/76/ Remember to Live
Final Chapter:
/76/ Remember to Live
"Jill." someone came in, "How are you? Are you alright?" I can't see him; I just nod as an answer. Pang-ilang ulit na ba 'kong tinanong ni dad ng ganyan everytime na papasok siya rito sa kwarto? Narinig kong napahinga siya ng malalim, at kahit na hindi ko siya nakikita kayang-kaya kong iimahe sa utak ko kung anong itsura niya at kung anong nararamdaman niya, siya ang nahihirapan para sa kalagayan ko ngayon.
History doesn't repeat itself, sabi nila, but things happen, not exactly the same way, over and over again. I lost my sight and I am here in the same place two years ago—nabulag. It's been two days and it felt like a lifetime since the incident and as if nothing ever happened, walang binabanggit si dad na kahit na ano tungkol sa nangyari at tungkol sa Memoire, I'm not asking anyway and he would be gladly if I don't.
"I have good news to you." Naramdaman kong lumapit siya sa gilid ng kama at naupo rito, hinawakan ang kanang kamay ko atsaka pinisil iyon, "Mamaya nakaschedule yung operation mo. Nakahanap na 'ko kaagad ng donor para sa transplant." Hindi ako umimik sa sinabi ni dad na alam kong ikinabahala niya, "Hindi mo na ba...gustong makakita ulit?"
I just shrugged and coldly told him, "Just make sure na walang freaking powers this time ang mga mata na ibibigay niyo sa'kin." Narinig kong marahang natawa si dad sa sarcasm ko, medyo nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya siguro hindi ko na gugustuhin pang makakita ulit. Napansin kong natahimik na si dad at hindi na nagsalita pa, siguro nag-iisip siya ng malalim, maya-maya pagkaraan ng buntong hininga nagsalita ulit siya.
"I'm sorry...Jill." Nanginginig yung boses niya, "When I discovered how powerful your Peculiarity I thought giving Karen's eyes to you could help yourself, akala ko—"
"Tama na, dad." Putol ko sa sinasabi niya, "Napapagod na 'kong marinig ang pagso-sorry mo." Gayong hindi naman na maaayos ng sorry niya lahat. And literal na talaga kong napapagod marinig lahat ng sinasabi niya since na nagkamalay ako rito sa ospital.
"I just want you to know kung gaano ako nagsisisi na pinabayaan kita." It's no one's fault, mahirap mang tanggapin na walang may kasalanan kung bakit nangyari lahat ng 'to, pero kung meron mang dapat sisishin ano pa nga bang mapapala ng pagsisisi? Do I have to blame myself for being shallow in the first place? Just like what Lily told me before.
"Anong oras yung operation, dad?" tanong ko para ma-divert yung attention niya.
"Three pm."
Naalala ko si Cloud, kung anong nangyari sa kanya pagkatapos niyang barilin ang sarili niyang ina, hindi ko na alam. Dapat ba 'kong matuwa at magbunyi dahil namatay na si Margaux na siyang pumatay kay Jing? Sadyang lubhang hindi ko inaasahan na magagawa ni Cloud ang bagay na 'yon at hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya, Margaux is his mother after all. But then, hindi ko makapa sa loob ko ang kahit isang bakas ng kasiyahan sa nangyari, hindi napagbayaran ng tama ni Margaux ang dapat niyang pagbayaran sa ginawa niya. Death can't resolve anything by another death.
"Dad..."
"Yes?"
"Are they...still out there?" hindi ko naitago ang pangamba sa boses ko, parang bata na natatakot sa isang bad monster.
"No... Don't worry, wala na sila."
"Really?" sabi ko, punum puno ng pagdududa. How can I believe him? Is he telling the truth? Talaga bang wala na sila? Hindi na 'ko kukuhanin ng Memoire?
"Yes." Then he told me everything what happened after the incident. Memoire was sued because of the bomb found in the Centro Town Center, the evidence is engraved in the bomb, a black diamond logo. hindi lang 'yon, scandals began to arise, may mga sumulpot na kaso laban sa kanila, the former HGPs na tinulungan naming makatakas noon sa MIP na dinala namin sa San Carlos, kung saan nanguna sa pagtestigo si Don Miguel, they filed cases of kidnapping, human trafficking and so on. According to dad, Memoire also faced a lot of issues aside from lawsuits, they are currently facing a stock market crash. Dr. Irvin is dead and the chairman of Mnemosyne Institute, Hermoso IV is the primary suspect. My father assured me that Memoire won't bother me anymore mainly because the Culomus is gone and they need to solve all the problems and issues they're facing right now.
Karma? Siguro.
So, it's all over now I guess. Titigilan na nila 'ko, sawakas. Bigla kong naalala yung sinabi ni Ismael sa'kin noon, "May mga katulad mo na hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil lumaban kahit na ilang beses na silang nadapa. Hindi ka pa rin nag-iisa. Tandaan mo."
"They won't bother you anymore, Jill. But they're still out there and I promise I'll do anything just to protect you." Hinila niya 'ko atsaka mahigpit na niyakap.
*****
Nagising na lang ako isang araw na muli ko na namang nasisilayan ang mundo. It took days to fully recover physically. I can't really tell kung okay na ba talaga ko, though sinisigaw ng damdamin ko na hindi. Mamayang hapon na 'ko ididischarge at nililibot ako ngayon ni Head Nurse Rosalia sa garden ng ospital, pinag-usapan namin ang nakaraan, tungkol kay Haneul, tungkol kay Lucille, tungkol sa buhay, though most of the time siya yung nagsasalita at nakikinig lang ako, parang isang ina na nagkukwento ng mga bagay-bagay na dapat malaman ng isang anak.
Maya-maya nagpaalalam na siya at iniwan ako rito sa bench na minsan ng nag-iwan ng alaala sa'ming dalawa sa tuwing mag-uusap kami noong mga panahon na unang beses akong napunta sa lugar na 'to. Naiwan akong naka-upong mag-isa at pinagmasdan ang iba pang mga tao na nasa garden.
"Jill?" nakita ko siya, nakatayo sa harapan ko, hindi magawang makatitig ng diretso sa'kin. Bakit nandito si Morris? "P-pwede ba kitang makausap?" tumango lang ako at nahihiya siyang ngumiti, umupo siya sa tabi ko. Awkward.
Sa tuwing makikita ko si Morris, kahit na hindi ko pa titigan ang mga mata niya, malinaw pa rin sa alaala ko ang nakaraan, ang nakaraan na minsan naming pinagsaluha. It's weird though, hindi ko rin maiwasang maalala yung mga panahong nasa Mnemosyne Institute kaming dalawa, kung paano ako nasaktan sa mga sinabi niya bilang si Sio, kung paano ko nalaman ang masakit na katotohanan galing sa kanya.
"I came here to say good bye." Napatingin ako bigla sa kanya matapos niyang sabihin 'yon, kahit nakaside-view si Morris kitang kita ko ang lungkot at paghihirap sa mga mata niya, pilit ang ngiti habang nagsasalita, "I'll surrender myself in the mental institution, kailangan kong...kailangan kong pagalingin ang sarili ko. Jill." Tumingin na siya sa'kin this time, nagbabadya ang tubig sa mga mata "Sana...mapatawad mo 'ko sa mga nagawa ko sa'yo. I'm sorry for hurting you—"
"Hindi ko kailangan ang sorry mo." Napatigil siya sa sinabi ko at kitang kita na nasaktan siya dahil akala niya na siguro ay galit ako "You don't have to be sorry, kasi hindi naman ikaw si Sio, 'di ba? Basta, make sure you'll get rid of him. You're too kind to be evil, Morris."
"Jill... We could still be friends, right?" tumango ako at marahang ngumiti sa kanya, he smiled back at me. May mga tao na nagmahal na kung minsan nakalimutang mahalin ang sarili nila. The boy who can see the past surely suffered enough, the paradox of his love for me that no one could understand.
Matapos ang pagpapaalam, that day we depart our ways, we both deserve to find peace within ourselves and I'm glad that Morris took the first step in the process of healing. Maybe in right time, I can finally find the way out in this misery.
*****
Sinabi ko kay dad na gusto ko munang umuwi sa apartment ko para kuhanin yung ilang importanteng gamit na nandoon, dahil gusto na niya 'kong pabalikin sa bahay magmula ngayon, kung saan naghihintay sila Lily at ang step mom ko. Inutusan niya si Albert na samahan ako sa apartment. Ewan ko, somehow na-attached na rin ako sa lugar na 'yon at gusto kong makita sa huling pagkakataon.
Naabutan ko si manang Fe na naglilinis, siya na yung nag-ayos ng gamit ko, sinabihan na kasi siya ni dad kahapon pa na iimpake, nagpumilit lang ako kanina kay dad na ako na mismo ang kukuha ng mga gamit. Hindi kami nag-usap ni manang nang magkita kami, parang wala lang nangyari.
Nang mailagay na namin lahat ng gamit sa kotse, sumakay na 'ko sa loob at gayon din si Albert, binuhay ang makina. Naiwan si manang sa tapat ng building habang tinatanaw kami palayo.
Katulad ng dating gawi, nakatanaw lang ako sa bintana at walang imik. Sumusulyap sulyap si Albert sa rear-view mirror at may parang may gustong sabihin.
"Albert." Tawag ko sa kanya, "Let's stop by." Kaagad siyang napatingin sa'kin, "Daan muna tayo sa ice cream store." He silently followed me like the usual.
Dalawang Wafle Bowl yung inorder ko, isa para sa'kin at isa para sa kanya. Albert just stared at me when I started to eat, huminto ako at tumingin sa kanya. Parang may bumulong lang sa'kin na mag-ice cream kahit na walang malinaw na dahilan. Pero ang totoo may sumaging lumang memorya sa isip ko, nang minsang sunduin ako noon ni Albert galing school, dinala niya 'ko sa isang ice cream parlor dahil hindi si dad ang sumundo sa'kin.
"May naalala ka ba kaya ka nagyaya rito, young lady?"
"How did you know?" patay malisya 'kong tanong sabay sumubo ng ice cream.
"Because I can read your mind."
"You're Peculiar too?" tumango si Albert atsaka bahagyang ngumiti. I can't believe this, all this time Peculiar si Albert at sa tagal ng panahon ng paninilbihan niya sa pamilya namin ngayon ko lang nalaman. Heck.
"I'm happy na naalala mo pa yung memorya na 'yon kung saan minsan kitang dinala rito noong nasa elementary ka pa lang." huminto ako saglit, "Akala ko tuluyan kong nabura lahat ng alaala mo noong kabataan mo. Way back then you're a serene child, you often found joy when you're alone but sometimes you're lonely being left behind."
"So, you're the one who erased my childhood memories."
"Yes. Your father asked me to do it, and you do not know how sorry we were to take it away from you, young lady."
"I have a favor to ask, Albert."
"Ano 'yon?"
"You can erase certain memories, right?"
*****
Christmas Vacation is over. Another new year came in at heto balik sa eskwela ang lahat sa White Knights Academy. Nasa entrance ako ng school, maraming mga estudyante ang naglalakad papasok, lahat sila masaya at masigla dahil sa tagal ng hindi pagkikita-kita. Naglakad na 'ko papasok at nakita ko ang iba kong kaklase na nauuna sa paglalakad pero hindi ko sila tinawag kahit na nakita nila 'ko.
The Culomus is gone for real. Hindi ko na nakikita ang hinaharap ng bawat isa at malaya ko na ulit silang matititigan sa mga mata nila. Pero iniiwasan ko pa rin ang mga tingin nila—hanggang ngayon. Mas mabuti na rin siguro kung ilalayo ko yung sarili ko sa kanila,nang sa gayon hindi ako masasaktan ulit, lalo pa't hindi ko na makikita kung anong pwedeng mangyari.
2-B
Nasa harapan na 'ko ng homeroom namin. Dahan-dahan kong hinila pabukas ang pinto at pumasok sa loob, at naroon silang lahat, saglit silang napatingin sa'kin atsaka muling bumalik sa kanya-kanya nilang mundo. Pumunta ako sa pwesto ko at umupo roon, tumingin ako sa tabi ko at nakita ang bakanteng desk ni Morris.
Maya-maya biglang bumukas yung pinto at pumasok ang grupo nila Aya kasama sila Baldo, Stephen, Penelope, at Tadeo, masigla nilang binati yung mga kaklase ko, dumaan sila sa gilid ko at parang hindi nila 'ko nakita, hindi nila 'ko pinansin. Narinig ko kung paano sila nagkwentuhan, may halong harutan, tawanan at kulitan, nakisali yung iba naming kaklase, inalala yung mga nangyari noong nagdaang taon, ang Christmas party, yung recollection—ng hindi ako kasama.
I asked Albert to alter their memories. Pinabura ko sa mga alaala nila Baldo, Stephen, Penelope at pati si Miss Marcel tungkol sa nangyari involving Memoire. I also asked him to erase their happy memories kung saan kasama ko, sa simula kung paano nabuo ang matibay na friendship namin nila Aya. Ang alam lang nila ngayon, isa lang akong hamak na kaklase na tahimik lang at hindi mahilig makihalubilo.
I don't want them to get involved with me anymore and it's better this way dahil ayoko ng gamitin pa ang puso ko. Those who are heartless once cared too much.
Nag-ring ang bell dahilan para magsi-ayusan silang lahat, muling bumukas ang pinto at inaasahan nilang tatambad sa kanila si Miss Karen pero ibang teacher ang pumunta sa harapan. Inanunsiyo ng teacher na nakatayo sa harapan na nagresign na si Karen Italia na ikinagulat nilang lahat, dahil daw sa isang personal and emergency situation kinakailangan nitong magbitaw ng trabaho. Isa pang announcement ay ang pagdadrop ni George Morris ng school due to health problems.
Hindi magandang balita ang sumalubong sa kanila sa pagpasok ng bagong taon. Pero mas mabuti ng wala silang alam. Natapos na yung first period hanggang sa sumapit ang break ay tampok pa rin ng usapan nila si Miss Karen at Morris, hindi nakaligtas sa pandinig ko yung usapan nila Aya na nasa tabi ko lang.
"Alam niyo guys, medyo nahihiwagaan ako rito sa Christmas party picture natin," narinig kong bulong ni Aya, nagkukumpulan sila nila Baldo sa pwesto nito at nakita ko sa peripheral vision ko na sumusulyap siya sa'kin.
"Bakit naman babaeng manok?" tanong ni Tadeo.
"Kasi tingnan niyo 'to, bakit parang ka-close natin dito si Morie?" last name basis, katulad noong hindi pa malapit ang loob ko sa kanila, "Tapos si Miss Karen nakangiti rito. Parang may nangyari sa araw na 'yan na hindi ko na matandaan."
"Nasa ospital ako ng araw na 'yan eh, sayang." Si Penelope, burado ang alaala sa ginawa sa kanya ni Morris, ang aksidente.
"Oo nga no, Mariah, parang ang clingy mo dyan kay Morie. Kelan pa kayo naging close?" si Baldo na wala ring maalala sa nangyaring adventure noon sa MIP.
"Ewan ko, nakakalerki nga eh."
"Bakit hindi mo itanong sa kanya, Aya?" si Stephen na walang kamalay-malay na ilang araw siyang nawala, nakidnap at naging HGP ng MIP.
"Hah? Loko ka ba?" hindi na maalala ni Aya kung gaano siya ka-clingy sa'kin noon, kung gaano siya ka-eager maging kaibigan ako.
Tumayo ako ko atsaka umalis sa classroom, iniwan sila na punum puno ng pagtataka. Sapat na ako na lang yung nakakaalala lahat ng mga masasayang alaala kasama sila, sapat na minsan ko sila naging kaibigan. At wala akong pinagsisisihan na napalapit ako sa kanila. Sapat na yung ganito para rin sa ikabubuti nila.
Naglakad-lakad ako sa campus kahit na natapos na yung oras ng break. Para 'kong wala sa sarili na gumagala kung saan-saan, ang bawat sulok ng paaralang ito na may alaala na mahirap kalimutan, masaya man o malungkot. At bigla ko siyang natanaw di kalayuan, naka-upo sa isang bench katabi ang puno ng Balete sa malapit sa may entrance ng lobby. Lumabas ako at pinuntahan siya.
"Bakit ka nagresign?" tanong ko sa kanya, kaagad siyang napatingin sa'kin at umupo ako sa tabi niya.
"To disappear." Matipid niyang sagot. For all of people hindi ko sukat akalain na ang taong 'to ang tunay kong kapatid, sa kanya nagmula ang mga mata na sinumpa, sa kanya nagmula ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Pero biktima lang din siya, biktima kami pareho ng kalupitan ng mundong 'to.
"Can I come with you?" nakita kong umiling siya sabay ngiti atsaka humarap sa'kin.
"No, hindi pwede."
"Why?"
"Gagraduate ka pa sa March." Tsaka ko naalala na ito na nga pala ang huling taon ko sa Senior High. "Do you think na papayag ang daddy mo na sumama ka sa'kin?"
"I'm turning eighteen and I can do whatever I want." Sabi ko, "And besides... bakit hindi papayag si dad? You're my sister for heaven's sake."
"Are you seriously—"
"Yes." Yumuko ako at halos pabulong na sinabing, "I just want to disappear too." I want to disappear completely and never be found. Ever.
That same day pumunta kami ni Ate Karen kung saan siya nakahimlay. Nilapag ko yung isang pumpon ng bulaklak sa tabi ng puntod niya. Lumuhod ako para magsindi ng kandila at itinulos iyon. Naupo kaming dalawa sa damuhan habang pinagmamasdan ang naka-ukit niyang pangalan sa lapida.
Jinnie Gregorio.
There are causes worth dying for, but none worth killing for. Kahit na namatay si Margaux hindi pa rin niya napagbayaran ng tama kung anong ginawa niya kay Jing. At masakit, masakit yung katotohanan na kahit ilang buhay pa ang ipalit, hinding hindi na maibabalik pa sa buhay yung mga taong nawala na.
"Jing. Marami akong gustong ikwento sa'yo noon, marami akong bagay na dapat matagal ko ng nasabi sa'yo. Pero tama ka, wala akong alam sa nararamdaman mo. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa'yo matapos mo kaming iwanan sa Sta. Helena, gusto kong malaman kung paano ka nabuhay, kung maganda ba ang naging tingin mo sa mundo. At ngayon, hinding hindi ko na 'yon malalaman—kahit kailan. Kahit ang lihim mong poot sa'kin hinding hindi ko na maririnig pa." napatingin ako kay Ate Karen nang bigla siyang magsalita na para bang kinakausap si Jing.
"Jing. Tandang tanda ko pa rin ang unang araw ng pagkikita nating dalawa. Kung paano mo pinalutang ang mga dahon at bato, kung gaano ka kasabik makita ang ganda ng mundo. Kung nasaan ka man ngayon sana matagpuan mo ang ligaya sa ikalawang buhay, at ikamusta mo 'ko sa kanila." Hindi ko maunawaan yung huling sinabi niya. Naririnig nga kaya ni Jing kung anong sinasabi niya ngayon? Alam niya kaya kung gaano ako nagluluksa at nasasaktan sa tuwing maalala ko siya?
Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makausap siya, gusto kong sabihin sa kanya na ang tanga-tanga niya para mamatay ng maaga, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagpasalamat sa kanya ng maayos. "Masyado pang maaga para magpasalamat, Jill Morie." Iyon yung lagi niyang sinasabi sa tuwing magpapasalamat ako sa kanya at kaya iyon hanggang sa huling hininga niya hindi ko nagawang magpasalamat ng maayos sa lahat ng ginawa niya. Napakabitch talaga ng babaeng yan kahit kailan.
Gusto kong sabihin kay Ate Karen lahat ng nalaman ko tungkol kay Jing, gusto kong ikwento sa kanya yung mga pinagdaanan ni Jing matapos niyang tumakas ng ampunan. Pero parang wala pa 'kong sapat na lakas na loob para sabihin lahat-lahat ng tungkol sa pagkatao ng matalik niyang kaibigan.
Bubuka pa lang ang bibig ko para magsalita nang sabay kaming napa-igtad ni Ate nang maramdaman naming may paparating. Kaagad kaming napatayo at nakita siya nakatayo di kalayuan, nakatitig sa puntod ni Jing. Malalam ang mata, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Kabikabila sa balita ang kasalukuyang balita tungkol sa Memoire, at paniguradong nasa alanganin ang estado niya ngayon
"Anong ginagawa mo rito?" bigla akong itinago ni Ate sa likuran niya, katulad noong eksena sa Inn sa Daambakal, kung paano niya 'ko pinrotektahan mula kay Cairo ay parang ganon din ulit ngayon, "Kung sa tingin mong magpapasalamat ako sa'yo sa pagbibigay mo ng makatarungang himlayan si Jing , wag kang umasa."
Hindi siya umimik, dali-daling kinuha ni Ate yung bag niya sa lupa atsaka ko hinila paalis. Sa takot na baka may kung anong gawing masama si Cairo. Nang malagpasan namin siya ay biglang tumigil si Ate dahilan para mapatigil din ako.
"Alam mo ba..." sabi ni Ate ng hindi lumilingon, kinakausap niya si Cairo "Alam mo ba kung anong ginawa ko sa loob ng dalawang taon? Hinanap ko si Sylvia dahil nasa kanya si Wyndell. Hinanap ko yung anak natin sa loob ng dalawang taon, Cairo. Hindi ako tumigil." Binitawan ako ni Ate at humarap siya kay Cairo sa pagkakataong 'to "At alam mo ba kung nasaan na sila ngayon?" mapakla siyang ngumiti, "Sa langit."
"Anong—"
"Patay na sila, Cairo." Nakita ko kung paanong namumuo ang mga luha sa mata nila pareho "Namatay sila sa isang aksidente."
"Karen—" lumapit siya kay ate at hinawakan ito braso pero pilit iyong hinawi . Walang duda. 'Please.' Mahal nila ang isa't isa.
"Mayroon akong hihilingin sa'yo. Wag ka nang magpapakita sa'kin, sa'ming dalawa... kahit kailan." 'kahit kailangan kita' sabi ni Ate sa isip. At pagkatapos ay muli akong hinawakan ni Ate at naglakad palayo kay Cairo. Ni hindi niya nagawang lumingon kahit isang beses. Nang marating namin ang sakayan ng bus, biglang napasandal si Ate sa pader ng waiting shed.
"Okay ka lang—" inalalayan ko siya dahil parang bigla siyang nawalan ng balanse.
"Oo. N-nahihilo lang ako."
*****
Letting go is less painful than holding on, kaya siguro narealize ni dad na kailangan niya rin akong pakawalan. It's almost sixteen weeks since I left home, since I dropped everything and walk away from my old life. Together with my sister, Karen, we disappeared from Sentral city, we moved out to start a new entire life. Sumakay kami sa Daambakal at napadpad sa pinaka-tago, pinaka-tahimik na probinsya sa Hilaga, yung lugar na makakasiguro kami na walang nakakakilala sa'ming dalawa. We found an isolated rural area kung saan simple lang ang buhay, malayung-malayo sa siyudad.
She bought a small house for us na naka-locate sa isang farm kung saan may Mango grove, she also bought an old truck na pag mamay-ari dati ng landlady namin dahil kailangan namin 'yon dito, hindi kasi uso ang commuting transpo katulad ng trains, taxi etc dito.
Another step to start a new life, we changed our identities. Binura na namin yung adoptive names namin at pinalit yung mga totoo naming pangalan. I am now Atria Morales, isang tipikal na teenager, lagpas balikat ang itim na buhok, nag-aaral sa isang public university. While my sister, is now Beatrice Morales, na ngayon ay maikli na ang buhok na hindi lalagpas ng balikat, nakasuot ng salamin at katulad ng dati hindi mo pa rin mababasa kung anong nasa isip niya, nagtatrabaho siya bilang kahera sa isang tindahan ng libro. I know she badly wants to teach again pero dahil sa kailangan niyang mag-ingat sa kalusugan at hindi niya pa naaayos yung pangalan niya sa teaching liscense niya hindi muna siya mag-aapply sa university na pinapasukan ko.
Nobody knows who we are. It's like we woke up in a new body, no connection to the past, no more goals for the future. We're barely living for today and it's enough.
"Its four months old pero bakit parang hindi lumalaki yung tiyan mo?" tanong ko sa kanya nang minsang nag-aalmusal ako habang siya naman ay nag-aayos sa harapan ng salamin. Sabay kaming papasok ngayong umaga, ako sa school, siya sa trabaho. Ngumiti lang siya sa'kin atsaka ipagmamalaki na balingkinitan kasi yung katawan niya kaya ganon at aasarin ako na tumataba raw ako kahit hindi naman, palagi nga naming pinuproblema kung anong kakainin namin araw-araw eh.
"Iniisip ko na magpart time, may hiring dun sa convenience store malapit sa school."
"I told you, akong bahala sa lahat ng gastusin dito sa bahay. Hindi naman tayo namumulubi, Jill." And yeah, we still call ourselves in our old names dahil...wala eh yun yung nakasanayan naming dalawa. Inside this home we're still Karen and Jill, the truth is...we're still ourselves. Kahit na ang laki ng pinagbago ng social status naming dalawa, pati ng panlabas na anyo at pangalan, hindi pa rin kami nagbabago bilang isang tao.
"I'm just trying to help. Paano kung lumabas bigla 'yang dalawang 'yan?" my sister chuckled and tapped my head na kinabwisit ko, para kasi akong aso pag ginaganon niya 'ko. "What if you told him the truth that day?" biglang sumeryoso yung mukha ni Ate, hindi nagustuhan yung sinabi ko. Gusto ko siyang asarin dahil halatang affected pa rin siya hanggang ngayon.
"Male-late ka na." napaismid ako dahil bigla siyang lumabas ng bahay dala-dala yung susi ng sasakyan kahit na hindi pa 'ko tapos kumain.
Daily routine na namin na una muna niya 'kong ihahatid sa school at pagkatapos tsaka siya papasok ng trabaho. College is not really easy as expected, naalala ko tuloy yung mga kaklase ko sa White Knights, nakapasa kaya sila sa mga prestigious universities na inapply-an nila? Siguro nahihirapan din sila sa acads, siguro...siguro...siguro... I should stop thinking about them dahil may kanya-kanya na kaming buhay ngayon, atsaka hindi naman nila ko maalala.
I still have no friends, kahit one week na since nag-start yung klase. And I don't have any interest to make one. It would be better if I'll be alone for the whole semester or until graduation. Nawalan na 'ko ng interes sa pakikipag-interact sa kapwa ko magmula nang lisanin ko ang siyudad.
Apat na buwan na rin ang lumipas pero wala na akong narinig na balita tungkol kina Eliza, Vicente, Dean, Palm, ni hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanila pagkatapos silang madakip ng Memoire, hindi ko alam kung binalik ba sila MIP. May parte rito sa puso ko na gusto sila ulit makita, hindi nila alam kung gano ko kalaki tinatanaw ang utang na loob ko sa kanila noong mga panahong nangangailan ako, yung mga panahong pinalakas nila ang loob ko. Too bad, I don't know where and how to find them and I guess I should let things happen accordingly.
Wala na rin akong narinig tungkol kay Cloud, ni hindi man lang niya 'ko dinalaw noon sa ospital. Gabi-gabi kong iniisip kung anong nangyari sa kanya matapos niyang barilin ang sarili niyang ina, si Margaux. Walang araw na hindi ko siya iniisip kung nasaan na siya ngayon. Ngunit isang araw parang dininig ang panalangin ko, nakatanggap ako ng liham, walang address kung saan galing pero alam kong sa kanya iyon galing. Pinapahayag ng sumulat kung gaano niya 'ko kamahal pero wala pa siyang sapat na lakas ng loob at tapang para harapin akong muli, sapagkat hindi pa rin siya nakakabawi sa mga nangyari. Pinatay lang naman niya ang sarili niyang ina kaya naiintindihan ko kung gaano kahirap para sa kanya 'yon. Nangako siya na sa tamang panahon, babalik siya. Tinapon ko yung sulat pagkatapos kong basahin, ayokong umasa, ayokong umasa masyado sa mga salita niya dahil ayokong masaktan sa huli.
It still hunts me. Memoire. Kahit hanggang sa panaginip hindi ko pa rin sila makalimutan, hindi pa rin mawala wala sa memorya ko lahat ng pinagdaanan ko sa mga kamay nila. Jing's death traumatized me, minsan nagigising akong umiiyak dahil napapanaginipan ko ng paulit-ulit kung paano siya nawala.Yung sakit, takot at pighati, nandito pa rin. Minsan nagigising akong sumisigaw o di kaya'y niyuyugyog ako ni Ate Karen para gisingin mula sa bangungot. Pagkaraa'y tatabi siya sa'kin hanggang sa makatulog ako ulit.
Somehow hindi pa rin ako nakakarecover sa mga nangyari, pinipilit kong mabuhay dahil iyon yung hiling ni Jing bago siya mamatay. I want to believe that if we do our best today, it is certainly possible that we could bring a brighter tomorrow. Even though we can't see what lies ahead, katulad ng sinabi noon ni Ate, we may not see it but it is certainly there and it is definitely ours. I'm trying to live normally pero alam ko hindi 'yon posible.
The truth is—I am Peculiar, and I can still see the future.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top