CHAPTER 1
Lea's POV
Playing the piano is my new hobby. Whenever I listen to its music I feel like I can escape in everything. I feel like I'm free from pain.
I'm so happy with my freedom right now. I can do whatever the hell I want without pleasing everyone. A small curve draw in my lips. Contented in what I am right now.
Someone tapped my back, making me go back to my senses. I stop playing the piano and look at the person behind me.
"Tapos na practice namin, Lea. Lets go home?" sabi iyon ni Lourdes ng nakangiti saakin. For a moment, I really admire her confidence. Bagay na wala ako. Bago pa ako makasagot kay Lourdes ay may biglang tumakbo sa aming pagitan at mabilis na humawak sakin
"My ghad, I finally get rid of those hungry dogs" maarteng sabi nito at maarteng pinunasan ang mga butil ng pawis sa noo niya.
"Ella, tiginan mo na kasi yang panlalalaki mo" natatawang sabi ni Lourdes
"Duh di yun panlalalaki, Lourdes. Sweet ako sa lahat. Sila tong nag bibigay ng malisya" depensa pa nito sa sarili niya. Umiling nalang ako at sinarado na ang grand piano sa harap ko. Tumayo na ako at pumunta sa upuan kung naasan ang mga gamit ko.
"Leaaaa protect me please. They might bite me" pag papacute pa nito sakin at sumabit pa sa braso ko. Nag kibit balikat nalang ako
"Talk to me, Lea. Wag mo hayaang panisan ka ng laway" her voice is sweet and adorable. Boses na ginagamit niya para makuha ang gusto niya.
"Stop it, Ella. Kukulitin mo nanaman si Lea eh" pag aawat nito kay Ella habang sinusukbit sa balikat niya ang gitara niya. Kinuha ko narin ang bag ko at inilagay iyon sa likod ko habang si Ella ay nakakapit parin sa braso ko.
Binuksan na ni Lourdes ang pinto ng music room. At lumabas na kami doon.
"What the?! Nandito parin kayo?" inis na sabi ni Ella sa mga lalaking nag hihintay sa kanya sa labas ng music room. Kahit na nag tataray si Ella ay nahuhugis puso parin ang mata nila kapag nakikita nila eto.
"Ella mahal--" my stare stop the guy from stepping.
"I'm with Lea Lastemonte, so back off" mayabang na sabi ni Ella sa lahat. Umuko ang ilan at nag bigay ng daan para saaming tatlo. Ang iba naman ay naiinis na umalis.
I don't know why my name is like a bomb that when you drop everyone will avoid and run. I can't understand that part. Eh ang ginawa ko lang naman ay pumasok dito araw araw. I'm not even rich like them. I work part time in a coffee shop doon ko kinukuha lahat ng pang gastos ko. Sometimes Ella and Lourdes treats me food. At kapag kulang ang pasahod sa coffee shop na iyon ay titingin pa ako kung saan ang pwede ko pang pasukan.
Nag aaral ako sa isang semi-private na paaralan. Nag apply ako sa isang scholarship para mas mapadali ang pag aaral ko. Kahit na malaki ang school na to, hindi ito gaano kasikat mas makakabuti iyon para sakin
"Your name is really effective" sabi ni Ella at tumawa. Ella Mae Subang is considered as the Campus Queen. Maarte at sobra ang confidence sa katawan. Kahit ano ata ang gawin niya ay tama sa mga mata ng admirers niya. She is sweet, actually that she can manipulate a person with her voice only. Lalo pa kapag ginamitan niya ito ng maamo niyang mukha.
"Stop using Lea's name, witch" mataray na sabi ni Lourdes. Unlike Ella. Ma. Lourdes Matias is the rock goddess. She is not sweet at all but cares so much for Ella kahit na hindi naman niya iyon pinapakita. Ang alam ko ay high school pa lamang ay mag kaibigan na sila. Going back on what she is doing with her life now, I just notice that she is the life of the party. No Lourdes, No happy party.
And here I am. Biglaang nilapitan lang ni Ella at mag damag akong ginambala. Noong una ayoko sa kanila. They attract too much attention na pinaka ayoko sa lahat. Pero napag isip isip ko ring kailangan ko ng tao na kahit hindi mapag kakatiwalaan ay pwede ko namang magamit. At sa tingin ko mas maganda ang ganitong paraan dahil hindi naman nila iisip na pasisikatin ko ang pangalan ko kung ayaw kong mag pakita sa kanila.
Evil, isn't it?. I just need to survive that's all. Hindi ko rin naman iniisip na pinag kakatiwalaan nila ako. They can always lie to me. Or maybe they are pretending. Kunwari mabait pero sinasaksak ka na pala sa likod. I don't want to get hurt in that kind of person again kaya kahit anong mangyari... Trust no one.
Habang nag lalakad kami sa school grounds ay maraming nakatingin samin. Mostly kay Ella na ngayon ay ngiti ngiti sa kahit na sinong lalaki na madadaan. Lourdes is the kind of person you don't wanna fight with. Her attitude reminds me of...
"Lea sasabay ka samin?" tanong sakin ni Lourdes. Hindi naman imposibleng isa siya sa mga taong gusto kong takbuhan pero ang ugali rin niyang yan ang dahilan kung bakit walang nakakagalaw sakin dito
"Hindi na. May part time pa ako" sagot ko dito. Sinabit ulit ni Ella ang kanyang braso sakin
"Hahatid ka na namin" malambing na sabi nito. Umiling nalang ako.
"Ugh I hate you both. Kayo nakakapag usap. Pag sakin para na kayong pipe" naasar na sabi ni Ella. Ngumisi ng bahagya si Lourdes. Ako naman ay umiling nalang ulit. Kung ibang tao ang mag iinarte ay siguradong maiinis ako. Siguradong ganon rin ang komento ni Lourdes.
Gaya ng gusto ko mag isa lang akong pumasok sa part time job ko. Nakakapagod ngumiti kapag may nag oorder.
One thing that is different between me and Lourdes is that she can only give her smile to us and she's cold to others but me I can smile to others making them think that I like them yet in these two all I can do is to speak in my actions and I think they are fine with it.
"Two coffee, please" nakangiti akong bumaling sa lalaking nag order. Gusto kong bawiin yung ngiting binigay ko dito pero tingin ko ay huli na para doon. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis ng makita ko ang seryosong mukha niya at marinig ang malalim na boses niya.
Wala akong naisagot sa kanya at agad nalang na ginawa ang order niya.
"Here's your order, sir" halos di ko na marinig yung boses ko nung sabihin ko yun. Nakita ko pa ang saglit na pag tataas niya ng kilay bago kunin ang inorder niya at pumunta sa kinauupuan niya. May kasama siyang babae at hindi lang basta babae. Nag aaral ito sa paaralang kasalukuyan akong pumapasok. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko
Hindi ko alam na may ganyan pala kagandang babae sa school. Medyo matagal narin naman ako doon pero ni minsan di ko pa siya nakikita. Umiwas nalang ako ng tingin at hindi na inisip ang iritasyong naramdaman ko sa lalaki
Pero hindi ko naman maiwasang sumulyap sa kanya. Seryoso parin siyang nakikipag usap sa babaeng kasama nito habang yung babae naman ay masayang nakikipag usap sa kanya.
"Hmm miss?" Bumalik ako sa wisyo ko nang tinawag ako ng isang customer. Agad akong ngumiti ulit at kinuha na yung order nito.
Malapit ng matapos ang oras ng trabaho ko ng bigla kong nakitang papasok sila Ella at Lourdes. Agad na nawala ang ngiti ko labi. I don't like smiling in the front of them. Nakangusong lumapit agad si Ella sa counter kung nasan siya kasunod si Lourdes
"What the f is that, Lea? Did your smile automatically disappear just by seeing me?" Nakataas ang kilay nito habang tinuturo pa ang sarili na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.
Bumuntong hininga nalang ako at tinignan nalang si Lourdes
"What's your order?" Tanong ko kay Lourdes mas maganda siyang kausap kesa kay Ella. Rinig niya pa ang marahas na pang singhap ni Ella dahil hindi siya napansin. Marami ng pumapasin sa kanya. She doesn't need my attention. Ngayon palang ang dami ng nakatingin sa kanyang ibang costumers
"I'll take what she'll take" simpleng sabi niya kaya bumaling ako kay Ella na nakakunot ang noo ngayon.
"You know I hate coffee. Kaya hindi ko alam kung anong masarap dyan" sabi ni Ella sa parang walang sariling si Lourdes
"Anything will do" sagot niya kay Ella habang sinusuri ang paligid
"Ghad pag iisipin pa ako. Ikaw na nga lang nag papasama dito. Namiss mo ba agad si Lea? Nag mamadali ka pang pumunta dito eh" pag kwekwento pa ni Ella. Maski ako ay nag tataka kung bakit sila napunta dito eh parehas silang walang hilig sa kape
"Shut up and just order anything" nakasimangot na sabi nito at halatang naiirita na. Mahaba ang pasensya niya kay Ella pero iba ata ngayong gabi
"Ako na nga tong hinila palabas ng bahay kahit gabi na para lang makapunta dito, ako pa yung na shut up" huling sabi ni Ella. inikot ang mga mata nito bago humarap sakin at pumili ng iinumin nila.
Ella and Lourdes are my last costumers. Onti onti naring nag sisiwalaan ang mga tao dahil pagabi narin.
Hinatid ko na ang order nila. Sinubukan kong hindi tumingin doon sa lalaking kanina na hindi ko alam kung bat naiinis ako. Nandito parin silang dalawa. Nakakapag taka tuloy kung ano bang pinag uusapan nilang dalawa at mag hihigit tatlong oras na sila dito. Aalisin ko na sana ang tingin ko sa kanila ng mahagip ng mata ko ang babaeng kasama neto.
Nakatitig lamang ito. Noong una ang akala ko kay saakin ito nakatingin pero nang sundan ko ang tingin niya, tinuturo noon si Lourdes na nakatulala lang sa kape niya.
I can see sadness in the girls eyes. Noong umiwas na ito ng tingin nakita ko pa ang medyo basang mata ng babae. Kumunot ang noo ko at tinignan si Lourdes na tahimik lang. Bakit?
Finally. Perfect fakers!
Sana suportahan niyo rin to kagaya ng first book ko. Salamat po sa lahat
Happy reading 💓
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top