TPT Special Chapter: [4.1] Karen x Cairo's Backstory
TPT Special Chapter [4.1] :
Karen x Cairo's Backstory Part One
"IT'S been a long time, brother." Nilapag ni Cairo ang isang pumpon ng bulaklak. Umupo siya sa damuhan at naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon. Even though it's against his nature at least he knew that Pacifico did. Bumuga muna ng usok si Cairo bago muling nagsalita na para bang buhay ang kinakausap, "I don't understand why you love to smoke." Tumingala siya at nakita kung gaano kaganda ang panahon, maaliwalas at walang gaanong ulap.
"I bet if you're alive right now baka mapatay mo ako sa galit." Ngumiti siyang bahagya ngunit bakas ang kalungkutan sa mata, "I broke my promise." At napatingin siya sa ibaba, sa lupa kung saan nakaukit sa bato ang pangalan ng kakambal. "Will you ever forgive me?" biglang nanlamig ang buo niyang katawan, napapikit si Cairo at hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa kanya ang buong pangyayari. "I stole her from you."
Mga multo ng nakaraan na hindi niya matatakasan...
NAKSANDAL si Cairo sa haligi habang matiyagang naghihintay sa pasilyo. Napatingin siya sa orasan at napagtantong kalahating oras na niyang hinihintay ang kakambal—si Pacifico. Maya-maya'y nakita niya ito di kalayuan na kalalabas lang ng Headmaster's office at naglalakad papunta sa kinaroroonan niya.
"Oh, brother!" bati nito sa kanya nang makalapit, "Kakabigay lang sa'kin ng headmaster ng bagong order from the board." Sabay silang naglakad.
"What is it this time?" tanong niya.
"Hmm, it's just the usual recruiting mission." Saad nito at naglabas ng sigarilyo.
"Hindi pa ba sila nakuntento na nahanap at nadala ko kaagad si Jinnie?" kahapon lang nang opisyal ng maging miyembro ng Memoire si Jinnie, ang isa sa kanilang mga kababata sa Sta. Helena, matapos niya itong puntahan at personal na hiyakatin na sumama sa organisasyon at hindi naman siya nahirapan sa nasabing misyon.
"Parang hindi mo sila kilala." Natatawang sabi ni Pacifico, "They won't stop not until we found every single one of our kind."
"So, who is it this time?"
"It's Beatrice." Napahinto sila pareho.
"Beatrice?" napakunot niyang saad at medyo hindi makapaniwala na isa na naman sa mga kababata nila ang natatagpuan at ang tanging natitira, "They found her?"
"Yes." Sagot nito, "At ngayon na nga pala ako aalis para puntahan siya."
"What? Ganon ba sila ka-atat?" naglakad silang muli, may mga estudyante silang nakasalubong at binati sila nito.
"They told me that unlike Jinnie, Beatrice's kinda a hard to get." Natawa si Cairo dahil sa pagkakaalala niya ay tahimik lang na bata noon si Beatrice at mas papayag pa siyang mas matigas ang ulo ni Jinnie, "They already sent their men before to recruit her as a scholar here pero mukhang hindi na tumatalab ang usual methods nila that's why ako ang napili nilang ipadala."
Napatango na lang si Cairo, at natagpuan nila ang sarili sa parking lot kung saan sumakay sa loob ng kotse si Pacifico, bago ito umalis ay binuksan nito ang bintana.
"When are you going back?"
"I'm not sure, may trabaho rin ako sa Sentral City at isasabay ko lang tong recruitment mission."
"Okay. Take care of yourself."
"Thanks."
ISANG linggo ang lumipas nang muling bumalik si Pacifico sa Mnemosyne's Institute. Much to Cairo's surprise, hindi kasama ni Pacifico si Beatrice. Silang dalawa lang ang tao sa lounge sa Sanctum at pagud na pagod na nakaupo si Pacifico sa sofa.
"Anong nangyari at mukhang hinang-hina ka?" tanong ni Cairo habang nakadekwatro. Walang partikular na nangyari ngayon sa araw niya dahil siya ang naatasan na magtrain sa mga higher level Peculiars, mga prodigies na nakatira sa Sanctum at isa na si Jinnie doon.
"So anong ginagawa niyo rito?" Biglang dumating si Jinnie, at umupo rin sa sofa.
"Hi Jinnie." Bati ni Pacifico, "It's good to see you."
"It's Jing." Mataray na sagot nito na tinawanan lang ni Pacifico.
"Hey, I'm asking you a question." Sabi niya. "What happened? Nasaan na si Beatrice?"
"Beatrice?" sumabat si Jinnie, "Dadalhin niyo rin si Beatrice dito?" hindi makapaniwalang saad nito.
"The board is right, she's not easy to get." Sagot ni Pacifico habang nakapikit, "Or maybe my mind is also busy in regulating the offices at Sentral city." Right, Memoire's got a lot of shit to take care, Cairo thought.
"Matalino si Beatrice." Saad ni Jinnie.
"Unlike you?" pang-aasar niya.
"Shut up, Cairo." Napatayo si Jinnie sa kinauupuan niya, "Pumayag akong sumama dito dahil wala na 'kong ibang mapupuntahan. That's all." Bigla itong napikon at naglakad paalis. Silang dalawa na lang ulit ang natira.
"So, what are you going to do?" tanong ni Cairo sa kakambal at binalewala ang mga sinabi ni Jinnie. "You know that the board won't stop not until they get what they want."
"Alam ko." sabi ni Pacifico, "Don't worry, I have a plan."
"What plan?" Cairo leaned forward to hear carefully. Umayos din ng pagkakaupo si Pacifico bago sumagot.
"I will make her fall in love—with you."
"What?" he almost shouted but fortunately he controlled his voice. "Are you serious? Maiintindihan ko pa kung sinabi mong you will make her fall in love with you but with me? I don't get the point. It's absurd."
"Calm down, brother." Natatawang sabi ni Pacifico, "I'm sorry hindi ko kasi kaagad nasabi sa'yo."
"Ang ano?" hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso niya sa mga binabalak ng kakambal niya.
"Nagpakilala ako sa kanya bilang ikaw."
"Y-you... what?" this time hindi na niya mapigilan ang boses at tila umalingawngaw sa buong mansyon.
"What's the problem here?" biglang sumulpot sa veranda sa second floor si Michele Margaux, ang deputy headmistress.
"Nothing, madam." Si Pacifico ang sumagot at umalis na ang deputy headmistress. Tumingin muli si Pacifico, with an apologetic look to Cairo, he said, "Hey, I'm sorry, okay? I did it because I thought it would be an advantage."
"Hindi ko maintindihan."
"I still remembered way back then noong mga bata pa tayo, Beatrice likes you." Cairo was astounded for a moment, "But it wasn't easy for me to bring her here, she has life and...and she's wonderful." And so Pacifico told him on how he and Beatrice met, pati kung paano nagbago ang pangalan nito na naging Karen Italia. Ikinuwento rin ni Pacifico kung anong nangyari kay Beatrice matapos makalabas sa ampunan, kung anong buhay niya sa kasalukuyan bilang guro sa isang pamantasan, pati kung gaano kaganda si Beatrice ngayon. Cairo saw in his brother's eyes how fascinated he is.
"I have to be careful with her, bro. She can see the future, and I'm afraid that she might found out the real agenda."
"So you have to make her fall in love with me... I mean you?"
"Precisely."
CAIRO didn't care at all. And both of them didn't think of it roughly that's why they didn't saw what will happen next. Halos isang buwan ang nagdaan nang huling nagkita ang magkapatid at parehas silang pinatawag ngayon sa opisina ng Headmaster.
"I called you here to settle your missions." Sabi ng headmaster sa kanila, "Pacifico, kailangan mong pumunta sa International Headquarters sa abroad."
"Pero my lord, hindi ko pa tapos yung recruitment mission—"
"Kaya nandito si Cairo para pansamantala ibigay muna sa kanya ang misyong iyon, Pacifico." Nagkatinginan silang magkapatid at iniisip kung alam ba ng Headmaster ang napag-usapan nila noon. "I think that wouldn't be a problem, right?"
"What about my job here?" tanong ni Cairo, "I'm the one who's overseeing the prodigies."
"Don't worry si Margaux muna ang pansamantalang mamamahala sa kanila. Is it alright with you, Michele?" napatingin sila rito at tumango lamang ito sa kanila.
Matapos ang nasabing pagpupulong, sa labas ay nag-usap ang magkapatid.
"Ikaw na muna ang bahala kay Karen."
So he calls her Karen now. Sa isip ni Cairo
"I don't really get them." Sabi niya. "Why do they have to deploy you just like that?" nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Pacifico at tinapik siya sa balikat.
"This is how it works here. We don't have a choice."
We don't have a choice?
Hindi siya nakasagot.
"Babalik din ako kaagad." Ngumiti ito at niyakap siya.
Noong mismong araw na 'yon lumuwas si Cairo papunta sa kinaroroonan ni Beatrice, at si Pacifico nama'y kaagad ding umalis papuntang airport. Bago sila maghiwalay ng kapatid ay binigay nito sa kanya ang lahat ng detalye tungkol kay Beatrice at ang pagkikita nila na nakatakda kinabukasan.
SATURDAY. Triangle Park.
Pinagmasdan ni Cairo ang orasan, naiinip na siya sa paghihintay. Ngayon lang ulit siya nakababa ng MIP kung kaya't medyo naninibago pa siya sa paligid, maingay at maraming tao ang naglilisawan sa park.
I hate normal people.
Jinnie insisted to accompany him but Margaux interfered. Well he can't stand the boredom but he can't stand much the noise of that woman. Mag-aasaran lang sila ni Jinnie panigurado. He wondered why it took so long for his brother to recruit her—Beatrice.
"I'm sorry I'm late." Isang tinig mula sa likuran niya at kaagad siyang napalingon, "Kanina ka pa ba?" sumalubong ang isang maamong nag-aalalang mukha sa kanya. At hindi namalayan ni Cairo na nakatulala na pala siya. "Cairo?"
"Ah, yes?"
"Okay ka lang?" napakunot ito at hindi niya maiwasang mamangha sa napakaganda nitong anyo. "Para kang nakakita ng multo?"
"Sorry, nagulat lang ako sa pagdating mo." Inayos niya yung sarili. Tama nga ang kapatid niya, she is a beautiful woman indeed, malayung malayo sa musmos nitong anyo noon. Biglang kumabog ang dibdib ni Cairo. "Bakit ngayon ka lang?" normally he wouldn't ask and care about late people but here he is.
"May biglaang meeting sa school."
"You're still working in weekends?"
"Not really." Ngumiti ito sa kanya. "I'm glad to see you again."
It's nice to meet you. Gusto sana niyang sabihin ngunit pinigilan niya ang sarili. And the only thing that Cairo couldn't stop is his self, for mesmerizing her beauty and his heart throbbed for the first time he saw her.
THIS is just a game. He thought. He must play it because he has no choice. But he feel different when he's with her, ang alam niya nagpapanggap lang siya ngunit pakiramdam niya'y matagal na silang magkakilala, magkababata sila, pero yung pakiramdam na matagal niya ng hinanap.
"Nakatulala ka na naman." Puna nito sa kanya habang naglalakad sila sa park kung saan palagi silang nagkikita, "May problema ba?"
"Iniisip ko lang kung panaginip lang ba ang lahat ng 'to." Wika niya
"Gusto mo bang magising?" napatingin siya rito nang sumagot sa walang kwenta niyang sinabi.
"Paano ako magigising kung kasama ko na ang pinakamagandang babae sa mundo?" sabi niya at nakita niyang namula ang pisngi ng dalaga.
"Alam mo, Cairo, magmula noong magkita tayo nitong nakaraang Sabado, parang nag-iba ka."
"Paano mo naman nasabi?" muntik na siyang mautal dahil hindi niya alam kung ginagamit na ba ni Beatrice ang kapangyarihan nito sa kanya. Pero sa pagkakatanda niya sa sinabi ng kakambal, matagal nang hindi ginagamit ni Beatrice ang mga mata nito upang mamuhay ng normal.
"Hindi ko alam, pakiramdam ko lang na mayroong nag-iba sa'yo."
"It must be in your imagination." She must not know. Napahinto si Cairo sa paglalakad at gayon din si Beatrice. "This place sucks. Let's go somewhere." Bago pa makaangal si Beatrice ay nahila niya ito kaagad.
He wonders if his brother is taking her into different places. Pumunta sila noong araw ding iyon sa Sentral City para mamasyal sa loob ng Grand Museum. He knew that Beatrice likes history and he's bored to death in that park in the past two weeks.
Beatrice instantly liked the place and told him that it is the first time she's been in the Grand Museum.
"First time for someone who loves history?" tanong niya.
"I know I'm lame. Pero gusto ko kasing pumunta rito ng may kasama." Ngumiti ito sa kanya. One hour left before the museum closes. They roamed around and Beatrice told her every single history she knew about the paintings, Cairo could listen for long and he surely wanted to hear more and more.
Until it's only them, walking around the gallery, fifteen minutes left when they reached the 'Sacred Gallery'
"I'm sorry mam and sir but we're closing, maybe you can return here tomorrow to check this gallery." The attendee said.
"Oh, okay." Bakas ang panghihinayang kay Beatrice, "Tara na, Cairo."
"Wait." But he did what he wasn't supposed to do. "Will you give us a couple of minutes to check it?" he suggested to the attendee and it agreed. Hindi naman nahalata ni Beatrice kung anong ginawa niya rito at hinawakan niya ito sa kamay.
"Cairo—"
"Come on, sandali lang naman tayo." He's starting to like this game, "You can go away." Utos niya sa attendee at kaagad itong naglaho.
Pagpasok nila sa loob ay lubos na namangha ang kasama niya, and somewhere in his dark heart, he feels happy to see her in that way. Damn. No. he told himself. And again, Beatrice told her stories and he listened and listened and listened.
"Oh, my." Nag-aalalang bulalas ni Beatrice nang mapagtantong halos isang oras na ang lumipas. "Cairo, umalis na tayo." Gusto niyang matawa dahil ngayon lang nito napansin na madilim na ang labas.
"It's your fault, lady, you talked too much." Pang-aasar niya rito.
"Hey, kung hindi mo ipinilit na—"
"Sshh... someone's coming." Again, he held her hand and they quickly hide at the back of a big greek statue. May narinig silang mga yabag at nang masigurong wala na ito ay mabilis silang lumabas ng silid na 'yon.
"Can we make it alive out here?" tanong ni Beatrice sa kanya. He glanced at her and he saw excitement all over her gorgeous face.
"Kung mahuhuli nila tayo." Sagot niya.
Nakarinig sila ng mga pito at nakitang paparating ang dalawang gwardya na may hawak na mga flashlight. Tumakbo silang dalawa habang mahigpit niyang hawak sa kamay si Beatrice. Hindi nila namalayan na parehas silang tumatawa dahil napagtanto nila na lumalabag sila sa batas. Of course Cairo wouldn't let them to catch them alive. He played this game. And he admitted to himself that he loves it—no—he might love her.
Hingal na hingal sila pareho nang magawa nilang makalabas sa Museum na 'yon at walang humpay ang pagtawa ni Cairo sa nangyari, pati si Beatrice na panay hampas na ngayon sa kanya dahil sa kalokohang ginawa nila.
"Kasalanan mo 'to, mister! Anong mukhang maihaharap ko sa mundo?"
"You're over reacting!" hindi pa rin niya mapigilang matawa, "How was it?"
"I can still feel my heart!" sabay hampas ulit nito sa kanya. "Hindi ako makapaniwala... I broke some rules."
"That's how to be alive. I can still feel my heart too." He felt so alive and for a moment nagtitigan lang silang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Shit.
"Hello?"
"Cairo, brother. I'm going home."
Biglang naglaho ang ngiti sa kanyang labi. Muntikan na niyang makalimutan. Nagpapanggap lang siya sa larong ito at ang totoong kilalang Cairo ni Beatrice ay si Pacifico.
to be continued....
https://youtu.be/XReDslhORVs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top