/70/ Jing Rosca

I opened my eyes and started to feel sore, ang sakit ng ulo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. The next thing I knew is nakahilig pala ako sa balikat niya, umayos ako ng upo para matingnan ang nahihimbing niyang mukha—tila nagbabalat kayong anghel na anyo ni Cloud, kailan pa siya tumabi sa'kin? Kanina pa siguro natapos yung shift niya sa pagmamaneho dahil himbing na himbing siya sa pagtulog.

Nakita ko nga sa unahan na si Dean naman yung nagmamaneho, at katulad ko kakagising lang ni Jing. Si Eliza na nakatingin sa kawalan, I don't know if she slept too, sa kanan niya nakasandal si Vicente na humihilik pa habang natutulog at sa kaliwa niya naman nakasandal si Palm.

I found ourselves back on track again, still running away and nowhere to go. Alam ko papunta kami ng Sentral city ngayon para tapusin ang lahat, pero pagkatapos? Ano nga ba ang kasunod? Saan ba talaga kami pupunta?

"Hoy." Jing called, tumingin ako sa kanya, nakahalukipkip habang nakasandal sa upuan, "Siguro naman handa kang depensahan ang katotohanan na hindi ka naman namin kinidnap—kung sakaling dumating tayo sa punto na 'yon." Noong una hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin, then I just remembered the news a while ago. Hinahabol na kami hindi lang ng Memoire pati ng mga otoridad ng Sentral city, at kabilang sa agents si Uncle Julius ang kapatid ng foster mom ko.

"What kind of question is that, Jing." Sagot ko sa kanya with disbelief.

"Alam ko, ang istupida ng tanong ko diba?" pag-aadmit naman niya sa sinabi ko, inuntug-untog niya pa yung ulo niyang nakasandal sa upuan habang nakatingala sa kisame ng minibus, pagkatapos hindi na siya umimik pa.

"Nasaan na tayo, Dean?" tanong ko.

"Kakalagpas lang natin ng pinakadulo ng istasyon ng Daambakal, yung Sta.Maria." Oh, ibig sabihin lagpas limang oras na kaming bumabyahe, at malapit-lapit na kami ng kaunti sa Sentral, kasunod na istasyon ang Sta.Helena.

I stood up carefully para hindi maabala sa pagtulog si Cloud, lumipat ako sa upuan di kalayuan kay Jing, tumabi ako sa bintana at sumilip sa labas. Outside the window I could see the flickering and sparkling lantern lights hanging in trees and houses and then I almost forgot—it's two days before Christmas.

Naalala ko tuloy bigla yung Christmas party ng klase namin noon sa roof top ng White Knights Academy, I never thought that would be the last time. Meanwhile, in Sentral City, I've been missing for eight days since the Night Out, at walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko roon kung ano ba talagang nangyayari sa'kin including Baldo and Stephen. At si dad... mas lalong wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa 'anak' niya ngayon. Imagining that they'll celebrate Christmas without me hurts, for the second time na wala ako sa bahay sa darating na okasyon.

"Guys." Hindi rin ako naging handa sa sarili ko nang tawagin ko sila, but it's too late, nagising na sila Vince, si Palm at si Cloud, sila Eliza at Jing na nakatingin sa'kin.

"Bakit? May problema ba, Jill?" tanong ni Cloud, nakakunot ang noo marahil ay nagtataka kung bakit bigla akong nawala sa tabi niya.

"There's a place that I want to go." With all honesty sinabi ko sa kanila kung ano talaga ang nasa isip ko. Jing looked at me with a grimace in her face, halatang halata na hindi nagustuhan kung anong sinabi ko.

"Saan at Bakit?" tanong ni Eliza, as usual with her cool state, minsan naisip ko na para siyang si Miss—Ate Karen, wala kang mababasa na emosyon sa mukha.

"Gusto kong pumunta sa rest house namin." Or mas tamang sabihin na rest house na pagmamay-ari ni dad. Namayani ang katahimikan pagkasalita ko, wala kaagad nagreact.

"Rest house?" si Palm ang unang bumasag ng katahimikan.

"Alam mo, Jill Morie, hindi tayo mga bakasyonista." Si Jing, tutol nga talaga sa sinabi ko. "We're being after by not just only Memoire but also the police."

"Bakit, Morie?" tanong ni Cloud.

"I..." I took a deep sigh first bago ko tinuloy yung sasabihin ko, "I just want to go there. That's all."

"Saan ba yung rest house niyo?" tanong ni Dean na sumulyap pa sa rear-view mirror.

"Coincidently, dito lang sa Sta. Helena." Nagkatinginan sila, hindi alam ang isasagot. Hanggmo rin ba ang sa tumikhim si Cloud.

"Then...tara?" sabi niya, tsaka ngumiti. Napasampal sa noo si Jing, sila Eliza naman ay walang reaksyon.

"Ako. Okay lang sa'kin." Nagsalita si Vince sabay halukipkip, tumingin sa mga katabi, "Wala naman sigurong problema ron diba, kambal? Palm?"

Hindi sumagot si Eliza pero tumango si Palm, "Ah... sabagay." Ang tanging nasabi ni Dean. Si Jing na lang yung hindi nagsasalita kaya lahat kami hinihintay kung anong sasabihin niya.

Kung tutuusin I don't see any valid and rational reason para pumunta kami sa rest house namin dito sa Sta. Helena, Jing's right, hindi kami bakasyonita and not just because I want to go there, it's meaningless...pointless...careless.

"Nah, nevermind, forget it." Sabi ko, "Keep going, Dean."

"Sinabi mo na eh, babawiin mo pa." nagulat ako sa sinabi ni Jing kaya napatingin kaming lahat sa kanya. What is she trying to imply? Medyo magulo. Sumasang-ayon na ba siya samantalang kanina lang kontra siya sa sinabi ko. "Saan yung rest house, ituro mo kay Dean yung direksyon."

"Seryoso ka ba, Jing?" hindi ko maitago yung tawa ko dahil sa lakas ng mood swing niya, pero inirapan lang niya 'ko. I just shook my head, sinabi ko kay Dean kung saan yung lugar. Wala pang isang oras ay binabaybay na namin ang isang liblib na lugar, literal kasing nasa gitna ng kakahuyan yung rest house, hindi ko alam kung sinadya 'yon ni dad na ipatayo sa ganitong katagong lugar which is somehow naging advantage para sa'min ngayon dahil nagtatago kaming pito.

"Siguro, ito na 'yon, ano? Wala namang ibang bahay dito kundi ito lang?" tanong ni Dean matapos ihinto yung minibus. Umibis kaming lahat at tumambad sa'min ang isang two-storey wooden rest house, walang katau-tao at halatang nilampasan na ng panahon.

"Ito nga." Pagkumpirma ko sa kanila. It's been ages since I last went here, siguro thirteen or fourteen years old ako noon, thank goodness my memory's clear enough to remember kung nasaan ito. Wala ka halos maririnig kundi mga kuliglig, ang malamig na malamig na paligid, at tanging mapanglaw na ilaw ng iilang poste ang umiilaw sa paligid. I can say it's almost peaceful.

As usual, using Jing's powers nagawa naming makapasok sa loob ng walang problema, si Cloud yung nag-on ng switch ng kuryente, while si Dean ulit yung gumawa ng apoy sa fireplace, Eliza assisted Palm, habang kami ni Jing kinuha yung ilang natirang supplies sa minibus.

"I guess we should stay here overnight." Sabi ni Cloud habang nakapamulsa, nasa porch kaming pito dahil hinihintay namin si Eliza na matapos sa sensing process niya.

"Duh, Cloud, ano ka ba, hindi naman tayo nagcheck-in dito para sa isang oras lang diba?" sarcastic na sabi ni Jing habang umiiling.

"Sorry na, chill ka lang." sagot naman nito atsaka bumaling sa'kin, "Jill, may mga blankets ba kayo rito? Ang lamig kasi eh." Niyakap niya yung sarili niya, "Okay lang kung wala, yakap mo na lang pwede pa." akma niya kong yayakapin pero tinulak ko siya.

"Tumigil ka nga," sabi ko, "Maraming blankets na nakatabi sa mga kwarto, Dean, ikuha mo nga 'tong lalaking to."

"Copy." Wala pang ten seconds nakabalik si Dean na may dalang blanket, kinuha ko yon at hinagis sa mukha ni Cloud.

"Grabe ka, Jill." Pag-iinarte pa nito na parang batang inagawan ng kendi.

"Hoy, hoy, kayong dalawa, wag na nga muna kayong maglandian dito pwede ba?" sumingit bigla si Jing, nakapamewang pa. Urgh, what an annoying woman.

"Excuse me, hindi kami naglalandian." Sabi ko.

"Sus, wag mo na i-deny." Pang-aasar pa ni Cloud.

"Bitter lang yang si tandang Jing." Sumingit na rin sa usapan si Vince.

"Bitter?! At anong tandang Jing?! Ikaw gusto mo talagang mahati yang bungo mo?" pagkatapos sinabunutan ni Jing si Vince.

"Guys, wag kayong maingay, hindi makapagconcentrate si Eliza." Natahimik kami ng mang-saway si Palm na katabi si Eliza.

"Ang tagal naman, Eliza, naninigas na kami sa lamig." Reklamo ni Dean. Maya-maya humarap na sa'min si Eliza, tapos na siya sa 'orasyon' niya.

"For now, we're safe, wala naman akong nasense na kahit anong kakaiba o threat galing sa malayo, makakatulog tayo ng mahimbing tonight but we must still be guarded." Sabi ni Eliza at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob. Pinatay din namin yung mga ilaw sa poste sa labas, tapos sinarado naming mabuti lahat ng mga pintuan at bintana ng rest house, to make sure na walang makahalata sa labas na may tao sa loob.

After eating some stuffs that we have, natagpuan namin ang mga sarili namin sa common room, kanya-kanyang pwesto habang pinagmamasdan ang nagbabagang apoy na nagbibigay galamgam.

Suddenly, Jing ached, we became worried when we noticed her back, kanina pa pala niya iniinda yung injury na tinamo mula sa labanan nila ni Finnix sa gubat. Of course, Palm quickly stood up, inalalayan siya ni Dean na pumunta sa tabi ni Jing. Pinahubad ni Palm yung army green na coat na suot ni Jing, bale nakaitim na sando siya. Naexpose tuloy yung balikat niya na may bruises at hindi ganon kalalang thermal injury.

Palm touched her skin and we can clearly see that it glows, unti-unting naghihilom ang mga sugat ni Jing. Habang ginagamot, hindi ko maiwasang mapansin yung tattoo sa kanang balikat niya, pangalan 'yon, cursive ang font, 'Rosel'. Napaisip tuloy ako. Jing Rosca. First name niya ay Jinnie kaya Jing, so second name niya yung Rosel kaya Rosca?

"Anong problema niyo?" maataray niyang sabi sa'min, nahuli niya kasi kaming nakatingin sa balikat niya. Si Cloud na katapat ko ay biglang natawa, ano naman kayang nabasa nitong mind reader na 'to.

"Ahh... nice tats." Sabi ni Vince, parehas nga kaming napansin yung tattoo niya, "And nice name, though hindi bagay sa'yo." Di mo mawari kung nang-aasar ba pero halatang assumption niya lang yon.

"Hindi ko 'yan pangalan." Himalang hindi siya nainis sa sinabi ni Vince.

"Huh? Kung ganon, sino si Rosel?" nice move Dean, we're dying to know too. Nanahimik bigla si Jing, nag-iwas ng tingin.

"Uyy, ayaw sabihin." si Vince, sinundan ng mahinang pagtudyo, "Maybe it's her boyfriend's name."

"Boyfriend? Ang feminine nga ng pangalan tapos boyfriend?" kontra ni Dean kay Vince. Nakita ko si Cloud na parang sasabog na pagpipigil ng tawa, I glared at him to drop it pero mukhang di natinag.

"Kung hindi boyfriend edi baka girlfriend, ganon lang kasimple yon Dean." Sabay-sabay kaming napatingin kay Eliza na parang nagbitiw ng mga bombang salita. Natameme kaming lahat. Pagkatapos narinig ko yung halakhak ni Cloud.

"Ang cute niyo." Sabi niya at nagpupunas pa ng luha. Siya lang yung natatawa dahil wala namang nakakatawa.

"Cloud." Saway ko sa kanya at napatakip lang siya ng bibig.

"Weh? Seryoso, may girlfriend ka Jing?" An insensitive approach by Vince ano pa nga ba.

"Bakit, may problema ba 'ron?" casual na sagot ni Jing, hindi galit, hindi naiinis, parang wala nga lang sa kanya.

"Wala." Mahinang sagot ni Vince, tapos tumiklop na.

"So, you mean, you're not straight, you're a gay?" come on Dean, isa ka pang insensitive jerk and lack of inner monologue, ako yung nahihiya para sa mga tinatanong mo. Seriously.

"You, people, don't have any clue kung sino talaga ako." Nang matapos siyang gamutin ni Palm isinuot niya ulit yung coat, pagkatapos ay sumandal,dumekwatro at humalukipkip.

"Who would? We just met you for two days." Prangkang sagot ni Eliza, "Well, maliban sa kanila." At ininguso niya kami ni Cloud.

"I don't really have an idea." Sawakas nagsalita rin ako, "I thought you, Jing, and my uncle Julius had an affair." Naalala ko kasi noong minsang pinuntahan ko si Jing sa isang bar sa Sentral city, nakita ko si uncle na nagpaabot ng flowers para sa kanya.

"What? Tiyuhin mo yung lalaking 'yon? Si Julius Fajardo?" I just nod then she grinned for some reasons.

"Yes." Pagkatapos nanahimik ulit kaming lahat, awkward. Gusto ko pa sanang magtanong tungkol sa kanya dahil bigla akong nacurious.

Narinig namin na napasipol si Dean, "That was unexpected, Jing, hindi naman kasi halata sa itsura mo na...na...lesbian ka kasi maganda ka naman pero mas maganda si Karen siyempre, haha ano bang pinagsasabi ko." parang ewan tong si Dean.

"Napaka-judgmental niyo." Saad ni Jing. Judgmental? Hinuhusgahan ba namin siya? "Wala kayong alam."

"Bakit kasi hindi mo ikwento?" suggestion ni Cloud, seryoso na yung itsura niya.

"Oo nga, handa naman kaming makinig eh." Sinundan iyon ni Palm. I don't know if getting to know Jing is a good idea, pero nakucrurious ako.

Himala kung himala dahil napakwento namin ng wala sa oras si Jing, kahit noong una pinipilit niyang wala naman na raw saysay ang nakaraan kaya bakit pa niya ikukwento, pinilit lang siya nila Dean, Cloud at Vince kaya sa huli namalayan na lang namin na nakikinig kami sa kanya.

Sinimulan niya ang kwento sa ampunan, kung paano niya nakilala si Ate Karen, Cairo at iba pang mga kababata niya, katulad ng nasa sulat ni ate noon, sa bakuran ng ampunan ipinamalas ni Jing sa unang pagkakataon na palutangin ang bato. Hanggang sa nakilala niya ang daddy ko, si Dr. Richard Morie, sa pagnanais na magkaroon ng pamilya, nagpakitang gilas siya sa bawat eksperimento, unti-unting natuto at nakontrol ang mumunting kapangyarihan. Ngunit sa huli nalaman niya na ang kapatid ni Karen ang inampon nito, walang iba kundi ako. Sa kabiguang magkaroon ng pamilya na kukupkop sa kanya, naglayas si Jing sa Sta.Helena orphanage at kahit kailan hindi na siya muling nakita pa.

"Anong nangyari sa'yo nung lumayas ka sa ampunan?" tanong ni Palm pagkatapos nitong ihinto ang kwento.

Jing continued her story. She's retelling her past without any traces of emotions in her face, but still, we could see through her. The pain is still there. May mga nakaraan kasi na kahit tapos na, pero sa tuwing aalalahanin mo hindi mo pa rin maiiwasang masaktan.

After running away, nagpalabuy-laboy daw siya sa daan, kung saan-saan napadpad, but she never used her powers anymore dahil nag-papaalala raw 'yon sa kanya kung paano siya ginamit ni dad sa research nito, kaya pinilit niyang kinalimutan na 'espesyal' siya, pero akala lang niya 'yon. Years passed, when Jinnie was a teenager, she was recruited by an old woman—recruited as a prostitute. Of course, gulat na gulat kaming lahat pagkatapos niyang sabihin 'yon. Sabi niya pa pwede namin siyang tawaging whore o prosti pero hindi siya pokpok dahil magkaiba raw ang depinisyon ng dalawang 'yon.

Wala namang umimik sa'min dahil parepareho kaming nabigla sa mga kinukwento niya. She still continued, kahit na gusto na namin siyang pahintuin, hindi na pwede, wala nang makakapigil sa kanya.

Uncle Julius came into the picture, nang minsang pumunta ang grupo nito sa bar nila para magkasiyahan; Jing said that he was the only guy who treated her with great respect, and she appreciates it, pero hindi niya binigyan ng malisya yung nangyari sa kanila dahil para sakanya trabaho lang 'yon. Hindi ko lang masabi na hanggang ngayon may gusto pa rin sa kanya si uncle, ang irony nga naman ng buhay. That time, gusto na niyang umalis sa trabaho niya, pero ayaw siyang bitiwan ng amo niya kaya hindi sinasadya, napatay niya ito. She was covered up by a woman named, Rosel, and because of fear on what lies ahead, they both runaway together.

It became more than friends, Jing said. Naging sandigan nila ang isa't isa, at natagpuan ang mga sarili na nagmamahal. She can't remember kung kailan at paano naging, basta naging masaya siya kahit papano. An unseen tragedy came, due to terminal illness, Rosel died. Later on, Jing found herself alone in darkness again. She gained her powers back when someone tried to assault her, atsaka niya napagtanto, after all those years, she's powerful than expected.

Taon na naman ang lumipas hanggang sa matagpuan siya ng dating kababata, walang iba kundi si Cairo. Direkta siyang niyaya nito na sumama siya sa Mnemosyne Institute, at dahil nga wala na siyang ibang mapupuntahan ng mga oras na 'yon, kaagad siyang pumayag without knowing kung anong meron sa lugar na 'yon at kung ano ang Memoire. At MIP, she met 'The Carnies', sila Seraphina, Finnix, Otis, at Pascal, sila yung first batch na narecruit ni Cairo including his twin brother, Pacifico and Sylvia na isa pa niyang kababata. Biglang pinutol ni Jing yung kwento nang magtanong siya sa'min.

"Hindi niyo man lang ba itatanong kung bakit 'Rosca' ang napili kong bagong pangalan sa MIP?" hindi niya na kami hinintay sumagot, "Sa buong buhay ko, dalawang tao lang ang minahal ko." sinadya niyang bitinin para mapatanong kami kung sino 'yon, "Si Rosel...at Cairo."

Feeling ko nasa roller coaster of emotions kaming lahat, at katulad ulit kanina, nagulat na naman kaming lahat, though kami ni Eliza hindi ganon kaexpressive sa tuwing nagugulat unlike Vince na laging nagrereact. Teka, si Cairo? Seriously? Anong meron sa lalaking yon at nagkagusto sa kanya si Jing at ang kapatid ko? Wala akong makitang valid reason para mahalin yung ganong klase ng tao, pero wala eh, pag-ibig.

She didn't explain the revelation she told, na kaya pala may 'Ca' sa 'Rosca' dahil si Cairo yon.

The last part of the story, her life at MIP, regardless of what's wrong or right, sunud lang ng sunod si Jing under ng Memoire. Nalaman nga niya yung tungkol kay Ate Karen, na dinala ito ni Cairo sa MIP para sa isang malaking experiment. She never showed herself to my sister simply because dahil galit siya sa uganyan na meron ito at si Cairo, sino ba namang hindi magagalit na kapag nalaman mo na yung taong gusto mo ay hindi na magiging iyo diba? At inamin niya nga samin na isa siya sa mga kampon ng Memoire na pumigil sa jailbreak na idinaos ni Pacifico three years ago, hindi naman nagalit sila Dean.

At ang huling misyon niya nga sa MIP ay kuhanin ang tiwala ko para makuha nila ko. At doon nagtapos ang kwento ni Jing, hindi na niya ipinaliwanag kung bakit at heto kasama at kakampi na namin siya ngayon. And...maybe that's enough.

"Magpapahangin lang ako." Paalam niya matapos ang ilang minuto, tumayo siya at umalis ng common room. Naiwan kaming anim habang sinusundan siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makaalis.

"Honestly, nag-iba yung tingin ko sa kanya pagkatapos niyang ikwento yung buhay niya." Nakapangalumbaba, sabi ni Vince, hindi mo mawari kung naaawa o nalulungkot. Wala nang nagsalita pagkatapos.

Well, Vince is not the only one who thought that way. Hindi ko rin naman sukat akalain na ibang klase ang pinagdaanan niya. But one thing's I'm sure of, we finally understand the pain inside her, kung bakit siya ganito ngayon, kung bakit ganon siya magsalita, kumilos. She was shaped cruelly by life, her heart was filled with loneliness, and I must be thankful somehow na hindi tulad niya na nakain ng tuluyan ng kadiliman ang puso ko.

At...dapat nga bang sisihin si dad sa nangyari sa kanya? Dahil si Dr. Richard Morie ang pinakaugat ng galit na dinadala niya hanggang ngayong kasalukuyan.


*****


Madaling araw. Wala pang natutulog sa'ming pito, hindi pa rin bumabalik si Jing, naglalaro sila Cloud ng Games of the General sa common room, kaya hindi na nila napansin na umalis ako at pumunta sa second floor. Pinuntahan ko yung office ni dad to be exact. May gusto lang akong hanapin na journal ni dad.

Sa office table niya hindi ko maiwasang tingnan yung lumang family picture namin, pero isinantabi ko muna 'yon at kinalkal ko sa shelves niya yung mga libro, papeles, documents, etc. Hangga'ng sa matagpuan ko ang lumang leather brown notebook, 1998 ang naka-imprenta sa cover nito kaya feeling ko ito nga yung hinahanap ko.

Pagkabukas ko ng journal, may nalaglag na kinakalawang na susi, 'attic' ang nakalagay sa tag nito. Iniscan ko muna yung nasa loob ng journal, may mga lumang larawan ding nakadikit. Ito nga yung hinahanap ko. Dahil researcher si dad, alam kong gumagawa siya ng mga ganitong journal. May larawan na nakaipit, yung larawan na nakita ko noon sa Sta. Helena orphanage, yung litrato ng anim na bata.

At bawat isang bata ay may profile,

Jinnie Gregorio

Binasa ko yung mga nakasulat. Napangiti ako. Jing should see this. Hindi para macompensate yung feelings niya, dahil kailangan niyang malaman kung anong mga nakasulat dito. She deserves to know that after all these years, my father is always proud of her.

Hinanap ko siya at natagpuan ko siya sa balcony, nagyoyosi. Hindi niya kagad napansin na nakalapit ako sa kanya.Walang Sali-salita inabot ko sa kanya yung journal.

"Ano 'to?" tanong niya?

"See it yourself." Sabi ko atsaka ko siya iniwanan.

Babalik na sana ako ng common room pero naalala ko yung susi ng attic na nasa kamay ko. Curiousity strikes again. Bakit nakaipit ang susi na 'to sa journal na 'yon in the first place? Coincidence? Or sinadya 'yon ni dad? Well, wala namang masama kung ichecheck ko hindi ba?

Natagpuan ko na lang yung sarili ko na umakyat sa attic habang may dalang flashlight, hinanap ko yung switch ng ilaw. At pagkabukas ko tumambad sa'kin ang malinis na attic, may lamesa at mga upuan, inaasahan ko kasi na tambakan 'to ng mga lumang gamit pero hindi. Maliban sa isang kahon na nakapatong sa lamesa.

Bababa na sana ko kung hindi ko lang napansin na nakasulat sa kahon, 'Jill's secret'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top