TPT Special Chapter: [3] Bring Her Back
"YES! Jackpot baby!"
lagpas bilang ng daliri na siyang nanalo ng sunud-sunod sa slot machine. Halos malaglag panga ng mama na katabi niya dahil nga sa mga panalo na kuha niya. Matapos lumapit ang attendant at ibigay lahat ng panalo ay nilikom niya ang mga pera na napalanunan at nilagay sa loob ng isang leather bag.
Isang normal na gabi na naman para sa kanya dito sa Sentro Casino, nagsawa na siya sa mga dice table games, Poker, Blackjack, Roulette at kung anu ano pang sugal na laro. Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya na tumatawag si mama o ang pinakamanager ng club na pinagtatrabahuan niya.
"Hello." Tamad na tamad niyang sagot.
"Jing nasaan ka na?" dinig na dinig mula sa background nito ang ingay ng tugtog, "Hinahanap ka na ni President Choi," si President Choi ang pinakasuki niyang customer at sa lahat ng hostess sa club ay siya ang pinakapaborito nito, "Bumalik ka na rito ngayon na."
"Oo na." binabaan niya ito, binitbit niya ang leather bag at umalis siya sa casino. Walking distance lang naman ang Angels, ang club na pinapasukan niya, mula sa casino kung kaya't wala pang dalawampung minuto ay nakarating na siya.
Pagpasok niya ng entrada ay tumutugtog ang Poker Face, sakto sa ekspresyon ng kanyang mukha. Tila na-magnetize niya ang atensyon ng mga tao sa loob kaya napapatingin ang mga ito sa kanya. She's wearing a black dress, silver stiletto; she brushed her curled long hair using her hand exposing her dangling earrings. Her name is Jinnie, and she hates it.
Sa may bar counter naghihintay ang manager niyang matrona, pagkakita nito sa kanya ay kaagad itong napapalakpak at lumapit sa kanya.
"Julia!" tawag nito sa kanya, iyon ang alias niya o screen name sa club, "Naghihintay na sila sa'yo!" halos hilahin siya nito papunta sa silid kung saan naghihintay sila President Choi at ang mga kasama nito, naroon na rin ang iba pang mga hostess ngunit siya ang pinakapangunahin, kumbaga siya ang pinaka-star among them.
Isang normal na gabi lamang ang lahat para kay Jinnie. Nagsimula siya sa trabaho. Hostessing is unusual job, wherein she is paid by flirting and drinking with some old men. Pouring drinks, singing endlessly in karaoke, she is paid for smiling, entertaining, and ignoring every freaking customer who invited her to hotel rooms after work. This is Jinnie's life every night.
President Choi, sitting beside her, slides his hand on to her leg, Jinnie smiled and moved it away. Pigil na pigil siya sa pagtataray kahit na gustung gusto na niyang murahin at sikmurahan ang mamang pinagsisilbihan niya. Pero wala, ito ang buhay na pinasok niya. After Rosel died, hindi niya sukat akalaing babalikan niya muli ang ganitong trabaho, dahil wala siyang choice, ito lang ang paraan para kumita ng pera ng mabilis.
Matapos ang ilang oras at ilang beses na pagyaya sa kanya ng customer na sumama sa hotel ay natapos din ang gabi. Natagpuan ni Jinnie ang sarili sa banyo at dumuduwal sa inidoro, sa dami ng ininom niya. Sa pamamagitan ng paglunod ng sarili sa alak, iyon lamang ang paraan niya para hugasan ang sarili, para kalimutan ang bawat hawak, haplos, halik, ng kung sinu-sinong hinanapan niya ng pag-ibig.
Hinang hina siyang napaupo sa tabi ng inidoro matapos niyang i-flush ang suka, "Putang ina." ang palagi niyang nasasambit pagkatapos niyang iluwa lahat. Pagkatapos ay muli siyang bumangon. Lumabas siya ng banyo at sumalubong ang manager.
"Magpa-take home ka." Salubong nito sa kanya at gusto niyang ingudngod ang pagmumuka nito sa sahig dahil sa sinabi.
"Take home? Ano ko assignment?" nanghihina niyang sagot. Aalis na sana siya pero pinigilan siya nito.
"Kalahating milyon ang binayad sa'kin ng lalaking 'yon! Kaya sumama ka na!" wala siyang lakas para pumalag kaya nahila siya ng manager niya papunta sa kung saan. Ayaw niya 'tong patulan hangga't maaari dahil tiyak niyang masasaktan niya 'to. Kaso ay natulak na siya nito sa isang silid.
"Putragis. " sabi niya ng saraduhan siya ng pinto. Wala na naman siyang choice kund harapin ang kung sino mang gustong i-take home siya.
"Hello, Jinnie." Napalingon siya at nakita ang isang lalaki na nakaupo sa lounge, nakadekwatro habang may hawak na kopita sa isang kamay.
Napakunot noo siya.
"Sino ka?"
"Long time no see." Biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib, "Jinnie. Hindi mo na ba 'ko natatandaan?" Pilit niyang inalala kung sino ang lalaking nasa harapan niya, inisip din niya kung naging customer niya na ba 'to dati pero hindi niya matandaan, "It's me. Cairo."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "A-anong sinabi mo?"
"Ako si Cairo, kababata mo. Remember?" ngumiti ito sa kanya at tumayo, medyo lumapit sa kinaroroonan niya. Pakiramdam ni Jinnie ay natanggal ang pagkalango niya sa alak at alertong alerto siya ngayon. "I can't believe that you're wasting your life in this kind of place."
"Anong kailangan mo sa'kin?" direktang tanong niya. "At paano mo nalaman na nandito ako?!" hindi niya maiwasang maghisterikal dahil halos dalawang dekada na rin ang lumipas magmula ng huli niya 'tong makia.
"Come on, calm down." Sabi nito, "I am here to get you out from this place."
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"Sasama ka sa akin."
"At bakit naman ako sasama sa'yo?" mataray niyang sabi. Maya-maya'y mabilis na may dinukot si Cairo mula sa likuran at tinutukan siya ng baril. Mabilis si Jinnie at kaagad niyang kinuha ang baril―sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Parang namagnet ng kamay niya ang baril kaya hawak-hawak niya na ito.
"Impressive." Manghang mangha na sabi ni Cairo, "You still have your powers." At marahan pa itong pumalakpak na umaalingawngaw sa buong silid. "You passed the test. You will come with me, sa ayaw at sa gusto mo."
"Saan mo naman ako dadalhin?"
"Sa Mnemosyne Institute for Peculiars, it's a place where you belong."
*****
"WHAT are we going to do with her? Margaux killed her, she's dead."
"It wasn't part of my plan" Cairo still remembered the day he recruited her, ang araw kung kailan niya dinala ito sa MIP. And now she's here, lying without a heartbeat. "Margaux decided without my permission."
"Lord Cairo,"dumating si Magnus kasama ang dalawang estudyante ng MIP na pinatawag niya, "Lord Vittorio. Kasama ko na sila."
"Sino sila?" Don Vittorio Hermoso, the current chairman, asked. Tiningnan nito ang dalawangt teenager na kasama ni Magnus, isang babae at lalakeng teenager na may parehong puting buhok, pareho ring blangko ang mukha, expressionless, na animo'y robot.
"Sila ang pangalawang successful Peculiar test tube babies, sumunod kila Elizabeth at Vicente Macaraig. They are the Umi twins. Joha Umi and Bernadette Umi." Pagpapakilala ni Cairo.
"And so, bakit mo sila pinapunta rito?" tanong ng chairman.
Huminga ng malalim si Cairo bago nagsalita, "They are the most powerful Peculiars."
"Really?"
"Their powers is a matter of life and death."
Napangisi ang chairman, naintindihan na niya kung bakit pinapunta ni Cairo ang dalawa. Lumapit si Cairo kay Joha at sinabing,
"Bring her back."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top