CHAPTER 11

Chapter 11

//

Ilang araw na ang nag daan at naghahanda na ang lahat para sa gaganaping Farewell Party na gaganapin sa loob ng gymnasium. Ang lahat ay nag bihis sa kani-kanilang magagarbong damit. Ito na ang huling taon nila sa high school kaya hindi matago ang saya sa bawat studyante.

"Lourdes, Anong susuotin mo?" masiglang sabi ni Ella na kakatapos lang sa pag aayos ng ang buhok at make up. "Oh bakit hindi ka pa nag aayos? Anong oras na" gulat na tanong ni Ella sa nakahiga pang si Lourdes. Nakatingin lang ito sa kisame at malalim ang iniisip.

"Lourdes" muli pang tawag ni Ella pero hindi parin siya binigyang pansin ni Lourdes kaya lumapit na siya dito. Kumuha siya ng unan at binato ito kay Lourdes. Doon na niya nakuha ang tingin ng dalaga.

"Mamaya pa ako kikilos" malamig na sabi ni Lourdes halatang wala parin sa sarili.

"Kanina mo pa pala ako naririnig hindi ka man lang nag sasalita" nakangusong sabi ni Ella. Bahagyang ngumiti si Lourdes at bumangon sa kama. Hindi niya alam pero natatawa talaga siya kapag nag aasal bata si Ella.

"Mag papalate ako" mas lalong napasimangot si Ella dahil sa sinabi niya. 

"At bakit naman?" nag tataray na sabi ni Ella. Masama pa ang tingin nito kay Lourdes "Lagi tayong sabay kapag may party tapos ngayon hihiwalay ka" dagdag pa nito

"Marami lang akong iniisip" malumanay na sabi niya. Yung galit na mukha ni Ella napalitan ng pag aalala. Bumuntong hininga ito at umupo siya sa kama katabi ni Lourdes.

"You can talk to me, Lourdie. Simula nung pumunta ka mag isa sa likod ng school naging tahimik ka na" nag aalalang sabi ni Ella sa kaibigan. Ngumiti lang si Lourdes sa kanya.

"Mag bihis ka na baka malate ka pa" nakangiti niyang sabi kay Ella. Tinignan siya ni Ella na ayaw pang umalis nang hindi siya kasama. Hindi rin alam ni Ella kung bakit kailangan pang iwasan ang topic na iyon ng kaibigan. Eh simula bata palang sila sa kanya na ito nag sasabi ng kung ano mang naiisip nito kahit maliliit na detalye pero ngayon hindi ito nag salita.

"Pumunta ka" iyon nalang ang nasabi niya, pag tapos ng ilang segundong tinignan si Lourdes. Mukhang hindi talaga mag sasalita ang kaibigan kaya aantayin niya nalang ito magkwento sa kanya.

"Pupunta ako" sabi ni Lourdes sa nag aalalang kaibigan.



"Ella, Where's Lourdes?" maarteng tanong ni Zyra. Isa sa mga kaibigan nila at classmate. Tapos na kasi lahat ng program at ayos na kahit anong gawin. Lagi kang kumakanta si Lourdes pag katapos ng program kapag may party at minsan may mga kalokohan pang itong naiisip.

"Yeah. This party is hella boring without her" dagdag pa ni Genzy. Si Ella naman ay walang masagot. Kanina pa maraming nag tatanong kung nasan si Lourdes kahit ang mga kabanda niya ay hinahanap ito sakanya. 

Kanina pa siya tawag nang tawag dito pero wala namang sumasagot sa kabilang linya. Marami narin ang gustong umuwi. Ang sabi nito ay pupunta siya pero hanggang ngayon ay wala pa ito.

"Ella, Hi" napaangat siya ng tingin sa bumati sa kanya

"Toni" naging masaya agad ang boses niya nang makita ang dalagang nakatayo sa harap niya. Simple lang suot nitong red dress pero angat  na angat parin ang ganda nito sa lahat kahit na ang karamihan ay naka long gown.

"Mukhang mag isa ka ah" hindi mapigilang mamangha sa ganda ng boses nito, she had a soft, almost musical voice. Nakangiti pa ito sa kanya. She really look like a Goddess. Sasagutin na sana niya ito nang may bigla silang narinig na strum ng gitara.

You say "let me try you on"
And so I let you try me on
That's the moment that we fell in deep

Naagaw nito ang lahat ng atensyon. Ang lahat ay nakatingin sa babaeng kumakanta sa stage. Kasama nito ang gitara nito. 

Oh baby, I said "just a little bit"
Then I got a taste of it
Now you got me falling at your feet

Ilang minuto rin bago nag pumasok sa isip nila na si Lourdes yung kumakanta. Seryoso ito ngayon bagay na bago sa lahat. Kaya imbis na hiyawan ang nangyari natahimik ang lahat.

And now we're cryin' and lovin'
And now we're fightin' and touchin'
Feels like I'm making love to the enemy

"Toni" sabi ng bagong dating na babae na tumabi sa kanya. Hindi naman ito pinansin ni Toni kahit narinig niya ito. Hindi niya inalis ang mga tingin niya sa babaeng kumakanta sa entablado

"Alam ko yang mga tingin na yan" bulong nito sa kanya. Napangisi siya dahil sa sinabi nito "Hanggang dito ba naman babae parin hanap mo" dagdag na bulong nito sa kanya

I can only take you in small doses, small doses
Loving you, it's explosive, you know this

"Shut up, Ashley" nakangisi niyang saway sa kaibigan. Nakatingin parin siya kay Lourdes, ni isang segundo ay hindi niya iniwas ang tingin dito habang kumakanta ito.

I can only take you in small doses, small doses
Loving you, it's explosive, you know this
I can only take you in small doses

"Alam naman nating hindi ka talaga tomboy eh. You should stop dating girls, Toni" natatawang sabi ng kaibigan sa kanya. Mas lalo siyang napangisi doon at pinagmasdan si Lourdes mula sa malayo

"I will definitely stop dating girls from now on" 

--

Lea's POV

"Miss?" napaangat ako ng tingin nung may taong pumunta sa harap ko. Nang makita kong iyon ang doctor na nanggamot kay Sir Vincent ay agad akong napatayo

"I'm Celline Nabelan, personal doctor ako ng family nila Vincent. Thank you dahil dinala mo siya dito" nakangiting sabi nito at saka nilahad ang kamay niya sakin. Bahagya rin akong ngumiti sa kanya at tinanggap ang pakikipag kamay niya.

"Lea" maikling pakilala ko dito

 "Nice to meet you, Lea" nakangiti parin ito pero bakit pakiramdam ko ayaw nito sakin. "Pwede ka ng pumunta sa kwarto ni Vincent pero wala parin siyang malay ngayon." dagdag nito. Pakiramdaman ko ayaw niya sakin pero pinapapunta pa ako neto sa kwarto ni Sir Vincent. Nauna na siyang mag lakad kaya naman sinundan ko na ito. Gusto ko mag tanong sa kanya pero hindi ako komportableng kausap ito

"Magigising rin siya 1-2 days siguro. Sobrang nabugbong lang ang katawan niya kaya kailangan niyang mag pahinga" sabi nito saakin. Salamat narin dahil sinabi nito iyon sakin kahit na hindi ako nag tatanong. Tinignan ko ang likod ng doctora. Bakit hindi ito nagulat sa kalagayan ni Sir Vincent? parang normal lang sa kanya na makitang ganoon ang lalaki.

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ng kwarto ni Sir Vincent. Binuksan niya ito para sakin. Nakita ko agad si Sir Vincent na mahimbing na natutulog sa kama neto. Nasa isang VIP room ito kaya malaki ang space at may sarili itong sala at tv.

"Gabi na kaya dito ka na matulog. Malaki naman yung couch. Dadalhan nalang kita ng unan at kumot. Kung gusto mo mag palit ng damit pwede mong gamitin yung t-shirt ni Vincent dyan. Sigurado akong ayos lang sa kanya yan" nakangiting sabi niya saakin. Nagulat naman ako dahil hindi lang si Sir Vincent ang inaalagaan niya pati ako rin.

"Nurse Steph" rinig ko pang tawag niya sa isang nurse

"Yes Doc?" sagot nito

"Bumili ka ng makakain ni Ma'am Lea mo" utos nito sa nurse. Bumaling ito sakin "May gusto ka bang kainin?" tanong nito sakin. Hindi ako makapag salita sa gulat kaya umiling nalang ako. Nagulat rin ang nurse nang makita ako. Ito yung nurse na basta nalang kami iniwan kanina

"D-Doc" gulat na sabi ng nurse

"Ibili mo nalang siya ng katulad ng binibili ko. Alam kong tapos na ang duty mo ngayon pero salamat dahil ibibili mo parin siya, Nurse Steph" nakangiting sabi nito sa Nurse. 

"O-Opo" sabi nito at tinanggap na ang perang inabot ng Doctora. Napatingin ako dito. Hindi niya binigyan ng pag kakataon yung nurse para tumanggi pero alam kong hindi lang 'yon, may kakaiba sa boses nito na hindi mo kayang tumanggi.

"Antayin mo nalang siya dito, Lea, kukunin ko lang yung unan at kumot" hindi parin nawawala ang ngiti nito. Magkabaliktaran talaga ang nararamdaman ko dito sa kinikilos niya. Namalayan ko nalang na siya harap ko kaya pumasok na ako sa kwarto ni sir Vincent.

Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko ang kalagayan ni sir Vincent. Buong katawan nito ay may benda at may iilan pang sugat sa mukha. Nakakapagtaka talaga kung anong nangyari dito. Ang lalaki ng mga pasang natamo nito.

Hindi naman nag tagal ay nag balik na si Doctora Celline na may dalang unan at kumot. Saglit niyang tinignan ang kalagayan ni sir Vincent at nag paalam na. Kahit mabait ang pakikitungo sakin nito hindi ko parin maiwasang isipin na ayaw nito sakin. 

Kakaiba naman yung mga taong malalapit kay sir Vincent. Si Toni sasabihin niya talaga kung anong nasa isip niya at kung anong tingin niya sayo pero ramdam mong hindi naman talaga iyon ang gusto niyang gawin sayo. Si Celline naman ay laging nakangiti at ang bait pero hindi parin mawawala yung pakiramdam na ayaw niya sayo.

Ilang saglit pa ay nakarinig ulit ako ng isang katok sa pintuan. Tumayo ako at pinag buksan iyon. Bumungad sakin si Nurse Steph na may dalang pag kain para sakin. Nakayuko ito habang binibigay sakin yung pag kain.

"Sorry po, Ma'am Lea" sabi nito sakin na parang iiyak na. "Hindi ko po sinasadyang umalis nalang bigla kanina" dagdag pa nito. 

"Wag mo nalang ulit iyon gawin sa iba" sabi ko dito at bumuntong hininga "Salamat dito. Umuwi ka na kanina pa tapos ang duty mo" malumanay na sabi ko dito. Buti nalang at nasa mabuting kalagayan na si sir Vincent.

"Opo salamat" sabi nito at umalis na. Nang mawala na ito sa paningin ko bumalik na ulit ako sa kwarto ni sir Vincent pero pag lingon ko ay agad akong napaatras dahil may isang lalaki na sobrang lapit sakin at ang sama pa ng tingin sakin.

"Who the hell are you?" tanong nito sakin. Ang lalim ng boses nito. Tinignan ko ang lalaking nakatayo sa harap ko halos mag kasingtangkad lang sila ni sir Vincent at mag kasing katawan. Ilang segundo ko ring tinignan ang mukha niya dahil mukha itong pamilyar. Nagulat ako nung maalala ko kung saan ko ito nakita. Kaninang umaga sa loob ng office ni sir Vincent. Ito yung lalaking nakita ko doon.

"I'm asking you" halatang naiinip na ito dahil sa tagal ng titig ko sakanya pero isang tanong lang ang pumapasok sa isip ko.

"Pano ka nakapasok dito?" 



--


Fan fact lang kaya ko pinili yung small doses na kantahin ni Lourdes ay dahil iyon ang pinapatugtog ko habang ginagawa yung part na yun hahaha


Enjoy!! malapit na matapos yung ecq 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top