Chapter 12
-Jasryl Sion Estela-
I might not be totally informed regarding the latest numbers of my readers and the numbers of those who're loving those novels, yet I've been pretty sure that they increased.
Dumami sila nang dumami, sigurado akong mas tumaas ang bilang ng mga nagkagugusto sa mga naiimprintang libro ko. Pero hindi dahil sa interesado sila sa kagandahan nito kung hindi dahil sa isyu at kasuspe-suspetyang koneksyon ng mga nobelang ito sa mga nalulutas na kaso.
Sa wakas, nakalabas na naman ako sa bahay ni Alastair. Ilang araw ko nang pinagsasakitan ng ulo ang nangyari kay Hanna at Zachary. Sa paningin ni Hanna, idinamay ko sila sa pagsusulat ko. Pero ang totoo ay pare-pareho lang din kaming nadamay.
I stopped walking by the street to look up the sky. Nasira na ang pagkakaibigan naming dalawa. Dahil lang sa hindi niya mabitawan si Zachary, dahil sa nobelang 'yon.
Gusto kong mabasa ang nilalaman ng mga ipinapasa ko. Hindi ko alam, gusto ko ba talaga? Kasi parang ayaw ko rin. Ayaw kong lumala ang trauma ko, pero naitutulak ang kyuryusidad ko.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang sariling kamay at napahikbi.
Dapat may lakas-loob akong bumasa ng huling nobelang naidamay si Hanna. Pero hindi ko kaya, ayaw kong isipin ang kuwento ng relasyon nila.
Nasusuka ako.
Pareho kaming masusuka ni Hanna kung alam naming dalawa ang kuwento namin.
After the book signing event, I was left gawking at the physical book I was holding. I opened a lot of copies of this one today, but those fans earlier weren't even aware that the writer didn't even read her book.
Na pinipirmahan ko lang 'to. Hindi ko pa binasa. Hindi ko pa isinulat.
Tahimik akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpaalam sa ibang writers. Pagkalabas ko sa venue ay natanaw ko si Sir Yance. He was smiling happily as he approached me.
"As expected. You will attend here, Miss Jasryl. Kumusta ang event?" masigla niyang panimula.
I faked a smile. "Maayos naman, Sir. Nakita ko po kayo kanina sa signing event."
"Yes, it's because I will not miss this opportunity. I have my own book signed," sagot nito sabay kaway ng librong nakasasawa nang makita.
"That's good to hear."
"Anyway, Miss Jasryl. This book---"
Bumuntonghininga akong tumango sabay ngiti kay Detective Yance. Na para bang alam ko na ang sasabihin niya.
Alam ko naman na talaga. Na siya ang nakalutas sa krimeng ginawa ni Zachary. Na binasa niya na naman ang librong hawak niya ngayon.
"I know, Sir. You are behind the solved case of Mr. Zachary and Hanna."
Natahimik lang si Detective Yance at nahiyang ngumiti. Tila 'yon nga ang sasabihin niya sa akin.
"Ganoon na nga, hindi ko na alam kung paano ka nakasusulat ng ganitong klase ng nobela," he said with amazement. "Sobrang husay mo. Miss Hanna's now safe, all thanks to you and this book."
I quietly nodded and continued walking. "Hindi ko alam ang isasagot ko. I'm just doing what I want to do, that is to write po. And about the last time we met, Sir?"
Nilingon ko si Detective Yance kasi sinusundan niya naman ako sa paglalakad. His brows creased and stood up beside me. "Yes? What about it?"
My lips parted. Walang lumalabas na boses, naharangan ang lalamunan ko. Hinarangan ng pag-aalinlangan, ng takot na banggitin ang pangalan ni Kuya Jensen.
"A-About Kuya Jensen? Wala na po ba siyang sinasabi?"
Naging seryoso lang ang mukha ni Sir Yance na mas ikinagambala ko.
Sana pala hindi ko na binanggit.
He put his hands in his pockets and continued strolling across the road. "Follow me, Miss Jasryl. Your brother's waiting for you somewhere."
Hindi ako nakalakad kaagad dahil sa pagkatulala. Anong ibig sabihin niya? Na nandito pala si Kuya Jensen?
So Sir Yance has been planning to bring me to where Kuya was? Hindi pa rin talaga titigil si Kuya? Ano bang kailangan niya sa akin kaya gusto niyang tumira ako nang kasama siya?
Hearing him say that before made me want to suspect that he's not the Jensen Sion Estela I grew up with. That he's not the Jensen that I know.
Jensen wouldn't be the one to obviously show concern to someone like me.
Kahit nadismaya ako sa biglaang pagdala ni Sir Yance sa akin sa isang kainan para lang makita si Kuya, sumunod pa rin ako. Gusto ko lang ayusin ang pag-uusap namin ng kapatid ko.
At para masabi ko na ang desisyon ko.
"Kaya mo po ba ako nilapitan? Hinahanap hanap niyo pa rin ba ako hanggang ngayon, Sir?" tanong ko kay Detective Yance nang makita na namin si Kuya na naghihintay.
Umiwas ng tingin si Sir Yance. "I'm just doing my job, Miss Jasryl. Inutusan akong hanapin ka at kailangan kong gawin 'yon. Don't worry." He tapped my shoulders. "Even if he's your brother, if he's going to do something bad to you. Report it to me."
Kahit papaano, napagaan niya naman ang loob ko kaya tumango ako at nagpaalam kay Sir Yance. We separated outside the restaurant and I collected all my guts to approach Kuya Jensen.
The heavy air, again.
Halos mapatayo siya nang masilayan niya ako. "Jasryl! Saan ka na naman ba galing? Why did it take you more than a month to finalize your decision?"
Kung sasagot ako kaagad, wala akong masasabi. Mauutal ako. Kasi marami akong prinoblema nitong nakaraan. Wala akong time para isipin ang usapan namin noon.
Subalit may desisyon na ako.
I clenched my fist and bit my lip.
"Sorry po. Hindi ako sasama sa inyo."
Nangunot ang noo ni Kuya. "What?!" he hissed. "Sigurado ka ba? Is it hard for you to live with someone you grew up with? Hindi naman kita sasaktan, huwag kang matakot."
That's not my point. Kahit itrato niya pa ako sa pinakamaayos na paraan, hindi ko magawang sumama. May hindi ako puwedeng suwayin at iwan.
"Sorry po talaga. May tiwala naman ako sa inyo, Kuya. Pero---"
Kuya Jensen smiled and nodded. "Okay? So you trust me, you must. And I will trust you back. I know that you kind of despise our parents. Kasi ganoon sila sa 'yo. And I admit that I've been treating you badly for a long time."
Natulala ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nasasabi niya ang lahat ng ito. Sobrang desperado niyang kuhanin ako. Mas nakapagtataka. Mas natutulak akong magduda kaysa sa makumbinsi.
"Listen, Jasryl." Napaigtad ako sa biglaan niyang paghawak sa balikat ko. "Alam kong may galit ka rin sa akin. At, nakabibigla ito ngayon. But believe me, what I said before? I'll be on your side, even against our parents. I'll help you, support you."
"Pero bakit nga, Kuya?" Umatras ako.
Palagi na lang akong natatakot. Nasanay na akong matakot na lang kahit kailan. Pero ngayon, kailangan ko talagang matakot sa inaasta ng kapatid ko.
"Bakit mo naisipan 'to? May kailangan ka ba sa akin? Tutulungan naman kita. Pero bakit kailangan ko pang tumira kasama ka?" That thought's creeping me out. Seriously.
Umungot lang ito. "That is the point, Jasryl!" pagdidiin nito. "If you want to help me, come with me. Live where I want you to live. Iyon ang hinihingi kong tulong mo."
Manipulation.
I think I was really living only to be manipulated.
"Are you into my request?"
Yumuko lang ako at nalunod sa kaisipan. Kailangan ko bang pagdesisyonan ito?
"'Yon lang ba talaga ang gagawin ko?"
"Yes---I mean, no. There's only one request that I want you to do. Sundin mo lang ang isang ito at babantayan kita, tatratuhin kita nang mabuti."
I gazed at his persistent eyes.
"Tumigil ka sa pagsusulat. Iyon lang, stop writing and stop being a novelist. I'll give you a new and better work other than publishing novels. Iyon lang."
My mind went blank all of a sudden and all I could do was to shake my head.
Hindi ko magagawa 'yon.
'Yong usapan namin ni Alastair ang mahalaga. Ang kapakanan ko ang mahalaga ngayon, ang pangalan kong nasa tabi ng kapahamakan.
Kaya hindi puwede.
"Hindi ko kaya, Kuya!"
"Ts!" Dahil sa inis ng kapatid ko, hinila niya na ako sa braso at akmang ilalayo niya na ako nang may biglang humawak sa kabilang kong braso. The person also tapped Kuya's shoulder.
I was dumbfounded to see who unterrupted us.
He was smiling, like the way how he's grinning at me most of the times. That mischievious look in the eyes. And an unpredictable expression.
"This is also considered as kidnapping, Sir. Or should I say, Mr. Jensen Estela?"
Galit na nilingon ni Kuya si Alastair na hawak ang braso ko ngayon. He pulled me closer.
"Whoever you are and whatever it is that you're blabbering. You're out of our business," sumbat ni Kuya pero walang iginawad na reaksyon si Alastair.
"Pasensiya na, Mister Estela? Ngunit kailangan ko nang iuwi ang girlfriend ko."
And that's before he pulled me away from my brother.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top