Chapter 14
The last time I held my phone was two weeks ago, and that was when I sneaked in Alastair's room to check Hanna's chats to me before. Nahawakan ko na rin sa wakas ang cellphone ko para lang i-approach si Sir Yance. Isang linggo ang pinalipas ni Alastair bago niya ako naisipang utusan sa pagbigay ng tinutukoy niyang short story draft. At kailangan ko itong ipabasa kay Detective Yance, siya lang daw dapat ang makababasa ng story na ito.
Lahat na lang ng ginagawa ni Alastair ay nakapagtataka. Every single signal, movement and word he's doing was very suspicious.
Like now, he deleted my conversation with Hanna. Hindi ko naman na talaga kailangan ang conversation namin ni Hanna kasi blocked naman na ako sa kanya, dahil sa nangyari. She started hating me and she didn't change her mind. She did choose her love for Zachary over me, her friend.
Hindi lang ang chats namin ni Hanna and deleted kung hindi pati na rin ang mga makukulit na pangungumusta nila Tita Rosalie sa akin. Seriously, this unpredictable psychopathic writer's taking over my freedom and it's making my stomach ache.
Nadaanan ko ang magkasusunod na messages ni Kuya Jensen sa akin. About him, the last time we met was a week ago. Pero 'tong mga huling chats niya ay kagabi niya lang na ipinadala.
He's still forcing and convincing me to go with him. Why didn't Alastair delete his chats even if this was actually what I wanted to not see in my message box?
Natulala muna ako sa kawalan at napalunok.
Kuya Jensen, even I couldn't determine your real motive. Why're you forcing me with all your persistence? Nag-aalala ka ba? Kanino? Sa akin o sa sarili mo? At kung nag-aalala ka lang sa sarili mo, bakit kailangan mo pa ako sa tabi mo?
May problema ba siya na kailangang maayos kasama ako?
O may kinatatakutan siyang mangyari at posibleng kasangkot ako.
Nakapagtataka. Kaya hindi ko natitiyak ang kaligtasan ko kung sakaling naisipan ko na lang na sumama kay Kuya noon at makatakas na kay Alastair. Pareho silang mahirap intindihin.
I took the intiatives to chat Detective Yance in his social media account and he was too rapid to reply. Pumayag naman siyang makipagkita sa nasabi kong lugar at oras sa araw na ito. Ibinalik ko na ang cellphone ko kay Alastair na nagbabantay sa medyo tabi ko.
"What did he say? Is he going? Or he just dropped a refusal with a reason of having loads of crappy duties?" he harshly questioned, twisting my phone back to his pocket.
Blangko akong tumingin kay Alastair. "Pupunta raw siya, kaya kailangan kong lumabas mamaya."
Alastair shrugged. "Then go! Bring the draft you'll be sending and go back within three hours."
"Masyado nang mahaba ang tatlong oras, naiintindihan mo ba? Copycat?"
He's still calling me 'Copycat' until now. Kina-career niya talagang patamahan ako sa ginawa kong kasalanan.
I nodded. "I understand." I understand, Psychopath.
Nagbihis na ako at kaagad na umalis, dala-dala ang dapat kong ipabasa kay Detective Yance. I needed to successfully hand this to the Officer in order to make sure that Alastair wouldn't get mad again. This was likely my payment for getting caught when I was talking to my brother.
Napaubo si Detective Yance at halos maibuga niya ang hinihigop niyang kape nang sabihing kong ipababasa ko sa kanya ang draft na dala ko.
"O-Okay ka lang po ba? Sir?" Nag-aalala akong tumayo para ilahad sa kanya ang tissue pero sinabi niyang ayos lang siya.
"I'm fine, I'm fine. I was just surprised. Totoo ba ang narinig ko, Miss Writer?" he asked in disbelief. Palipat lipat ang tingin niya sa hawak kong folder at sa akin.
I giggled and nodded at him. "Hindi po ako nagsisinungaling. Actually, Sir? Manghang mangha kasi ako sa kahusayan mo bilang reader sa pag-aanalisa ng bawat nobela." I bowed my head and stared at my coffee. I couldn't give a straight eye. "At napansin kong tutok na tutok ka sa pagbabasa ng gawa ko. Ramdam kong loyal ka sa pagtangkilik sa mga magiging nobela ko."
Napakurap ako nang marinig ko ang malambot na tawa ni Sir Yance. Nabigla lang ako kasi ngayon ko lang 'yon narinig. His giggle was different. Like he's too amazed.
He's amazed? By me?
This was very ironic.
But I kind of liked it.
"I should be the one to thank you, Ma'am. Isa pa, isa lang din naman akong normal na reader kagaya ng iba," nakangiti niyang sabi. His smile was too sincere to be forgotten.
I couldn't say a word. If only the real writer of the works Sir Yance's appreciating could see his expression now.
I felt bad for Alastair. But it's not my fault now.
Hindi ko naman ipinagtulakan 'yong sarili ko para gawin siyang Ghost writer ko.
"As a writer, I appreciate your sincerity in reading. And the way you read those I've given out my efforts to. Detective Yance, ipababasa ko nga pala 'yang draft sa 'yo. Pero ikaw lang dapat ang babasa niyan, wala nang iba."
Halos mapatayo pa siya sa pagkabigla. "Wait, what? Are you not lying? Kung ganoon, ako lang din ang unang makababasa nito?"
Napadiin ako ng labi at napilitang tumango sa kanya. Totoo naman, siya at si Alastair lang ang makababasa niyan. Hindi ako.
"Nakuha mo, Sir Yance? Kaya nakikiusap ako na sana ikaw lang ang babasa niyan, ganito ko ipakikita sa 'yo ang paraan ko ng paghanga sa 'yo bilang isang reader."
I froze when I saw how he covered his mouth. And he was red.
My lips parted, he's getting redder! Seriously?
"S-Sir!"
"Ah! I'm sorry! I was just too--- I don't know what to say and react. Pero susundin ko," nauutal niyang sabi nang nakangiti. "Only I will read it. I'm too happy."
"Thank you, Sir. Isa pa po, ipababasa ko rin talaga sa 'yo 'yan para hingiin ang review mo tungkol sa draft ko," I said smiling. His silence made me nervous. What's the sudden change of reaction?
Was he suspecting me? Or something?
"Bakit po?" I asked.
"Parang magiging critic ba ako nito? Then just like the critic who died in your first novel?"
Napansin ko ang takot sa mukha niya na ikinagambala ko. Natakot agad ako kasi baka iniisip niyang gagawin ko sa kanya ang ginawa ng culprit sa nagpatiwakal na critic sa nobelang ginaya ko. Na baka papatayin ko rin siya kapag babasahin niya ang draft na ginawa ni Alastair, kagaya ng pagkamatay ng critic sa Prisoned Imagination.
Hindi ko namn gagawin 'yon.
Pero kung si Alastair, posible. Kaya paano kung ganoon nga ang nilalaman ng draft ni Alastair? Bakit si Sir Yance lang ang dapat makabasa niyon?
Kung si Alastair ang usapan, kaya niyang gawin kay Yance 'yon. Kagaya ng nangyari sa Propesor.
Lumunok ako at bigla namang natawa si Sir Yance. "I'm just kidding. Pumasok lang sa isip ko 'yong unang isinulat mo. Alam ko namang hindi mo gagawin sa isang reader 'yon. Mabuti ka namang tao, Miss Jasryl."
My lips parted and my cheeks reddened. Sinabi niya talaga sa akin 'yon? Kilala niya ba ang sinasabi niyang mabuting tao?
Ako?
"I know, Sir." I smiled.
"I'll be giving you the feedbacks soon," he reminded.
"Take your time po."
"Anyway." Sir sipped on his coffee. "Hindi na bumalik si Sir Jensen para ipaalala ang paghahanap ko sa 'yo. Hindi sa nangingialam ako pero, tapos na ba ang pinag-usapan ninyo noon?"
As expected, he'd remind me about it.
"Tungkol po roon, hindi na kami nagkita simula noong huli mo akong idinala sa kanya," I told him and he listened. "Pinipilit niya kasi akong sumama at tumira kasama siya pero ayaw ko."
"So, he forced you? Why? Do you know any of his possible reason?" I shrugged at him.
"Not much, Sir. My brother was just too persistent to take me with him and promised to treat me ideally. Pero ang kondisyon daw ay ang pagtigil ko na sa pagsusulat. Hindi ko rin alam ang rason kung bakit pinapatigil niya ako."
Tumango tango si Sir Yance bago napapatong ng ulo sa kamay sa ibabaw ng lamesa. "I see, maybe he wanted you to stop writing because of the issues you've been gaining."
"Iyon din po ang hinala ko."
"Hindi ka sigurado sa rason niya kung bakit ka talaga pinapahinto?" tanong niya.
I sighed, looking away. "Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan. Nagpakita lang po siya ng pag-aalala kaya nagkaroon lang ako ng teorya."
Mas okay naman na sigurong dinggin na pinahihinto nga ako ni Kuya kasi concerned siya sa akin. At parang ganoon na nga ang ipinapahiwatig niya noon.
Sana.
Pag-uwi ko, binungaran ako ng palakpak ni Alastair sabay pat sa ulo ko. "Well done! Pinapatawad na kita!"
Nanahimik lang akong umupo sa may sofa at pinanood siyang ngumiti.
Look, what a very happy crap.
Such a piece of being who didn't even deserve to be pleased.
Who was this guy again? Yes, the one who blackmailed me, who chose to confine and use me here for his wants and plans.
Nasasakal ako rito. Nandito lang naman ako para siguraduhing ligtas ang kalinisan ng pangalan ko sa mga tao. Para sa sarili kong kapakanan, at ginagawa rin naman ng taong ito ang para sa ikasisiya niya.
What if I escaped from him back when Kuya Jensen was forcing me? Siguro malaya na ako ngayon, at tinutulungan na ako ni Kuya sa paglinis ng pangalan ko.
Sana pala sumama na lang ako kay Kuya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top