/75/ To Die is To Gain
/75/ To Die is to Gain
"Magandang magandang umaga sa inyo mga ka-KKK, kapamilya, kapuso, kapatid! Nandito tayo ngayon sa Plaza Complex at kitang-kita ang dagsa ng maraming tao upang dumalo sa misa sa Sentral de Cathedral. At! Muntik ko na kayong batiin mga ka-KKK ng isang maligayang-maligayang Pasko! Mamaya mga ka-KKK magaganap ang isang bonggang opening sale sa Centro Town Center kung saan mag—"
Kakalabas ko lang ng walk-in closet at pinatay ko yung power ng TV gamit yung remote. Naupo ako sa sofa at pinagmasdan ang passport at plane ticket na nakapatong sa lamesita. May flight ako mamayang tanghali papuntang Washington. They've been decided since yesterday na ipadala ako ng ibang bansa para sa kauna-unahang testing ng Culomus 2.0, hindi lang 'yon dahil sooner or later iibahin na nila ang pangalan ko, ang citizenship ko, religion—ang buong pagkatao ko. I am their property now and it feels like I'm not a human anymore, para akong gamit na gusto nilang gamitin kahit kailan nila gusto. Pero hindi nila alam, wala silang alam kung anong nangyari kagabi.
I erased his memories, kaya walang naalala si Cairo tungkol sa kahit anong nangyari noong nagdaang gabi. At hindi alam ng Memoire na nagamit ko na sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong kapangyarihan ng mga mata ko, nakita ko ang hinaharap, ang hinaharap na naghihintay sa mga tao ngayong araw ng Pasko.
Memoire will take a step forward in conquering the universe at uumpisahan nila 'yon sa lugar na 'to, sa Sentral city. They will perform the first massive testing of Helexia, the drug that can control anyone, and they will do it today—sa araw kung saan walang kamalay-malay ang mga nagkakasiyahang mga tao. Memoire will rob their will at walang ibang nakakaalam na mangyayari ang karumal-dumal na krimen na 'yon kundi ako lang. Twelve o'clock sa Centro Town Center.
"Miss Morie." May kumatok atsaka pumasok ang isang babae na nakacorporate attire, isa rin siyang Peculiar at katulad ni Cairo, isang Memoire, wala halos pinagkaiba ang paninilbihan nila rito. "Get ready within ten minutes, pupunta na tayo sa airport." Iyon lang ang sinabi niya atsaka siya umalis. Oo nga pala, sila ang magsisilbing escort ko hanggang Washington.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa bintana para muling pagmasdan ang halos kabuuan ng siyudad, I always admire the city's view. Pero nakita ko ang repleksyon ng sarili ko, nakatingin sa'kin at tila may sinasabi, nangungusap. Parang kahapon lang gusto mong wakasan ang buhay mo, pero heto ka pa rin ngayon, nakatayo sa harapan ng sarili mo. Jill. Ano na ang gagawin mo?
*****
Hindi ko inaasahan na wala kaming kasamang Sentinels dito sa airport, tanging si Cairo, at yung babae kanina na hindi ko alam ang pangalan lang ang kasama ko. Nasa escalator kaming tatlo at paakyat kami ng second floor.
"Nanghihinayang ako na hindi tayo makakapunta sa selebrasyon mamaya." Narinig kong sabi nung babae kay Cairo na hindi sumagot kaagad. Nasa likuran ko lang silang dalawa at kahit mahina ang pagkakasabi hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko, "I'm too excited for that project pero in the end hindi ko rin pala makikita ang first output nito." Hindi maiintindihan ng kahit na sino kung anong pinatutungkulan niya pero alam ko. "I guess I should be grateful this way—"
"Shut up." Natahimik yung babae, maging ako ay nagulat sa reaksyon ni Cairo, parang galit na naiinis. Nang makatapak na kami sa second floor bigla akong hinigit ni Cairo paharap sa kanila.
"What?" naiinis kong sabi sa kanya atsaka ko pilit na pumiglas sa pagkakahawak niya.
"What are you trying to do?" nanlilisik niyang sabi, medyo hindi ko maintindihan, hindi kaya "Bakit hindi ko mabasa kung anong nasa isip mo?!" so ayun pala, he's trying to read my mind again at mukhang na-immune ako sa kapangyarihan niya dahil sa nangyari kagabi kaya hindi niya na magawang mapasok kung anong nasa isip ko. I am busted.
"What the hell are you talking about?" napakunot kong sabi, kunwari hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.
"Huwag ka nang magmaang-maangan Jillianne Morie. You are blocking my mind. Paano mo nagagawa 'yon? Tell me. Mila," baling niya sa babaeng kasama, "Tumawag ka sa headquarters, ireport mo 'tong nangyayari ngayon."
"Y-yes, Cairo." Naaaligagang sabi nung Mila habang kinukuha sa handbag yung phone, pero inisip ko na hindi niya magagalaw yung katawan niya and so it did. "I-I can't move." Gulat na may halong pangamba na napatingin silang dalawa sa'kin, at sigurado sila na ako ang may gawa non.
"Jill Morie—" gagalaw din si Cario pero hindi na niya magawa. I guess Mila is the telekinetic at sa kanya ko nakukuha yung ganitong ability. I looked around at walang nakakapansin sa'ming tatlo dahil sa abala ang mga tao sa kanya-kanya nilang lakad. It's no good na nadiskubre na ni Cairo kung ano ang kaya kong gawin but I can erase their memories again and again.
Suddenly, Cairo grabbed his radio transceiver at nagawang makapag-order sa mga Sentinel, I thought walang mga Sentinel pero ang totoo nasa paligid lang din pala sila. Nakakakilos na sila, I can't simulate well two powers at the same time kaya nakagalaw na sila, hindi ko pa rin naman talaga kabisado kung paano ba gamitin 'tong kapangyarihan ko.
"Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ka, Jill Morie. And you already saw what will happen today huh." Sabi ni Cairo. Something snapped inside my mind, parang may barrier na nasira kaya naramdaman ko siya na nanghimasok sa isip ko. Shit. Then, seconds later nakita kong paparating na yung mga Sentinel na nakiki-blend in lang pala among the crowd. Alright, I'm damned. Parang naparalyze yung kapangyarihan ko, I still have my limits due to dad's obstruction in my powers years ago.
'Run.' Someone told me inside my mind. 'Run'. Whatever or whoever it is, kaagad kong sinunod kung ano ang dinikta ng boses na 'yon. Bago pa ako tuluyang mapalibutan ng mga Sentinel nakatakbo ako kaagad pababa. They're all chasing me, including Cairo with his accomplice, saan ako pupunta? Saan?
'This way, lumiko ka sa kanan at makikita mo yung isang exit.' Again, narinig ko na naman yung boses na 'yon, I don't have the time to doubt kaya sinunod ko siya. Nagawa 'kong makalabas pero that doesn't guarantee na tuluyan na 'kong nakatakas sa kanila. 'Just run, Morie.' What? Nagulat ako kaya bumagal yung takbo ko, 'Wag kang tumigil sa pagtakbo!' H-how? Alam niya yung pangalan ko? Cloud? Cloud ikaw ba 'yan? Malayu-layo na yung natakbo ko pagkalabas ko ng airport, at sinusunuod ko lang yung direksyon na dinidikta ng misteryosong boses.
Tumatakbo ako nang may sumunggab sa'kin sa gilid at muntik na 'kong matumba sa eskinita na 'yon.
"Sino ka?"
"Ako yung nagsasalita sa isip mo, Morie." Isang lalaki na nakahoodie, matangkad at moreno, nakahawak pa rin siya sa braso ko. "My name is Ismael, I know you're confused, it's a long story." Pamilyar yung itsura niya, nakita ko na siya somewhere...teka...naalala ko na, nakita ko siya noon sa Mnemosyne Institute, isa siya sa mga tumayo noon para ipaglaban ang mga Peculiar sa auditorium, yung araw na tumakas kami. Anong ginagawa niya rito? "I'm glad medyo naalala mo na."
"Paano ka nakapunta rito? Paano—"
"We're grateful sa ginawa mo noon sa MIP, Morie, dahil sa'yo natanggal kami sa mga kadena. After that incident lubhang nagkagulo sa Mnemosyne Institute, may mga maswerte, katulad ko, na nakatakas at nandito ngayon sa Sentral city para pigilan ang masamang balak nila."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Marami kaming nakatakas sa Mnemosyne Institute, and we're being hunted right now dahil alam namin kung anong magaganap ngayon, ang kauna-unahang massive trial ng Helexia drug. Alam kong alam mo 'yon at naniniwala ako na ikaw lang ang makakapigil sa kanila. I can't go with you because my friends are out there, nagkawatak-watak kami sa siyudad dahil na-trace na nila kami isa-isa."
"Thank you, Ismael."
"Mas dapat akong magpasalamat sa'yo. Dali, habang hindi ka pa nila naaabutan."
"Paano ka?"
"Hindi ko pwedeng iwanan ang mga kaibigan ko. Sama-sama kaming pumunta sa Sentral city, sama-sama naming tatapusin 'to." Hindi ko alam kung bakit parang nanlambot ako sa sinabi ni Ismael, at dahil nga telepath siya katulad ni Cloud naramdaman niya siguro na medyo nanghina ako. Tinapik niya ko sa balikat at sinabing, "May mga katulad mo na hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil lumaban kahit na ilang beses na silang nadapa. Hindi ka pa rin nag-iisa. Tandaan mo." Muli niya kong tinapik at halos patulak na pinaalis, "Go. The world needs you." Nag-thumbs-up pa siya bago siya tumalikod at tumakbo paalis.
The world needs you. Crap. The world don't need me at all, Ismael. In fact, kahit na nawala ako hindi pa rin 'yon makakatulong sa ekonomiya at walang pake ang sanlibutan, iikot at iikot pa rin ang mundo kahit wala ako. Pero sa ngayon dahil sa ako ang tinadhana na nandito, I don't have the choice but to fight against the evil, a destiny that I need to fulfil because I am the 'chosen hero'.
Kung ako si Eliza at bibigyan ko ng options yung sarili ko ngayon, meron akong dalawang pagpipilian, run or stay. If I stay mahuhuli na naman nila 'ko, ibabalik sa BDT, MIP or whatever, but if I run again there are chances...chances na magawa ko 'to kahit na mag-isa lang ako. As if I really have a choice.
Muli, tumakbo ako, may nasasagi, nabubunggo o natitisod, hinahawi ko ang mga mababagal, iniiwasan ang sumasalubong. I don't mind at all kung gaano kalayo yung Rapid transit, yung subway train station, lumingon ako at nakita sila, ang mga Sentinels na pinangungunahan ni Cairo. It was like an amazing race, dumog ang tao sa istasyon, wala akong ibang nagawa kundi lumusot sa ilalim ng tap-and-go machine, nakita ako ng isang guard, sisitahin ako pero sabay bukas ng pintuan ng train, sabay pasok, sumara, umandar.
Nakita ko sila Cairo na hindi na nakapasok ng mismong platform, wala silang ibang nagawa kundi tingnan ako habang papalayo ang tren na nasakyan ko. Then I just realize what I did, kung kailan last minute tsaka ko nakatakas sa kanila—pansamantala. Cairo surely knew kung saan ako papunta and by now nakarating na siguro kay Chairman Hermoso kung ano ang nangyari. Nakita ko rin kanina sa orasan na may forty three minutes pa bago sumapit ang twelve. Dapat makapunta ako kaagad sa Town Center bago mag-alasdose para mapigilan ang pag-lunsad nila ng first massive trial ng Helexia.
Bumaba ako sa mismong station ng train kung saan walking distance lang yung Centro Town Center, ngayon ko lang napansin na isa na lang yung suot kong sapatos, naiwan sa kung saan yung isa dahil sa ginawa kong pagtakas kanina. Nagsinungaling ako sa isang guard na nawala yung wallet at ticket ko, at dahil Pasko naman at napansin niyang nawala pa yung isang sapatos ko pinagbigyan niya kong makalabas ng walang ticket.
Dahil naiirita ako habang naglalakad hinubad ko yung natitira kong suot na sapatos at tinapon sa malapit na trashcan. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao habang naglalakad dahil nga nakapaa lang ako, naaawa ang tingin yung iba napapailing dahil siguro akala nila nababaliw ako o nawala sa katinuan, o kaya napagsamantalahan, pero walang nagtanong mula sa kanila, walang lumapit dahil wala silang pakialam.
Lakad takbo ang ginawa ko nang matanaw ko na yung Centro Town Center, masakit sa paa dahil sa init ng konkreto na nilalakaran ko. Marami akong kasabay na naglalakad sa side-walk at wala pa naman akong natatanaw na Sentinel o tiga-Memoire. Patawid ako sa kabilang kalsada nang huminto sa harapan ko ang isang puting sasakyan. Bumaba yung bintana sa likurang bahagi ng sasakyan at nakita ko si Dr.Irvin.
"Get in, may mahalagang bagay kang dapat malaman, Jillianne Morie."
"What?"
"Get in. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita dadalhin sa kanila." He's serious and a professional like him has words, kaya naman pumasok ako sa loob ng sasakyan. "I know the reason why you're here, you'll stop the massive trial of the Helexia."
"How did you know?"
"I am the one who monitors on what those eyes of yours can see." Naalala ko na, "And yesterday, partially successful mong nagamit ang Culomus 2.0."
"Bakit hindi mo sinabi sa Memoire?" dahil kung alam na niya kagabi pa lang paniguradong may ginawang hakbang ang Memoire kaagad, pero wala silang kaalam-alam ngayon.
"Because there's more than that, Jillianne Morie." More than what? "There's more than the massive trial of the Helexia—there will be a great chaos na hindi nakita ng mga mata mo kagabi."
"Great chaos?"
"Terrorism." Napahinto ako sa sinabi niya. "There will be an explosion inside, at the atrium." I just awed, bukod sa punum puno ng tanong yung isip ko biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. "You have to stop it at any cost."
"Wait, Dr. Irvin, why are you telling me this? You're supposed to be their accomplice. Bakit mo sinasabi sa'kin na dapat kong iligtas lahat ng tao doon?" feeling ko unti-unti ng sasabog yung isip ko.
"I am still a human being." Naguluhan ako sa sagot niya. So all this time nagpapagamit lang siya sa Memoire pero ang totoo he's still on the straight path? "I developed your sister's eyes for beneficial purpose. I told you before; whoever possessed those eyes is the freewill, the only one who can change future."
"Damn it."
"Under the atrium's fountain, doon nakalagay yung bomba, you just have to cut the blue wire." Inabot niya sa'kin ang isang cutter, "And don't forget to buy slippers." Inabutan din niya ko ng sobre na naglalaman ng cash. Seriously wala na 'kong panahon para bumili ng tsinelas.
"Honestly I don't know kung dapat ba kong magpasalamat sa'yo, Dr. Irvin."
"Oh, dear, you don't have to. Hurry up, at nagmamadali rin ako, I still have multiple death threats to escape. Adieu." So, tumiwalag na siya ng tuluyan sa Memoire kaya niya nasabi 'yon? Does he mean that he'll be dead in the next few minutes and he's sorry for me and my sister? Umibis ako ng sasakyan at kaagad na humarurot 'yon paalis. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at diretso akong tumakbo papuntang entrance ng town center.
Noong una ayaw akong papasukin ng security dahil wala raw akong suot na kahit na ano sa paa at napagkamalan akong pulubi, pero pinakita ko yung pera ko at sinabing bibili pa lang ako ng sapatos sa loob kaya wala silang nagawa kundi papasukin ako sa loob. Ramdam na ramdam ng mga paa ko yung lamig at naglibot ang paningin ko, malaki ang Town Center at katulad ng inaasahan sobrang dami ng tao ang namamasyal dito dahil sa espesyal ang araw na 'to. Maririnig ang malakas na pagtugtog ng isang luma at masiglang Christmas song, kasabay ng mga masasaya at masisiglang mga tao na walang kamalay-malay sa malupit na kapalaran na sasapitin nila ngayon. No wonder why ito ang napiling target date ng Memoire para sa massive trial nila ng Helexia. Pero ang paulit-ulit na tanong sa isip ko ay kung bakit kinakailangan pa nilang pasabugin ang atrium? Bakit?
They aim to conquer the universe. And to conquer the universe means to terrorize for political desire, pursuit of fortune, greed, and infinite glutton for power. Now I understand the real first step to conquer, they need to destroy Sentral City first, using Helexia to control people, and using me to manifest and assure their victorious fate. They'll rob these innocent people's future and I cannot allow that.
No one's going to believe me kung sasabihin ko kung anong mangyayari, at mas lalong hindi pwedeng i-announce sa buong mall na may bomba dahil natural instinct ng mga tao ang magpanic. Ang tanging paraan lang para maresolba ang problemang 'to ay ako mismo ang humanap ng bomba na 'yon katulad ng sinabi ni Dr.Irvin. I don't have much time left. Kailangan kong isuko yung idea na pigilan yung Helexia besides wala akong clue kung saan at paano nila gagawin 'yon, the bomb's damage is more massive compare to Helexia kaya ito yung dapat kong i-solve.
Tiningnan ko sa directory map kung nasaan yung atrium, pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao dahil nga wala akong sapin sa paa pero hindi ko na lang sila pinapansin. Medyo malayo rin pala yung atrium at nakalocate pa siya sa mismong gitna ng town center. Dali-dali akong tumakbo papunta roon. Maraming tao kaya napapabagal ako.
Napahinto ako nang lumikha ng ilang ingay yung mga tao at nabaling ang atensyon sa isang bagay, yung Christmas lanterns na nakasabit sa ceiling, may lumalabas na kung anong usok mula sa maliit na butas nito. Nanlaki yung mga mata ko at naalala ko noong Night Out s White Knights, ganitong ganito yung usok na nanggaling sa stage noon na nagkocontain ng Helexia. Shit. No.
Bago pa ko makasigaw na takpan nila yung mga ilong nila, huli na, huli na nang makita ko kung paano sila unti-unting nawala sa sarili, tumigil sa paggalaw, natulala sa kawalan, nagmistulang 'brain-dead'. Nawala yung mga ingay ng tao at naiwan ang tunog ng mga speakers na nagpapatugtog ng Christmas song. Tumakbo ako pabalik ng entrance pero nakita ko na nakasara 'yon at tinakpan ng itim ang bawat glass doors at window, walang matatanaw na kahit ano mula sa labas.
Kailangan ko nang makapunta kaagad sa atrium. Damn. Tumakbo na 'ko at parang mistulang maze ang daanan dahil sa mga taong wala-sa-sarili na nakaharang.
"Don't move." May nagsalita mula sa announcement speakers, nawala yung kanta, parang automated voice, dahilan naman para mapahinto ako, "Surrender in five seconds. Five. Four. Three. Two. One." Pero hindi ko 'yon pinansin at muli akong tumakbo. "Command: Grab and stop the moving target." What the hell? Napatingin ako sa paligid ko at mistulang mga robot na sumunod ang mga tao, papalapit sila sa'kin at nakataas ang mga braso, parang zombies na handang-handa akong sunggabin. Mas lalo kong binilisan yung pagtakbo sa takot na baka mahuli nila ko pero shit lang mga tao sila na wala sa sarili. Maya-maya nasunggaban ako ng isa hanggang sa yumakap pa ang isa, dalawa, tatlo, sunud-sunod hanggang sa tila nilulunod ako ng mga tao, nagpupumiglas ako at pilit na kumakalas sa mga hawak nila. Himalang nagawa kong makakawala dahil din siguro sa adrenaline, lumiko sa direksyong walang masyadong tao at lahiat pa rin sila hinahabol ako na parang isang piraso karne na handa nilang gawing tanghalian. Ito ang pinakaworst na habulang taya na nangyari sa buong buhay ko.
Narating ko na yung atrium at natanaw ko na sa gitna nito yung fountain, pero may mga paparating dahilan para maharangan ang pinakadadaanan ko papuntang fountain. Wala akong ibang pagpipilian kundi sumugod lang at lumusot sa kanila. Para 'kong lumalangoy sa gitna ng karagatan na may malakas na alon na pilit akong tinatangay palayo.
Mas malakas ako, kahit na tila isang batalyon sila, nakalusot ako sa ilalim at nalagpasan ako sila. Narating ko yung fountain at kaagad na kinapa ang buong ilalim para hanapin kung nasaan yung bomba. Paparating na naman sila, at wala na kong matatakbuhan dahil napapalibutan nila 'ko. Nahanap ko na yung bomba, at puputulin ko na yung blue wire nang masunggaban nila kong lahat, nakain ako pailalim at nawawalan ako ng hininga dahil halos natatakpan nila 'ko.
Yakap-yakap ko yung bomba at nakitang ilang segundo na lang ang natitirang oras nito. Kung hindi ko 'yon madedetonate, sama-sama kaming sasabog sa atrium. Shit. Nahiwa ako ng cutter dahil sa pagkakagulo. Tatlong segundo. Nanginginig ang buong katawan ko. I need to do this. I can do this.
TCH! Isang malutong na tunog. Huminto ang orasan. Huminto rin sa paggalaw yung mga inosenteng tao na walang kinalaman ngunit nadamay, nabiktima ng Helexia.
Tumayo ako at naglakad palayo mula sa mga tao, binitawan ko lang sa sahig yung nadetonate kong bomba, maya-maya napasalampak ako sa sahig, napatingala ako at saktong tumama sa'kin ang sinag ng liwanag galing sa mga bintana sa itaas. Jing, nandyan ka ba sa 'taas'? I guess...To die is to gain, huh.
Namalayan ko na lang ng mga sumunod ay may dalawang humigit sa'kin at pilit na pinatayo at hinila. Hindi sila mga Sentinels, mga tauhan pa rin ng Memoire, mga Peculiar katulad ko dahil nakita kong mayroon silang tattoo sa kamay. Maya-maya ay huminto sila, maging ako. Nakita ko si Margaux sa harapan ko at nagulat ako nang makita kong katabi niya si Cloud, blangko ang mukha.
"Kailangan ko na bang i-suggest sa board na lagyan ka ng multiple chains and collar para hindi ka na makagalaw pa?" galit niyang saad, "You. Ruined. Everything. Again." Duro niya. She wanted to kill me badly, kahit noon pang nasa MIP kami pero hindi pwede. Masama ko siyang tinitigan at wala akong pakialam. Bbiglang nag-init ang dugo ko at gusto ko siyang sugurin at sampalin hanggang sa dumugo yung mukha niya.
Naramdaman kong mas humigpit yung hawak ng dalawang lalaking Peculiar sa'kin. Nakita ko rin na kasama ni Margaux ang mga tuta niya sa MIP, sila Gidget at iba pang mga Peculiar staffs. Tiningnan ko si Cloud pero nasa ilalim siya ng balaghan kaya nakukontrol siya ni Margaux. Tinitigan ko siya at pilit na hinihimasok ang isip, kailangan niyang magising sa katotohanan.
"Kung nagawa mong pigilan ang pagsabog, pwes ako mismo ang magpapasabog ng lugar na 'to!" humarap si Margaux sa mga tao at tinanggal ang kanyang salamin, she'll definitely blow them up. Pumikit ako atsaka huminga ng malalim. This is my retribution for Jing. I'll make sure that Margaux will pay.
Humugot mula sa kung saan, nakahigop ng kapangyarihan. Tumilapon sa magkabilang gilid ko yung mga nakahawak sa'kin. Nagulat sila, napatigil si Magaux, kikilos ang mga kasama niya nang itaas ko ang kanang braso ko at katulad nang nangyari sa dalawa tumalsik silang lahat maliban kay Margaux at Cloud, buong pwersa at malakas ang impact. Kahit na ganito, wala akong intensyong patayin sa sila.
Nakita kong kumukurap-kurap si Cloud, senyales na nalalabanan niya yung lason sa isip niya. Pero humarang si Margaux dahil sinadya kong itira siya at gusto kong kaming dalawa ang huling magharapan.
"You—"
"...will surely pay for what you did, murderer." Dugtong ko sa sinabi niya na mas lalo niyang ikinagalit. She threw a blast from her eyes but I counter attacked it, she's very surprised but she still used her full force to dominate me. Naglalaban ang mga nagsusumiklab naming mga mata, at kung sino ang unang kumurap ay siyang talo. Para kaming naglalaro ng patagalan ng titig at maya-maya naramdaman ko na tila hinihigop ng mga mata ko ang kaibuturan ng mga mata ni Margaux. Her future lies within it. Bubulagta siyang patay mamaya not because I overpowered her—someone will shoot her...and it's...wait...si...si Cloud?
I snapped out of my concentration at nagdiridiretso sa paningin ko ang pulang liwanag kasabay ng sakit at pagdilim ng paningin ko, maya-maya narinig ko ang malakas na pagputok ng baril. Cloud shoot his mother.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top