TPT Special Chapter: [4.2] Still
TPT Special Chaper [4.2]: Still
Cairo x Karen's Backstory Part Two
"YOU look so pretty than the usual." Napaangat ng tingin si Karen at tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng estudyante, hindi niya ito inaasahang makikita ngayong araw.
"Lucille!" nagulat niyang sabi sa bigla nitong paglitaw sa desk niya sa faculty room, "Napadaan ka 'ata?" Napalingon siya sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang mag-aalas gis pa lang ng umaga. She and Lucille have this kind of close relationship mainly because they are in the same propositions.
"I have something to tell you, Miss Karen." tanong nito sa kanya. Usually tuwing uwian silang nag-uusap pagkatapos ng class hours kung kaya't nagtataka si Karen ngayon kung bakit bigla siyang pinuntahan nito. Nabasa niya sa mukha ni Lucille na may importante itong sasabihin.
Tumango siya at akma siyang tatayo ngunit pinigilan siya nito, "I filed a leave of absence for a while..."
"Ha? Bakit?" of course she is aware of Lucille's sickness pero hindi niya napigilang magtanong kung bakit.
"You know the reason, Missy." She fondly calls her 'Missy' "Pumunta lang ako rito para magpaalam ng maayos." She stares at her and she instantly got confused.
"Lucille." Hinawakan niya ito sa kamay. This child is so special, just like her. "Are your dreams still bothering you?" both of them can see the future in the different way, they were born like that, to see what lies ahead.
Umiling si Lucille sa kanya at ngumiti, "I am always dreaming, Missy." Hinawakan din nito ang kamay niya, "They will never stop." She can see something behind her eyes but she's not sure, she wants to tell her something but Lucille is hesitating.
"Don't tell me... Isa pa rin ako sa mga napapanaginipan mo?" lakas loob niyang tanong, magmula nang magtagpo sila ng landas ay palagi nitong nababanggit sa kanya na madalas siyang makita ni Lucille sa sarili nitong panaginip ngunit hindi sinasabi sa kanya kung ano iyon.
'Someone told me... that I cannot simply change the future. I cannot destroy the flow because it will cause chaos.' Ang sinabi nito sa kanya.
Pero hindi siya nito sinagot, "Be careful." Napakunot yung noo niya, "We suffer because we love."
"What are you—"
"See you again, Missy." Bumitaw ito sa kanya at dali-daling umalis. Samantalang naiwan si Karen na nakatulala at naguluhan sa mga salitang binitawan sa kanya ni Lucille.
Love...
Isang tao lang ang sumasagi sa isip ni Karen kapag naririnig niya ang salitang iyon... Love... Pag-ibig. Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon sa kanya ni Lucille, kung babala man o isang masamang pangitain, ang magmahal ay may katumbas ng sakit. It's like as if she was given a choice, to love or not to. What's the point of love if you're not going to suffer? She thought. Pain and love coexist together, one cannot live without another.
Naglalaro ang mga salitang iyon sa isip niya habang nasa exit gate, iniisip niya kung itatapak ba niya sa labas ng perimeters ng school ang paa niya para salubungin ang naghihintay na si Cairo. Kakarating lang nito at bumaba sa sasakyan. Biglang kumabog ang dibdib niya nang makita ito.
Ngunit tila kusang gumalaw ang mga binti niya papunta sa kinaroroonan nito.
"Hi." Bati nito sa kanya.
"Hi." Balik niya rito.
Karen knew what exactly her heart longs—love. And she already found it.
Nagsimulang mag-iba ang tingin niya kay Cairo noong nagpunta sila sa Grand Musuem at hindi na nawala sa isip niya ang binata. Hindi man niya maipaliwanag ng maayos pero alam niyang may nag-iba rito at namalayan na lang niya ang sarili na unti-unting nahuhulog.
"So you're not using your powers anymore?" magkasama sila ngayong gabi dahil gustong makipagkita nito sa kanya at kasalukuyan silang kumakain sa isang restaurant sa seaside bay.
Tumango siya, "Better not to."
"Why?"
"'Someone told me... that I cannot simply change the future. I cannot destroy the flow because it will cause chaos.'" Sinagot niya ang eksaktong sinasabi sa kanya noon ni Lucille kapag tumatanggi itong ipaliwanag kung anong nakikita nito sa hinaharap. "Bakit nga pala gusto mong makipagkita ngayon?" pag-iiba niya ng usapan kahit na mas madalas na silang magkita ni Cairo sa loob ng isang linggo'y hindi niya maiwasang isipin kung ano ba talaga silang dalawa.
"Gusto lang kitang makita." Nakangiti nitong sabi pero nabasa niya rin sa muka nito, katulad ni Lucille, na mayroong gustong sabihin ngunit nag-aalinlangan.
"May problema ba?"
"Wala naman."
I saw you smiling at me
Was it real or just my fantasy
It was just another usual night; they spend hours in talking and talking about things while the song is playing on the background. No one can hear the same music of their hearts that is beating for each other. Alam nila sa isa't isa kung ano ba ang sinisigaw ng mga puso nila.
Before they parted their ways, they kissed.
My last night here with you?
Maybe yes, maybe no
HE hates it, that feeling of wavering and anxiety, he felt so weak and he is disgusted to his self.. That's why he thought that he mustn't. He's convincing himself that it's just a physical attraction and nothing else, he's here on a mission and he must fulfill it.
Cairo can still feel the kiss they shared earlier, dama pa rin niya kung gano kabilis ang tibok ng puso niya. Pabalik siya ng MIP dahil ngayong gabi ang uwi ni Pacifico.
"Kamusta?" bati sa kanya ng kakambal nang dumating ito sa Sanctum. Magkasama sila ni Jing na naghintay dito, "Naghihintay ka rin ba ng pasalubong, Jinnie?"
"Alam mo ang kulit din ng kokote mo, Pacifico. Sinabi ngang Jing ang pangalan ko." Naiinis na sabi ni Jing. Nagprisinta kasi ito na samahan siya sa sala maghintay.
"Whatever." Bumaling ang atensyon ni Pacifico sa kanya, "Bukas na lang tayo mag-usap, pagud na pagod ako." Tinapik siya nito sa balikat at iniwan silang dalawa ni Jinnie.
"Seriously, Cairo, naghintay ka sa wala." Sabi sa kanya nito nang silang dalawa na lang ang nasa sala. Tulog na ang lahat ng tao sa Sanctum.
"Sinabi ko bang samahan mo ako?"
Nag-iwasa ng tingin sa kanya si Jinnie at sinabing, "Gusto ko lang makibalita sana... kay Karen." Alam niyang nagsisinungaling ito kung kaya't umalis na rin siya. "Hoy." Pero hindi niya na yon pinansin.
Kinabukasan ay pinatawag silang dalawa kaagad sa Headmaster's office para magbigay ng ulat at katulad ng inaasahan ni Cairo. Mangyayari ang mga dapat mangyari, ngunit nakadama siya ng pangamba. Sa kanya naman ngayon ibinigay ang trabaho sa International Headquarters sa abroad at ibabalik muli kay Pacifico ang misyon na dalhin si Karen Italia sa MIP, naiinip na ang headmaster kung kaya't binigyan nito si Pacifico ng deadline.
Nang sumunod na araw ay kaagad ding umalis si Cairo papuntang International HQ at si Pacifico naman ay nagtuloy sa sarili niyang misyon. Pinilit niyang alisin ang lahat ng nangyari at itinuring na isa lamang iyong panaginip. Lumipas ang araw at mga linggo, Cairo successfully managed the job he was given at the HQ at maaari na siyang bumalik ng MIP.
"WELCOME back." Si Jing ang bumati sa kanya nang makapasok siya sa loob ng Sanctum mansion, nagprisinta itong kunin ang bag na dala niya. Napakunot ang noo niya dahil ang kakambal niya ang inaasahan niyang bubungad sa kanya.
"Nasaan si Pacifico?" tanong niya rito. Hindi sumagot si Jinnie at tuluy tuloy lang itong naglakad at hindi siya nililingon, "Hoy, Jing." Huminto na ito at nilingon siya.
'Wala rin namang saysay kung magsisinungaling ako.' Binasa niya kung anong iniisip nito.
"At bakit ka naman magsisinungaling?"
"Tangina ka wag mong basahin yung isip ko." naiinis nitong sabi sa kanya.
"Bakit hindi mo sagutin ng maayos yung tanong ko?" Biglang nag-iwas ng tingin si Jing, humakbang siya palapit dito at ilang dangkal na lang ang pagitan nila, "Nasaan si Pacifico?" ulit niya, mas mababa ang tono.
Lumayo si Jing sa kanya at hinarap siya ng maayos, "Hindi pa rin bumabalik ang kakambal mo rito sa MIP." Napakunot siya, "Base sa narinig ko, magpapakasal sila ni Beatrice." Without particular reason but guilt was all over her face.
Napangiti siya at marahang natawa, "Akala ko kung ano ng nangyari sa kanya." Naglakad siya na para bang walang narinig ngunit nang malagpasan niya si Jing ay naglaho ang kanyang ngiti sa labi.
"CAIRO, we need to talk." Hindi man lang ito kumatok bago pumasok sa loob ng kanyang silid. Nakita niya si Pacifico na naglalakad papunta sa kinaroroonan nya. Napatayo siya sa swivel chair nya at umupo silang dalawa sa couch. Nang sumunod na araw matapos niyang makabalik ng MIP ay kaagad na umuwi si Pacifico sa MIP.
"Tungkol saan?" patay malisya niyang sagot.
"It's about, Beatrice." Kahit na alam na niya kung anong pag-uusapan nila. "Sinabi sakin ni Jinnie na sinabi niya sayo. Look Cairo—"
"Do you love her?"
Hindi kaagad nakasagot si Pacifico, "I don't have a choice... I have to take her here whatever the means. Kailangan kong makuha ng buo ang tiwala niya kaya kailangan naming...magpakasal." Tumingin ito sa kanya ng diretso, "Alam kong komplikado dahil ang alam niyang pangalan ko ay Cairo, kaya naman kapag dinala ko siya rito we have to switch our names." Nakuha niya agad ang punto nito, at mas kinakainis niya ay ang hindi nito direktang pagsagot sa tanong niya. Matapos ang maikli nilang pag-uusap ay naiwan muli si Cairo na nag-iisa. Alam niya ang sagot.
Buong araw siyang nagkulong sa loob ng silid, tutal binigay ang araw na to para makapagpahinga siya. He did well in his work, puri sa kanya ng board of directors, that's why he deserves to be promoted. Next year si Margaux na ang papalit bilang headmistress ng MIP at siya ang naatasang maging deputy headmaster. Despite of his achievements in his field, in and outside Memoire, alam niyang hindi pa rin siya masaya.
"Dinalhan kita ng pagkain." Biglang lumitaw si Jing sa harapan niya na may dalang tray, kumatok naman ito bago pumasok. Nakaupo pa rin siya sa couch at nag-iisip. Hindi niya pinansin si Jing, nilapag nito sa center table yung tray at umupo kaharap niya.
"What a misfortune." Sabi nito at naglabas ng isang stick ng sigarilyo.
"No smoking here."
"Fine." Tinabi nito ang kinuha, "Kung may mas dapat mang kaawan dito, Cairo, si Beatrice 'yon." Tiningnan niya ito, blangko, "Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. And as expected to that naïve girl, hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya para tingnan kung anong mangyayari sa kanya sa hinaharap."
"Dahil mahal niya—"
"Si Pacifico?" pang-aasar nito."I never expected that you're also capable in love."
"Bullshit, Jinnie." Tumayo siya at itinuro ang pinto, "Get out."
Tumayo rin si Jing sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya. "I said get out." Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin.
"Alam kong nasasaktan ka." Sabi nito. 'Nasasaktan din akong makita na nasasaktan ka.'
He loves her dear brother very much and he's willing to give up his own feelings. That day he admitted to himself that he fell blindly into a trap.
DUMATING din ang araw na sawakas ay nadala na rin ni Pacifico si Beatrice sa Mnemosyne Institute. At katulad ng napag-usapan nila ng kapatid ay kailangan muna nilang pagpalitin ang pangalan nila pansamantala. Cairo ignored all the desires in his heart and thought of his brother. Maybe Pacifico somehow knew what he feels but they are doing this for Memoire and they have no choice.
Wala na tayong ibang mapupuntahan.
Hanggang sa malaman niya na si Karen ang napili ng Memoire para sa current project nila na i-innovate ang Peculiarity nito upang gamitin sa primary mission ng kanilang organisasyon...
To conquer the Universe
He did nothing as he saw how they used her. She saw her pain but he never saved her.
We have no choice.
Until one day, his brother cannot stand it anymore.
"This is not right, Cairo." Sabi nito, "Hindi ko na matiis ang mga ginagawa nila at mga pinagagawa nila sa'tin." Niyugyog siya nito sa balikat na para bang mababaliw. Hindi lang naman si Karen ang ginagamit ng Memoire ngayon, both of them are clearly aware on what's happening around and what are Memoire's true colors beyond its façade in society. "Hindi ko na kaya... Hindi ko na kaya!" lihim silang nag-ususap ngayon sa library.
"Calm down." Tumango ito at dahan-dahang huminga, he can see that his brother is nearly breaking down his sanity, "We have no choice." Siya naman ngayon ang nagpapaalala sa mga sinasabi nito sa kanya noon.
"No," umiling ito, tagaktak ang pawis kahit na malamig ang silid, "We have a choice." And finally his brother realized the truth. "We can escape!"
"Nababaliw ka na ba, Fico?" tinawag niya na sa palayaw ang kakambal, "Ano bang sinasabi mo? Tatakas?!"
"Kailangan kong malayo si Karen sa lugar na 'to." Namumuo ang luha sa mga mata nito at unti-unting nilalamon ng takot ang buong pagkatao na tila kahit anong sandali'y masisiraan na ng bait. "Pati ang mga bata, pati yung mga HGP—"
"Okay, listen to me first." Napahinto silang dalawa, "Kailangan nating gumawa ng plano."
They formulated an escape plan, a 'jailbreak', to save Karen, and those innocents. Bumalik muli sa normal na kundisyon ang pag-iisip ni Pacifico kung kaya't napaghandaan nilang mabuti kung ano ang mga dapat nilang gawin. But before that they need accomplices. Dahil si Pacifico ang malapit sa mga estudyante, ito ang nakipag-ugnayan sa Peculiar movement, ang leader nito na isang prodigal child, si Elizabeth Macaraig at ang mga kasama nito na sina Vicente, Dean at Palm. Siya naman ang nakipag-ugnayan sa security, ang Sentinel systems.
It wasn't easy and they only got one shot to do the plan. No rehearsals and no mistakes. It is a matter of life and death mission. For the first time in history there will be a revolution. Kabilang sina Sylvia at Rommel na mga kababata nila ang pumayag sa plano, ngunit si Jing lamang ang hindi sumang-ayon sa kanila that's why Cairo got a hard time to persuade her to cooperate, hindi pa rin pumayag si Jing but she assured that she won't interfere.
Hindi matiis ni Cairo kaya nagpadala siya ng mensahe kay Karen, '...alam kong naririnig mo ako. Si Pacifico ito. Makinig ka sa'kin. Mamayang gabi, pupuntahan ka nila Sylvia at Rommel sa selda mo. Tatakas tayong lahat.'
Dumating ang gabing pinakahihintay nila, nagkagulo ang lahat.
It went out of hand because they are outnumbered. Prioridad nilang magkambal ang itakas si Karen mula sa kamay ng Memoire. Nasira ng Movement ang main gate kung kaya't malaya na ang lahat makalabas ngunit hindi iyon kadali, hundreds of Sentinels are deployed to stop anyone who will try to step outside the boarder. Naghihintay ang van na inihanda nila Rommel, at nakita ni Karen si Pacifico na akala niya si Cairo na tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila.
"Beatrice! Sumakay ka na!" pilit siyang hinihila ni Rommel papasok sa loob ng sasakyan kung kaya't walang nagawa si Karen.
Tila bumagal ang kilos ng lahat, nasa likuran ni Pacifico sila Cairo na kasunod din ang ilang mga Sentinels. Mula sa isang tore sa main gate ay naroon si Margaux katabi ang isang sniper, alam niya ang nasabing plano dahil sinabi sa kanya ni Jinnie ang binalak ng kambal.
Bumulagta sa sahig si Pacifico.
Nakalabas na sa main gate ang sasakyan na lulan nila Karen habang nakatanaw sila sa pagbagsak ng kababata.
"Pacifico!" sigaw ni Cairo at kaagad na dinaluhan ito. Nagpakawala muli ng bala ang sniper ni Margaux mula sa itaas ngunit sa pagkakataong ito ay biglang dumating si Jing at nagawa niyang iiwas ang bala na tatama kay Cairo.
Nag-aagaw buhay si Pacifico at nagawa pa nitong ngumiti sa kanya, "Salamat..." paulit-ulit nitong sabi, "She's finally... free." At pumikit ito...
"No..." punung puno ng paghihinagpis ang puso ni Cairo, sinigaw niya iyon ng isinigaw hanggang sa mapaos ang kanyang tinig. Sinubukan siyang alalayan ni Jing ngunit itinaboy niya ito.
If frown is shown then
I will know that you are no dreamer
Isa si Cairo sa mga sinintensyahan ng MIP na guilty na may kinalaman sa jailbreak. Ikukulong din siya sa Bastille katulad ng nangyari sa Movement ni Eliza Macaraig ngunit nangialam ang Headmaster at si Margaux sa desisyon ng board.
"We will need his talent." Ang sabi nila.
Galit. Ito ang namayani sa puso ni Cairo. Sinisisi niya si Karen sa pagkamatay ng kanyang kapatid, na kung hindi dahil dito'y hindi sana nila maiisipang gumawa ng plano na pagkatakas, na kung hindi lang nila sinubukang tumakas sa MIP ay hindi ito mamamatay. Iyon ang nasa isip niya, paulit-ulit.
"I will get her back." And he swore from that moment on, that he will do anything to capture her. Cairo thought that she must pay for what happened to his brother.
BUT when he finally caught her two years later, hindi pa rin niya natalo kung anong sinasabi ng puso niya. Despite all the hate and grudge, his heart undertook his decisions. At ngayon, heto siya at humihingi ng kapatawaran sa kapatid niyang namayapa.
"Kailangan ko siyang mahanap ulit." Sabi niya sa puntod ni Pacifico, "Para malaman niya kung anong totoo."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inayos ang sarili. Huminga siya ng malalim at tumingala.
"I will find her again, but this time, it's not for your sake and I'm sorry
...because I love her, still."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top