CHAPTER 2

Chapter 2

Kahit ayaw kong lumapit sa kinaroroonan ng lalaki ay kailangan kong gawin dahil mag sasarado na ang coffee shop na pinag tatrabauhan ko.

Halos mapatalon ako ng hindi pa ako nakakalapit ay tumingin na agad sakin yung lalaki. Palihim akong lumunok at patuloy na nag lakad sa harap nila. Wala na ang ngiti sa magandang mukha ng babae kanina at tahimik nalang itong nakatingin mula sa malayo

"Ehem sir, ma'am mag sasarado na kasi kami--" naputol ang sinasabi ko nang biglang mag salita ang lalaki

"Toni" tawag ng lalaki sa kasama niyang babae at binaliwala lang ako sa gilid niya

"Toni" muling tawag niya dito nang hindi man lang kumurap ang dalagang kasama nito me

"Toni" pangatlong tawag nito sa isang malamig na boses. Halatang naiirita na dahil sa pag katulala ng kasama. Doon lamang napatingin sa kanya ang dalaga

"May sinasabi ka, Jv?" Inosente nitong sabi. Ang dami siguro itong iniisip

"Lets go home" lumambot ang pananalita nito. Napabuntong hininga ang babae at tumango sa kasama niya. Halos sabay silang tumayo at lumakas papalas ng coffee shop na parang wala ako sa gilid nila.

Pero ewan ko ba, lahat ng iritasyon ko sa kanya ay biglang nawala dahil lang narinig ko ang malumanay niyang boses. Siguro ay naalala ko lang si kuya sa kanya. Kung pano lumalambot ang expression nito kapag nakikita niya akong malungkot. Nakakamiss rin pala silang lahat.

Napatigil ako sa pag iisip ng lapitan ako ni Ella at ni Lourdes. Kaming tatlo nalang ang natitira dito. Nag linis muna ako ng shop at sabay sabay kaming umalis.

Ayoko na sanang mag pahatid sa bahay pero mapilit si Ella at ayoko rin namang may mang yari pang masama sakin sa daan dahil gabi na.

Tahimik lang kaming dalawa ni Lourdes sa byahe at si Ella nag kwekwento kung pano mag laro yung mga varsity ng basketball kanina.

"Fudge! And do you know Alfredo Sedol Jr.? The team captain. Ghad he looks so hot when he's attacking the opponent with the ball in his hand...." Kilig na kilig niya pang pag kwekwento samin. Minsan nakakainis dahil ang ingay niya na pero Ella can save you from an awkward situation kaya hinahayaan nalang naming ganyan

She keeps on talking about Carl Eymard Datoy, Mark Escanlar, Alirey Bartizo and a lot of members in the basketball team.

"Ella, baba na" malamig na sabi ni Lourdes sa kanya. Si Ella ang una niyang hinatid. Gusto ko sanang tanungin si Lourdes sa kung anong koneksyon niya doon sa babaeng nag ngangalang Toni

"Bye, Lea tuloy ko yung kwento ko bukas. Love you both" sabi nito habang nakasilip sa pinto ng sasakyan at nag heart sign pa siya bago isara yung pinto ng sasakyan.

Tahimik na nag maneho ulit si Lourdes. Gusto ko siyang tanungin kung anong koneksyon niya doon sa babae. At ganon nalang ito makatingin kay Lourdes

"She's beautiful, right?" napatingin ako kay Lourdes ng bigla niya iyong sinabi. Akala ko si Ella ang the tinutukoy nito pero saka ko lang napag tanto na iyong babae kanina ang tinutukoy niya

"Yeah" tugon ko dito

"Her name is Toni and we used to be best friends" my lips form an O shape when she told me a part of their story

"What happen now?" Something is not right. Their is something about in Toni's eyes that I couldn't explain. Gusto kong malaman ang buong storya

"It just that, things go wrong and we couldn't control it" her answer is safe. Siguro ay hindi lamang ito nag kaintindihan

"Hindi na kayo pwedeng maging kaibigan ulit?" Takang tanong ko

"Hindi na. Kahit kelan hindi na pwede" malamig nitong sabi. Marami pa akong gustong itanong sa kanya katulad na lang ng kung alam ba nito kung kaugnayan ni Toni doon sa lalaking kasama nito.

Nanatili nalang akong tahimik hanggang sa maihatid na ako nito sa apartment na inuupahan ko.

"Salamat, Lourdes" sabi ko bago ako bumaba. Nakita ko siyang tumango at pinaandar na ang sasakyan niya

Nang mawala na ito sa paningin ko ay dumeretso na ako sa loob ng building. I don't usually eat dinner dahil pagod na ako galing trabaho at hindi rin ako gaanong marunong mag luto. Monday to Saturday, busy ako sa school and work and on Sunday, Ella will invite me to be her tutor kapag may mga topics siyang hindi naiintindihan.

Simula nung mag layas ako sa bahay natanggap ko na hindi na magiging madali ang buhay para sakin. Simula ng nag bigay ako ng tiwala nawala na ako sa sarili ko. I've become over confident that I don't even notice that even my senses were betraying me.

Napabuntong hinga ako at saka nag unlock ng pinto at pumasok. Napasandal nalang ako sa pintuan ng marinig kong kumukulo ang tiyan ko. Ngayon ko lang din naalala na biscuit lang pala ang nakain ko nung lunch dahil gumagawa kami ng group project

"Fck" malutong na mura ko. Yun lang ang kaya kong gawin. Kasalanan ko rin kung bakit ako nasa sitwasyon na ganito. Tumayo ako at humiga nalang sa kama. Hindi ko nalang pinansin ang pag kulo ng tyan ko.

This is my punishment to myself.

Nagising na lamang ako ng makarinig ako ng may narinig akong katok mula sa labas. Pag kadilat ko palang ng mata ko masama na ang tunog ng tyan ko. Kailangan kong pumasok ngayon kaya pinag sawalang bahala ko nalang ito.

Kahit inaantok pa ay bumangon ako para pag buksan kung sino man ang kumakatok sa pinto. Nag taka ako ng may nakita akong paper bag doon. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanang bahagi ng building bago kunin ang paper bag na iyon.

Umupo ako sa upuan ng maliit kong sala at tinignan kung anong laman ng paper bag. Nagulat ako ng ilabas ko iyon. Tupperware na may labang kanin at ulam.

"Sino nag lagay nito sa tapat ng pinto ko?" gulat kong sabi. May kape pa ito na paborito kong inumin.

Ayoko sanang kainin to dahil hindi ko alam kung sino ang nag bigay pero bahala na kung malason. Gutom talaga ako. Inalis ko ang takip ng kape dahil ayoko uminom ng mashadong mainit na kape at nag simula na akong kumain

Magana akong kumain dahil nakakailang subo na ako at hindi parin naman ako nalalason. Hanggang sa matapos ko na ang kinakain ko. Bumuntong hininga ako at nag pasalamat. Kung sino man ang nag bigay nito, hulog siya ng langit

Sinisimot ko ang kape ko ng muntik ko na itong maibuga nalang bigla. Dahil unti unti ko ring nalaman kung kanino galing ang pag kain na 'to.

Xy

Isang malaking Xy ang nakita ko pag katapos ko mainom ang kape. Sa ilalim ng loob ng baso nakita ko ang pangalan ni Xy ang kasintahan ng pinsan ko.

Fck nakita na ba nila kung nasan ako?

Dali dali akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo. I can't stay in this place. Naligo ako habang nag mumura parin sa isip ko. Pano?

I hid my identity perfectly. Sigurado akong walang makakakilala sakin. How the hell did that happen?

"I'm freaking sure that I did not make mistakes" o baka meron? Sht I'm starting to doubt myself again.

Pag labas ko ng banyo kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lourdes.

"Hey" tinatamad nitong sabi mula sa kabilang linya

"Can I borrow your condo for a while?" I don't wanna sound nervous but freak I am. Xy knows where I am and for sure Galen also know.

"Why so nervous, Lea? What happen?" Takang tanong nito

"I'll explain it to you tomorrow. I just need to find a new apartment" kahit busy ako sa pag dadamit ay kinakausap ko ito.

"You know, you can stay in my condo. Minsan lang ako pumunta doon and mom knows you kaya ok lang" nag aalala nitong sabi sa kanya. Bumuntong hininga ako. I would love that pero ayoko na siyang madamay sa gulo ng buhay ko

"Thank you for that offer, Lourd, but I just can't really accept that. That's to much" fck that offer. Gusto ko ng igrab yun dahil makakabawas rin ng gastusin iyon. But I can't live there in a year mashado ng nakakahiya

"Fine, as you wish" sabi nito at saka bumuntong hininga. Pinatay na nito ang tawag. Nag dala lang ako ng ibang damit at pumunta na sa condo ni Lourdes.

Matagal na niya saking inooffer ang condo niya pero hindi lang ako maka-oo dito. Alam ko narin ang password dahil dito kami madalas tumatambay kapag gusto nilang mag paturo

Pinindot ko ang 17th floor ng elevator para makapunta na ako sa condo. At nang mag bukas na ang elevator hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nasa harap ko yung lalaki kagabi.

Pumasok na siya nang makitang hindi naman ako lalabas. Nataranta nalang ako ng mag sasara na ang elevator at naalala kong nasa 17th floor na pala ako. Pinigilan ko ang pag sasara ng nito at dali daling lumabas.

Napatingin pa ako sa lalaki habang nag sasara ang mga pinto ng elevator. Kunot noo lang siyang nakatingin sa kamay ko. Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko pero yung mukha niya hindi parin mabura sa isip ko.

There is something about this guy that can make me irritated but at the same time make my world stop for a while. Ghad ayoko na siyang makita. I will only get loss everytime our eyes meet.

Pag katapos ko mag linis ng kaonti sa condo ni Lourdes ay agad akong lumabas para mag hanap ng bagong lilipatan. Ayoko na mashadong mag tagal pa doon sa condo

Fudge meron akong nahanap kaso tatlong sakay pa bago makarating sa school. Gusto ko sana malapit lang kung pwede nga yung lalakarin nalang yung school pero lahat ng apartment ay walang bakante. Puro studyante rin ang tumitira.

Minsan nakakamiss din yung dating ikaw. I just need to call someone and everything will be in my favor.

Iba na ngayon. Kailangan ko pag hirapan ang lahat. Dumating na ang oras ng trabaho ko pero wala parin akong makitang apartment na malapit. Kaya napag desisyonan kong pumasok nalang ng maaga sa trabaho at ipag patuloy ang pag hahanap bukas.

Kahit nag tatrabaho ako ay iniisip ko parin kung saan pa ba ako pwedeng manirahan.

"Miss one cappuccino" napatingin ako sa babaeng nag salita. Para akong aatakihin nang makumpirma ko kung sino ang babaeng nakangiti sa harap ko.


Sht Kara



💗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top