TPT Special Chapter [6]: Where is Morris?

TPT Special Chapter [6]: Where is Morris?

(Mas mage-gets ang special chapter na ito ng mga active readers ng Memento, Morie. This is for you guys! Thanks!)

You know what is the hardest thing to do?

It is to let go the person who you love most.

But my case is my different. The hardest thing to do is to love and wanting to hurt a person at the same time.

I love Jill Morie. I really do. But it was also me who wanted her to suffer the worst fate.

I should have listened to Lucille... Kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari ang lahat ng iyon.

"It's not your fault, Morris." Iyon ang palaging sinasabi sa ng gumagamot sa'kin, na hindi ko kasalanan kung bakit ako nagkaganito.

...

...

No, it was her father's fault. Kung hindi dahil kay Dr. Richard Morie ay hindi makukuha ng Memoire si Ate Georgina. At kung hindi nawala si Ate Georgina sa tabi ko ay hindi mangyayari 'to.

Hah. Jill Morie deserved what she got. Minalas lang ang Memoire kaya sila napatumba ng isang di hamak na highschooler.

And this... This Georgy boy is just too weak to handle pressure. Imagine, he surrendered himself to this sick asylum in the city? Para ano? Para mapaglaho ako? Me? I am Sio, and I am part of George Morris. That's the fact that he can't accept that's why I'm still here living in the depths his mind.

...

...

Everyday I'm trying to live, I'm trying to move from the past pero mukhang nakatali ako sa sumpa na 'yon at heto ako na nananatili sa mga alaala ng nakaraan. I am the boy who can see the past and no cure or medicine can take it away as if it is an eternal curse.

Sa loob ng institusyon na ito, maraming mga pagkakakataon na nakikita ko ang bawat nakaraan ng bawat isa, lalo na ang mga iba pang pasyente rito katulad ko, nang masilip ko sa kanilang mga mata ang minsan nilang naging buhay sa labas bago sila naging miserable rito sa loob.

May mga pagkakataon din na napapaisip ako kung nakakatulong ba ang pag-punta ko rito dahil hindi pa rin siya nawawala. Hindi pa rin nawawala si Sio sa isip ko. Kahit na nakukontrol ko na ng maigi ang sarili ko ay alam kong nasa isang sulok lang siya, naghihintay, nagkukubli at anumang oras ay maaaring sumulpot.

Pero...

"Hello, George." Nagambala ang pag-iisa ko nang makita ko na papalapit ang isa sa mga doktor dito, isang matandang babae at nang magtagpo ang aming mga titig ay nakita ko nang saglit mula sa kanyang mga mata ang kanyang nakaraan. Minsan siyang naging pasyente sa institusyong ito, sa di malaman na dahilan kung bakit at paano at heto siya ngayon ay isang doktor. "Your power is fascinating."

Napapitlag ako sa sinabi niya, tumabi siya sa akin at tinanaw lang niya ang iba pang pasyente na namamasyal at nakatambay sa garden. H-how did she know? Who's this old lady?

"Because I am like you."

"H-huh?"

"I'm also an Aeon."

"Aeon?"

"Aeon, isang tao na mayroong isang espesyal na kapangyarihan. Peculiar is what Memoire calls it, right?"

Then she mentioned Memoire, napatayo ako bigla nang marinig ko ang pangalang 'yon.

"I'm sorry kung nabigla kita." Kaagad niyang hingi ng pasensya, "Huwag kang mag-aalala, hindi ako masama at wala akong kinalaman sa kanila."

"Then, what do you want with me?"

"Sit." She calmly said and I followed her. Umupo ulit ako sa tabi niya. "My name is Ophelia, isa akong Telepath. What you saw in my eyes was very long ago. I used to help someone who cannot control her powers that she almost went insane."

"Pero bakit kinailangan mo pa pong magpanggap na baliw para lang tulungan siya?" sa nakita ko sa kanyang mga mata ay nakita ko ang isang babae na halos kasing edad ko lang, "You're a doctor... then...why?"

"Well... Dahil nautusan lamang ako." Nahalata ko sa kanya na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon, "Gusto rin sana kitang tulungan dahil noong una pa lang kitang nakita ay nabasa ko kaagad sa isip mo na kakaiba ka, espesyal na nilalang."

"H-how can you help me?"

"My dear George, alam mo ba kung gaano ka makapangyarihan dahil sa kakayahan mong makakita ng nakaraan?" hindi ako kumibo sa sinabi niya, "You cannot achieve your fullest potential not until you healed yourself. You have another persona and you want to remove him. Tama ako hindi ba?"

I just simply nod at her. She's right. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumasok dito, para maaalis si Sio.

"Sorry to tell you pero hindi mo siya magagawang tanggalin."

"H-huh? A-anong-"

Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Kailangan mong maunawaan na si Sio ay parte ng pagkatao mo."

"H-hindi ko maintindihan."

"Uulitin ko, Sio is just a part of who you are and the first thing you need to do is to accept that fact."

"The fact that I am really..." that bad...

"Yes, George. Acceptance is the only way para tuluyan mong makontrol ng buo ang iyong isip." Tinapik-tapik niya ako at tumayo na siya, pero bago siya umalis, "You are not really sick." Tumingin siya sa malayo, "And it's the same for them." Muli siyang tumingin sa'kin, "Kung gusto mong makontrol ng lubos ang kapangyarihan mo, gawin mo kung ano ang sinabi ko. It's only in the mind, George." And then she walked away, leaving me astounded.

...

...

"May bisita ka, George." Maya-maya'y biglang dumating sa harapan ko ang nurse.

"Sino?"

"Hello, Morris." Umalis ang nurse nang dumating siya.

"Sino ka?"

"Hindi mo na ba ako natatandaan? It's me, your former homeroom teacher."

"Oh, Miss Karen, ikaw pala 'yan." Napansin ko na nagdadalang tao siya, "Congratulations."

"Kamusta ka na? Ano ng kalagayan mo?" pero hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya at nginisian. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pangamba nang mapansin ang kakaibang titig mula sa'kin.

"Where is Morris?"

"Morris is dead."

Mabuti na lang at mabilis makaintindi ng figure of speech si Miss Karen dahil kaagad din siyang nakabawi mula sa sinabi ko.

"Look, hindi ako magpapaliguy-ligoy pa, Morris." She seriously said while directly looking at me and it seems like she's not afraid anymore if I saw something in her eyes, "I can see the future again, Morris. And three years from now I'll need your help."

"Help? Para saan?"

"For my sister, Jill."

And... why should I do that? Tanong ko sa isip pero hindi ko sinabi... It's a kind of question that Sio will ask. Atsaka ko naalala ang pag-uusap namin kailan lang ni Dra.Ophelia, medyo naiintindihan ko na kung anong nais niyang iparating.

"And why should I do that?" I finally uttered the question, "Hindi mo ba natatandaan Miss Karen kung anong ginawa ko sa kapatid mo? I came here para-"

"Mahal mo ba ang kapatid ko?"

Natigilan ako sa tanong niya.

"Morris, mahal mo ba-"

"Oo."

Stupid.

Stupid.

"Kung ganon... Tulungan mo ako."



*****


(Three years later)

"Nariyan na ang sundo mo."

Araw ng paglabas ko sa institusyong ito. Hindi ko akalain na ganon lang kabilis lumipas ang tatlong taon... Tatlong taon sa loob ng apat na sulok na kwarto, tatlong taon na pag-inda sa matinding pangungulila. And finally, here I am.

Sa lobby ay nakita ko siyang naghihintay, at katulad ng napag-usapan namin noon ni Miss Karen nang minsan siyang dumalaw, hindi ko sukat akalain na 'yung taong minsan kong kinamuwian ay siyang susundo sa'kin dito.

Si Dr. Richard Morie.

"George." Tawag niya sa'kin nang makalapit ako sa kanya. "It's good to see you again."

Pilit akong ngumiti at napansin kong kasama niya yung right-hand man niya na si Albert, "Hindi niyo siya kasama?" tanong ko sa kanila.

"Sino?"

"Si Miss Karen." She promised me three years ago na kasama siya sa susundo sa'kin pero mukhang wala siya rito.

"She's waiting for you." Iyon ang sinabi ni Dr. Richard at wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanila.

Wala pang isang oras ng marating namin ang Morie Manor, nagkaroon na ko ng hinala noong una kung saan kami papunta. Habang nasa biyahe kami ay hindi naiwasang mabanggit ni Dr.Richard na wala na ang Memoire... Matapos ang naging insidente noon ay natuluyan silang magsara, Dr.Richard also said na hindi na interested ang Memoire sa kahit na anong Peculiars, at kung sikreto mang tumatakbo ang kompanyang iyon ay sigurado siyang hindi na kami nito babalikan.

Pero... Kung hindi na Memoire ang issue dito... Bakit pa kinakailangan ni Miss Karen ang tulong ko?

"Hello again, Morris." Bati niya sa'kin nang maka-ibis kami ng sasakan, nasa entrada sila ng mansyon habang karga niya ang anak at ang isa pang bata na nagtatago sa likuran niya.

"Parang kahapon lang noong dinalaw kita." Narito kaming dalawa ngayon sa bakuran ng mansyon habang pinagmamasdan namin ang dalawa niyang anak na naglalaro di kalayuan. Naramdaman ko na tumingin siya sa'kin, "Magaling ka na ba?"

Bahagya akong ngumiti at tumingin sa kanya, "It took me three years just to accept it."

"Ang alin?" nakakunot noo niyang tanong.

"To accept that Sio is part of who I am."

"I'm sorry but I'm confused." Medyo natawa ako dahil kahit sino naman talaga ay maguguluhan, naalala ko tuloy ulit si Dra. Ophelia.

"Long and complicated story, Miss Karen."

"Teka lang, you can call me Karen, I'm not your homeroom teacher anymore."

"Karen? Bakit hindi Ate Karen?"

Tinitigan niya ko ng ilang Segundo bago siya magsalita, "Ate Karen huh? Bakit? Huwag mong sabihing interesado ka pa rin sa kapatid ko?"

"Papayag ba kong pumunta rito kung hindi?" napatingin kami muli sa mga anak niya,

"Save your heartache dahil taken sa ngayon ang puso niya."

Napatingin ulit ako sa kanila, "What?"

"Pero kung mahal mo pa rin talaga siya..." tumingin siya ulit sa akin, "You will do anything just to protect her." Hindi ako nakasagot dahil nakita ko sa mga mata niya... "Katulad ng ginagawa ko."

"You deceived her..."

"Morris, ginawa ko 'yon para sa kanya." Hinawakan niya ko sa balikat, "I need your help."

Napahinga ako ng malalim, "Ang unfair." Bumitaw siya sa'kin nang marinig 'yon.

"Unfair?"

"Anong mapapala ko kung... kung nasa iba na rin ang puso niya."

"Morris, sa pagmamahal walang hinihiling na kapalit, kahit na hindi ka mahal ng taong mahal mo, hindi ba gagawin mo pa rin ang lahat para sa kanya?"

"Ang tawag don ay pagpapakatanga. You're asking me to become a martyr."

"Nasa Beijing sila ngayon, hindi siya nagdalawang isip na sumali sa competition para iligtas ako, dahil mahal niya ko."

"Pero paano kung malaman niya na isang kasinungalingan ang pinaglalaban niya?"

"Sinabi ko na sa'yo kanina, Morris, ang lahat ng 'to ay para sa kanya, kahit na kamuwian niya 'ko sa oras na malaman niya ang totoo, Morris, I am willing to give up anything just to protect her-"

"And your children." Tuloy ko sa sasabihin niya, "Karen, I'm not stupid, alam kong sa priority mo sa buhay mo, una pa rin ang dalawa mong anak."

"Nagkakamali ka." Bigla siyang napatayo at halatang nagalit sa huli kong sinabi kahit na kalmado, "Kung inuna ko ang kapakanan ng mga anak ko hindi ko 'to gagawin."

Ilang Segundo rin kaming nagtitigan bago siya umupo ulit.

"Kung hindi ka interesadong tumulong, pwede ka ng umalis." Sabi niya sa matigas na tinig.

"Sabi ko sa'yo... Hindi ako papayag na pumunta rito kung hindi naman ako interesado."

"Ang dami mo kasing sinasabi." Sisi niya sa'kin. "Isa pang tanong, mahal mo pa ba si Jill?"

"Oo."

At kahit na may mahal na siyang iba ngayon, kung hindi paghihintay, handa ko siyang bawiin ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top