Part Three



Sta. Helena Orphanage

1998

"Kanina pa naghihintay ang mga bata, Dr.Richard. Sumunod na lang po kayo sa'kin."

"Kamusta naman sila rito, sister Emilia?"

"Mabuti naman ang kalagayan nila pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kabutihan din ng iba pang mga bata. Narito na tayo"

Sa isang munting silid bumungad sa kanila ang anim na bata na nasa edad na sampu hanggang labing dalawang taong gulang, Sa unang kita pa lang ni Richard sa kanila, alam na niyang espesyal ang mga batang ito.

"Isasama kayo ni Dr. Richard sa laboratoryo niya, magpapakabait kayo roon ha."

"Magandang umaga, ako si Dr. Richard, pero gusto ko tawagin niyo 'kong tito Richard. Anong pangalan niyo?" tanong niya ngunit walang sumagot sa kanya, marahil ay nahihiya o natatakot ang mga batang ito.

"Pagpasensyahan mo na, mahiyain talaga sila sa umpisa. Ito nga pala si Beatrice, si Jinnie, si Rommel, ang kambal na sila Pacifico at Cairo, at ito naman si Sylvia."

"Mamimili po ba kayo ng aampunin sa'min tito Richard?" biglang tanong ang batang may buhok na lagpas bewang na nagngangalang Jinnie. Ngumiti lamang si Richard.


Research Center of the Paranormal Abilities

1999

 "Very good, Bea, naperfect mo lahat. Nahulaan mo ng tama yung mga baraha."

Lumipas ang isang taon at patuloy pa rin niyang pinag-aaralan ang mga bata sa kanyang laboratoryo. Isang taon ang lumipas at mas lalong napaunlad ang mga natatagong kapangyarihan ng mga anim na batang kinuha niya mula sa ampunan. Unti-unti nang lumalabas ang tinataglay nilang kakayahan, kakaiba sa mga normal na nilalang.

Binalasa ulit ni Richard ang mga Zener cards, bumunot siya ng isa at humarap sa kambal.

"Pacifico, anong hugis ang nasa baraha?"

"Star po."

"Very  good!"

"Ako naman po yung next tito!"

"Sige, Jinnie."

"Dr.Richard, excuse me lang po, hinhintay po kayo ni mam Julia sa labas."

"Sandali lang ha, babalik ako." Lumabas siya at sumalubong sa kanya ang asawa na kanina pa naghihintay, isang ngiti ang sumilay sa kanyang bibig tsaka napansin na may hawak na bata si Julia.

"Galing ako ng Sta.Helena, Richard. Hindi kita maabala sa research mo kaya ako yung nag-asikaso sa mga papeles." Yumukod si Richard at may galak at sabik na hinawakan ang batang nakahawak kay Julia. Kay tagal nilang minimithi na magkaroon ng anak. "Kapatid siya nung batang sinama mo sa research mo, kapatid niya si Beatrice."

"Anong pangalan mo?" masayang tanong niya pero hindi nagsalita ang batang babae na nasa apat na taong gulang.

"Ako na ang nagbigay ng bagong pangalan niya, Richard. Her name is... Jillianne."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top