CHAPTER 10
Chapter 10
//
Sa unang pag kakataon, humarap ang babae sa kanya at sa hindi inaasahang pangyayari nahulog ng babae ang pocket knife niya kasunod noon ang pagpatak ng dugo nito sa lupa. Agad na nataranta si Lourdes dahil sa nakita. Medyo malaki ang hiwa na nagawa ng kutsilyo sa palad nito.
Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at nilapitan ang babaeng nakatingin lang sa kanya kahit na patuloy parin sa pag dugo ang palad nito. Huminga siya ng malalim at kunuha ang kamay nito.
"Your hand is bleeding" sabi ni Lourdes habang siya na mismo ang nag tali sa sugat ng babae.
"I know" kunot noong napatingin si Lourdes sa babae dahil sa sagot nito. Nakangisi parin ito kagaya ng kanina at hindi man lang naabala sa sugat nito. Para bang hindi ito nasaktan kahit na malaki ang naging hiwa nito sa kamay.
Pag tapos niyang lagyan ng panyo ang sugat nito, pabagsak siyang umupo sa tabi nito at masamang tinignan ang babae. Nakatingin ito sa kamay niyang nilagyan ng panyo at saka tumingin kay Lourdes na galit na nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala si Lourdes na para lang itong walang pakielam kahit medyo malalim ang hiwa sa palad nito.
"What? Don't look at me like that. I know the consequences when you play with a knife" she said meaningfully while looking at Lourdes. Hindi parin nawalala ang ngisi nito sa labi. Napabuntong hininga nalang si Lourdes at umiling. Pinulot niya ang pocket knife na nahulog ng babae at pinunasan ang dugo doon gamit ang laylayan ng kanyang palda saka niya iyon tinupi.
"Sa susunod kung gagawin mo ulit yang laruan mag-ingat ka na at baka makasakit ka pa ng iba" seryosong sabi ni Lourdes sa babae. Kinuha niya ang kaliwang kamay nito at saka inilagay doon ang patalim.
"Lourdes" sabay silang napatingin ng babae dahil sa babaeng papalapit sa direksyon nila
"Ella" banggit ni Lourdes nang makita niya si Ella na papalapit sa kanila. Tumayo siya para salubungin si Ella na kararating lang.
"Sabi ko na nandito ka nanaman eh." masigla ang pag kakasabi nito habang nag lalakad ito papalapit sa kanya "Hinahanap ka ni Sir kanina--" napahinto ito nang mapansin ang babaeng natayo sa likod niya.
"OMG may bago kang kaibigan, Lourdie?" makikita ang pag niningning ng mata ni Ella habang nakatingin doon sa babae. Hindi nag karoon ng pag kakataon si Lourdes na sagutin si Ella dahil lumapit na ito sa babae at namamanghang tinignan ulo hanggang paa.
"Ngayon lang kita nakita dito. Are you a Goddess of the forest?" seryosong sabi ni Ella. Nanliliit pa ang mga mata nito habang tinititigang mabuti ang babae. Hindi naman sumagot ang babae at sinusundan lang ng tingin si Ella.
"Ang sama mo, Lourdes hindi mo sinabi sakin may dyosa ka palang kaibigan dito sa gubat kaya lagi kang nandito" agad na nag iba ang expression ng mukha ni Ella nung bumaling ito sa kanya. Napailing nalang siya sa ugali ng kaibigan.
"Ikaw lang yung dyosa kong kaibigan kaya wala akong dapat sabihin sayo" napailing si Lourdes pag katapos sabihin iyon. Hindi niya madalas pinupuri si Ella pero ngayon hindi niya alam kung bakit naisipan niya.
"Wow Lourdie, nakita mo lang siya naging sweet ka bigla" napaatras ng bahagya si Lourdes nang biglang lumapit ang mukha ni Ella sa kanya. Malaki ang ngiti nito habang hinuhuli ang mga mata niya. Minsan lang talaga siya mag bigay ng papuri kaya big deal ito para kay Ella.
"Sinabi mo talaga yun?" hinawakan na ni Ella ang mag kabilang balikat ni Lourdes kaya wala ng nagawa si Lourdes at tinignan pabalik si Ella. Ngumiti siya dito at mahinang nilayo ang mukha ni Ella sa kanya.
"Ehem... I'm Toni" agaw ng babae sa pansin nilang dalawa. Wala na ang malokong ngisi nito napalitan iyon ng ngiti. "And I'm not a Goddess" she said and laughed softly. Agad na lumapit ulit si Ella sa babaeng nag pakilala. Si Lourdes ay nag mamanghang nakatingin lang sa dalaga.
Sa isang iglap nag bago ito. Naging babaeng babae ito. The way she put the strands of her hair at the back of her ears and smile sweetly to Ella, it is a perfect balance of charm and elegance. Hindi makabasag pinggan. Nawala ng parang bula yung babaeng nakita niya kanina, yung dalagang nasugatan dahil sa paglalaro ng patalim kanina.
"Yah I love your name. The girl over there is Lourdes..." rinig niyang pakilala ni Ella sa kanya. Nahuli niyang ngumiti sa kanya si Toni ngunit mashado siyang wala sarili para ngumiti pabalik dito. "... And I'm Ella" nakangiting pakilala ni Ella sa kanya at nilahad nito ang kanang kamay niya. Binalik ni Toni ang tingin niya kay Ella at tinanggap ang pakikipag kamay nito.
Hindi namalayan ni Toni na ang nailahad niya palang kamay kay Ella ay iyong nasugatan. Huli na nang namalayan niya dahil nakaramdam na lang siya ng kirot nang mapisil ito ni Ella. Mabuti na lang at hindi nag tagal iyon dahil agad na tinanggal ni Lourdes ang kamay ni Ella na nakahawak sa kamay ni Toni.
"Baket?" nag tatakang tanong ni Ella dahil sa kinilos ni Lourdes. Pero hindi ito pinakinggan ni Lourdes nakatingin lang ito sa kamay ni Toni na patuloy na nag dudugo.
"OMG Toni may sugat ka pala. Hindi ko sinasadya" kinakabahang sabi ni Ella pero maging si Toni ay hindi makapag salita sa gulat. Bumuntong hininga si Lourdes at kunot noong tinignan si Toni.
"Hindi ka talaga nag iingat"
--
Lea's POV
Hindi ko na ala kung anong mararamdaman ko pero lamang sakin ang kaba dahil sa mga sugat at pasa ni Sir Vincent. Binugbog siya at hindi siya lumaban. Para itong pinarusahan dahil sa nangyari kay Toni. Kahit na anong pilit ko sabihin sa sarili ko na hindi ganon iyon dahil hindi naman ito Empire na nag bibigay ng ganoong klaseng parusa. Hindi naman kasi mukhang mahina si Sir Vincent pero bakit puno ito ng pasa katawan.
Agad akong lumabas sa sasakyan nang marating na namin ang pinakamalapit na hospital. Binuksan ang ang pintuan ng passenger seat at inalalayan siyang tumayo. Hindi na niya halos kaya pa mag lakad kaya tinulungan ko siya.
Tumawag agad ako ng nurse nang makapasok na kami sa hospital. Nagdala sila ng wheelchair para mapadali ang pag dadala kay Sir Vincent. Pinaupo muna kami ng nurse sa waiting area.
"Ma'am pa hintay nalang po si doc may kausap pa po siya" sabi ng nurse samin. Aalis na dapat siya pero pinigilan ko ito
"Wala na bang iba? Malalaki ang pasa niya sa katawan baka ano nang nangyayari" pakiusap ko doon sa nurse na paalis na.
"Nurse Steph, Kailangan ka sa VIP room" tawag ng nurse na isa na nag mamadali rin. Hindi ko na nga napigilan pa ang nurse at tumakbo na ito. Agad akong nagalit dahil doon. May VIP patient kaya parang tuliro ang lahat ng nandito sa hospital. Nag desisyon agad akong lumipat ng ibang hospital pero sa kalagayan ng Sir Vincent ngayon kailangan na agad niya ng gamot. Tinakbo ang hospital receptionist dahil mawawalan na ng malay si Sir Vincent.
"Miss wala pa bang available na doctor o kung sino man pwedeng tumingin sa kasama ko?" tanong ko dito.
"Maya maya po may available na. Pafill up nalang po muna ng form" malakas akong napabuntong hininga dahil sa sinabi nito. Wala akong nagawa at tinanggap ko nalang ang form at ballpen na binigay nito sakin. Sinulat ko ang pangalan ni Sir Vincent at doon na ako nahinto dahil wala naman akong alam sa kanya. Sasagutan ko nalang dapat ang ibang bahagi nang may biglang kumuha ng form na sinasagutan ko.
"Vincent Fortunato?" magagalit sana ako pero nakita kong doctor iyon.
"Yes, Doc" sabi ko habang tumatango tango pa
"What happen to him? Where is he?" nag taka ako dahil may pag aalala sa boses nito. Hindi ko na nagawa itong sagutin dahil siya na mismo pumunta sa waiting area para hanapin si Sir Vincent. Nagulat nalang ako dahil tulak tulak na niya ang wheelchair ni Sir.
"Doctora Celline, yung VIP po" kinabahan ako dahil may pumigil nanaman na nurse.
"Prepare a room. This man is also a VIP" seryosong sabi ng Doctor at patuloy lang sa pag lalakad. Ako naman ay hindi na patulala lang sa kinatatayuan ko. Parang personal na kilala siya ng doctora na iyon at alam niya agad ang gagawin niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina pa ako naguguluhan.
Pumunta ako sa waiting area at doon umupo. Ang bilis ng mga pangyayari ngayong araw. Ang bilis ring nagbabago ang lahat. Parang wala na akong kilala sa kanilang lahat. Lalo na si Ella at Lourdes. Akala ko wala akong pakielam sa kanila kaya hindi ako nag tatanong kahit na may napapansin ako. Hindi ko talaga plano na makielam sa buhay nila dahil hindi ko rin inaasahan na mangyayari ito. Yung mga bagay na nag papaalala sakin ng Empire napunta na dito.
Simula nung dumating si Sir Vincent sa buhay ko lahat ng binago ko sa ugali ko lahat yun bumabalik kapag kasama ko siya. Bumalik yung interest ko sa mga bagay bagay. Yung pag ka curious ko at yung kagustuhan kong malaman ang lahat kahit na wala itong kinalaman sakin. He makes me want to trust myself again. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob na kilalanin ang isang tao.
Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga malalaman ko.
---
Enjoyy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top