/9/ Her Eyes
"JILLIANNE Morie. Please come with me."
Automatic namang napatingin silang lahat sa'kin. Biglaan kasi 'tong―whatever you call that session. Agad din naman silang nagbalik sa sari-sariling mundo, they breathed a sigh of relief dahil hindi sila ang maswerteng naunang tawagin.
Lumabas kami ng classroom at nauna siyang naglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Bakit random pa kung pumili ng tatawagin? At sa dinami-rami ako pa talaga ang inuna nitong si Miss Karen.
Tsaka ko lang narealize na hawak ko pa rin pala yung itim na papel na binigay nya kanina. Bumalik na naman yung mga tanong sa isip ko. Hindi ko maintindihan kung para saan ba 'to. Tiningnan ko ulit yung sinusundan ko, papunta kami ng right wing ng building. Parang may kakaibang aura na bumabalot sa pagkatao niya. Bigla akong na-curious.What she'll do next?
Huminto siya sa tapat ng isang silid. Pumasok kami sa loob, malamig ang kwarto,may malaking clear window, isang mesa at dalawang upuan na magkaharap.
"You can ask questions later." Sabi niya tsaka naupo sa pwesto. She just said what? "I can see it to your face. Have a seat." nahalata niya nga siguro kung anong nasa isip ko base sa expression ko. Pero I just stood where I am, hindi ako kumilos.
"Jillianne Morie."
Nagbalik ako sa ulirat, umupo ako kaharap siya, without looking at her eyes. Tumingin sa labas ng bintana si Miss Karen, "Good weather, isn't it?" napatingin din ako sa bintana, tama nga siya, maaliwalas ang kalangitan at maganda ang sikat ng araw.
I looked at her, blangko ang ekspresyon at nakatingin pa rin sa malayo.
"Why are you looking outside?" tanong ko.
"You're comfortable in this way." she's right "How do you feel right now?" she asked, we're still looking outside.
"I'm fine." I'm trying to. Even though I'm so tired of acting like I'm fine, and trying to forget the truth, I'm not just happy. I want someone to look into my eyes to see how I really feel.
"Minsan talaga hindi naaayon ang nilalabas ng bibig sa nararamdaman natin." napatingin ako sa kanya, pero binalik ko ulit ang tignin sa labas ng bintana. So, she can sense it.
"My life is dreadfully boring."
"Why do you say so?"
"Doing the same things every day sucks."
"Then, why you're still here?"
"Para mag-aral. You said life is not fair enough for those lazy and stupid."
"You think so?"
"Can we make it shortly? It's pointless." Funny, dahil nag-uusap kami ng hindi nakatingin sa isa't isa, nag-uusap kami habang nakatanaw sa ganda ng paligid sa labas.
"Why?"
"Students hate counseling like this, talking about senseless things."
"Is that so, you call it senseless."
"What do you want to know?"
"Can you tell me, what do you want to be?"
I've heard that question many times before. What do I want to be? When I was five, I was told to become a doctor like my father. When I turned twelve, they wanted me to be the heir of their company. But now, it seems like everyone is waiting for my final answer, but hell, I don't really know.
"I don't know." Mahirap lumaki na may nagdidikta para sa buhay mo, kung anong dapat mong gawin, kung anong dapat mong suotin, kung ano ang gusto mong maging.
"We're talking about your future, lady."
Future, that word makes me sick.
"Why do people want to know the future?" bigla kong tanong.
"Life is full of 'what-if', so people became worried," nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa'kin, "and scared. But the truth is," pagpapatuloy niya, ",wala naman talagang dapat ikatakot. Nasa papel na yan, ang sagot sa tunay na kahulugan ng hinaharap," tinuro ni Miss Karen ang itim na papel na nilapag ko sa mesa. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Really? Ang kasagutan? Paano naging kasagutan ang itim na papel na ito? "There is hope in every future, Jill." She called me 'Jill', that's unusual.
Napatingin na ako sa kanya. Nababalot ng isang malaking hiwaga ang taong 'to, she's like... a mind reader? Could it be...that she's different... Na may kakaibang pagkatao? Kagaya ko?
"Who are you?" I asked.
"Who am I?" She chuckled. "I'm the one who supposed to ask that, Morie...who are you?" anong purpose ng tanong niya? Pero sa pagkakataong 'to, napaisip na naman ako. Sino ako?
"I'm Jillianne Morie... and I can see the future." For the first time I told my secret to someone. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. At laking gulat ko sa nakita ko.
Because for the first time, I met her eyes but I saw...
...nothing.
###
*****
SINADYA kong magpaiwan sa classroom, nakaupo lang ako at nakatingin sa kawalan. Kanina pa nagdismissal pero ayoko pang umalis.
Inaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina sa counseling room. Hindi man lang nagulat si miss Karen sa sinabi ko, wala siyang reaksyon. Sino nga naman kasi ang maniniwalasa sinabi ko? Kahit sino, iisiping baliw ako sa mga sinasabi ko, ayoko namang magmukang tanga at ipagpilitan na totoo yon. Ang tanging nasabi nya, "Really? So..can you tell what's mine?"
I remained silent. Dahil wala akong masabi, hindi ako makapaniwala, wala akong nakitang hinaharap sa mga mata niya. Bakit? Paano?
Araw-araw, sa bawat taong makasalubong ko, hindi man sadya, pero ng pagkakataon, pagkakataong makita ang mga kapalaran nila. Gusto kong isipin na wala na sa'kin ang sumpang ito. Hindi kaya may posibilad na nawala na ito?
Nagambala ang pag-iisa ko ng bumukas ang pinto at may pumasok. Si Stephen Yue. Isa sa mga outcast sa klaseng ito. Isa ring class representative. Oo, dalawa ang class representative sa loob ng klase. Nakayuko siyang pumasok, tsaka ko napansin na may hawak siyang mop at timba. Sinasabi ko na nga ba, nagsimula siyang maglinis.
Nang madaanan niya ang pwesto ko, bigla siyang natisod.
"Sorry, Morie." Mahina niyang sabi, atsaka tumayo. May nag-udyok sa'kin, na tumingin sa mga mata niya, para makita kung...
"Sorry talaga, Morie, p-pwede bang umalis ka na? P-para matapos ko na yung g-gagawin ko."
Pero nagkamali pala ako. Tumayo ako, tinabig siya at nagmamadaling lumabas ng silid na yon. Nakita ko sa mga mata niya.Ang isang malupit na hinaharap na naghihintay sa kanya. Isang malaking pagkakamali? Tila nasa kamay ko ang kapalaran ni Yue.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top