Chapter 06
Kahit papaano, kinonsidera din ni Alastair ang pagbibigay ng oras sa akin para lumipat at tumira sa kanya. Pero sa totoo lang, nagdedesisyon pa lang ako kung mananatili rin ba ako sa bahay nito o hindi.
But it seemed like I had no choice but to always say "yes" whenever he orders me. That's why I would still move to his place. Yet, for now, I'd prepare and take my time telling it to Tito and Tita.
Siguradong magagalit si Tito, pag-aawayan nila ni Tita ito. At malabo sigurong papayag si Tita. Pero kahit na magalit pa sila sa akin o pagbawalan nila ako, wala akong magagawa kung hindi ang suwayin sila.
Tama, umaabot na ako sa puntong nagiging makasarili na rin ako.
I heaved a heavy breath out from my lung and faced my friend Hanna again. Nasa kainan kami ngayon at ako mismo ang tumawag sa kanya para kausapin siya.
"Gusto ko sanang tanungin kung paano ka lumipat para tumira kasama 'yong boyfriend mo ngayon," I directly stated, she suddenly froze as if something popped up in her mind.
Hanna continued eating. "Y-You mean, kung paano ako nagsimulang makipag-live in?"
Tumango ako. Sa ngayon, ipalalabas ko na lang na makikipag-live in na lang ako kaysa sa lilipat kay Alastair dala ang kakaibang rason. "Ganoon na nga. Makikipag-live in na rin kasi ako---"
Halos mabulunan siya nang marinig niya 'yon kaya nagpasalin pa siya ng tubig sa baso para inumin. I gave her her drink and she saved herself, coughing. "What the fudge? Seryoso ka? Jasryl? Lilipat ka? Makikipag-live in? May boyfriend ka na?!"
Umiwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi.
I needed to lie and say, "Yes".
"Kailan pa?!" hindi makapaniwalang tanong ni Hanna. I would give the same reaction as hers since it's really that vague for me to enter a relationship.
Tapos ngayon, bigla na lang akong lalapit kay Hanna para sabihing may boyfriend na ako.
Kabigla-bigla talaga.
Halatang kasinungalingan.
Pero parang naniwala siya.
Hanna smiled at me. "Okay! Nagulat talaga ako sa sinabi mo pero congratulations pa rin, Jasryl!"
"Salamat." I smiled, thinking how I lied.
"Tapos, balak mo naman na ngayong sumama at tumira kasama 'yong boyfriend mo?" tanong niya sa akin kaya kaagad akong tumango. "Oo, paano mo napapayag 'yong parents mo noon?"
Her lips parted. "Teka, hindi ba papayag 'yong parents mo? Akala ko wala silang pake--- akala ko 'yong Tita at Tito mo naman ang magdesesisyon para sa 'yo?"
Malungkot akong umiwas ng tingin sa kanya. "'Yon na nga ang problema rito. What if they won't let me? And my real parents will know what I am doing? They will hate and look down on me more?"
"Jasryl." Hanna held my hand over the table. She smiled sweetly. "You're old enough. We are old enough to have freedom in every thing we wanted, as long as what we choose to do are not bad."
"Hindi ka naman siguro kamumuhian dahil lang sa napili mong tumira sa boyfriend mo. We graduated and we're adults already. Just don't get too stuck under your parents' decisions for you."
I bit my lower lip and had the thought to agree with her. Because Hanna's correct, I was old enough to do what I want. And if it's not bad that I would live with a guy in a single roof, I needn't have to push myself from asking permissions.
But my situation's different.
Kasi ako, halatang tool ako ng Tito at Tita ko dahil sa inaasam nilang respeto ng Estela sa kanila. Iingatan nila ako at iaangat nila ako para sa kapakanan ng pangalan nila.
'Yong mga tunay kong magulang, palagi nila akong sinisigurado sa mga ginagawa ko kasi ayaw nilang madamay ang pagkasira ng pangalan nila, dahil lang sa akin.
I have complicated conditions whenever I decide of what I wanted to do.
"Sana nga Hanna, susubukan ko na silang kausapin," wika ko sa kanya.
"Good to know, I'm sure you'll be alright. At saka, Jasryl." Humigpit ang paghawak ni Hanna sa kamay ko, medyo naglaho ang ngisi nito. "Siguraduhin mong titira ka kasama 'yong tamang tao. 'Yong hindi ka sasakatan, ha?"
Natahimik na lang ako kasi bigla akong nilamon ng kaba. That moment she advised me made my feet feel cold. I suddenly recalled how manipulative Alastair was, how threatening and scary that guy was, every time we talk. Every time I think of him.
Napangiti na lang ako kay Hanna para maginahawaan naman siya. "Sigurado naman ako. Mabait naman siya saka mahal niya ako. Hindi niya ako magagawang saktan, ano. Hindi magagawa ni Alastair 'yon."
She chuckled. "I see! Alastair pala ang pangalan, ha? Proud na proud siguro siya kasi may sikat na writer siyang girlfriend."
Tama, proud na proud siguro si Alastair kasi may nagagamit na siyang sikat na manunulat para sa mga nobela niya.
"Ganoon din naman 'yong boyfriend mo sa 'yo. Mahal na mahal ka naman niya, hindi ba?" But I was surprised when she didn't answer me. She went silent.
Hanna looked away, as if something's off that bugged her. "Mahal na mahal niya nga talaga ako."
"Which is really sca---yes, he's so happy to have me by his side. As always. Kaya mag-iingat ka sa paglipat mo. Kukumustahin kita."
Medyo natagalan akong sumagot kay Hanna kasi parang binagabag ako ng nagbago nitong ekspresiyon sa mukha.
Okay lang ba talaga sila ng boyfriend niya?
Was she really okay, living with a guy right now? I mean, she told me it's okay to move with a guy I trust which was making her conscious about me once I'd stay with Alastair.
Baka may problema lang sila ng boyfriend niya.
After listening to Hanna's advises, I immediately went back home and prepared myself from informing Tito and Tita about me, moving to Alastair's place.
By telling them that I have a boyfriend who I loves and supports me finally. By lying to convince them because for now, I needed to lie.
I needed to cover the real reasons.
And describe Alastair as a nice, caring and supportive boyfriend. Not a manipulative, scary ghostwriter.
Hindi pa ako nakauuwi sa bahay ay tinawagan na naman ako ni Alastair. I answered the call and left the taxicab to talk to him with privacy.
"Yo~ What's taking you so long! I was expecting that you'll take your time with a couple of hours only! Not days!" he complained with a bored tone. I could hear how he clicked a pen for so many times. "Or maybe, you're already having your plans to escape from me?"
"H-Hindi! Kukuhanin ko na lang 'yong mga damit ko ngayon!" I recklessly replied.
He laughed loudly. "Hindi ka talaga mabiro! As if you can have any idea of escaping. Of course you won't, not until you can predict me. Not until you can find the way to not fear me!"
Nanginig na naman ang labi ko kasi damang dama ko 'yong saya niya na may isa siyang sunud sunuran ngayon.
"How did you inform your guardians, then? Paano ka nagpaalam?" he inquired.
Sa totoo lang, hindi pa ako nagpapaalam pero kailangan kong magsinungaling kay Alastair.
"S-Sinabi kong lilipat na ako kasama 'yong boyfriend ko. I am really sorry. Na sinabi kong boyfriend pa kita para mapaniwala pa sila."
Napapikit ako, naghahanda sa itatapon niyang salita.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Na pakiramdam ko, sobrang kapal ng mukha ko para ituring siyang boyfriend sa harapan ng ibang tao.
But I flinched when he laughed at me. "That's fine, that is actually fine! Great, I am a bit, disgusted by the way you introduced me as your boyfriend. But that is way better than telling who am I and what's your actual purpose."
"Good, maparaan ka rin pala. Masyado kasi kitang minamaliit, I'm sorry. My bad." I closed my eyes. Okay, Jasryl, masanay ka sa mga sinasabi niya sa 'yo. "Anyway, giving you time like this worried me, you know? What if you'll do something to trouble me? Good thing you didn't. Otherwise, you're doomed."
Halos mandilim ang paningin ko nang tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. "Yes. I'll be there soon."
"Make sure. I hate fraud, like you, Jasryl," he replied and ended the call. Umuwi akong walang balak na magpaalam kila Tita pero kailangan ko pa rin. Subalit kauuwi ko pa lang ay may pamilyar na naman kaming bisita na halos ikaurong ko para pumasok ng bahay.
Inaasikaso ni Tita na bigyan ng maiinom ang isang lalaking nakasuot pa rin ng suit at nakahalukipkip sa couch ng salas. Wala akong matatakbuhan ngayon kasi nagtama na ang tingin naming dalawa.
"K-Kuya Jensen," I called without any trace of smile in my face.
Sino ba naman ang ngingiti matapos kang kausapin ni Alastair tapos si Kuya Jensen pa ang madadatnan mo pag-uwi mo?
"Oh, Jasryl! Nandito ka na pala, sakto lang ang uwi mo," masiglang bungad ni Tita na sobrang saya ngayon kasi mayroon na naman si Kuya Jensen dito. That's kind of usual, and always. She's always happy and prepared whenever Estelas were near us.
That's why she's being like this to me.
Inilapag pa lang ni Tita ang juice ni Kuya ay tumayo na agad ang bisita saka ako hinarap. He scoffed and gave me a smirk but he's kind of irritated. "After years, Mom and Dad finally remembered calling you back in the house."
Muntikan na akong makasagot sa sobrang pagkabigla. Talaga? Sila Mama?
"Pinapapunta po ako sa bahay?" Paninigurado ko. Kalahati sa akin ay nabigla, nakaramdam ng kaunting galak at ang kalahati ay pagtataka.
Na baka naalala na nga nila ako dahil sa mga tagumpay ko.
"What else? They're calling you, for dinner," dagdag ni Kuya Jensen kaya hindi tuloy ako nakasagot sa kanya. Dala ng excitement ko kasi feel ko ay naa-appreciate na ako, tahimik kong nilingon si Tita na mas doble pa ang galak sa itsura.
"Pumunta ka na, anak! Ngayon na naman ulit 'to. Gusto mong makita 'yong parents mo, hindi ba?" she said, reading what my face was trying to imply.
Tumango ako sa kanya. "Sige po. Thank you."
"At, nga pala! Pakumusta na rin sa mga magulang mo, ha?!" pahabol pa ni Tita na ikinangiti ko nang mapait.
As I expected, she'd never forget to make her name get noticed by my parents.
Ridiculous.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top