/7/ His Eyes
What is a friend to you? And how are you as a friend? (Include an s-lv-c pattern)
HOW ironic. Sa dinarami-rami ng pwede kong mabunot na tanong sa class recitation ni Miss Karen, 'eto pa? Hindi ko alam kung talagang nananadya yung tadhana at ito talaga ang nakuha ko. Nakatayo ako sa pwesto ko, ramdam kong nakatutok lahat ng mga mata nila sa'kin. Hinihintay ang pagbuka ng bibig ko na anumang sandali'y magbibitaw ng mga salita. Meron lang akong isang minuto para mag-isip ng sagot.
What are friends anyway?
Someone you need? Someone you could hang out with? Someone who cared about you? Someone you could talk to? Someone you could fight with? Someone who listens? Who keeps your secret? Who keeps promises? Sila ba yung nandyan lang kapag may kailangan? O yung mga taong hindi ka iiwan?
Friends...Ano nga ba sila? Wait. Do I even have one?
Nagdiretso ako ng tingin, tama nga ko, nakatutok ang mga mata nila sa'kin, hinhintay akong magsalita.
"Go Morie," narinig kong sabi ni Aya, cheering me up. She considered me as her friend but does she know if I felt the same way? Hindi lahat ng taong nakakausap at nakakasalamuha natin ay matatawag mo ng kaibigan. Do I really have to answer this question or not?
Hindi ko alam ang sagot. Sa dami ng iniisp ko, walang may gustong kumawalang salita mula sa bibig ko. Anyway, hindi ko pa naman binabasa yung nabunot kong tanong. Kaya ang ginawa ko ay binago ko ang sarili kong tanong. I know it's not fair. Well, freedom ko pa rin na hindi sumagot. Some questions were meant to be unanswered. Hindi dahil hindi mo alam ang sagot, dahil sa nakaraang hindi mo matatakasan.
Once, I have friends but like a shadow, they're with me in the light but when the darkness came―they vanished. May mga mananatili sa alaala mo pero hindi sa tabi mo. Nasaan na sila? Kasama ko sila sa klase na 'to ngayon, pero wala ni isa sa kanila ang nanatili hanggang sa kasalukuyan. Pity me.
*****
NAKARINIG ako ng mga yabag na paparating mula sa likuran. Sino pa nga ba ang ibang laging gumagambala sa pananahimik ko rito sa library? At kung inaakala niyang natuwa ako sa ginawa nya noong isang araw, pwes hindi. "Hey Jill Morie...Might as well, might as well..be mine." Hindi ako natutuwa sa laro niya.
"Get lost, Cloud." sabi ko. Walang sumagot. Narinig ko lang na hinila niya ang isang silya di kalayuan sa pwesto ko atsaka umupo.
"So." Suddenly, my heart jumps. That voice. "You're expecting him, Jill."
George Morris. Ang seatmate ko.
Naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni Morris. Nagtatanong ang isip ko. Bakit? Anong ginagawa nya rito? At paano nya nalaman?
"Bakit iniba mo yung tanong kanina?" sabi niya, "bakit hindi mo sinagot yung tanong sa'yo?" wait, alam niya na iniba ko yung sagot kanina?
"Dahil.." sabi ko, "hindi ko alam."
"Hindi mo alam?" marahang tumawa si Morris, anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Friends are like a treasure, mahirap silang hanapin, pero napakaespesyal. If you are a friend, it means you were chosen. You were chosen to stay in someone's life. Hindi ko makakalimutan ang quote na yan. Kasi, ikaw ang nagsabi nyan, Morie.Tsaka dyan naman tayo nagsimula."
Ayoko na.
"Alam kong ang weird, nandito ako ngayon nakikipag-usap sa'yo. Samantalang sa classroom, hindi na tayo nag-uusap." parang hindi ako makahinga sa bawat salitang binibitiwan ni Morris. Tumayo ako at aalis na sana pero mabilis nya kong napigilan sa braso.
"Hindi mo pa rin ba maalala? Bakit hindi mo ko maalala?" pinilit niyang hinaharap ako sa kanya pero yumuko ako. Nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak nya sakin,
"Alam mo bang nahihirapan ako. Nahihirapan akong makita kang ganyan!" dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, tiningnan ko sya..sa mga mata. And the moment I laid my eyes on his—wala akong makitang hinaharap. Pero isang nakaraan. Nakaraang hindi ko na ginugustong maalala.
I shut my eyes.
"Bitawan mo ko." sumasakit yung lalamunan ko, hindi ko alam kung bakit. Hindi pa rin ako binibitawan ni Morris. "T-tumigil ka na, please."
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kinuha ko ang pagkakataon para mabilis na umalis sa lugar na 'yon. Pero kahit anong gawin ko, nakikita ko pa rin ang mata ni Morris, kung ano yung nasa loob ng mga mata niya. Hindi ako makatakas.
Sa lahat ng mga mata, kay Morris ang pinakakinatatakutan ko. Sapagkat sa di maipaliwanag na dahilan, nasa mga mata niya ang nakaraang matagal ko ng tinatakasan, ang nakaraang hindi na maibabalik pa.
At para sa'kin, wala ng rason pa para balikan ang nakaraan na 'yon.
*****
MASASABI kong hindi normal ang araw na 'to. Gusto kong mahiga, matulog, makalimot. Binuksan ko yung pinto ng apartment ko at pumasok. Teka. Binuksan ko agad ang switch ng ilaw.
"Anong ginagawa mo rito?" sabi ko habang nanatili siyang nakatalikod sa'kin.
"Bakit?" dahan-dahan siyang humarap. She smiled. It always annoys me."...masama bang dalawin ang ate ko?"
"What do you want, Lily."
###
(Lily)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top