Epilogue

"Sshhh..." they're here. They're here again. I can feel the pounding of my chest but I remained my composure, I need to protect her no matter what happen—kahit buhay 'ko ang kapalit. Mahigpit kaming magkahawak kamay ni Ate Karen habang nagtatago sa kusina. I can feel them, malapit na malapit na sila sa'min at handang handa kaming kuhanin anumang oras.

Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa sala, atsaka ko sumenyas kay Ate. Maingat kaming lumabas sa backdoor ng kusina. Tahimik na tahimik na ang buong paligid at wala na kaming ibang mahihingian ng tulong. All we have to do now is to run and escape. Again.

"Be careful." Sabi ko sa kanya dahil nasa kabuwanan na siya ng pagbubuntis niya, na siyang dahilan kung bakit nandito na naman sila ngayon.

Memoire. Muli na naman silang nagbalik para guluhin ang tahimik naming mundo. Pero sa pagkakataong 'to hindi ako makapapayag na sirain nila ulit kami, dahil nangako ako na ako naman ang puprotekta sa mga taong mahalaga sa'kin.

Tumakbo kami sa kakahuyan, iyon yung pinakamabilis na paraan para marating namin yung kalsada. Maingat at nakaalalay ako kay Ate, I can feel their steps, palapit sila ng palapit.

"Malapit na tayo," sabi ko, hingal na hingal at mahigpit na nakahawak sa kanya, "Malapit na tayo." Kahit na hindi ko alam kung anong naghihintay sa kalsada na 'yon.

Eksakto pagkalabas namin ng kakahuyan mayroong huminto na itim na van sa harapan namin, mas lalo akong kinabahan, mas lalong humigpit ang kapit namin sa isa't isa. Inihanda ko yung sarili ko sa anumang pwedeng mangyari at nakataya na lahat-lahat.

Bumukas bigla yung pinto ng van, "Yoh!" at nakita ko si Vicente na naka-peace sign.

"Ano pang hinihintay niyo? Sakay!" utos ni Dean na sumilip pa galing driver's seat kaya wala kaming ibang nagawa ni Ate kundi sumakay sa loob ng van at humarurot iyon ng napakabilis. Sa loob, hindi ko alam kung nananaginip lang ako o ano dahil nakita ko silang apat. Si Eliza, si Vince, si Dean at si Palm na nakakakita na.

"Kamusta, Morie?" bati ni Palm pero hindi ako kaagad nakabawi. Pinaglalaruan lang ba ko ng paningin ko? Nagkatinginan kami ni Ate Karen, wala siyang inusal kaya muli akong humarap sa kanila at hinanap ang mga tamang salita.

"Where have you been?"

"It's a long story, we'll tell you everything when we get there." Sabi ni Eliza, hindi pa rin siya nagbago at katulad pa rin siya noong unang beses kaming nagkita sa Bastille. Napansin ko na nakasuot sila ng parang magarang executive uniform.

"Okay, fasten your seatbelt because we're about to fly." Nagulat ako sa sinabi ni Dean at biglang automatic na umayos yung seatbelts namin, nag-turbo yung sasakyan at maya-maya napansin ko na unti-unti kaming umaangat sa lupa. Muntik na kaming mapanganga ni Ate sa mga nangyayari.

"Guess what, my twin sister invented this." Kumindat pa si Vince at wala akong ibang nasabi, nagkatingin lang kami ni Ate Karen na sapu-sapo ang tiyan, "Oh, congratulations nga pala, Karen."

"We need you, Morie." Napatingin ako bigla kay Eliza, hinihintay ko siyang ipaliwanag kung anong ibig niyang sabihin, "We need you in our team."

"Anong ibig mong sabihin?" Team?

"In these past months, we were able to establish an institution for those Peculiars like us," sinundan iyon ni Vince.

"Yung mga Peculiar na nakatakas sa MIP at sa iba pang Peculiars dito sa mundo. Kailangan ka namin doon, Morie." Si Palm.

"Obviously, nalusutan ng Memoire lahat ng kaso at issues na hinarap nila and they're back on track. Positive Peculiar ang nasa sinapupunan ni Karen at nalaman na rin nila ang specialty ng Peculiarity mo."

"We need our team back to fight them again, Morie. Sa pagkakataong 'to hindi na magtatago ang mga katulad natin.."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. Medyo hindi pa nada-digest ng utak ko kung ano yung mga sinasabi nila at sa fact na kasama ko ulit ngayon matapos ang mahabang panahon na nilimot ko sila.

Wala pang halos isang oras ng mag-landing sa isang isla yung sasakyan namin, umibis kaming lahat doon.

"Welcome to Isla Ingrata, Jillianne Morie." Sabi ni Eliza at hindi ko mapigilang mamangha, hindi sa tila mansion na nakatirik sa bangin kundi sa dami ng mga Peculiar na sumalubong sa'min, nakita ko na isa roon si Ismael na minsang tumulong sa'kin noon. Nasa dalampasigan silang lahat at masayang nakatingin sa'min.

"Hey." At mas nagulat ako nang makita ko siya sa harapan ko, "Miss me?" nakatitig lang ako kay Cloud hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa'kin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero isa lang ang sigurado ako sa nararamdaman ko. I am glad to be here and at the same time I missed this guy so much.

"Don't forget that I could read your mind." Ngumiti siya dahilan para mapangiti ako, niyakap niya 'ko ng mahigpit at binulungan "This time I assure you, hinding hindi na kita iiwan."

"Ehem." Narinig naming tumikhim sila Vince dahilan para maghiwalay kaming dalawa. Nakita ko si Ate Karen na nakahalukipkip at parang isang istriktang nanay nan nakitang nakikipaglandian ang anak niya.

"Marami pa tayong dapat pag-usapan sa headquarters, any minute now they're going to track us down. Let's move." Walang emosyong sabi ni Eliza at sumunod lahat sa kanya.

Tumingin ako sa kanilang apat, kay Ate Karen at sa kanya, nagtanguan kami at sabay-sabay na humakbang, isang hakbang papunta sa pinakamalaking pagbabago. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Cloud sa kamay ko, that gave me more courage to face them again.

Hindi pa tapos ang lahat, maaaring mamaya, bukas, samakalawa ay bigla silang dumating, pero this time alam ko hindi na 'ko nag-iisa.



The End


-xxx-



Thank you for reading The Peculiars' Tale, you can now read next:
 Mnemosyne's Tale (Prequel: Story before Jill)
Memento, Morie (Sequel: Aftermath story of TPT)

Also you can read the TPT Special chapters, thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top