TPT Special Chapter: [2] Why She Stayed


UMUULAN, nakatanaw lang si Karen sa labas ng bintana habang nakaupo, pinapanuod ang pagbuhos ng ulan sa mga puno at halaman. Hinihintay niya ang kapatid, sumulyap sa orasan at nakitang pasado alas tres na ng hapon. Tumayo siya at pumunta ng kusina, kumuha ng tubig mula sa ref, sinalin sa baso at ininom 'yon. Bumalik ulit siya sa sala at umupo, tinanaw muli ang labas.

Narinig niya ang tunog ng susi, bumukas ang pinto at nakita niya ang kapatid. Ngumiti ito sa kanya at lumapit.

"Kamusta?" araw-araw siyang kinakamusta ni Jill magmula noong malaman nito na nagdadalang tao siya, sa katunaya'y kabisado na niya ang tanong nito kada araw, "Kumain ka na ba?" tumango lang siya bilang sagot, sinundan niya ito ng tingin nang pumunta ito sa kusina para uminom din ng tubig. Araw-araw parehas lang din ang mga sagot niya, marahil ay naiilang ang kapatid niya na magtanong ng tungkol sa iba pang mga bagay at hindi rin niya alam kung handa ba siya na sumagot.

Pumanhik si Karen sa silid niya sa ikalawang palapag ng bahay, humiga siya sa kama, tumitig sa kisama at sinapo ang tiyan. Narinig niyang bumukas ang pinto, may mga yabag na papalapit, nakita niya si Jill sa tabi ng kama, maya-maya'y sumampa ito at tumabi sa kanya.

"Ate." Tawag ni Jill sa kanya, tumagilid ng higa si Karen para magkaharap sila.

"Hmm?" may kutob si Karen na may nais itanong ang kapatid sa kanya.

"That day," nakatitig sila sa mata ng isa't isa, "Why did you stayed?" walang bakas ng kahit ano ang emosyon na tanong sa kanya ni Jill. Tama nga ang kutob niya.

"Anong ibig mong sabihin?" balik tanong niya.

"Noong araw na binaril mo si Cairo, mas pinili mong magpaiwan kaysa sumama sa'kin." Pagkasabi nito'y kaagad bumalik sa kanyang memorya ang mga pangyayari noon, "Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung anong dahilan mo kung bakit ka nagpaiwan."

"Ahh. That day." Napahinga siya ng malalim. Kahit na wala na siyang kakayahang makakita ng hinaharap, it feels like Karen knew that this moment will happen, she already knew that her sister would probably ask about it. Pumikit saglit si Karen para alalahaning maigi ang araw na 'yon, kung ano ba ang tunay na dahilan kung bakit siya nagpaiwan. Dumilat siyang muli at nakita na naghihintay si Jill sa kanya.

"I stayed because..."

'I wanted to be with him' she first thought but she hesitates.

"You wanted to be with him." Nagulat siya sa sinabi ni Jill.

"No. It's not like that." Ngunit tumanggi pa rin siya, "It was hard for me to choose you know. I wanted to be with him and at the same time I wanted to kill him."

This time si Jill naman ang nagulat sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa huli niyang sinabi na ninais niyang patayin si Cairo.

"He raped me."

"At ito ang naging bunga?" tinutukoy ni Jill ang nasa sinapupunan niya. "Kung gusto mo siyang patayin noong mga oras na 'yon, bakit ginusto moo pa ring manatili sa tabi niya?" nalilitong tanong ni Jill.

"Did you know that kind of feeling... Ambivalence maybe? I was feeling two opposing emotions at the same time, pulling me in different way...Gusto kong makasama siya because..."

'Mahal kita hanggang ngayon, Karen.' She remembered those last words of Cairo after what he did to her.

"Because?"

"I don't know Jill. You see, I am consider myself as a rational being pero that time wala ako sa sarili." Then she told her what happened when they left her on that moment. Ikinuwento ni Karen kay Jill na pagkaalis nila noon ay muli niyang pinulot ang baril na ginamit niya kay Cairo.

'B-bakit.' Ang tanong nito sa kanya noon habang pinapanood niya na naliligo ito sa sariling dugo. Tinutok niya muli noon ang baril kay Cairo, handang patayin ito ngunit nagtatalo ang emosyon niya ng mga oras na 'yon. Alam niya noon pa na magkakabunga ang nangyari sa kanilang dalawa kung kaya't hindi niya mawari kung anong dapat gawin.

"Bakit hindi mo siya pinatay?" tanong ni Jill, "Kasi mahal mo pa rin siya?"

"No." maybe she did loved him but it was the old Cairo. "I want him to suffer the same pain. Kaya tinutok ko sa sarili ko noon yung baril."

'K-karen? P-put that gun down!' sinigawan siya ni Cairo noon kahit na tila naghihingalo na 'to sa dami ng dugo na nawawala sa katawan, pero alam niya kung ano ang mas papatay dito. Siya. She knew that he dearly loves her kaya gusto niyang maranasan ang sakit na naranasan niya mula sa kamay nito.

"You tried to kill yourself?" Jill said with disbelief. "God, kung alam ko lang kaagad kung anong balak mong gawin noon sana kinaladkad ka namin kasama namin." She chuckled, inirapan siya ng kapatid. Jill really thought na kaya nagpaiwan si Karen dahil mahal nito si Cairo.

Karen continued her story. Tinutok niya sa noo noon ang baril at nakita niya kung paano nagpupuyos si Cairo. Pero may pumigil sa kanya.

"Morris came and he stopped me."

"Si Morris?"

"Yes."

Natahimik sila pareho ni Jill. Napagtanto nila kung ano ang pinag-uusapan nila, ang nakaraan, ang nakaraang pilit nilang kinalilimutan. Kaya hindi na kumibo pa si Jill, hindi na rin umimik si Karen. Kahit matagal ng tapos ang alaala na 'yon, alam nila sa isa't isa na masakit pa rin hanggang ngayon ang nakaraan.

"I'm sorry." Bulong ni Jill. Umiling siya. "Can I...Can I ask...lastly?"

"Go ahead."

"Do you still love him?"

For a few seconds Karen didn't respond.

"Not anymore."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top