TPT Special Chapter [5]: Assembly

TPT Special Chapter [5]: Assembly

Story of the Lost Carnies


When sound all ceases to exist
People think that means happiness
And all the sounds that used to be

MAS nilakasan ni Finnix ang apoy, gamit ang buong pwersa ay mas nagliyab ito, kinontrol niya ang lakas dahil baka mas kumalat lang ito lalo sa paligid. Pinaikut-ikot niya hanggang sa unti-unting bumagal, napangisi siya at tinikman ang niluluto.

"Nasaan na yung order ng table 7?!" napaso tuloy sya sa paghigop ng sumigaw si owner na kakapasok lang.

"Ah eto na boss!" napatingin siya kay Pascal na nagmamadaling kinuha ang tray sa counter at kaagad na lumabas kasama ang amo nila. Pinatay niya ang sindi ng kalan at kinuha ang malaking stainless bowl para isalin ang niluto. Maya-maya'y napalingon siya sa pumasok ng kusina, si Otis na may dalang malalaking kahon na mga gulay, kakahango lamang nito mula sa palengke.

Sumapit ang break time nilang tatlo at nakatambay sila ngayon sa likuran ng resto kung saan sila nagtatrabaho. Nakalocate ang resto sa isang gasoline station sa gitna ng kawalan, walang ibang matatanaw kundi mga bundok at puno. Payapang payapa at simple ang pamumuhay nila ngayon hindi katulad noon na nasanay sila sa panandaliang karangyaan.

"Kung alam lang ni amo kung gaano ako nag-eeffort para kausapin yung mga daga para lang hindi ngatngatin yung mga supplies natin, dapat bibigyan nya ko ng bonus." Pagkatapos sabihin iyon ni Pascal ay natawa ito kasabay laklak sa softdrinks.

"Baka ipadala ka non sa mental at mawalan tayo ng trabaho kapag sinabi mo." Wika ni Finnix habang kumakain ng noodles. Wala namang imik si Otis katulad ng nakasanayan, suot-suot pa rin nito ang Clown na maskara.

Kung saan-saan sila napadpad magmula noong iniwan sila nila Jill sa kagubatang iyon. Hanggang sa matagpuan nila ang lugar na ito at masasabi naman nila na kahit papaano'y nakapagsimulang muli.

"Ang boring nyo naman." Napatingin sila sa nagsalita.

"Oh, Cecilia ikaw pala yan." Bati ni Finnix at patuloy na kumain. Pero natigilan sila ni Pascal at sabay na napabuga ng kinakain nang makita ito na nakaupo rin sa magkakapatong na kahon.

"Ahh! Ano ka ba naman!" sigaw ni Pascal dito sabay punas sa bibig. Tumawa si Cecilia. Alam nilang patay na ito ngunit dahil na-master nito ang Lucid dreaming at Astral projection, kahit sa kabilang buhay ay nagagawang iproject ni Cecilia ang kaluluwa gamit ang kanyang kamalayan. Sila lamang tatlo ang nakakakita at nakakausap dito.

"Sorry, alam niyo naman ang multo, pasulput sulpot." Nagpeace sign ito at tumawa ito ng nakakatakot.

"Tumigil ka nga." Saway ni Finnix, "Hindi ka nakakatawa."

"Bakit, guilty ka pa rin ba sa nangyari sa San Carlos?" natameme sila sa sinabi ni Cecilia dahil totoo ang sinabi nito. Hanggang ngayon ay binabangungot pa rin sila sa nangyari, ang pagtataksil at ang pagpili nilang maging matapat sa Memoire hanggang sa huli. Ang tanging bagay lamang na pinagsisihan nila ay ang pagkamatay ng kanilang mga kaibigan, si Cecilia at Seraphina. Alam nila na si Finnix ang nagpasimula ng apoy kung kaya't bumalik sila Jill Morie sa San Carlos, ngunit tumaliwas silang dalawa sa plano nilang tatlo kaya pinilit ni Seraphina na isakripisyo ang buhay upang ibalik ang oras ng mga taong nabawian ng buhay nang dahil kay Finnix.

Isang araw ay nagulat na lang sila na nagpapakita sa kanila ang kaluluwa ni Cecilia at nakakausap nila ito katulad noon, ang dahilan ay hindi nila mawari kung bakit, kung may nais ba itong sabihin o misyon ay hindi sa kanila nagsasabi si Cecilia. Bigla na lamang itong naglalaho at minsa'y biglang babalik

Alam nilang tatlo na wala na silang babalikan, kung kaya't walang direksyon o patutunguhan ang kanilang buhay at kuntento na sila rito ngayon.

Pagsapit ng gabi ay nagbubukas ang bulwagan sa resto at silang tatlo ang tumutugtog. Bukod sa nagtatrabaho sila sa araw sa kusina ay tuwing gabi naman ay nagiging musikero sila Finnix.


"TABLE number 5?! Nasaan na?!" sigaw na naman ng owner at mas nataranta sila sa loob ng kusina. Nagulat si Finnix dahil biglang lumapit sa kanya ang amo nila, "Aguil!" tawag nito sa tunay niyang pangalan.

"Po?" napatayo siya ng maayos dahil nakakatakot talaga ang anyo ng amo nila, malaking lalaki ito at mataba.

"Simula bukas hindi na kayo papasok dito."

"Po?!" gulat niyang sabi, "Bakit po?!"

Hindi siya nito sinagot at inabot lang sa kanya ang isang puting piraso ng papel. Hinabol niya ang amo niya at hinarang ito.

"Amo, paano yung pagkanta namin dito tuwing gabi?"

"Huling gabi niyo na mamaya." At kaagad siya nitong nilayasan at naiwanan siyang nakatulala.

Sumapit ang hapon at nasa barracks silang tatlo. Pare-parehas silang walang imik dahil hindi nila alam kung bakit sila tinanggal ng amo nila sa trabaho. Nag-uusap silang tatalo kung saan na sila pupulutin simula bukas.

"May paparating na oportunidad."

"Cecilia!" nagulat na naman sila sa muling paglitaw nito.






NOONG gabing din iyon ay ibinigay nila ang lahat para sa huli nilang 'concert'. Kahit na walang katiyakan ang kinabukasan ay buong puso nilang tinanggap ang mga hindi pa mangyayari, wala mang kasiguraduhan.

https://youtu.be/gsVGf1T2Hfs

Everybody has their own version of what's just
Maybe war is something that is natural for us
But even the people that fill me with hate
Have their reasons to live their life that way


"Maraming salamat!" nang matapos ang huli nilang tugtog ay umalis sila ng entablado. Halos mag-uumaga na at nag-ayos pa sila ng mga lamesa at nagligpit ng mga kalat. Tsaka biglang may naalala si Finnix. Hinanap niya sa bulsa ang puting papel na binigay sa kanya ng kanyang amo binuklat niya iyon at nakita ang isang pamilyar na sulat.

Meet me at your hideout.

Pagkabasa ni Finnix ng salitang 'hideout' ay kaagad siyang napatakbo.

"Finnix!" tinawag siya ni Pascal at paglingon niya'y nakasunod na ito at si Otis. Iisa lang naman ang hideout nilang tatlo ngayon. May gubat pitong kilometro ang layo sa gasoline station na 'yon at matatagpuan mismo sa loob ng kagubatan ang isang abandonadong building kung saan sila minsang nag-eensayo ng kanilang mga kapangyarihan para walang makakita na ibang tao.

Napahinto silang tatlo nang marating ang lumang gusali. Naroon siya at nakatayong naghihintay. Inabutan na sila ng umaga. Nakita ni Finnix na kasama rin nila ngayon si Cecilia, hindi lang niya sigurado kung nakikita niya rin ba ito.

"Lord Cairo." Sabay-sabay silang humakbang palapit sa kinatatayuan nito habang nakapamulsang naghihintay sa kanila.

"Long time no see." Bati nito sa kanila. "Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa." simula nito, "I need a team at kailangan ko ng lakas ninyo."

"Team?" si Pascal.

"Para saan?" tanong ni Finnix.

"Magkakaroon ng International Underground Battle sa Beijing," napakunot sila, "Memoire is participating and other secret organizations are also joining, but I want to make my own team. It's a global competition of those super humans like us."

"At... ano naman ang dahilan kung bakit gusto mong sumali sa competition na 'yon?" biglang nagsalita si Otis.

"The prize is inevitably charming. It's the Chintamani."

"Chintamani?"

"It's a hidden treasure, just like a philosopher stone. A source of higher power bestowed by the gods." Sagot ni Cairo,

Nagkatinginan sila, kasama si Cecilia na para bang inuudyukan sila natanggapin ang alok sa kanila ni Cairo. Nakaramdam sila na parang biglang pagbuhay ng kanilang mga dugo na matagal nilang hindi naramdaman, ang kapangyarihan na dumadaloy sa kanilang mga dugo ay biglang bumilis. Pumayag sila na ikinagalak naman ni Cairo.

"Before that kailangan niyo munang magtraining ulit at sasabak tayo sa una nating mission."

"Anong unang mission?"

Dahan-dahan itong ngumisi sa kanila si Cairo at sinabing,

"We will raid first the Team Morie's headquarters."




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top