toni Gadiana, daughter of Gilbert Gadiana the owner of this school. And your presence irritates me" mataray parin nitong sabi sakin at kagaya ni sir Vincent wala rin itong paligoy ligoy kung mag salita

"She is also the student council president, Lea, so feel free to ask her about the school" seryosong sabi sakin ni sir Vincent na para bang hindi niya narinig ang huling sinabi ni Toni.

"Vincent!" halos pasigaw na reklamo ni Toni dito. Hindi ko alam kung bakit iritable si Toni sakin at kahit na magiging assistant lang ako ni sir Vincent sa maikling panahon. Aww sht wala akong natandaang pumayag ako pero wala na akong magagawa.

"You can leave now, Lea, don't be absent tomorrow or else you will be my assistant for a week" ang lalim ng boses niya at ang lapit niya lang sakin. Nakaharap pa ito sakin at ano pa bang aasahan niyo sakin sa tuwing nag kakatitigan kami. Ito nanaman ako hindi matanggal ang tingin sa kanya.

Kung hindi niya pa pinisil ang kamay ko bago niya iyon binitawan ay hindi pa ako matatauhan. Binawi ko agad ang tingin ko sa kanya at bahagyang sinulyapan si Toni na masama na ang tingin ngayon kay sir Vincent. Hindi na ako nag paalam sa mga ito at lumabas nalang.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong nakalabas sa office na yun. Sana nga ay mapabago pa ni Toni ang isip ni sir Vincent.

"don't be absent tomorrow or else you will be my assistant for a week"

Napailing ako dahil naalala ko ang sinabi nito. Nag babalak pa naman sana ako bukas na mag hanap ng apartment. Hindi ata matutuloy. Kasalanan itong lahat ni Kara. Bat pa kasi siya nag pakita sakin.

"Leaaa" rinig ko na mula sa malayo ang sigaw ni Ella. Nakita kong kasama nito si Lourdes. Bumuntong hininga ako saka lumapit sa kanila. Uwian na pala

"Lea, sorry di ko talaga alam na pupunta ka sa school ngayon" paliwanag ni Ella sakin pag kalapit na pag kalapit ko sa kanila.

"Ok lang. Hindi rin naman ako nag sabi" sabi ko nalang dito. Kasalanan yun lahat ni Kara dahil sa kanya nagulo ang binuo kong tahimik na buhay.

"Akala namin nag tatrabaho ka na talaga. Parang gusto ko agad mag cr at hilain ka nung nakita kita eh kaso una ka pa palang nakita ni sir Vincent..." pag kwekwento pa ni Ella habang nag lalakad kami papaalis ng school. Si Lourdes ay tahimik lang rin na sumusunod.

"Akalain mo yun kilala ka na niya agad" namamanghang sabi pa ni Ella. Napailing nalang ako maski ako hindi ko alam kung bakit ganon si sir Vincent

"Anong nangyari sa office ni sir Vincent?" napatingin ako kay Lourdes nang itanong niya iyon. Napabuntong hininga nanaman ako dahil dun

"He gave me a punishment" sabi ko sa kanila

"Ha? Punishment agad?" Gulat na tanong ni Ella. Hindi ito sanay na binibigyan ako ng parusa dahil kahit sa loob ng classroom palagi akong binibigyan ng pabor ng mga teachers dahil natatalinuhan sila sakin

"Did sir Vincent gave that punishment or Toni?" may pag dududa sa tanong ni Lourdes.

"Si sir mismo. I'm going to be his assistant for 3 days" malamig kong sabi dito at saka nauna ng pumasok sa loob ng sasakyan ni Lourdes

"Really?" may pag dududa parin sa boses nito at sumakay narin sa driver's seat. Rinig ko narin na umupo si Ella sa back seat

"Yeah" sabi ko at tumango. Hindi ako makakapag hanap ng apartment bukas siguro sa susunod na araw nalang. Ayoko na madagdagan ang araw na kasama ko ang lalaking yun. Ayoko sa nararamdaman ko kapag malapit siya sakin.

Napapikit nalang ako sa inis at napasandal. Sobra ang inis ko sa sarili ko dahil siya lang ang kaisa isang taong nakakagawa nun sakin. Hindi ako bigla bigla nalang natutulala dahil lang sa isang titig.

Ayoko ng nag kakaganon ako. Kaya pag katapos ng 3 days na yun hindi ko na siya hahayaang makalapit sakin. Ayoko sa nararamdaman ko dito.

🥀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top