CHAPTER 12
Chapter 12
//
"Kita mo yang lalaking yan?" bulong ni Jhaniz sa kanya habang nakatingin doon sa lalaking kausap nila Ella at Lourdes "That's Glen Demafiles, balibalitang nanliligaw kay Lourdes" nakangising sabi nito kay Toni. Malayo na sila ngayon sa dalaga pero hindi kalayuan para hindi niya makita ng malinaw si Lourdes at ang nag iisang lalaki na nakaupo sa table nito.
"Oh? napatahimik ka bigla?" nangaasar na sabi ni Jhaniz kay Toni dahil hindi ito makapag salita. Nakatingin lang ito kay Lourdes mula sa malayo
"What if si Glen nalang ang idate mo? Tingin ko kasi hindi ka papatulan ni Lourdes" dagdag pa nito dahil mukhang walang balak mag salita si Toni. Tumaas ang isang kilay ni Toni dahil sa narinig.
"Say that again?" malamig na sabi ni Toni sa kaibigan. Kinabahan naman si Jhaniz dahil sa sama ng tingin nito.
"Well, she's close to everyone but not as close as she's to Ella and Glen" paliwanag nito at alanganing ngumiti kay Toni "Pero kung kaibigan lang talaga si Glen at kung nag kakagusto nga siya sa babae..." binitin ni Jhaniz ang sasabihin niya at tinignan si Toni, tinitimbang kung dapat ba niyang sabihin ang nasa isip niya o wag na lang
"What?" kahit naka kunot ang noo nito ay halatang interisado ito sa kung ano mang sasabihin ni Jhaniz
"... Tingin ko, gusto niya si Ella" mabilis niyang sabi dahil ayaw niyang dagdagan pa ang inis ng kaibigan sa kanya pero imbis na magalit bumuntong hininga lang ito kaya naman nag patuloy lang siya sa pag sasalita.
"Sa tinagal-tagal ko dito sa school hindi ko pa siya nakikitang ngumiti ng wala si Ella. Meron ngang mga tao na shini-ship sila dahil marami kaming nakakapansin noon. Kung hindi lang dahil kay Glen baka marami pang mag hinala na may gusto talaga siya kay Ella eh" pag papatuloy niya. Laking ginhawa niya nang hindi nagalit si Toni sa mga sinabi niya.
"I understand that part, Ella is a nice girl" sa wakas ay nag komento na ito sa sinabi ni Jhaniz pag tapos ng ilang minuto.
"Yeah too nice that she will even date you when you ask her" napatingin naman si Toni kay Jhaniz dahil sa sinabi nito.
"She date girls?" gulat na tanong ni Toni
"Yeah meron ring mga babaeng nag kakagusto sa kanya at kapag inaya siya pumapayag agad siya" sagot ni Jhaniz sa kaibigan na ngayon ay gulat parin sa mga sinabi niya
"Nag iisip ba siya?" gulat na tanong ni Lourdes dahil wala namang matinong tao na sasama nalang kung kanikanino basta inaya lang ito. Hindi ata siya naturuan na wag sumama sa mga hindi niya kakilala
"I know right pero luckily hindi pa naman siya napapahamak dahil lahat ng nag aaya sa kanya dumadaan din kay Lourdes" napahinto si Toni sa pag inom ng kayang wine nang marinig ang sinabi ni Jhaniz. "Ayaw mo sa mga komplikadong tao, Toni. Marami ka ng problema para problemahin pa yan" seryosong sabi ni Jhaniz sa kaibigan. Napatango naman si Toni dahil dito
"He wants me to get married after graduation kaya pinauwi na niya ako dito" malamig na sabi ni Toni at malungkot na ngumiti sa kaibigan.
"Wala na bang magagawa si Vincent tungkol doon?" maging si Jhaniz ay nalungkot rin dahil sa nabalitaan. Umiling lang si Toni bilang sagot dito
"Kung ako sayo pipiliin ko nalang pakasalan si Kenji kesa kay Vincent na kahit kelan hindi naman naging seryoso sa buhay" suggestion ni Jhaniz. Napabuntong hininga nalang si Toni dahil kahit si Vincent o si Kenji man yan ay wala talaga siyang balak mag pakasal. Bata pa siya at ayaw niyang masayang ang buhay niya kakasunod sa sinasabi ng tatay niya.
"It doesn't really matter right now. Kaya ngayon gagawin ko na ang lahat para galitin siya" hindi maitago ni Toni ang galit sa boses niya para sa ama niya dahil simula bata pa lang siya ito na ang may kontrol sa buhay niya. Simula nang malaman niya kung saang organization silang kasama parang nawalan na siya ng karapatan sa sariling buhay niya kaya ngayon kung hindi talaga niya maiiwasan ang mga bagay na ayaw niya, sa maikling oras na 'to bago mangyari ang malaking pag babago sa buhay niya, gagawin na niya ang gusto niya.
--
Lea's POV
"Pano ka nakapasok dito?" gulat na tanong ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Ngayon ko lang napansin na naka hospital gown din ito. Ibig sabihin pasyente rin ito pero bakit nga ito nakapasok sa kwarto ni Sir Vincent?
Bumuntong hininga ang lalaki at pumunta sa table na malapit sa higaan ni Sir Vincent. Kinuha nito ang telephone na nakalagay doon at may tinawagan.
"Celline, Why do you have an outsider here in Vincent's room?" malamig na sabi nito sa kabilang linya. "A student?" kumunot ang noo nito nang sabihin iyon at tumingin pa sakin. "Tsk alright" pasuko nito sa kausap. Bumuntong hininga ito at binaba ang telepono bago tumingin sakin.
"So your name is Lea?" he ask me with a low voice. He lean against the table and cross his arms.
"Yes" I answered. Siguro ay pinakilala ako ni Celline dito kanina nung tumawag ito sa babaeng doctor. Muli ko itong tinignan, doon ko lang napansin na may mga onting pasa rin ito sa mukha at sa braso. Sigurado akong marami rin itong sugat at pasa sa katawan nito gaya lang rin ni Sir Vincent.
"I'm Kenji Bustalinio. I'm Vincent's friend" malamig parin ang boses nito ngunit kapag tumitingin ito kay Sir Vincent, makikita mong nag aalala ito.
"Hmm nag- nag away ba kayo?" inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para sabihin iyon sa kanya. Kung nag away sila malamang ay natalo si sir Vincent dito dahil nakakatayo pa ito ng maayos hindi tulad ni sir Vincent na kailangan talagang dalhin sa hospital.
"Yes, because there is someone he failed to watch. I bet you also know her" malamig lang siyang nakatingin sakin habang nag sasalita. I'm starting to feel uneasy towards him kagaya nung una kong nakita si sir Vincent na kapag nasa harap ko siya hindi ako makangiti, na gusto ko agad lumayo kahit makita ko man lang siya sa malayo.
"Toni" sambit ko sa pangalan ng babaeng tinangkang mag pakamatay kanina.
"Yes, Lea, we really need to keep our eyes on her but Vincent over here, choose to turn his eyes on you" he looked at me with his cold eyes. This uneasy feeling will never stop as long as I'm looking at those eyes pero nag kamali parin ako doon dahil kahit na umuko ako para iwasan ang tingin niya, hindi parin ako mapakali. I want to walk away from him at pumunta kung saan hindi ko na mararamdaman yung presensya niya.
Sir Vincent choose to turn his eyes on me. Hindi ba nito alam na suicidal si Toni? hindi talaga natin masusukat ang lakas ng tao base sa panglabas na itsura lang nito. She's gorgeous, She's the daughter of the owner of the school, I bet hindi lang ang school business nila, She got sir Vincent and Kenji beside her na kayang mag away kapag napahamak siya. Why is she thinking of ending her life?
"I don't know how long Vincent plans to stay with you but one thing is for sure, he will leave you and his eyes will again fixed on someone else" kahit na ngumiti ito sakin ng bahagya nanatili paring malamig ang mga tingin nito. Ayokong paniwalaan ang mga sinasabi nito lalo na nung sinabi niyang aalis ito para sa iba. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit pa nito gustong mapalapit sakin kung aalis rin naman pala ito.
"Don't think too much, Lea, hindi ka naman talaga dapat kasali sa problema ni Vincent eh" napatingin ako dito nang sabihin niya iyon. This man gives me a lot to think about. Ano ba talagang ginawa ko at bakit una palang lumapit na sakin si sir Vincent.
"Dapat una palang hindi mo pinakita na mahina ka" bumuntong hininga ito bago mag patuloy sa pag sasalita "Try to guess why Toni wants to end her life. You should know because in the first place it was you who wants to stop from living" para akong nabato sa huling sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong isipin.
"Sabi ni Celline mag pahinga ka daw. Everything will be back to normal tomorrow" malamig na sabi nito at lumabas na ng kwarto.
How can he say that after telling me the things that I can't answer. How can I forget that night when a stranger thought I was going to end my life. Its him, he is that stranger. Itong gabi na 'to kahit na sobrang pagod ko buong araw hindi parin ako makatulog. I feel like everyone is hiding something from me. Hindi ako sanay na wala akong alam sa mga bagay bagay but what can I do? I can't even trust myself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top