Chapter 11
-Jasryl Sion Estela-
Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong nag-usap kami ni Kuya Jensen. Sigurado akong nauubos na ang pasensiya niya kahihintay sa desisyon ko at panay pa rin ang paghahanap niya sa akin ngayon. Pero hindi 'yon ang problema ko. Hindi si Kuya Jensen ang problema ko.
Ang gumagambala sa akin ay ang hindi ko paghawak sa cellphone ko. Kating kati na akong maghalughog ng chats nila Tita Rosalie sa akin, napag-aalala ko nga sila. Alam kong hindi ko gusto ang totoong nais nila kaya nila ako inalagahan, pero mabuti rin naman sila sa akin.
Higit sa lahat, gusto ko na talagang mag-scroll ng updates sa social media. Lalo na 'yong mga tinutukoy na isyu sa akin at sa novels ko, sa novels na ipinapasa ni Alastair.
I hated the fact that it's Alastair who's controlling my privacy as well, my social media accounts, he's informed about all the things in it. That meant he's already aware of what Hanna had said in our chats.
Pero kung nabasa man ni Alastair ang chats nila Tita Rosalie, ni Hanna, ni Kuya man, hindi siya nagsabi sa akin. He's keeping them from me.
Natatakot na ako, kontroladong kontrolado niya ako. Ipinipilit niya ang mga gusto niya sa akin.
Hindi ako mapakali, pakiramdam ko ay pumapayat na rin ako dala ng takot, ng kaguluhan ng isipan ko. I've been overthinking.
For now, I wanted a peaceful sleep.
Wala si Alastair ngayon dito sa bahay, naghahanap ako ng paraan para mabuksan ko ang pinto ng kuwarto nito dahil naroroon ang cellphone ko.
I was about to insert my hairpin in the doorknob when loud knocks came from the door. Halos atakihin ako sa pagbukas niyon at laking gulat ko nang hindi si Alastair ang bumungad.
"I-Ikaw?"
"Ate!" Humihingal na sabi ng babae. Siya 'yong babaeng nagsabi sa akin na naka-relate sa novel na tungkol sa serial killer ng rapist. The rape victim, Alastair's neighbor. Why's she here? And she's actually looking for me?
"Bakit?" Kinakabahan tuloy ako kasi punung puno ng pag-aalala ang mukha niya.
"Sabi na nga ba't nandito ka sa bahay ni Kuya Ace!"
"T-Teka, oo. Pero bakit? May nangyari ba?" I questioned and pacified her.
"May problema ka po. Nabalitahan at napansin ko ring pakalat kalat ang mga information media creators sa buong syudad, hinahanap ka nila para ma-interview."
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-init ng batok ko sa kaba. I've been very aware that reporters and interviewes have been longing to hear my answer about the issue of my novels that had connections with actual cases. But until now?
Bakit? Hanggang ngayon hindi nila ako tatantanan?
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Hindi sana ako aabot dito para lang magsinungaling, Miss Writer. Aware naman po siguro kayo sa isyu ng mga nobela ninyo, hindi ba?" Tahimik ko siyang tinanguhan bago nito inilabas ang sariling cellphone.
"Pero aware po ba kayo, Ate? Na dahil daw sa latest novel ninyong na-publish last month, nahuli ang abusive na ka-live in ng isang babae?"
Abusive? Ka-live in?
Anong tinutukoy niya? Wala akong alam, hindi ko nga rin alam kung bakit nasangkot na naman 'yong ipinasa kong manuskrito nitong nakaraang buwan kasi hindi ko nabasa ang nilalaman niyon.
At kung ano na naman ang dala niyon, si Alastair ang makasasagot.
Naipapasa talaga sa akin ang lahat ng problemang nililikha niya.
"Hindi ka talaga informed, Ate? Sandali!" Halos sumakit ang ulo ng babae sa pagpapakita ng balita sa akin. Tungkol daw sa abusive na ka-live in partner?
"Ito po, oh." Ipinakita ng babae ang nasa screen ng phone niya. "Noong isng araw, inaresto at sumuko raw ang isang lalaking nagngangalang Zachary matapos mapatunayang guilty sa pang-aabuso at pagkukulong ng girlfriend niya."
"Tapos sinasabi rin daw nila na 'yong nakabasa ng nobela mo ang nakalutas ng kaso kaya parang naging gabay na naman po 'yong latest mong libro sa paglutas ng kaso."
Hindi, nauulit na naman. 'Yong nangyari sa unang nobela niya na kasangkot ang babaeng ito. 'Yong ikalawa kung saan naidamay 'yong propesor at ngayon, si Zachary?
Si Zachary? Sandali, siya 'yong boyfriend ni Hanna.
Mali, mali lang ako ng iniisip. Hindi naman siguro si Zachary at Hanna ang kasangkot sa ikatlong nobela.
At sana hindi na naman si Sir Yance ang nakalutas nito.
Pero hindi ko na maipagkakailang malaki na naman ang koneksyon ng ipinasa kong kuwento noong araw na iyon.
Nagpasalamat ako sa pag-iimporma ng babae sa akin at noong umalis siya, ipinangako niyang hindi niya sasabihin sa iba kung nasaan ako.
I closed all the windows and doors of the house to make sure that no one would spot me. Otherwise I'd face the media.
Ano nang nangyayari sa pangalan ko? Good news at ba ang isyu ko o hindi? Hindi ko alam. Si Alastair lang ang may alam.
Kaya dapat kong alamin ngayon. Habang hindi pa nakauuwi si Alastair---- kung nasaan man siya ngayon, kinalikot ko ang lock ng pinto ng kuwarto nito at sa wakas ay nabuksan ko rin.
Ilang minuto kong maingat na hinanap ang cellphone ko. Mabuti na lang ay hindi napalitan ang password nito.
My heart was pounding like it's going to get out of my chest. Like it's better for me to just die right now.
Hindi ako makapokus sa paghahanap ng chatbox namin ni Hanna. Mga pasasalamat ng ibang readers, mga pangungumusta nila Tita, pagnungulit ni Kuya Jensen ang naririto.
At ang chats ni Hanna. Sana hindi siya at si Zachary ang itinutukoy sa balita. Dahil kung siya nga, hindi ko alam kung mabubusog pa ba ako sa konsensiya ko kung magpapalamon na ako.
I read her chats that were sent months ago. And I was the worst friend to only see it now.
Nanginginig akong nagbabasa.
"Kumusta ka? Hoy! Feeling famous ka na ba? Ha?"
"Beh! Wala ka na bang imik? Happy ka na ba sa piling ng boyfie mo? Grabe naman 'to, oh! Hindi na namamansin."
"K. Stay strong."
"Jasryl! Jasryl, mag-online ka na! New number mo nga, new account, mayroon? Update naman, oh!"
"May sasabihin ako, Jasryl."
"Jas! Okay, okay bye. Ilalapag ko na lang at sana mabasa mo. Uunahan ko na 'to, ha? Hindi ako nagbibiro. Ngayon lang ulit ako nakahawak ng cellphone. Si Zachary, kilala mo naman hindi ba? Boyfriend ko."
"Lagi niya akong sinasaktan. Okay lang kung hindi mo nahalata noong nagkita tayo, covered na covered ako noon para hindi mo makita mga pasa."
"Pero look, oh! Bugbog na bugbog ako. Jasryl, pinipilit niya akong makipagtalik sa kanya, halos araw-araw, kahit ayaw ko."
I was trembling and traumatized when I saw the swollen marks all over her arms, shoulders, legs, waist stomach.
"Matagal na kaming ganito. Grabe girl, todo panggap ako sa 'yo. Pero sorry, hindi ako nagsasabi. Gusto ko 'tong sabihin sa 'yo para maalarma ka sa boyfriend mo. Baka kagaya niya rin si Zachary, ha?"
"Pero, no! No girl! Don't scold me! I lay deaf ears!"
"Kahit ganito siya sa akin, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Zachary. Sa oras na malaman kong nagsumbong ka sa iba, friendship over na tayo."
"Seryoso ako. Okay? Kahit na naghihirap ako, mahal ko siya at kahit na iwan pa kita, na masaktan pa ako, hindi ko iiwan si Zachary. 'Yon lang."
Tumutulo ang luha kong nagbabasa ng magkasusunod niyang chats. Ang hirap intindihin ng gusto niyang ipahiwatig. Ang hirap ding alamin kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon.
Hanna's insane. And knowing it was Zachary who was targeted by the novel I submitted, Hanna's now safe from that psychopath. But at the same time, she'd probably hate me, blame me for writing a novel that was against her order to me.
Na hindi ko nabasa.
Kasi si Alastair lang ang nakabasa ng mga ito.
So that's why that psychopathic writer planned to write a Romance novel and have me plan to set a double date with Hanna and Zachary.
Bigla akong napaigtad nang magchat si Hanna, ngayon lang. Nakita niya kasing online ako.
"Oh, good. Online ka na. Happy, Jasryl Sion Estela? Ngayon ka lang magpaparamdam kasi nanalo ka na? Fine, happy writing!"
And she blocked me before I could even give a reply.
Naguguluhan ako, sobra.
Bakit siya nagkaganoon? At huli na ako. Paano na 'to?
Nagising ako sa kamalayan nang bigla akong nakarinig ng malalakas na katok mula sa pinto. I thought it was the girl earlier again.
"Open the door, copycat!"
But it was Alastair.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top