TPT Special Chapter [7]: Cloud's Tale

TPT Special Chapter [7]: Cloud's Tale


Life is boring at Mnemosyne Institute. Iyan ang paniniwala niya dahil karamihan sa mga alaala na mayroon siya ay sa lugar lang na 'to umiikot, sa piling ng Memoire.

He wasn't sure what the world looks like outside and the worst part, he doesn't even remember his name, it was a lost memory and he's just a 'nobody' inside the institution, he's just 'a boy who can read minds'. Araw-araw sa loob ng apat na sulok ng puting silid at iba't ibang espeyalista ang kaharap niya, maaga pa lang ay naintindihan na niya ang kanyang kapangyarihan.

One day he asked his mother, Michele Margaux, the headmistress of Mnemosyne Institute, about his real name.

"One day I'll tell you. You will be given a 'name' once you are given a mission." his mother answered leaving him confused.

As he grew older, the experts told him that he can manage his powers well. Cairo Hideo became his personal mentor, another Peculiar like him who can read minds.

"Come here, my boy, I got some good news to you," his mentor looks delighted, a bizarre case. "May big break ka na."

"Big break?"

"You're off for a mission."

And so that day, he was given a name. Cloud Enriquez.


****


Cloud was sent to Sentral City to begin his very first mission, ang maging estudyante sa White Knights Academy upang bantayan ang target ng Memoire, a girl named Jillianne Morie.

Due to Memoire's power and influence ay hindi na naging mahirap na maipasok si Cloud sa loob ng eskwelahan. Kasama niya ang isa sa mga tauhan ni Cairo, si Seraphina, the time manipulator, kaya nitong pahintuin ang oras.

"Hmmm... Mukhang alam ko na kung bakit ako pinasama sa'yo ni Lord Cairo," komento nito habang nasa labas sila ng magiging home room niya.

"Ano pa ba, Seraphina? Edi pahihintuin ang oras," humagikgik ang matanda na may anyong paslit. "Bakit ka natatawa?"

"Wala lang. Nadadama ko lang na excited ka na."

"Bakit naman ako mae-excite?" kunway saad niya. Pero tama naman ito, naeexcite siya sa mga mangyayari dahil sawakas ay mararanasan niya na maging 'normal'.

"Oo na. Baka mamaya parusahan pa ko ng nanay mo," nilabas ni Seraphina ang pocket watch at mula rito'y wala pang ilang sandali ay tumigil na ang oras sa ispesipikong lugar na kinaroroonan nila.

Pumasok silang dalawa sa loob ng classroom na kasalukuyang nag-iingay dahil wala pa ang teacher. Ginawa ni Cloud ang dapat niyang gawin, gamit ang mga tinuro ng kanyang mentor na si Cairo ay nagawa niya ang 'Alterization of memory' ng mga magiging kaklase niya. Inilagay niya sa mga isip nito na matagal na siyang kabilang sa block na 'yon at siya ang magiliw na kaklase ng lahat.

"Tapos na 'ko, Seraphina." sabi niya pagkatapos i-alter ang memory ng bawat estudyante.

"Pagkatapos ng ten minutes ay babalik ang oras nilang lahat. Oh siya, Cloud, mauna na ko," lumabas si Seraphina ng silid at nagtagal siyang nakatayo hanggang sa di niya namalayan na nagtuloy na ang oras.

"Cloud nandiyan ka na pala!"

"Good morning, Cloud!"

Kakaiba sa pakiramdam pero alam niya sa sarili niya na nagagalak siya.

Hindi kinalimutan ni Cloud kung ano ang mission niya kaya noong araw din na mismo na 'yon ay sinimulan niya ang dapat gawin.

Class 1-B

Nakasilip siya ngayon sa bintana ng classroom, nagtuturo sa loob ang teacher na si Miss Karen Italia. At naroon siya, nakapwesto second to the last row katabi ng bintana, hindi nakikinig at nakatanaw sa labas.

Kahit ilang metro ang layo ay kaya niyang basahin kung ano ang nasa isip niya.

"Why do people want to see the future?"

Parang may kung anong mahika at nakaramdam si Jill, lumingon siya at nagtama ang kanilang paningin. Iyon ang unang pagkakataon na masilayan niya ng maigi ang itsura ng kanilang 'target'. Ang maganda nitong mata ngunit walang kabuhay-buhay, ang labing manipis at mapula na walang ngiti, ang maikli nitong buhok na kulay kape. Muling bumalik ang atensyon ni Jill sa klase habang nakapangalumbaba pa rin atsaka lang napakurap si Cloud.

Hindi natapos noong araw na 'yon ang pagmamantyag niya. Mula umaga hanggang sa mag-uwian ay palihim niya itong sinusundan at pinagmamasdan. At ilan sa mga bagay ang napansin niya kay Jill Morie: wala itong malapit na kaibigan, palaging kumakain mag-isa sa cafeteria, nag-dodorm malapit sa school, mahilig tumambay sa rooftop, hindi nakikipag-interact sa mga kaklase, at higit sa lahat ay hindi siya tumitingin ng diretso sa mata sa mga kausap. At sa tuwing tatangkain niyang basahin ang isip nito ay walang ibang laman ang kanyang isipan.

"Why do people want to see the future?" 

Ang paulit-ulit na tanong ni Jill sa isip.

She's boring, a lifeless grass that bends whenever the wind blows, nagpapatangay lang sa agos ng buhay araw-araw. But Cloud can't explain why he's eager to watch her boring and same routine everyday, bigla na lang siyang naging interesado na paano kung isang araw ay maiba na ang agos ng buhay ni Jill? He's excited to see that, because he's the same, he used to be a lifeless boy who can read minds. But because of Jill Morie, he became Cloud Enriquez.

One time, uwian, katulad ng lagi niyang ginagawa ay susundan niya si Jill hanggang sa makalabas ito ng school, pero nagulat siya nang tumambay ito saglit sa botanical garden. Akala niya kung anong gagawin doon ni Jill at nakita niya na pinakain lang nito ang mga pusa roon.

She's still a human, he thought.

Tumagal ng isang taon ang pag-oobserba at pagmamantyag niya sa target pero wala siyang nakitang kahit na anong senyales ng pagiging 'iba' nito.

"Does she shown any signs of Peculiarity yet?" Tanong ng Mentor Cairo niya nang tumawag ito. "The board is waiting for any progress, it's been a year already, Cloud."

"No, wala siyang dinedemonstrate na kahit na ano regarding her powers, napaka-ilap niya sa tao, she's never been in deep human contact with anybody, she also lives alone, she's like a robot."

"Well kung ganon gawan mo ng paraan, kung kinakailangan mong lumapit sa kanya pwes gawin mo."

"L-lumapit sa kanya?"

"Whatever the means, my boy." And then he hung up. 

Then again, he feels weird, he feels happy because he was given a permission to come closer to her. Matagal na niyang gustong gawin pero may pumipigil sa kanya, dahil wala 'yon sa utos sa kanya, sa tuwing nakikita niyang mag-isa si Jill ay gusto  niya itong lapitan at kausapin at sabihing hindi naman talaga siya nag-iisa.

Isang taon din siyang namalagi sa piling ng mga normal niyang kaklase, he's blending well at kaagad siyang naging kilala sa school nang sumali siya sa banda. He grabbed the opportunity to 'pursue' the target. Hindi niya alam kung paano sisimulan kaya nang humingi siya ng payo sa ka-banda niya kung paano ang gagawin ay pinayuhan siya nito na maglagay ng note sa locker.

So, he followed the tip, hindi rin niya alam kung ano ang ilalagay sa note kaya nagpatulong siya.

'Hi, you're so cute.'

At nang makita ni Cloud ang reaction ni Jill nang makuha nito ang note, hindi niya maiwasang matawa sa itsura nito na parang nakakain ng maasim dahil sa pagka-disgusto, pero imbis na mawalan siya ng gana ay mas lalo siyang natuwa. He'll be the new thrill for her.

Naging open sa buong White Knights Academy na ang sikat na vocalist singer na si Cloud Enriquez ay may gusto kay Jill Morie. He's happy, not just to annoy her but he's glad to add another unusual routine to her boring life.

Until one day... 

Naka-antabay siya kay Jill mula sa malayo nang makita niya kung paano nito nakabunggo ang kaklase na si Penelope.

"Morie, pasensya ka na," Nabasa ni Cloud ang isip ni Jill. She just saw the future of Penelope! She's like him, she's a Peculiar!

"Penelope."

"Bakit?"

"Wag ka munang umuwi."

Cloud was astounded. All along she's the right target they thought. Si Jillianne Morie nga ang hinahanap ng Memoire.

"Any progress?" Cairo called again.

"She can see the future."

"Very good, Cloud. I'll report this immediately to the board."

"What will happen to her?" Cloud asked.

Matagal bago sumagot si Cairo.

"Memoire will get her."

It was a mistake for him to tell them the truth, but he has no choice because he's 'chained' to Memoire because of his mother. 

But clearly, he knows he likes her-no, he loves her already. It was a crazy thought and a dilemma. He wanted to protect Jill Morie and he decided he'll be there for her.



https://youtu.be/hCqhxny4T48

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top