EPILOGUE
Ibinaba ko ang mga bag ko sa harapan ng gate ng bahay na matagal ko nang hindi nakikita. Sa loob ng ilang taong walang nanirahan dito, nagmumukha na tuloy itong Haunted house.
Wala akong ibang mapuntahan kung hindi rito lang din sa bahay na ito. Hindi baleng hindi akin ang lugar na ito, may karapatan pa rin akong manirahan sa bahay ni Alastair dahil pareho kaming nananatili rito noon. And this house was the only home I would like to go back into. I heaved out a hevy breath and entered the empty house. Hindi naman ganoong karumi sa loob ng bahay.
Nagkalat pa rin ang mga hindi naibasurang mga papel sa sahig at walang inilipat lipat. Halatang walang pumunta rito simula noong umalis kami.
I cleaned the house like a sign of restarting and changing. I spent my normal days here, alone. Nakaririnig ako ng mga usapan ng mga tao sa paligid tungkol sa akin at tungkol sa kagagawan ko noon. At kasabwat ko pa talaga si Alastair. Tapos na 'yon, mas mabuting balewalahin ko na lang ang mga taong hindi marunong makalimot.
Tahimik akong naglalakad sa street na patungo sa bahay ni Alastair, dala ang mga binili kong grocery stock.
"Ate Jasryl?" A familiar voice called my name and it was the girl I met before. She grew up already.
"Hi, kumusta ka?" I asked, waving my hand. Mukhang patungo siya sa trabaho niya ngayon.
She smiled. "Doing good po! How about you?"
I nodded and continued to walk. "I'm doing good as well. Restarting."
"Take care po!"
Nang makalayo na siya ay nagpatuloy na ako hanggang sa mapansin ko ang napakapamilyar na babae. Halos mapatago pa ako nang hindi ko alam ang rason, sigurado akong nilimot niya naman na ako.
She has her own child now, with a new and good-looking man. They looked perfect together.
I tightened my grip to my bag. "Good for you, Hanna."
Habang nakangiti akong nakatitig kay Hanna, sa anak niya at sa asawa nitong masayang naglalakad sa street, biglang may tumapik sa balikat ko mula sa likuran.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa pagkabigla pero nang lingunin ko kung sino ito ay si Kuya Jensen lang pala.
Si Kuya Jensen?!
"K-Kuya?!" sigaw ko at pinisil ang sarili upang siguraduhin kung nananaginip ba ako.
But the older-looking Jensen I knew was the real one in front of me. Ito na siya? Mukhang siya pa rin 'yong disenteng tao na sa trabaho lang nakatutok.
"I've heard you're already released. I was about to visit you."
"P-Po? Pero paano niyo nalamang dito niyo ako bibisitahin?"
"Officer Serrano informed me."
Sir Yance, ikaw ba talaga ang trusted right hand ni Kuya sa lahat ng oras? Hanggang ngayon ba naman?
"Bakit bumalik ka pa sa lugar na ito?" tanong niya sa akin kaya napaisip na muna ako.
"Hindi ko po alam. Wala akong ibang mapupuntaham maliban dito. Coming back to the Estela's estate is a big no. At hindi ko makita ang sarili kong tumira kasama sila Tita Rosalie at maituring na anak nila."
I have my own life, matanda na ako para asahan ang sarili ko lang din. Kaya hindi na ako 'yong anak na magiging desperada sa pabor ng mga magulang ko. Hindi na ako 'yong batang papalitan ang pananaw ng parents ko dahil lang sa minamaiit nila ako.
Ako na 'yong taong kayang asahan 'yong sarili, ipagmalaki 'yong sarili sa kung kailan ko gusto, at ako na 'yong taong hindi magpapasakal sa pananaw ng iba sa akin. I could look at myself in my own way, as much as how I could depend on my own self too.
I heard how Kuya Jensen scoffed but he's not acting like the bossy, prideful and arrogant brother I grew up with. Kahit pinsan ko lang talaga si Kuya Jensen, lumaki kaming magkapatid.
Hindi madaling baguhin 'yon.
"'Yong mga magulang natin, hinahanap pa ba nila ako?"
Tumango siya. "At bakit hindi? Nabalitahan lang nilang nakalaya ka na, hinahanap ka na nila. But I didn't tell them where you are. I told them to just wait you to approach them on your own."
Ngumiti ako. "That's a good advise to them. Pero bakit mo ako hinahanap, Kuya?"
"Pareho nating naisipang magsarili at lumayo sa mga magulang natin," he stated before staring up in the sky. "I still want to become a successful man, without the help of Estela's respected name and legacy."
"Ganoon ka rin, hindi ba?"
"Haha, as if may puwesto rin akong umasa sa pamana at pangalan ng Estela kung ampon din ako." That was my joke but Kuya glared at me only.
He's really different toward me now! Kasalungat siya ng dating Jensen!
"Anyway, hindi ko balak na kuhanin ka. I'm here to see you and recruit you to apply."
Tinaasan ko ng kilay si Kuya para manigurado. "Apply saan?"
"I started my own business, the followed year after you're sentenced to jail. And I want you to apply for your own good as well," paliwanag niya sa akin. Ilang beses pa akong kumurap sa hindi ko pagkapaniwala.
"This time, sa trabaho mo na talaga?"
He mumbled and looked away shyly. "I hate repeating words, yes is a yes. Inaasahan kita bukas sa sasabihin kong address."
It was my blessing to work under Kuya Jensen's company. Inasahan kong mabilis na lumago ang business nito dahil sa naipon niyang pera at sa experiences niya. Pero hindi ko naisip na makapapasok na ako sa regular na trabaho at sa pangangalaga pa ng kapatid ko.
My days became normal as I lived in a house alone. I went to work daily, and lived with contentment.
Day-off ko ngayon ngunit wala akong ibang alam na gawin. Nakapaglinis na ako sa buong bahay, puno pa naman ang stock ko sa cupboard at fridge. 'Yong mga files and requirements ko sa trabaho, tapos na.
I really grew up, and I could be a type of a grown up person who would work hard and become busy on my own. I felt proud of myself.
Napabangon ako sa kama at napatitig sa mga saradong cabinet ng kuwarto ko. Kuwarto ito ni Alastair dati, ginamit ko lang kasi mas malawak at mas maraming espasyong paglalagyan ng mga gamit ko.
But these cabinets, these drawers. I haven't opened them, and I was still aware of what're inside them.
It's dragging me to check things out from the inside.
Pero pakiramdam ko, may masisira ako sa oras na bubuksan ko ang mga ito. Pero kung hindi ko hahalughugin ang mga nilalamn ng cabinets, may kulang sa akin.
Napakalaking kulang.
I sighed twice and decided to browse on my computer. Sinubukan kong hanapin ang Prisoned Imagination sa website at laking gulat ko dahil naroroon pa rin 'yon.
Why wouldn't anyone delete this here?!
I looked at the cabinets and found myself, reading the physical books of Alastair. 'Yong mga ipinasumite niya sa akin, naririto silang lahat.
Binasa ko nang binasa ang mga ito.
Ngayon ko lang nagpatantong hindi ko pa nababasa nang maayos ang mga nobela niya.
And by just reading these works I submitted made me feel like I came back in time, imagining him from writing these.
No wonder people loved these. No wonder he's as good as that late writer Dustine.
No questions why a lot of readers admired me.
At bakit sinabi ni Yance na si Alastair ang pinakamatalino sa kanya.
"These are beyond perfect."
"They're too perfect."
These were too awesome.
That they pushed me to write my own novel.
Kahit sa pagsusulat lang ni Alastair ng ganitong mga gawa, nakokontrol niya na ako. Natagpuan ko ang sarili kong nagsusulat pero ngayon, hindi na ako nanggagaya.
"Done!" I laughed and raised the final page of what I was writing for a month.
---
Inilahad ko sa kanya ang folder na naglalaman ng maraming papel na sinulatan ko.
He grinned in mischief as he saw how excited I was.
"So, are you going to change your pseudonym?" he questioned.
"I have no choice but to do it."
"Oh, well? Then should I be reviewing this?" I nodded at him.
"I'd be thankful if you would."
Nakatitig lang ako kay Alastair sa pagbukas niya ng folder at lumawak ang ngisi nito sa labi nang mabasa niya ang pamagat ng nobela ko.
"The Pen Behind the Popular Writer."
"The title, is catchy. It's very, me. Miss Estela."
" I know, that's why I wrote a story about you, Mister Roman."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top