CHAPTER 13
Chapter 13
//
"Akala ko talaga totohanin mo yung sinabi mong hindi ka na mag didate ng babae" sabi ni Jhaniz sabay buntong hininga. Hindi na niya talaga alam ang gagawin sa kaibigan niya. Nag lalakad sila ngayon sa malawak sa school ground. Ito na ang huling pasahan ng mga kulang pa sa requirements. Hindi naman na nila kailangan pang pumasok pero dahil nag pumilit si Toni, walang nagawa si Jhaniz at napasama na siya.
"I will not date girls anymore, I will date Lourdes" nakangising sabi nito sa kaibigan. Napailing nalang si Jhaniz dahil sa kalokohan nito. Wala siyang magawa dahil kailangan lang naman niyang bantayan si Toni at hindi pakielaman ang buhay nito.
"Lourdes is a girl" bulong niya sa sarili niya ngunit narinig parin ito ni Toni. Tumigil ito sa pag lalakad at tinignan si Jhaniz
"It seems that you didn't understand, Shaira, I will not date girls or anyone if its not Lourdes" she whispered on Jhaniz ears. It give her chills whenever Toni is calling her Shaira, its like the serious mode is on.
Napailing nalang siya habang pinag mamasdan ang nauna ng si Toni. Wala paring pinag bago. She's the only child of the Gadiana's and the most hardheaded one. Nang mawala sa paningin niya si Toni ay muli siyang napabuntong hininga. Lourdes should be here in school kung wala balewala lang ang pag punta nila dito.
"Miss Shaira" agad siyang napatingin sa tumawag sa kanya gamit ang second name niya. Nakita niya ang matangkad na lalaki na nag sisilbi sa pamilya nila
"Butler Ivan" gulat niyang sambit "You're here. It means father is also here" siguradong sabi niya. Hindi niya matago ang saya sa boses niya dahil matagal tagal rin silang hindi nag kita nito.
"Yes Miss, he is already waiting for you in his office" mas lalong lumaki ang ngiti niya dahil sa narinig at nauna na nga siyang pumunta sa office ng kanyang ama para makita ito.
"Dad" malakas na sigaw niya pag kabukas pa lang niya ng pinto. Ang ama naman niya ay halos mabuga ang kapeng iniinom nito dahil sa pag kagulat.
"It's too early but got some energy already" natatawang sabi ng ama niya sa kanya pero binaliwala lang ito ni Jhaniz. Pumunta siya dito at niyakap ito.
"I missed you. You've been away for quite a while and finally you are here again" pinaghalong lungkot at saya ang boses niya. Her father comb her hair slightly na para bang ingat na ingat ito sa kanya. She always feels comfortable hugging her father like this. Ibang iba talaga sila ni Toni. She can't hug her own father like this, can't say I miss yous. They didn't show any love and affection to one another. Toni's father raised her showing the hidden world she will control someday.
"Where's Toni by the way?" napaangat siya ng tingin sa tanong ng ama niya. Nasa isang restaurant sila ngayon. Lunch na at umaga pa nung nag hiwalay sila ng daan ni Toni.
"Probably chasing a girl..." kinuha niya ang orange juice na sana table nila at uminom dito "...again" tapos niya sa kanyang sagot at binaba ang orange juice. Hindi mapigilan ng ama niya na matawa sa sagot ng anak niya.
"She will never change huh? Her father is furious that he wants her to get married right away" natatawa parin ito. Napabuntong hininga nalang siya dahil sa ginagawa ng kaibigan. Jhaniz knew it, the reason why Toni's father wants her to get married as soon as possible is because she is so stubborn.
"Marami nang nag papakalat ng balita na babae ang gusto ni Toni kaya mas lalong sumasakit ang ulo ni Emmanuel" dagdag pa ng ama niya. Emmanuel Gadiana, Toni's father. Ang may pinaka malaking impluwensya sa organization. Isang beses palang niya ito nakikita pero alam na niya na agad kung bakit ito dapat katakutan. You can really call her lucky because she got a once in a life time chance to see him and she's so sure when she see him again, she'll be dead.
"Ngayon pinag wawalang bahala lang niya ang mga nag papakalat ng balita ngayon dahil abala siya sa pag hahanda ng kasal ni Toni. Shaira, my love, can you look for your friend until her wedding is done?"
"Hi can I eat with you guys?" napatingin ang tatlong mag kakaibigan sa babaeng nakatayo sa harap nila. Agad na nag liwanag ang mukha ni Ella at si Lourdes naman ay napailing na lamang.
"Wow hindi ba si Toni Gadiana yun?"
"Oo nga. Mag kasama sila ni Miss Jhaniz nung party"
"Gusto ko rin maging siya. Kaibigan na nga niya yung may ari ng school tapos ngayon sila Lourdes naman"
Ilan lang iyon sa mga usap usapan na naririnig nila. May naiinggit at merong namang masaya dahil may madadagdag nanaman sa grupo nila Lourdes.
"Dapat hindi ka na nag tatanong. Kaibigan ka naman ni Lourdes" masayang sabi ni Ella. Umikot ang mata ni Lourdes dahil hindi naman iyon totoo at gusto lang ni Ella paniwalaan ang gusto niya.
"Hindi totoo yun ano?" natatawang bulong sa kanya ni Glen. Napangisi siya dahil kilala talaga niya silang dalawa ni Ella
"OMG nakita niyo yun? biglang ngumiti si Lourdes nung may binulong sa kanya si Glen" narinig nila iyon pero pinag walang bahala nalang nila dahil ganon naman araw araw. Hindi rin maitatanggi na madami dami ang pumasok ngayong araw para makita sila.
"Sana hindi ako nakakaabala sa inyo" naagaw ni Toni ang atensyon nila Glen at Lourdes. Malawak ang ngiti ni Toni sa mukha, tinatago ang inis na nararamdaman.
"Hindi naman pwedeng pwede kang makisabay samin palagi" nakangiting sabi rin ni Glen kay Toni. Ngunit agad siyang napa-aray dahil pasimpleng kinurot ni Lourdes ang tagiliran ni Glen.
"Pakiramdam ko sila na"
"Kitang kita na kinurot ni Lourdes si Glen nung ngumiti si Glen sa ibang babae"
"Selosa pala si Ate Lourdes" kahit sila ay hindi mapigilan ang tawa dahil sa naririnig nila sa mga tagahanga nila. Nag sasalita lang talaga nang hindi talaga alam kung anong nangyayari.
"You don't mind, right Lourdes?" baling sa kanya ni Toni. Agad naman na nawala ang ngiti niya dahil binanggit na ng babae ang pangalan niya. Ilang segundo rin ang katahimikan sa lamesa nila. Seryoso lang siyang nakatingin sa babae na nakaupo sa harap niya. Parang paulit ulit sa isip niya ang boses na ginamit nito. Is it sadness that she heard?
"Lourdes wouldn't mind. Hayaan mo siya" bago pa siya makasagot sa babae ay binasag na ni Ella ang katahimikang bumalot sa kanila. Ang mga sumunod na nangyari ay naging tahimik sila Toni at Lourdes habang sila Ella at Glen naman ay nag usap ng kahit anong topic para matakasan ang namumuong ilangan sa dalawa.
"Tahimik lang si Lourdes siguro nag seselos parin siya" napabuntong hininga nalang si Lourdes sa narinig. Kanina ay may gana siyang tawanan ito pero ngayon parang gusto niyang patahimikin ang mga nag iisip na sila ni Glen.
Hindi pa sila tapos kumain ng biglang tumayo si Toni. Nakayuko lang ang dalaga. Dinala nito ang sariling tray at nag lakad na papalayo sa kanila.
"Toni" tawag ni Ella dito ngunit hindi man lang ito lumingon. Binalik ni Toni ang tray sa counter at tuloy tuloy na lumabas ng cafeteria. Bumuntong hininga si Lourdes at wala sa sariling sinundan si Toni. Habang sinusundan niya ito ay napagtanto niyang pupunta si Toni sa gubat sa likod ng school.
"Why are you following me?" napatigil siya sa pag lalakad nang biglang humarap ang babae sa kanya. She stepped back before answering Toni
"Ella is calling you" iyon ang unang pumasok sa isip niya. Wala na siyang iba pang palusot dahil kahit siya ay hindi alam kung bakit nga ba niya sinundan ang dalaga.
"And she asked you to follow me?" seryosong tanong nito sa kanya. Napailing siya, hindi makahanap ng salitang sasabihin dito.
"No..." mahinang pag sagot niya halos siya nalang ang nakarinig sa sariling boses niya "...I- I want to apologize for being rude" sabi niya ng hindi mashadong nag iisip. Nagulat siya nang biglang tumawa ang babae pero mas nakakagulat pa ang mga salitang sinabi nito.
"If you want me to accept your apology then go on a date with me"
Nakatulala lamang si Jhaniz sa loob ng classroom. Hapon na at ang mga ang desisyong pumasok ngayong araw ay onti onti ng nag sisi-uwian. Hindi maalis sa isip niya ang pinag usapan nila kanina ng ama.
"You know what your tito Emmanuel can do to those who spreads the rumor about Toni and my love, you can save their lives. Pag natuloy ang kasal ni Vincent at Toni babalik na ang lahat sa normal. Mawawala na ang sabi sabi tungkol kay Toni. You know we can't stop Emmanuel. He can destroy all the families behind this that can cause an imbalance in the organization."
"Can you make sure she will not date anyone?"
Hindi niya alam ang gagawin ngayon binigyan na siya ng permisong pakielaman ang buhay ni Toni. Napasabunot nalang siya ng kanyang buhok dahil sumasakit na ang ulo niya kakaisip. Kakakita palang ni Toni kay Lourdes pero gusto na agad niya ito. Isang pagkakamali ang inisin ang ama niya ngayon dahil malaki ang posibilidad na makielam si Emmanuel ngayong malapit na ang kasal ng anak. Baka pati si Lourdes ay mapahamak pa.
"You can't control your daughter, Tito Emmanuel, don't expect me to do some miracle" bulong niya sa sarili. Ilang oras siyang nag isip ngunit hindi talaga siya makahanap ng paraan para mapigilan si Toni at ang kabaliwan nito
"This is a wedding that shouldn't be stop"
--
Hii
Sobrang haba ng story nila Toni at Lourdes na nasa isip ko kaya sila muna buong chapter. Their story can really affect Lea and Vincent's story kaya importante talaga sila masabi at shempre dito nag bigay narin ako ng mga clues about doon sa organization na tinutukoy nila. You can also see Lea in my other book. Nandoon lahat ng makikita kung bakit siya umalis sa Empire. You can see her biggest fear pero para ayos lang kahit hindi niyo basahin yung isang book ilalagay ko na dito.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top