/74/ The Jaded Girl
/74/ TheJaded Girl
Sentral City, December 24
10:30 am
Namalayan ko na lang si Uncle Julius na nasa harapan ko. Kanina pa 'ko rito nakaupo sa sofa ng office lounge ng IADC. Isa't kalahating oras na ang nakalilipas matapos nila 'kong dalhin sa lugar na 'to.
"Jillianne." Hindi ko pinansin si Uncle, nakatingin lang ako sa kawalan, hanggang sa maramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. "Ihahatid na kita sa inyo." Naisip ko kung tama bang magalit ako kay Uncle ngunit isa lang din naman siya sa piyesa na ginamit sa 'laro' na 'to. Memoire controlled the authorities, at panigurado napagtakpan nila kaagad kung ano mang 'milagro' ang nasaksihan nila kanina, madali lang sa kanila na literal na burahin sa isip nila ang tungkol sa mga Peculiars.
"Nasaan sila?" mahinang tanong ko, halos pabulong, walang lakas, parang nanghihina. Alam kong nakatitig lang sa'kin si Uncle, hinahanap ang mga salitang pwedeng isagot sa'kin, nakita ko sa gilid ng mata ko na dahan-dahan siyang umiling, alam ko na, hindi niya pwedeng sabihin o sadyang hindi niya rin alam. Tumayo ako, at gayon din siya, "Tara na, uncle." Walang ganang yaya ko sa kanya. Tumango lang siya at naunang naglakad, sumunod lang ako sa kanya.
Hindi ko sukat akalaing maraming media ang nag-aabang sa lobby ng building, kaagad akong hinarangan ni Uncle para hindi nila makita. Biglang nagsikislapan ang mga camera nila, akala mo mga paparazzi at isa kong celebrity . Ang dami kaagad nilang tanong na mga ibinato, sunud-sunod, walang preno, muntik ko ng makalimutan na anak nga pala ko ng isa sa mga prominenteng tao sa Sentral city, ang doktor at propesor na si Richard Morie. Maagap ang mga staffs ng IADC kaya hindi nila nahayaang malapitan ako. Sa likuran ng gusali kami dumaan ni Uncle, at pagkarating namin ng paradahan doon ay hinarang naman nila kami—ang Sentinels, gaano kaya sila karami at saan sila nakukuha dahil parang hindi sila nauubos?
Biglang naglabas ng baril si Uncle dahil mukhang hindi siya na-abisuhan tungkol dito.
"Put that gun down." Mula sa kung saan ay sumulpot siya, ang deputy headmaster ng Mnemosyne Institute, na siya ring tumatayong Chief ng mga Sentinels na 'to. Si Cairo. "We're from the higher-ups." Higher-ups? "Kami ang in-charge sa batang 'yan."
"Wala akong order na natanggap tungkol dyan, ako ang maghahatid sa kanya dahil iyon ang iniutos sa'kin." Mukhang naamoy na ni Uncle na masasama ang budhi ng mga nilala na 'to, oh well, it's a detective thing.
"Julius Fajardo, right?" sabi ni Cairo, poker faced. "You're wasting our time, alam mo ba 'yon?"
"Uncle," sumabat na 'ko, "It's fine, sasama ako sa kanila, they're indeed from the higher-ups." Sabi ko.
"Pero—"
"Then shall we go?" Si Cairo. Wala nang nagawa pa si Uncle kundi pabayaan akong sumama kila Cairo. Wala naman na talaga siyang magagawa dahil iisa lang siya at hindi niya alam kung anong klase ng tao 'tong si Cairo pati ang mga kasama niya. Sa totoo lang, I don't have that kind of strength anymore to fight them this time, ano pa bang ipaglalaban ko?
Checkmate.Wala na. Tapos na. And the fact that I am all alone now is inevitable. I am freaking all by myself.
May dumating na Black Limousine, pinauna ako ni Cairo pumasok doon at umupo siya kaharap ko. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakahalukipkip, siya naman ay nagsalin ng wine sa isang kopita, he offered me something to drink but good thing I still have my manners to politely refuse. Huli kong nakita si Cairo noon sa Mnemosyne Institute kung saan binaril siya ni Ate Karen. I thought he's dead, pero heto siya ngayon buhay na buhay at parang wala bang nangyari.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya.
"Black Diamond Tower." Sagot niya atsaka humigop ng alak. "The chairman personally wanted to see you."
"Nasaan sila?" napatingin siya sa'kin at alam niya na siguro kung sinu-sino ang mga tinutukoy kong 'sila', and more than that, alam kong alam niya na may kinalaman silang Memoire sa insidente sa Sta.Helena, sa pakana na pagiging wanted nila Eliza sa mga otoridad. "Saan niyo sila dinala?"
"The four cons from Bastille are being held somewhere, while Cloud Enriquez is with his mother." Sagot niya, "If I were you, huwag mo na sila hanapin pa ngayon." Gusto kong itanong kung bakit pero may biglang sumagi sa isip ko na mas dapat kong itanong sa kanya.
"Pinatay niyo siya, hindi ba?" nakita ko kung paano siya natigilan nang sabihin ko 'yon. "Pinatay niyo si Jing Rosca." tumingin si Cairo sa'kin pero walang inutal na salita na mas lalong ikinaalpas ng puso ko. Kahit na alam kong oo ang sagot hinihintay ko pa rin siyang sumagot, but Cairo remained silent, inabala niya yung sarili niya sa pag-inom at nilabas ang smart phone, he just ignored what I've said.
Nanahimik kami pareho hanggang sa ilang minuto ang lumipas huminto sa isang malaking gusali yung sasakyan, pinagbuksan kami ng pinto at umibis kami ni Cairo mula roon. Sa lobby o entrada ng Black Diamond Tower nakaabang ang maraming Sentinels, nakahilera ng dalawa at dumaan kami ni Cairo sa gitna nito, para kaming mga executives na binibigyan ng grand entrance, wow.
"This way." I silently followed him, sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang pinakahuling floor. I wonder kung anong mangyayari sa'kin after, anong klaseng halimaw kaya ang naghihintay sa'kin sa 101st floor. Kitang kita ko yung sarili namin sa repleksyon sa pinto, it was like an apparition. Sa sobrang nakabibingi ng katahimikan, hindi ko na namalayan na bumukas na ang pinto ng elevator, nauna ulit si Cairo at sumunod lang ako sa kanya. Maya-maya huminto kami sa harapan ng isang malaking pintuan, the aura gave me shivers pero isinawalang bahala ko lang yon. Cairo faced me this time and coldly said, "The chairman is waiting inside." He gives way for me at siya ang nagbukas ng pinto.
The moment I took step inside the room, I saw a tall man near the glass window. Nakalagay ang dalawang kamay sa likuran habang nakatanaw sa labas. Nang maramdaman niya ang presensya ko, dahan-dahan siyang lumingon at nakita ako. Nagflashback bigla sa'kin yung painting na nakita ko noon sa MIP, siya nga si Vittorio Hermoso IV, ang kasalukuyang chairman ng Mnemosyne Institute, isang Memoire. This man is cunning, clever and manipulative, ngunit hindi ako nagpakita ng kahit anong takot sa kanya. To think that he's an oligarch, it must be a privilege for me to meet him personally, dahil nag-appoint pa siya ng one on one meeting sa'kin, which means he's losing his patience already.
"Finally we met, Jillianne Morie."nakangiti niyang saad ngunit sa ngiting iyon ay may itinatagong kadiliman. Naglakad siya papunta sa isang sofa at umupo rito, "Have a seat." Alok niya atsaka itinuro yung kaharap na magarang sofa . Sumunod lang ako sa kanya at nang makaupo ako kaagad nagsimula siyang magsalita.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Jillianne." Simula niya tsaka dumikwatro, his looks is definitely intimidating and anyone would probably feel inferior, pero hindi ako sa pagkakataong 'to. "You caused too much trouble lately. So far, ang jailbreak na ginawa niyo ang pinakamalala na nangyari sa kasaysayan ng Mnemosyne Institute. I am surprised by the way, na isa ka rin pala sa ginawang HGPs by your father, Richard Morie, hindi ko sukat akalaing magagawa nitong mapagtakpan na nasa'yo ang Culomus."
"Will you please state your business already? I thought you're not going to be wordy." Naiinip kong sabi sa kanya. Marahan siyang napatawa na ikinakunot ng noo ko dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko, "Simple lang naman ang gusto ko, Jillianne—magparticipate ka sa extended experiment ng Culomus, we need you, we need your eyes."
"And what is that 'extended-experiment-Culomus' anyway?"
"I think, Dr. Raphael Irvin already explained it to you. As you know, Jillianne, the Culomus could only see patterns of information of the future of a certain individual, but we developed another program, the extended experiment of Culomus is all about not only an individual's future but the society's future."
"Society?"
"We aimed to conquer the universe and this is just a step forward." Biglang sumeryoso yung mukha niya, "It's over, Jillianne, the game is over, you're here and it means that you have to come with us."
"What if I don't want to participate?"
"Ahh, I already anticipated that you'd be stubborn until the end." Humalukipkip siya bago nagsalita, "Let me ask first, hija, talaga bang masama ang tingin mo sa Memoire?" Medyo napaismid ako sa tinanong niya, what kind of question was that? Hindi niya alam kung gaano ko sila kinasusuklaman.
"I guess you already know kung anong isasagot ko sa tanong na 'yan, Mr.Hermoso."
"Well, hindi rin kita masisisi kung bakit ka muhing-muhi kapag naririnig mo pa lang ang salitang 'Memoire'. But you see, my dear Jillianne, everything in this world is all about business. And in business we tend to use our heart less, to achieve a successful economic growth we have to use principles as well."
"And so?" I got his point. Using your heart less to achieve whatever you want. Madali lang kung tutuusin pero maraming kapalit, kahit na mali ang isang bagay pero kung iyon ang magiging paraan para makuha ang gusto mo, bakit hindi?
"One of the principles is 'trade can make everyone better off', let's be professionals and talk about business this time, Jillianne. If you're not going to participate in the experiment—"
"What?" nanghahamong bakas sa tinig ko.
"Your Achilles Heel—your loved ones." Ineexpect niya siguro na magugulat ako, matatakot, mangangamba pero nanatili lang akong kalmado, walang bakas ng kahit anong emosyon na hindi niya siguro inaasahan.
"And if I participate, lulubayan niyo na ang lahat ng tao na may kinalaman sa'kin." Sinabi ko kung anong gusto kong mangyari. "You'll certainly use me but make sure you'll give me my personal space."
"Why, yes." Tumangu-tango pa siya, "Kung iyon lang ba ang gusto mo, Jillianne. Mukhang magkakasundo naman tayo sa ganitong paraan."
"It doesn't mean na pumapayag na 'ko, Mr. Hermoso, I still have the right to refuse." Sabi ko.
"What else do you want, Jillianne." It feels like he's losing his temper but he remained his composure, yeah, I really caused a huge ruckus and damage and I should be grateful dahil dinadaan niya lang ako sa ganitong usapan.
"Just...just give me some time...to think." I don't know, I just wanted to go away even though I had nowhere to go. Hindi ko na rin alam pa kung anong tamang gagawin. I just...just...wanted to vanish...sa hangin, parang abo, parang bula.
"I see. Ipapahatid kita sa inyo, rest. Three hours is enough to think, Jillianne, susunduin ka ulit ng mga tauhan ko para ihatid dito at gusto kong makuha kaagad ang sagot mo." Marahan akong tumango sa sinabi niya atsaka ako tumayo at umalis. Sa labas naghihintay pa rin si Cairo, alam na niya kaagad kung anong dapat na susunod na gawin.
*****
11:16 am
I am here, lying wide awake. Pakiramdam ko kakagising ko lang mula sa isang mahabang panaginip and unfortunately, it wasn't a dream, lahat ng nangyari nitong walong nakalipas na araw—totoo. It's been hours ago since they caught us and since she died and then I am here, recumbently living, but her words were engraved down in my heart.
"As long as you feel human, cry...Jill Morie...live."
How I am supposed to live? What does it mean to live now anyway? Kinapa ko yung puso ko kung may natitira pa ba talaga sa loob nito, metaphorically, wala na 'ata. I once used my heart less—no, hindi lang isa pero maraming beses, in that way hindi ako nasasaktan, in that way madali lang sa'kin protektahan ang sarili ko mula sa mga mapapanakit na sitwasyon. Pero pinilit kong baguhin 'yon—ginamit ko ulit ang puso ko because of the hope that I could live normally. I started to smile and to trust again, I used my feelings in judgments and decisions, I believed again in the capacity of my heart, but in the end I am here, all alone, broken, shattered into pieces.
The use of this heart is bullshit.
Bumangon ako sa pagkakahiga, nag-ayos ng sarili. May ilang oras pa kong natitira. The chairman warned me to not do any such thing dahil may mga mata raw siya sa buong Sentral City, I assured him that I won't get away anymore dahil the chances are zero. Namalayan ko na lang yung sarili ko na nasa labas, naglalakad papunta istasyon ng tren—Station Six. It's still the same, maraming tao, siksikan, unahan, but it feels like home. Sometimes, home is not really a place but rather a feeling.
Sumunod akong dinala ng mga paa ko sa lugar na napakapamilyar, isa sa mga lugar na kinalakihan ko sa lugar na 'to. White Knights Academy. The school is closed, pero nagawa ko pa ring makapuslit nang subukan kong dumaan sa back entrance kung saan kayang akyatin ang hindi kataasang pader.
What I am doing here? I don't know. Dire-diretso lang akong naglalakad papasok sa loob ng building, pinapakiramdaman ang paligid, dinadama ang malamig na hangin, iniisip ko na kunwari isa lang 'tong normal na araw sa eskwela, maraming estudyante, nagbubulungan sa tuwing dadaan ako o kaya sasalubong si Aya para kulitin ako.
Reality began to distort. My vision's swirling, I couldn't do something about it. May ibang sistema na yata ang kumukuntrol sa sarili ko kung kaya't kusang gumagalaw ang mga binti ko papuntang roof top.
And there you go, nandito na nga ko sa mismong lugar na lagi kong pinupuntahan sa White Knights sa tuwing gusto kong mapag-isa. You're all alone now, Jill. Sa huli mapapagtanto mo talaga na ikaw na lang palang mag-isa, walang aalalay, walang kasama, ikaw na lang ang lalaban para sa sarili mo—na nakakapagod, nakakasawa, lalo pa't kung paulit-ulit kang sinasaktan ng mundo, paulit-ulit tinitibag ang pundasyon ng bawat sulok ng pagkatao mo.
Tama na.
Lumapit ako sa railings at humakbang sa kabilang side, nakakapit pa rin ako sa rehas at tinanaw ko ang bawat gusali ng Sentral, sumilip ako sa ibaba at kita ang kalawakan ng White Knights. Well. Ilang beses na ba 'kong tumayo sa lugar na 'to, ang kaibahan nga lang ngayon nasa labas ako ng rehas at...handang tumalon, lumipad, lumagapak, mawasak.
Handang handa na yung sarili ko sa pagtalon, walang alinlangan, walang pasubali. Sarado na ang isip.
"Jill!" Pamilyar ang boses pero hindi ako lumingon. Ganitong ganito ang tagpuan noon, ang ironic nga naman ng buhay. "Anong ginagawa mo dyan?! Magpapakamatay ka?!" At hindi ko maiwasang mapangisi dahil iyon na iyon din ang sinabi niya—sinabi ni Lily.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng isang tao na nakatayo rito?" para mas masaya, iyong sinagot ko sa kanya noon ang sinabi ko ulit ngayon.
"J-jill." Hindi ko man siya nililingon, alam kong dahan-dahan siyang humahakbang papalapit sa kinaroroonan ko, alam ni Lily na seryoso ako na 'ko sa gagwain ko. Why is she here anyway? Ang galing naman ng pagkakataon. "Please...W-wag kang tatalon." Why Lily? Bakit ikaw ang nandito?
"Ayaw mo ba, Lily? Kapag nawala na 'ko, wala ng peste sa buhay mo, masosolo mo na talaga lahat ng bagay na nasa'yo ngayon.".
"Jill ano ba! Bakit ba nagkakaganyan ka?! Bakit kailangan mong magpakamatay?!"
Lumingon na 'ko sa kanya at galit ngunit malumanay na sinabing, "Wala kang alam, Lily. Wala kang alam sa nangyayari sa'kin, at lalong wala kang pakialam kung—"
"Meron! Meron akong pakialam!" naghihisterikal na sigaw niya. "Nakakainis ka alam mo 'yon?! Nakakainis ka kasi palagi na lang ikaw! Palagi na lang ikaw yung dapat alalahanin, palagi na lang ikaw dapat yung protektahan! Pero ano? Wala kang pakialam, ni hindi mo man lang pinapahalagahan 'yon!" nagpantig yung tainga ko sa huling sinabi niya.
"What are you saying, Lily? You don't care about me at—"
"I do care for you, Jill." Napakunot na 'ko sa mga pinagsasasabi niya. "I do care for you kahit step-sister mo lang ako."
"Hindi kita maintindihan—"
"Mas wala kang alam kung tutuusin, Jill." Kumalma na siya, "Hindi mo alam na may mga taong pumuprotekta sa'yo kahit hindi mo hilingin. Tapos ano? Tapos ngayon magpapakamatay ka lang? Matapos lahat ng ginawa nilang sakripisyo para sa'yo? Mapupunta lang sa wala yung mga ginawa nila para lang sa'yo? Ang selfish selfish mo!"
Napahinga 'ko ng malalim, bigla tuloy nawala ako sa lagay ng loob dahil sa mga pinagsasabi nitong ni Lily, agaw-eksena, panira ng pagkakataon. Bumalik na 'ko sa kabilang side at hinarap siya ng walang kahit anong bahid ng emosyon.
"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya at natigilan naman siya nang makita ako, bigla siyang hindi nakapagsalita. "Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang gusto mong gawin ngayon, Lily, please, stay out of this."
"Seryoso ako, Jill."sabi niya nangungusap ang itsura, "Totoo lahat ng mga sinasabi ko. At alam ko lahat ng tungkol sa'yo, tungkol sa kapangyarihan mo, tungkol sa Memoire na gustong kumuha sa'yo, alam ko 'yon lahat."
Naguluhan ako sa sinabi niya, "H-how did you..."
"I heard everything." Medyo napangiti siya pero bakas pa rin ang pait sa mukha, "Noong nag-uusap si Lucille at Morris sa ospital, pati na rin noong araw na itatransplant sa'yo yung mga mata ni Miss Karen, nag-uusap si dad at si Albert. No one told me, but I guess it's fate na marinig ko lahat ng katotohanan tungkol sa'yo." I almost gape, ibig sabihin noong una't sapul pa lang alam na talaga ni Lily kung ano ang meron ako pero she remained quiet all this time.
"Nadiskubre ko rin kung ano talaga ang totoong pagkatao ni Morris, na meron siyang pangalawang persona na gustong sumira sa'yo, si Sio. That's why I blackmailed Morris, na kung hindi magiging kaming dalawa ipagkakalat ko kung ano ka talaga. Ofcourse, dahil mahal ka ni Morris pumayag siya sa kung anong gusto ko, but still there are times na sinasaktan ako ni Sio."
She continued, "Si dad... alam mo bang palagi ka niyang kinakamusta sa'kin sa tuwing uuwi ako? Walang araw na hindi ka niya iniisip, Jill, kasi ang totoo, ikaw at ang mommy mo pa rin talaga ang mahal niya hanggang ngayon." biglang tumulo yung luha ni Lily, "Kahit na nandito kami ni mommy, he never replaced his heart for us, alam mo ba 'yon? Pumunta siya kaagad sa Mnemosyne Institute para iligtas ka nang malaman niya na nakuha ka nila."
"Why are you telling me that this time?"
"Kaya nagagalit ako sa'yo." Hindi niya sinagot yung tanong ko, "Naiinggit ako sa'yo kasi na sa'yo lahat. Lahat-lahat ng pagmamahal na gusto ko. Pero kahit na ganon, hindi ako papayag na magpapakamatay ka lang." huminto na siya sa pagsasalita, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Kanina lang gusto kong tapusin ang buhay ko pero heto kaharap ko si Lily ngayon. Tama siya, napakamakasarili ko.
"Go home, Lily."
"Jill—"
"Stop."tinaas ko yung kamay ko bilang senyales na tumigil siya sa paglapit sa'kin, "You even followed me here para lang pigilin ako. And I've heard enough, tama na." Ano bang inaasahan niya na magiging reaksyon ko? Maiiyak? Mata-touch sa mga pinagsasabi niya? But no, I'm already jaded.
"Saan ka pupunta, Jill?" tuluy-tuloy akong naglakad palayo sa kanya pero hindi ko siya nilingon at sinagot.
*****
2:14 pm
"So?"
"I've decided to participate." Kaharap ko ulit si Chairman Hermoso. Matapos ang ilang oras bumalik ako ulit sa Black Diamond Tower para ipaalam sa kanya ang desisyon ko. "Pero gusto ko ng formal agreement, chairman."
"No problem, hija, I'll bring the papers here soon. For now wala na tayong dapat aksayahing oras, Dr.Irvin is waiting at the lab, shall we?" Tumango lang ako at sumunod sa kanya.
Ito ang tamang desisyon, kung sa una pa lang hindi ko ginamit ang puso ko sana walang nasasaktan ngayon—katulad ko.
*****
9:03 pm
"Do you think it worked?"
"We'll see when she opened her eyes."
Naramdaman ko na dahan-dahang tinatanggal sa'kin yung nakapulupot na benda. Honestly, hindi ko alam kung anong ginawa nila sa'kin matapos akong patulugin bago magproceed sa experiment, hindi ko alam kung pinalitan ba nila yung mata ko or what, basta ang alam ko may program silang dinevelop na inilagay sa mga mata ko. To see the society's future huh.
"Open your eyes, Jillianne." Dahan-dahan iminulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa'kin ang tingin ni Dr. Irvin, tinitigan ko yung mga mata niya pero wala akong nakitang kahit ano mula roon—hindi ko makita ang kahit anong hinaharap nito, anong nangyari sa mga mata ko?
"Doc, her condition was stabilized naman." Napatingin ako sa nagsalita, isang babae di kalayuan nakatayo at nakatingin sa hawak niyang tablet, naka-uniform ng katulad sa Beehive.
"Good." Pinagmasdan ko yung paligid, my sight is quite fuzzy but still I can familiarize the surroundings. There are montiors, LCD screens, weird stuffs and machines na parang katulad din ng nakita ko noon sa Beehive. Parang normal lang ang lahat...pero hindi... "Ed, monitor one." Pagtingin ko sa tinutukoy ni Dr. Irvin na monitor one, nakita ko ang isang malaking screen kung saan pinapakita nito...kung anong nakikita ko.
So, they're already recording kung ano mang masasagap ng mga mata ko. But how can I use this to see the society's future? I'm waiting for this sick bastard's explanation regarding my powers pero pinagche-check lang niya yung kung anu-anong stats sa monitors.
****
9:31 pm
Cairo is taking me somewhere, nasa Black Diamond Tower pa rin kami at tulak-tulak niya ang wheel chair na kinauupuan ko, oo, ayaw akong paglakarin ni Dr. Irvin dahil sa pag-alalang may mangyaring masama sa mga mata ko. Hindi nagsasalita si Cairo at isang himala na hindi kami nagtatalo katulad noon. Habang dinadala niya ko sa kung saan nakatanaw ako sa malaking glass windows sa gilid ko at kitang-kita ko halos ang buong Sentral city, kung gaano ito kakulay at tila hindi natutulog ang siyudad lalo pa't ito ang araw bago ang Pasko.
Sa isang silid huminto kaming dalawa, automatic na nagbukas yung pinto at pumasok kami roon. Ngayon ko lang naisipang magtanong, "What are we doing here?" pero hindi ako nakakuha kaagad ng sagot. Huminto kami sa bandang gitna ng malaking silid na parang sala.
"Anak." and then I saw him, papalapit sa'kin, si dad. Kaagad niya 'kong sinalubong ng yakap. Hindi ko alam kung anong irereact ko, nakatitig lang ako sa kanya nang kumawala siya sa yakap. Bahagyang nakaawang bibig ko, may gustong sabihin pero hindi masabi. Napansin 'yon ni dad at kaagad niyang naitindihan, tumayo at lumayo siya.
Sumunod kong nakita na ngayon ay nasa tabi na ni dad, si Miss Karen, ang siya palang nakatatandang kapatid ko. Walang inusal si ate, dirediretso lang siyang pumunta sa'kin para yumakap. Gusto kong ibalik ang yakap pero hindi magawa ng katawan ko, hindi nagreresponse ang sistema ko. Bumulong siya, "Patawad." Atsaka siya bumitiw.
"Jill." Sumunod kong nakita,si Morris. It seems like they're being held here for some time matapos ang insidente sa Mnemosyne Institute, silang mga iniwan ang dinala rito para gawing pain sa'kin. Hindi kumilos si Morris sa kinatatayuan niya, ni hindi rin niya magawang makatingin sa'kin ng diretso.
"My, my, what a touching scene." At umentra na sa eksena si Chairman Hermoso mula sa kung saan, "Jillianne, hija, dahil sa kasunduan natin, heto na ang tatlong tao na mahalaga sa buhay mo. I'll be giving you ten minutes." Ten minutes?
Walang inaksayang oras si dad at kaagad ulit siyang lumapit sa'kin.
"Jill, I-I..."
"Napanood ko na yung files, dad. Alam ko na lahat."
"How?"
"It's a long story, we've been at Sta.Helena, sa resthouse natin." Napayuko si dad atsaka huminga ng malalim.
"Take care of Lily, dad." Naubusan na ng sasabihin si dad kaya naman binigyan niya ng daan si ate para kumausap sa'kin.
"After the Christmas break makes sure that you'll go in class." Sabi ni ate, "We still have to keep it secret though—that we're sisters. The school will definitely sue me." Bahagya siyang natawa habang pinipigilan ang sarili, ang emosyon.
"Yes." I slightly smiled, "Please take care of our class..." tumango siya, "And...I'm sorry...kung hinayaan kong mamatay si Jing."
"W-what?" Tumingin siya kay Cairo na nasa gilid ko, naghahanap ng paliwanag pero wala siyang nakuha. "Jing's dead?" she said with disbelief and this time hindi na niya napigilan ang sarili, she shed a tear. Sumunod na namayani ang katahimikan. At maya-maya nang bubuka na ang bibig ni Morris para magsalita tsaka pumasok ang mga Sentinels.
"Time is up." Sabi ulit ni Chairman habang nakatingin sa gintong wrist watch niya, "Take them away."
"Saan niyo siya dadalhin?" sinubukan kong tumayo pero pinigilan ako ni Cairo.
"My, dear Jillianne, parte ito ng kasunduan natin remember? You'll come with us and you'll stay with us...forever." Wala na kong nagawa kundi hindi manlaban habang tinitingnan silang tatlo na nilalayo sa'kin.
"You're one of us now, Jillianne Morie."
10:04 pm
Tomorrow they'll conduct the first trial of Culomus. As of now ibinalik nila yung piring sa mga mata ko para raw hindi ma-stress, I'm trying to sleep pero hindi ko magawa. Medyo nararamdaman ko pa rin yung kirot dahil sa tattoo na nilagay nila sa'kin kanina, yes, the black diamond tattoo that symbolizes na parte ka ng Memoire.
Tinanggal ko yung piring na nagtatakip sa mga mata ko, tumayo ako sa kama at lumapit sa glass window at muling pinagmasdan ang ganda ng siyudad na buhay na buhay pa rin. Christmas Eve it is. Gusto kong lumabas dito. Gusto kong lumabas at makita ang mundo sa huling pagkakataon.
Lumabas ako ng silid kahit na hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa gusali na 'to, kahit na alam kong imposible. Nakita ko si Cairo na paparating, a mind reader freak like him would easily found out kung anong balak ko. At ngayon nga siya ang umaaktong personal guardian ko.
"Do you even think na hahayaan kitang makalabas dito?" salubong niya sa'kin.
"No."
"Then go back to your room, at bakit tinanggal mo yung blindfold?"
"Shut up, hindi kita nanay." Unti-unti na siyang nauubusan ng pasensya kaya naman hinawakan niya ko ng mahigpit sa braso atsaka kinaladkad.
'I'll make sure that I'll see her.'
"Who? My sister?" nang-uuyam kong sabi, biglang natigilan si Cairo at tumingin sa'kin, gulat na gulat. "Hanggang ngayon pa rin ba nagnanasa ka pa rin sa kapatid ko?"
'H-how did she?'
"Akala mo ikaw lang ang pwedeng mang-intrude ng isip ng isang tao?"
"Y-you..." binitawan niya ko at bahagya siyang napaatras.
"Anong feeling, Cairo? Nakakaasar diba?" dahan-dahan akong lumalapit sa kanya
"Stop, Jill Morie, I'm warning you, get out of my head!" umalingawngaw sa hallway yung sigaw niya, he can't accept the fact that I can also read his mind, nababaliw siya sa pag-iisip kung paano ko nagawa 'yon dahil walang alam ang Memoire tungkol sa totoong Peculiarity ko.
"What? You're trying to read my mind kung paano ko ginagawa 'to? Too bad, Cairo." Yes, I'm blocking his mind from invading mine, sana pala matagal ko nang nadiskubre na kaya kong gumaya ng kapangyarihan ng iba.
"Don't you dare, Jill Morie or else—"
"Or else? Paparusahan mo 'ko?" gustung gusto ko yung nangyayari ngayon dahil damang dama ko na natatakot siya sa'kin ngayon, lalo pa't walang kaemo-emosyon ko siyang kaharap ngayon. "Naaalala mo pa 'ba noong dumating ka sa White Knights Academy?" he's gritting his teeth already dahil wala siyang magawa, "Naalala mo pa ba kung anong ginawa mo noon sa mga kaklase ko?" hindi pa rin siya sumagot, "You mercilessly controlled them at parang puppet na kinontrol. Naalala mo pa? Ha?" nakasandal na siya sa glass window at wala ng maaatrasan pa, "You will taste my retaliation."
10:59 pm
"Ihinto mo rito yung sasakyan." Utos ko na kaagad niyang sinunod. "Wala kang ibang gagawin kundi maghintay dito." Sabi ko at tumango lang si Cairo. Nagawa kong makalabas ng Black Diamond Tower dahil sa ginawa kong pagkontrol kay Cairo, I used his powers against him para lang dito.
Cathedral de Sentral. Dito ko naisipang pumunta sa 'di malaman na dahilan. Huling araw ng simbang gabi bilang selebrasyon ng kapanganakan ng tagapagligtas. Maraming tao, at hindi kapansin-pansin ang presensya ko sa paligid, hanggang entrada lang ako dahil maraming tao sa loob. Kitang kita ko ang malaking krus sa altar, mga nagniningning na ilaw at mga nag-aawitang anghel sa loob nito.
Nagbalik alaala sa paningin ko lahat ng pinagdaanan ko, higit pa sa nangyari nitong nakalipas na walong araw, ang sakit na paulit-ulit. Bakit mo ako pinabayaan?
Hindi tumigil ang pagbabalik alaala. Hanggang sa dumaan ang maraming tao dahil tapos na ang misa, sa gitna ng pagdasa ng mga tao narito ako. Pero maya-maya may maling nangyayari sa mga mata ko, bawat mata ng mga taong dumadaan ay tila hinihigop ng mga mata ko. Ano 'to? Paano ko 'to kokontrolin? Hindi ko magawang pumikit dahil tuluy-tuloy, kumukonekta sa isa't isa na parang sapot, walang katapusan.
To see the society's future. Maybe ito na 'yon. And to see this from afar is unexpectedly worst. Finally, I shut my eyes. Pero hindi ko na mababawi kung ano yung mga nakita ko na mangyayari kinabukasan sa Sentral—isang malupit na trahedya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top